webnovel

Ikalimang Kabanata

Ang Kanyang Kakayahan

Ikalimang Kabanata

"Mag-iingat ka 'don, anak. 'Wag kalilimutang kumain. Kung pwede, dadalawin kita do'n araw-araw. 'Wag kalilimutang magpalit ng damit pagbasa ang likod. Makipagkaibigan ka doon para maging komportable ka, okay?" halos maubos ang hininga ni Mama sa pagbanggit ng lahat ng iyon. Ayan na naman siya sa pag-aalala niya.

"Opo, Ma. Huwag na po kayong mag-alala. Kaya ko po ang sarili ko." bigkas ko naman atsaka ipinasok ang ilang gamit sa loob ng bag. "Ito lang ba ang pinapadala sainyo? Bakit ang konti naman yata?" tanong niya habang pinagmamasdan ang listahan na ibinigay saamin kahapon. "Ayos lang 'yan, Ma. Ayoko 'din namang magdala ng maraming gamit." sagot ko atsaka isinakbit ang aking bag sa aking balikat.

"Dali, dali. Baka hindi ka nila papasukin kapag na-late ka. Makikita ko ang anak ko sa TV. Mag-ayos ka lagi, maraming tao ang makakakita sa'yo 'don." ani niya atsaka niya ako hinalikan sa noo. "Salamat, Ma. Ba-bye po." sagot ko naman. Maglalakad na sana ako palabas nang sumagi sa isip ko ang mga dapat kong dalhin.

"Ma, teka lang po pala. May kukunin lang ako sa kwarto." sabi ko atsaka na naglakad paakyat ng kwarto upang may kunin. Lumuhod ako sa harapan ng kama atsaka hinila ang isang box na itinago ko doon. Marahan ko iyong binuksan atsaka hinigit ang isang libro. "Kailangan kong dalhin 'to. Just in case." bigkas ko sa aking sarili.

Ibinalik na ko muli ang kahon atsaka naman nagtungo sa harapan ng aking cabinet. Kumuha ako ng ilang vial na may lamang likido atsaka ipinasok sa aking bag. Bumaba na ako at muling nagpaalam kay Mama at tuluyan ng umalis papuntang eskwelahan. Sumakay ako ng taxi upang marating ang Erzeclein University.

Nang makapasok ako sa school gate ay kaagad akong sinita ng School Guard. Lumapit ito saakin at ineksamina ang katawan ko. "Limitado lang ang maaaring pumasok dito. Ano ang iyong pangalan?" tanong nito. Hinubad ko ang suot kong ID at iniabot sa Guard. Ang isa namang guwardiya at ineksamina ang gamit ko. "Rebecca Natividad, po." sagot ko. "Sige, pasok."

Akmang paalis na ako ng hawakan na naman niya ang kamay ko. Mabilis na tinanggal ko ang pagkakahawak niya. "Ano ang laman ng iyong shoulder bag?" tanong nito. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kapag nakita nila iyon, panigurado ay iko-confiscate nila ito. Nag-alangan ako kung dapat ko ba itong ibigay o hindi. Tinanggal ko ang pagkakasakbit nito at i-hand over na sana nang isang boses ang nagpatigil saakin.

"Do you have an alcohol?" matamis na bigkas nito. Halos magnining ang paligid ko nang makita ang kanyang mukha. Napakaganda ng babae. May suot itong salamin, hindi siya ganoon katangkad at mayroon siyang bangs. Marahan niyang ni-lift ang kanyang salamin dahil nahuhulog na ito sa tulay ng kanyang ilong. "Ahh, oo. Teka lang." sabi ko atsaka kinalkal ang shoulder bag ko. Nang makita ko ang alcohol, kaagad ko itong ibinigay sakanya.

"Thank you. How about powder? Meron ka ba?" tanong niya. I awkwardly nodded at her atsaka kinalkal ang bag at ibinigay sakanya. Iniwasan kong ipakita ang mga vial na ipinasok ko kanina. Ibinigay ko muli sakanya ang powder. "Do you want to see everything in it, Manong? Pati yung brand ng napkin niya kailangan alam niyo?" bigkas niya atsaka muling iniabot saakin ang mga gamit.

