webnovel

Chapter 19

Crissa Harris' POV

Nagkatinginan kaming apat. Pero sakin sila mas tumitig. Para bang ipinapahiwatig nila sa mga tingin nilang iyon na ako ang dapat mag-isip ng kung ano ba ang gagawin namin.

"Oh, anong tinitingin-tingin nyo dyan!? Ako pa ba dapat mag-isip ng gagawin!?" pagdepensa ko sa sarili ko. Makatingin kasi talaga tong mga to e parang akala mong ako talaga ang dapat mag-isip! Ako lang ba may utak dito ha!? Ako lang!?

Pero teka. Ako naman talaga dapat ang mag-isip ng gagawin diba? Kasi ako yung leader? At ako naghaltak sa kanila dito? E ano ba tong inaarte-arte ko pa?

Hehehe. Epekto lang siguro ng gutom to.

"Joke lang yun. Hehe. Syempre naman may naisip nako." nagpacute ako sa kanilang tatlo tapos naglakad nako papalapit dun sa pintong nakasara.

Nung pihitin ko yung knob, nakalock.

"P-please.. Umalis na lang kayo. I-iwanan nyo n-na lang ako dito. W-wala naman kayong m-mapapala sakin e.."

Tumingin ako kila Elvis tapos ibinalik ko rin uli yung tingin ko dun sa pinto.

"Miss, wag kang mag panic, okay? Hindi ka namin sasaktan. Buksan mo tong pinto."

"At paano n-naman ako m-makakasiguro na totoo yang s-sinasabi mo?"

"Hindi mo talaga malalaman kapag hindi mo binuksan tong pinto at hindi mo kami pinapasok. Miss, please listen. We'll help you."

"A-ayoko! Wala akong tiwala sa inyo!"

Anak ng pitumput-pitong puting tupa. Ang hirap kausap ng babae na to. Ano nalang gagawin nya dyan sa loob? Magkukulong hanggang sa amagin at uurin na yung katawan nya?

At wala pa raw syang tiwala samin ah? Ano ba kami sa tingin nya, isang grupo ng mga sindikato at mamamatay tao? Napaka judgmental! Ni hindi nya pa nga kami nakikita e! So ibig sabihin, boses palang namin, kahina-hinala na!? Nagmamagandang loob na nga kami, pag-iisipin nya pa kami ng masama!? Aba teka.

Huminga ako ng malalim. Bumwelo ako ng buong giting at buong giting ko ring sinipa yung pinto. Unbelievable. Nabuksan ko yun ng isang sipaan lang. Wasak din yung knob.

Pagtingin ko sa baba, may nakasalampak na babae. Nakaupo sya sa sahig at nakasandal dun sa mga locker. Para syang takot na takot na ewan. Nangingilid yung luha sa mata nya at nanginginig sya. May nagkalat din na ilang gamit sa tabi nya.

"Miss, okay ka lang ba?" lumapit ako sa kanya at lumuhod ako sa harapan nya. Actually, joke lang talaga yung pagmamaldita thingy ko kani-kanina. Effect lang yun.

Dahan-dahan syang tumingin sa akin. At nung madako yung tingin nya dun sa baril na hawak ko, bigla nalang syang humagulgol ng iyak.

"S-sinasabi ko na nga ba e. K-kasama rin nila k-kayo.."

"Kami? Kasama nino?" takhang tanong ko.

"W-wag na kayong magkunwari! Patayin nyo nalang ako!"

"Ikaw? Papatayin namin? Baliw ka ba? Alam mo miss, nagkakamali ka lang ng inaakala mo. Hindi kami kasama ng kung sinong masasamang tao. Hindi kami nagpunta dito para saktan ka."

"Eh anung ginagawa nyo dito?" tanong nya. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala sya ng shirt na may logo ng convenience store na to.

"Nandito kami para sa pagkain. Naubusan na kami. At taga-dyan kami sa village." sabi ni Elvis at lumapit na rin sya sa amin. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nya.

"Yun ang totoo. Wala akong idea kung anong nangyari sayo at kung bakit parang takot na takot ka. Pero miss, hindi talaga kami kasama nung mga tinutukoy mo. Hindi kami masama at hindi ka namin sasaktan." pagpapaliwanag ko.

Mukhang nakuha naman na namin finally ang loob nya. Nakita kong kumalma na sya at isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nya.

