Crissa Harris' POV
We survived day 1 of Zombie Apocalypse. And now we're facing day 2.
Almost 9 am na kami nagising dahil na rin sa puyat sa nagdaang gabi na ako ang sanhi. Parang undead na rin kaming lahat dahil nabitin kami sa pahinga.
Pero hindi naman kami nagpa-easy easy lang dahil may mission pa kami para sa araw na yun. At yun yung search and clearing operation sa second floor. Kaya pagkatapos naming mag-almusal ng favorite naming tuna, ay hindi, favorite ko lang pala na tuna, nagsi-ligo na kaming lahat at nagprepara na para sa mission.
Pero dahil nga sa mahal na mahal ako ng magaling kong kakambal, at miss na miss nya na talaga ako, nagpalit sila pansamantala ng pwesto ni Elvis at si Elvis muna ang pinag-lead nya sa grupo nya. So magkasama kami ngayon sa isang group together with Ty, Sed and Harriette.
"Listen. So Elvis, yung grupo mo dun sa may left part pag-akyat. Tapos right part naman ang samin. And base dito sa blueprint, ang rooms na madadaanan nyo ay yung tatlong guest room, isang living room, isang dining room. Sa amin naman, quarters ni Bud, ni Olga, nung mga security, maids at kwarto ni Yaya Nerry. Aight?" paliwanag ni Christian.
"Aight. Dito nalang din kami pupunta sa may grand staircase pagkatapos." sagot nya. Nag-thumbs up si Christian sa kanya at lumarga na sila.
Kami naman ay umakyat na rin at nagpunta sa may right side. Si Christian ang nauunang maglakad sa hallway sunod si Harriette. Kaming tatlo naman nila Tyron at Sedrick ang magkakasabay at nasa gitna nila ako. Ewan ko pero feeling ko, ang awkward. Ang tahimik kasi namin e.
Hmm.. Teka.
"Tyron?" tumingin sya sakin at binirahan nya agad ako ng masungit nyang expression. Nainis naman ako bigla kaya kay Sedrick nalang ako tumingin.
"Hehe. Sedrick, anong capital ng Manila?" tumingin naman sya sakin at ngumiti. Nailang ako bigla pero di ko nalang pinahalata dahil baka isipin nyang crush ko sya. E hindi naman. Oo. Promise. Mamatay man si Tyron.
"May capital ba Manila?" nakakunot na noong tanong nya.
"Hehe. Oo naman."
"Oh? E ano?"
Huminga ako ng malalim at..
"Edi M! Hehehe." narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Christian at Harriette sa harap.
"Tss. Funny. Wala na bang bago?" bulong ni Tyron kaya marahas akong lumingon sa kanya.
"Epal ka ah!? Kausap ba kita!?"
Hinawakan naman ako bigla ni Sedrick sa braso at tinuro nya yung nasa harap namin. Nakahinto na si Cristian at Harriette. Nung tignan ko kung nasan na kami, andun na pala kami sa tapat ng quarters ng mga maid.
"May narinig ako. Parang may mabigat na bagay na nalaglag sa sahig. Dito ata galing.." bulong ni Christian. Sumenyas sya kay Tyron para pumwesto sa likod ng pinto.
"Ty, pagbilang ko ng tatlo--"
"Tae naman Christian. Pagbilang mo ng tatlo dapat nakatago na kami? Ano to, taguan? Umayos ka nga." sabi ko. Sinamaan nya agad ako ng tingin. Si Sedrick naman, nginitian ako. Kaya ayun patay-malisya akong umiwas ng tingin.
Humigpit naman lalo ang hawak ni Christian sa axe nya.
"Ty, dali. 1.. 2.. 3.."
Bumukas ang pinto at lumabas si Charlie Puth habang may sukbit na grand piano sa likod nya. Nagconcert ata sya sa loob at yung mga bunk bed ang audience nya.
JOKE LANG! WALANG LUMABAS. Readyng-ready na nga yung club ko pero nabigo ako dahil wala ngang lumabas.
"Stay here Harriette and Tyron." pumasok si Christian sa loob at sumunod kami ni Sedrick.
Naglibot si Christian sa buong kwarto. Ako naman ay doon sa banyo nagpunta. Naramdaman ko ang pagsunod ni Sedrick sakin. Hinawakan ko yung doorknob at..
Lumabas si Mar Roxas at may dalang mga campaign paraphernalia. Inabutan nya nga rin kami ni Sedrick ng leaflet e.
PERO JOKE LANG ULI YON! WALA PA RING LUMABAS.
"Cleared?"
Nag thumbs up ako kay Christian. "Yeah cleared."
Lumabas na kami doon at nilock namin yung pintuan. Bago kami umalis, nakita ko na may kinuha si Christian sa bulsa nya. At nung makita ko kung ano yun, halos magkombulsyon ako.
"Christian, so you're a faggot? Bakit may hawak kang lipstick? At president's red pa ang shade? OMG."
Hindi nya ako pinansin sa paglulupasay ko sa pader. May isinulat sya dun sa pinto gamit yung lipstick.
Cleared.
Yan yung nakasulat. Tumigil naman ako sa pagiinarte ko at kumapit sa braso nya.
"Akala ko, bakla ka e. Hehe. Gwapo mong bakla." bulong ko sa kanya. Ginulo naman nya ang buhok ko.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Kasama na rin ako ni Christian na nauuna. Huminto kami dun sa tapat ng quarters ng mga securities namin dahil yun yung kasunod sa quarters ng mga maid.