"We girls bring small bags para saaming mga kagamitan. We have the right na tumangging i-eksamina ito. Not unless gusto mo pang isa-isahin ang mga nasa loob?" dagdag pa niya. Namangha ako sa mga sinabi niya. "Sorry, Ma'am. Sige, ho. Pumasok na po kayo." bigkas ng guwardiya. Naglakad na ako papasok at nakasunod naman saakin 'yung babae.

"Salamat." bigkas ko habang naglalakad. "Don't mention it. Sensitive 'din ako when it comes to these things. I saw your expression kanina. Hindi ka komportable." sabi niya. Hanggang ngayon ay hindi ko parin mapigilan ang aking sarili na mamangha sa mga features at sa katalinuhan niya. "Rinnah. That's it. My name." sabi nito at nag-alok ng kamay. Hindi ko inaasahan ay napangiti ako.

"Becca." sabi ko at tinanggap ito.

--**--

Naglakad ako papalapit sa tent na inaayos ngayon ng mga kasamahan naming kalalakihan. Gusto ko silang tulungan pero pilit nilang sinasabing kaya na nila iyong ayusin kaya hinayaan ko nalang sila. Habang walang ginagawa ay linibot ko muna ang aking tingin sa paligid. Dito sa likurang bahagi ng school (na puro puno at halaman) ang magsisilbing kampo namin.

Naglakad ako ng naglakad, hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan ako lang ang nakakaalam. Ang lugar kung saan ko nasaksihan ang pagkamatay ng aking kaibigan. Marahan lang akong naglakad papalapit sa natumbang puno, kung saan ako umuupo dati. Hanggang sa mapansin ko ang isang itim na plastik na nakakalat lamang doon.

Linapitan ko ito upang malaman kung ano ba ang nilalaman no'n. Paglapit ko palang ay may naamoy na kaagad ako. Isang malansang amoy ng patay na hayop o ng kung ano. Nang buksan ko ang plastik, doon ko nakita ang katawan ng isang hayop. Marami itong dugo sa balat ngunit humihinga padin, ngunit naghihingalo at sa tingin ko ay malapit ng mamatay. Unti-unting kong nakilala kung anong hayop ba iyon.

Iyon ay isang pusa. Ang pusang iniligtas ko kahapon. Walang awa nila itong sinaktan at hinayaang mamatay. Napansin kong putol na din ang mga dandelion na tumubo sa area na iyon. May nakadiskubre na ng lugar na ito.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay papatak ang mga luha sa pisngi ko anumang oras. Napakababaw lang ng aking mga luha. Hindi ko kasi kayang makakita ng mga tao, hayop, o iba pang bagay na bigay ng Diyos na nasasaktan at nasisira.

Dali-dali kong kinuha ang vial na nasa shoulder bag ko. Isang rosas na likido na isang taon ang itinagal upang mas lalong maging epektibo. Iyon ang likidong nakakapagpagaling ng kahit anong sugat. Ang kaparehong gamot na ginamit kay Keisha para mailigtas siya.

--**--

FLASHBACK

Naglakad ang dalaga papalapit sa lumang bahay na minsan na niyang binisita kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang mga sugat ng nakaraan ay hindi parin nahihilom. Ang mga bakas ng kahapon ay sariwa padin sa memorya ni Becca. Lahat ay nawala sa isang iglap.

Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan ng bahay. Nakarinig siya ng boses na nagsasabing "Sandali lang" kaya naghintay siya upang pagbuksan siya ng pintuan. Matapos ang ilang segundo ay bumukas ang pintuan, at nasilayan ni Becca ang isang babae na napakaganda. Natahimik siya saglit habang pinagmamasdan ito. "Nandiyan pu ba si Ms. De La Vara?" tanong niya.

"Halika, pumasok ka hija." Pinatuloy niya ito atsaka inalukhan ng kahit anong pagkain ngunit umiling lang si Becca. Iba ang pakay niya dito. Gusto niyang matuto ng isang bagay na maaaring hindi kapanipaniwala sa iba, ngunit para sa mga nakasaksi nito tulad niya ay posible. Isa pa't gusto niyang makatulong sa iba upang kahit na hindi niya naisalba ang buhay ng kaibigan niya, maisasalba niya ang ibang tao.