"P-pasensya na. Akala ko talaga kasi, kasama nila kayo. May baril din kasi kayo e.." nakayukong sabi nya. Hinawakan ko naman yung baril ko at ipinakita ko sa kanya. Bahagya pa syang napapikit at napailag nang gawin ko yun.

"Ito ba? Wag kang matakot. Hindi namin to ginagamit sa tao."

"Oo nga, miss. Hindi ko alam kung okay lang sayo pero, pwede mo bang ikwento samin yung buong detalye nung tinutukoy mong mga tao?" tanong ni Elvis. Mukhang nag-alangan pa yung babae. Pero maya-maya lang din, tumango na sya sa amin.

"Okay. Dun nalang tayo sa labas mag-usap." sabi ko at lumabas na ko sa kwartong yun. Inalalayan ni Elvis yung babae para makaupo dun sa upuan ng isang table.

Nilapitan naman kami ni Alex at Renzo na nakikinig lang at nanonood kanina sa amin.

"Crissa, sa labas muna kami. Baka may umaaligid nang mga undead e. Magbabantay muna kami." - Alex

"Oo nga. Baka may tumangay din sa sasakyan natin." - Renzo

"Go ahead." sabi ko at ibinalik ko na uli yung tingin ko dun sa babae na nakaupo sa harap namin ni Elvis.

"Undead? Yun ba yung mga zombie?"

"Oo. Sila nga. So, ikwento mo na samin kung ano talagang nangyari sayo." tanong ko.

Huminga sya ng malalim at sandaling yumuko.

"Friday night, graveyard shift ako dito. Normal na gabi lang yun para sakin at dun sa security guard at isa pang cashier na kasama ko dito. But not until hanggang sa maghatinggabi. Pagpatak ng 12mn, bigla nalang nawalan ng kuryente. Total blackout ang nangyari dahil bigla talagang nagdilim ang buong paligid. Ang tanging ilaw lang na natira ay yung nanggagaling sa buwan. At dahil sa wala kaming customer nung time na yon, nag-antay nalang din kaming tatlo na bumalik yung kuryente. Three hours ang lumipas pero wala. Tapos bigla nalang kaming nakarinig ng sigaw ng mga tao. Nagtatakbuhan sila. Para bang may tinatakbuhan sila at takot na takot talaga sila. At yun hindi namin inaasahan yung sumunod na nangyari. Yung isang babae na sumisigaw ng tulong, nawalan ng balanse at nadapa. Tapos yung kasunod nyang naglalakad sa likod nya.. bigla nalang syang.."

Naiyak uli yung babae at napayuko. Marahan kong hinimas yung balikat nya para pakalmahin sya.

"Sige lang, wag kang matakot. Ikwento mo.."

Pinunasan naman nya yung luha nya at huminga ulit ng malalim bago magsalita.

"Bigla nalang syang inatake nung babaeng kasunod nya. Kitang-kita naming tatlo na kinagat sya sa mukha nun. Umagos ang maraming dugo. Sa sobrang takot namin, nagkulong nalang kami sa employee's quarters hanggang sa lumiwanag at mag-umaga na. Mga ilang sandali, narinig namin na tumunog yung windchime na nasa ibabaw ng pinto nitong convenience store. Maya-maya pa, bigla nalang may nagbukas nung pinto sa kwarto na kinaroroonan namin. Tatlong lalaki. Armado sila ng baril. Tinutukan nila kami at kinaladkad nila yung security guard na kasama namin. Hindi ko na alam yung sumunod na nangyari nun dahil naiwan nalang ako at yung isa pang cashier na kasama ko dun sa loob ng kwarto na yun. Sa sobrang takot naming dalawa, ilang araw kaming nagtago lang doon. Paminsan-minsan lang kaming lumalabas para kumuha ng pagkain. At kahapon nga, nagdecide na yung kasama ko na lumabas na para humingi ng tulong.." pagpapatuloy nya.

Gusto ko sanang magtanong pa tungkol doon sa tatlong armadong lalaki na sinasabi nya pero naunahan na ako agad ni Elvis na magsalita. Hinayaan ko nalang sya.

"At hanggang ngayon, hindi pa sya bumabalik?"

"Oo. Pero sabi nya, kahit anong mangyari, babalikan nya ko dito.." seryosong sagot nya kay Elvis.

Napakagat ako ng madiin sa labi ko. Sa itsura at tono palang ng boses nya, mukhang ang ibig nyang sabihin ay kahit ano man ding mangyari, hinding-hindi sya aalis dito at mag-iintay lang talaga sya.