"I guess, dito talaga galing yung narinig ko. So get ready. Sedrick?" bulong ni Christian at si Sedrick naman ang sinenyasan nya para magbukas ng pinto. Pumwesto naman ako dun sa may kabilang side.
Mabilis na binuksan ni Sedrick yung pinto pagkabilang ni Christian. Wala ring mga lumabas kaya sila na nila Tyron at Harriette ang pumasok. Nanatili lang kami ni Sedrick sa labas bilang look out. Naging alerto nalang kami dahil baka may bigla pang sumulpot na undead out of nowhere katulad nalang ng nangyari sakin kagabi.
Nagkatinginan kami ni Sedrick nang biglang may kumalabog sa loob. Pumasok ako at sumunod sya sakin.
May dalawang katawan ng undead na nakahandusay sa sahig. Pero hindi dun napako ang atensyon ko. Napakunot ang noo ko dun sa tinitignan nila Christian. Sa dulo ng kwarto, malapit dun sa may banyo ay may naka-talungkong security na pilit nagsusumiksik sa may pader. May nakatumba ring mga cabinet sa tabi nya. At base sa kulay ng balat nya, pati narin sa appearance at kilos nya, hindi sya undead.
Pero, parang may kakaiba sa kanya.
"Ako na.. Ako na ang susunod! Ay hindi! Hahaha.. Isa sa inyo. Isa sa inyo.. ang susunod na mamamatay.. Hahahaha." bulong nya habang nakatingin samin. Nanlalaki ang mata nya at nanginginig sya.
Pare-parehas namin kaming napaatras nang bigla syang tumayo at naglakad.
Naglakad papunta sa direksyon ko..
"Ikaw Crissa! Ikaw ang mamamatay! Hahahaha!" sigaw nya sabay labas ng kutsilyo galing sa bulsa nya.
Hindi ako makagalaw at natulala nalang ako. Mabilis syang tumakbo papalapit sa akin. Itataas ko na sana yung club ko para ipang-depensa laban sa kanya nang biglang may nakauna na agad sakin. Naramdaman ko nalang ang tumalsik na kung ano sa mukha ko. Pagdilat ko, nakita ko nalang ang sumisirit na dugo galing sa leeg nya. Nung tuluyan na syang mapahiga sa sahig, nakita ko naman agad si Christian na hawak ang axe nya. May tumutulong dugo mula doon.
Lumapit sya sa akin at pinunasan yung talsik ng dugo sa mukha ko.
"Are you okay?"
"Y-yes. Let's go." sabi ko at ako na ang nanguna sa paglabas. Nilagyan din ni Christian ng cleared mark yung locked na pinto pagkalabas namin.
Naglakad na kami papuntang sumunod na kwarto which is yung quarters ni Bud. Naka-lock yun nung i-try naming buksan. At sinenyasan naman kami ni Christian na wag nalang naming pakialaman. Kaya tumuloy nalang kami sa quarters ni Olga at kwarto ni Yaya Nerry. Pero katulad nalang nung sa quarters ng mga maid, wala ringlumabas doon. Kaya nilock nalang namin at nilagyan ng mark na cleared.
Ngayon, nandito na kami sa may grand staircase at hinihintay nalang sila Elvis. Nakaupo lang ako habang hinahampas ng mahina sa steps ng hagdan yung club ko.
Nakakalungkot lang dahil, may madadagdag na sana sa aming sampu pero napurnada pa. Sayang talaga. Isang buhay din yun.
"Why space out? Wag mong sabihing naniniwala ka na sa sinabi nung isa na yon? He's insane Crissa. Malamang hindi nya kinaya yung nangyari kaya, natuluyan na sya. But look, hindi naman magkakatotoo yung sinabi nya kapag hindi mo hinayaan right?"
Napa buntung-hininga nalang ako. Hindi ko naman talaga dapat pansinin yung sinabi nun dahil dati pa man din, may banta na sa buhay ng pamilya namin. Ilang beses na kaming muntik mamatay. But it is just that dahil na rin sa scenario ng paligid namin ngayon, hindi ko talaga maiwasang matakot. Lalo pa at muntik na rin talaga akong matuluyan kagabi.
"And one more thing Crissa, do we look like we'll just gonna let you die?" sabi ni Christian habang tinuturo yung mukha nya. Para akong nakatingin sa male version ko. Pinitik ko nalang ang ilong nya.
Nung mapatingin ako sa pokerface na itsura ni Tyron habang nakatingin sakin, medyo nagka-doubt ako. Pero nabawi naman agad ng makita ko ang pag-ngiti ni Sedrick at Harriette sakin.
"Naniniwala nako." sabi ko at nginitian sila ng matipid. Sakto namang dumating sila Elvis na may ewan na mukha.
"Isa lang napatay namin." dismayadong sabi ni Renzo.
"Patayin kita para madagdagan?" banat ni Harriette kaya nagtawanan kami. Naiwan nalang si Renzo dun na sumasayad na sa sahig ang nguso.
Tumayo naman si Christian at kinuha ang atensyon namin.
"I think we've cleared the whole second floor so.."
"..so we can take a rest. After all, mas malaki-laking spot na ang iki-clear natin bukas." pagpapatuloy ko.
Bigla naman silang na-excite nung banggitin ko kung ano yung malaki-laking spot na iki-clear namin bukas.
Ang buong bakuran nitong mansyon.