"Maaari ko na po bang malaman kung nasaan si Ms. Consolascion?" tanong ng dalaga. Nginitian lang siya ng babae. "Huwag mo na akong tatawaging Conscolascion, Becca. Vara nalang ang itawag mo saakin." sabi ng babae. Takang pinagmasdan siya ni Becca. "Tama ang iyong iniisip, hija. Ako ang tinatawag mong si Ms. De La Vara. Aksidente akong nakatuklas ng isang aging potion. Kaya bumata akong muli." bigkas nito at mahinhin na tumawa.

"Paano po?" tanong parin niya. "Saka ko na sasabihin sayo. Ano nga palang sadya mo dito?" tanong ni Ms. Vara. Malalim na nag-isip si Becca at pagkatapos ay bumuntong hininga. "Gusto ko pong matutunan ang ginagawa niyo." Matapang na bigkas niya.

"Matagal bago ko ito natutunan, hija. Sigurado ka ba?" tanong muli ni Ms. Vara. Tumango lang si Becca. "Oh, edi mag-umpisa na tayo!" masayang bigkas nito. "Po? Agad-agad?"

"Bakit? Ayaw mo? Kung ayaw mo, 'wag nala—" "Sige po, Ms. Vara. Ngayon na. Start na po tayo." Mabilis na bigkas ni Becca. Hindi niya inaasahan na ganu'n kabilis na tutulungan siya ni Ms. Vara. "Ngayon, ihubad mo ang iyong polo." utos ni Ms. Vara. Kaagad na sinunod ito ni Becca atsaka itinali sakanyang baywang.

"Sumunod ka saakin." bigkas nito atsaka naglakad papalabas ng bahay. Tahimik lang niyang tinignan ang paligid. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang isang lugar. May kawayang nakatungkod sa iba pang kawayan. May mga gulong na magkakadikit. May spider web 'din. Isa iyong obstacle course. Doon palang ay kinutuban na si Becca kung ano ba ang gagawin niya.

"Sa loob ng sampung segundo, kailangan malagpasan mo lahat ng gulong na'yan." bigkas ni Ms. Vara. Bumilis ang tibok ng puso ni Becca. Dalawampung gulong ang nandoon at paano niya magagawa iyon sa loob ng sampung segundo? "Maghanda, Isa, dalawa, tatlo!" Inumpisahan na ni Becca na tapakan ang gitna ng mga gulong sa loob ng sampung segundo. Medyo nanginginig ang kanyang katawan dahil hindi siya nakapaghanda sa kanyang gagawin. Hanggang ngayon ay wala parin siya sakanyang sarili.

Sa loob ng sampung segundo, nagawa iyon ni Becca. Hindi siya makapaniwala sa kanyang sarili. "Magaling! Hindi ko alam na ganito ka kahusay." sabi naman ni Ms. Vara. Naglakad papalayo si Ms. Vara. Hanggang ngayon ay kinukwestiyon parin ni Becca ang sarili. "Sunod, lakarin mo ang kawayan na ito ng hindi nahuhulog."

"Po? Sigurado po kayo? Hindi ko po 'yan magagawa." sagot naman ni Becca. Napabuntong-hininga si Ms. Vara atsaka umakyat sa kawayan. Naglakad ito sa kawayan na para bang naglalakad lang siya sa isang path way. Narating niya ang dulo ng hindi manlang nahuhulog. Halos mahulog ang mga mata ngayon ni Becca sa kanyang nasaksihan. "P-paano n-niyo po n-nagawa 'yon?" utal na tanong niya.

"Rule No. 1. Magtiwala sa iyong sarili. Kung nagawa iyon ng iba, tiyak na magagawa mo 'din." paalala ni Ms. Vara. Napalunok na lamang si Becca matapos ang marinig. Hindi naman sa minamaliit niya ang sarili pero sadyang napakapayat ng kawayan na iyon at alam niya sa sarili niya na mabigat siya. Paano kung mabiyak iyon, o kaya mahulog siya?

"Hali ka dito, Becca. Magagawa mo 'yan. Tiwala lang, tiwala. Importante 'yan kung gusto mo talagang matutunan ang mga natutunan ko." ani ni Ms. Vara. Naglakad papalapit si Becca sa kawayan atsaka marahan na umakyat. Umpisa palang ay pakiramdam niya ay mababali na iyon. Pero pinakinggan niya ang sinasabi ni Ms. Vara. Itinaas niya ang kanyang kamay sa hangin. Binalanse ang mga paa sa kawayan atsaka naglakad.