Pero paano kung nag-iintay lang pala sya sa wala? Paano kung yung inaantay nya ay patay na pala? O undead na? Ano nalang ang mangyayari sa kanya dito?

Tumingin ako kay Elvis para basahin yung iniisip nya. Pero nakatingin lang din sya sakin na parang inaantay lang kung ano yun sasabihin ko.

"Ah miss, kung gusto mo sumama ka muna samin habang inaantay mo sya. Bumalik-bumalik ka nalang dito at sasamahan ka namin. Hindi ka kasi pwedeng magstay pa ng matagal dito nang ikaw lang mag-isa. Masyadong delikado." sabi ko na hindi dineretsang baka wala na talagang bumalik sa kanya dito.

Ngumiti naman sya ng pilit. Pero may nakita akong bahid ng konting kinang sa mata nya. Parang nagpapahiwatig ng pag-asa.

"Salamat nalang sa inyo. Pero dito nalang talaga ako. Nangako syang babalikan nya ako dito. At nangako rin akong mag-iintay ako." sabi nya habang pinagmamasdan yung singsing na suot nya.

Nagkatinginan kami ni Elvis at napangiti kami.

"Mahal na mahal nyo siguro yung isa't-isa no? Kaya ganun na lang din kalaki ang tiwala nyo." tanong ni Elvis.

Matamis na ngiti nalang ang isinagot nya sa amin. At doon palang, alam na nga talaga namin ang sagot.

Kinuha ko yung baril at combat knife ko.

"Mukhang hindi ka na nga talaga namin mapipilit e. Kunin mo na to." sabi ko at inabot ko sa kanya yung mga weapon ko.

"Nako, hindi naman ako sanay gumamit nito." pinagmasdan nya ang mga iyon at parang natatakot pa sya.

"Pag nalagay yang buhay mo sa alanganin, lahat ng paraan para makaligtas ka, bigla mong maiisip at mapipilitan ka talagang gawin. Matututunan mo ring gamitin yan naturally." sabi ko. Pero imbes na yung mga weapon ang hawakan nya, yung kamay namin ni Elvis ang hinawakan nya.

"Sorry sa inasal ko kanina. Maling-mali na pinagbintangan ko kayo dahil mabubuti kayong tao. Salamat dahil nagawi kayo rito. Diba kailangan nyo ng pagkain? Kunin nyo na lahat ng gusto nyong kuhanin." ngumiti sya sa amin at tumayo. Hinaltak nya ang kamay ko.

Wala na rin akong nagawa kundi sundan sya. Ganun din ang ginawa ni Elvis at sumunod sya samin. Dinala kami nung babae sa stock room at napangiti ako sa nakita ko. Sandamakmak na kahon ng mga canned goods. Particularly, ang favorite kong corned tuna.

"Sige na, kumuha na kayo. Kahit ilan." ngumiti sya uli samin.

Nagkatinginan kami ni Elvis at hindi na kami nag- inarte pa. Naglabas kami ng sampung kahon ng corned tuna at sampung kahon din ng cup noodles. Narinig namin na bumukas yung pinto ng convenience store at pagtingin namin, pumasok na rin pala si Alex at Renzo.

"Pakibuhat dun sa likod ng pick-up." sabi ko habang kumukuha ng mga drinks.

Sumunod naman sila at pinagtulungang isakay yung mga kahon ng corned tuna. Si Elvis naman, yung mga drinks at kahon ng cup noodles ang isinakay. Nagpumilit pa nga sila na kumuha rin ng mga kung anu-anong chips, candy at biskwit. Hiyang-hiya ako pero pumayag naman yung babae at kumuha pa talaga sya ng tatlong box at doon inilagay yung request nila Renzo.

Pero nung humirit pa sila ni Alex ng alak, parehas ko na silang binatukan.

"Abuso na kayo, letse!" sigaw ko sa kanila.

"Eh, ito nalang kung ayaw mo." kumuha si Renzo ng limang sexy magazines.

"Subukan mong mag-uwi nyan at yan ang ipapakain namin sayo."

"Ito kasi si Alex e. Alex naman kasi bakit mo ko inuutusan na kumuha ng mga ganito? Ako pa tuloy ang lumalabas na masama." sabi nya habang binabalik sa shelf yung mga magazines. Binatukan lang sya ni Alex at nagpatuloy na sila uli sa pagsasakay nung mga supplies.

Naupo nalang ako sa isang table habang pinagmamasdan sila.

Chapitre suivant