Patuloy lang siyang naglakad na para bang lumulutang siya hangin. Inisip niyang makakaya niyang gawin 'yon kaya nakalahati niya ang kawayan. Ngunit nang mapatigil siya sa pag-iisip, at sinabi sa kanyang sarili na hindi niya kaya, nalaglag siya at mabuti nalang ay nasalo siya ni Ms. Vara. "Magtiwala ka sa sarili mo, o hindi ka matututo."

Nag-umpisa muli sa unahan si Becca. Sa tuwing iniisip niya na hindi niya ito magagawa, lagi siyang nahuhulog. Pero sa pagkakataong ito, kahit nahuhulog siya'y nagagawa niyang makatayo sa lupa, dahil nasanay na siya't ilang beses na siyang nahulog. Sa huling pagkakataon na susubukan niya ito, pinaalalahanan siya ni Ms. Vara na kapag muli siyang nahulog ay wala siyang matututunan na kahit ano mula sakanya.

Nagpakatatag ng loob si Becca. Ngayon ay inisip niyang malalakad niya ang kawayan mula sa umpisa hanggang sa dulo. Hindi siya mahuhulog. Kailangan niyang tawirin ito kung hindi ay hindi siya tutulungan ni Ms. Vara. Naglakad na siya. Sa kanyang pagtiya-tiyaga ay natutunan niyang pagkatiwalaan ang sarili at narating niya ang dulo ng kawayan. "Napakahusay, Becca. Dito nagtatapos ang unang araw."

"Salamat po." tugon ni Becca. "'Di ko aakalain na ganito ka pala mabilis matuto, Becca. Inaasahan kong makikita ko pa ang iba mo pang kakayahan sa mga susunod na araw." papuri sakanya ni Ms. Vara. Napangiti lamang si Becca. "Bumalik ka bukas kung gusto mo pang matutunan ang iba pang bagay, naalala mo pa kung anong oras ka nakarating dito?" tanong ni Ms. Vara. Tumango lang si Becca at napatingin sakanyang orasan. "Ala-una ng hapon—!" nagulat siya nang mapagtantong alas-singko na pala ng hapon. Tiyak na hinahanap na siya ng kanyang ina.

"Sige po. Mauuna na po ako, Ms. Vara. Maraming salamat po ulit." nagmamadaling bigkas niya atsaka na siya tumakbo papalabas ng lupain ni Ms. Vara. Napangiti lamang si Ms. Vara sakanya. Nakikita kasi nito na maipapasa niya ang kanyang mga natutunan kay Becca.

Ikalawang Araw

"Tanging mga taong desididong matuto lang ang makakagawa nito." ani ni Ms. Vara kay Becca. Nagpatuloy lang pakikinig ang dalaga. Tumayo si Ms. Vara atsaka may kinuha. Sa muli niyang pagbabalik ay naglagay siya ng isang bowl sa harapan ni Becca. Takang nakatingin lang si Becca sa lalagyan. "Kainin mo ang isa, maya-maya'y malalaman mo kung ano ang magiging epekto nito." sabi niya atsaka naman humawak si Becca ng isa. Marahan niya itong isinubo.

Halos iluwa ni Becca ang kanyang nakain, ngunit tiniis niya dahil ang paalala sakanya ni Ms. Vara ay mawawalan ito ng bisa kapag hindi niya ito kinain ng buo. Ilang segundo ang nakalipas at inabutan siya ng tubig ni Ms. Vara. "Ayos ka lang ba, hija?" tanong ni Ms. Vara. Tumango lang si Becca bilang tugon atsaka hinawakan ang kanyang leeg. "Tubig 'yan na may asin." bigkas ni Ms. Vara atsaka iyon nag-echo sa utak ni Becca.

"Ano ho uli iyon?" tanong ni Becca. "Tubig na may asin." bigkas ni Ms. Vara at muli iyong nag-echo. Pero nagtataka si Becca dahil hindi naman iyon maalat. May problema ba ang kanyang dila at hindi ito nakakalasa ng tama? "Ano po ang susunod na mangyayari?" tanong ng dalaga. Wala parin siyang nararamdaman na kahit ano.

"Mamatay ka." bigkas ni Ms. Vara at nag-echo ito. Nanlaki ang mga mata ni Becca sa narinig. "M-mamatay p-po a-ako?" utal na tanong ni Becca. Bumilis ang tibok ng puso niya. "Oo." sagot ni Ms. Vara. Muli ay nag-echo na naman ito sa utaj ni Becca. Napabuntong-hininga ang dalaga.

"Napakaganda mo, hija." saad ni Ms. Vara. Wala iyong naging epekto sa pandinig ni Becca. "Ano pong nangyayari? Bakit kapag nagsasalita kayo, para bang pinapasukan ako ng tubig sa tenga? Pero tumigil din ito pagkatapos?" tanong ni Becca. "'Yan ang epekto ng bunga ng Puno ng Sinualing." sagot naman ni Ms. Vara.

"Puno ng Sinualing…" bigkas ni Becca. "Alam ko na po ang ibig sabihin nito." dagdag niya. "Magpatuloy ka." tugon ni Ms. Vara.

"Sa tingin ko po, kapag nag-eecho ang boses ng isang tao sa aking pandinig, ibig sabihin ay nagsisinungaling siya. Tulad ng sabi niyo kanina. Nabanggit niyo po na tubig na may asin ang ipinainom niyo saakin pero hindi naman ito maalat. Ang pangalan siguro ng puno ay nagmula sa salitang 'Sinungaling' na nangangahulugang mapagkunwari." eksplenasyon nito. Napangiti sakanya si Ms. Vara. "Tama ang iyong palagay, hija. Napakatalino mo." sabi naman ni Ms. Vara.

"Ngayon, susubukan kita kung malalaman mo bang nagsisinungaling ako o hindi." Tinititigan siya ng daretso sa mata ni Ms. Vara. Medyo nakaramdam ng pagkailang si Becca. "Nagkaroon ako ng nobyo noong labing-limang taong gulang ako." banggit ni Ms. Vara. Walang narinig na kahit anong kakaiba sa boses ni Ms. Vara si Becca. "Hindi po kayo nagsisinungaling." sagot ni Becca.

"Wala akong naging nobyo, Becca." banggit ni Ms. Vara. Narinig niyang muli ang echo. "Nagsisinungaling po kayo." sagot ni Becca. "Ngayon, huwag kang mahihiya at titigang mabuti ang mga mata ko." paalala ni Ms. Vara. Tumingin ng daretso si Becca sa mga mata ni Ms. Vara.

"Nagkaroon ako ng nobyo noong labing-limang taong gulang ako." Sa pangalawang pagkakataon, narinig ni Becca ang pag-echo ng boses ni Ms. Vara. "Wala akong naging nobyo, hija." Walang ibang narinig si Becca. "Nakuha mo ba ang gusto kong ipahiwatig?" tanong ni Ms. Vara.

"Magkakaroon ng problema kapag nawala ang eye contact. Maaaring kabaliktaran ang sinasabi ng iyong utak, o kaya nama'y wala kang maririnig." ani ni Ms. Vara. Lubos na naintindihan na ni Becca ang gustong ipaliwanag ni Ms. Vara. Ngayon, wala ng kawala ang sino mang magsisinungaling sa harapan niya.

Ikaapat Na Araw

"Pigilan mo ang iyong sarili, Becca." bigkas ni Ms. Vara. Tinignan lang ng masama ni Becca ang pagkaing nasa harapan niya. Ang kanyang pagsubok na kailangang harapin ngayong araw ay pigilan ang pagkagutom. Mukhang hindi iyon magagawa ni Becca dahil kanina pa siya takam na takam sa mga pagkaing nakahapag sa harap niya. Wala siyang magawa kung hindi pagmasdan si Ms. Vara sa pagpasok ng pagkain sa bibig nito.

Labing dalawang oras na siyang walang kinakain. Kailangan niya itong pigilan, kung hindi ay hindi siya makakapasa sa pagsubok. Parte ito ng kanyang pagsasanya. Hindi dapat siya matukso sa kung anumang pagkaing hindi siya sigurado kung saan nagmula. Mahigpit na hinawakan ni Becca ang kanyang baso atsaka ininom ang tubig na nandoon. Makalipas ang ilang oras, hanggang sa pauwiin na siya ni Ms. Vara ay wala parin siyanv kinakain.

Sa pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay, sinalubong siya ng pag-aalala ng kanyang ina. Dali-dali siya nitong inalalayan sa paglalakad. "Anak, ano bang nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba?" tanong ng kanyang ina. "'Po." tipid na tugon niya atsaka na naglakad papasok ng kanyang kwarto. Puro tubig lang ang ipinasok niya sa kanyang katawan ngayong araw. Kapag kumain siya, ang ibig sabihin no'n ay sumusuko na siya sa pagsubok ni Ms. Vara.

"Kumain ka na ba?" tanong ng kanyang ina. "B-Busog pa p-po ako!" sagot niya. Ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata. Kailangan niyang tiisin, kaya natulog siya upang wala na siyang isipin. Nang makatulog siya, naging blanko ang kanyang isip, at napawi ang kanyang nararamdamang gutom.

Ika-labing Isang Araw

Pinaupo muna siya ni Ms. Vara. Sa mga nakalipas na araw, puro mga matitinding pagsubok ang pinagdaanan ni Becca. Habang naghihintay si Becca, kumain muna siya ng ibinigay na pagkain sakanya ni Ms. Vara. Nang may nakita siyang isang bagay na nakakuha sa atensyon niya'y nilapitan niya ito.

Linapitan niya ang isang picture frame. Sa larawan, nandoon si Ms. Vara at ang isang lalaki. Doon umusbong ang kuryosidad ni Becca kung sino nga ba iyon. "Uhm, Ms. Vara. Sino po ito?" tanong niya. Lumapit sakanya si Ms. Vara. Hinawakan ni Ms. Vara ang larawan atsaka pinunasan ang dumi nito. "Siya ang manliligaw ko noong araw. Pero natuklasan kong pinagsasabay niya kaming dalawa, kaya nakipaghiwalay ako sakanya." Nakikita ni Becca ang lungkot sa mga mata ni Ms. Vara.

"Bakit hindi niyo pa po itinago ang larawan na ito?" tanong ni Becca. Napabuntong-hininga si Ms. Vara. "Minahal niyo po ba siya?" sunod na tanong ng dalaga. Muli, hindi sumagot si Ms. Vara at nginitian lang si Becca. Umalis muli si Ms. Vara upang magtungo sa kung saan. Umupo nalang muli si Becca sa isang tabi at hinintay si Ms. Vara.

Pagbalik ni Ms. Vara, may dala-dala siyang tatlong libro. Ito'y may mga pamagat na 'Mga Mabisang Panlunas, Potions Volume 1', 'Mga Pangontra sa mga Masamang Espirito at iba pa', at isang notebook at nakasulat sa harap nito ang, 'Mga Bagong Tuklas.' Iniabot niya ang mga ito kay Becca. "I-memorya mo ang lahat ng iyan, sa mga susunod na araw, tuturuan kita kung paano mai-apply ang lahat ng iyan." sabi ni Ms. Vara. Tumango lamang si Becca bilang tugon.

END of FLASHBACK

--**--

Nang maipahid niya ang likido sa katawan ng pusa, muling bumalik ang dugo sa loob ng katawan atsaka naman naghilom ang mga sugat nito. Ang ilang patak ng likido na nahulog sa lupa ang naging dahilan ng pag-usbong muli ng mga nasirang bulaklak ng Dandelion. Nang matapos niyang gamutin ang pusa, nanginginig na tumayo siya. Hindi na niya muling hahayaan na may sumira sa lugar na iyon.

Naglakad siya ng ilang metro sa lupa at tumigil sa isang punto. Itinaas niya ang mga kamay niya atsaka nag-umpisang bigkasin ang mga enchantments. Nabuo ang isang proteksyon sa partikular na lugar na 'yon. Sigurado bang nagawa iyon ng maayos ni Becca na walang nakakita?

Nakatayo lang doon si Rinnah, habang pinagmamasdan ang unti-unting paglaho ng katawan ni Becca sa hangin.

Chapitre suivant