webnovel

16

Pupungas-pungas na iginala ni Joelle ang mata sa paligid. Nasa loob siya ng sasakyan at naka-kumot sa kanya ang isang cardigan na siyang nagpaalala sa kanya kung nasaan siya talaga ng mga oras na iyon. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya habang hinihintay nila ni Ridge na tumila ang malakas na ulan. Masyado kasing lumakas ang ulan na iyon at maski ang daan ay hindi na gaanong naaaninag kaya nagpasya na lang silang hintaying tumila iyon at makaiwas sa aksidente.

Nang masigurong tumila na ang ulan ay binalingan niya si Ridge sa tabi niya pero napigil ang balak niyang paggising rito nang mapatingin siya sa mukha nito. Para lamang itong inosenteng bata habang natutulog dahil napakaamo ng mukha nito at iisipin ng kahit sino na wala itong kahit na anong problema sa buhay.

Pero kahit naman gising ito ay maamo pa rin ang mukha nito at palangiti rin ito kaya naman naitatago nito ang nararamdaman nito. Siya ang magpapatunay doon dahil ang unang impression niya rito ay isang anak-mayaman na walang magawa sa buhay kaya napag-trip-an siyang gawing past time. Ngayon niya narealize na normal na tao rin itong may mga problemang dinadala at nagpapakasaya lamang upang mapagtakpan at matabunan ang sakit na matagal na nitong dala sa loob nito.

He wasn't so bad afterall. Napangiti siya sa isiping iyon at kusang umangat ang kamay niya sa mukha nito. Siguro dahil curious siya sa kung ano ang pakiramdam ng makinis na balat nito sa palad niya. Tulog naman ito at hindi naman siguro siya nito mahuhuli.

"You know you can always ask permission, hindi naman kita pipigilan." Naiwan sa ere ang kamay niya nang biglang magsalita si Ridge hindi pa man lumalapat ang palad niya sa mukha nito. That smile of his was visible again. Natatarantang binawi niya ang kamay at umayos ng pagkakaupo kasabay ng pagtawa naman nito at ng pag-init ng mga pisngi niya dahil sa hiya.

"Ihatid mo na nga ako! Baka gabihin tayo!" hindi nakatiis na sabi niya nang matagalan ito sa pagtawa roon. Parang wala kasi itong balak na tumigil sa kakatawa samantalang siya ay namumula na sa hiya roon.

"Yes, Ma'am!" sabi naman nito at pinaandar na ang sasakyan.

Mabuti na lang at habang bumabyahe ay hindi ito nagsasalita at hindi siya inaasar tungkol sa nahuli nitong muntik na niyang gawin dahil pag nagkataong inasar siya nito ay baka maihagis niya itong palabas ng sasakyan nito. May tendency kasi siyang maging bayolente kapag napapahiya. Minsan lamang siyang kinausap nito habang nasa biyahe at iyon ay para lamang tanungin siya kung nagugutom na ba siya o kung kailangan niyang gumamit ng comfort room na tinanggihan niya kaya ilang oras din lang ay nasa tapat na sila ng bahay ni Joelle.

Hindi na niya hinintay pang pagbuksan siya nito at bumaba na lamang siya. Ewan niya pero parang ang awkward lang ng atmosphere nila. Papasok na lamang sana siya ng diretso sa gate nila nang tawagin siya nito. Nang maalalang hindi man lamang pala siya nagpaalam rito ay lumingon rin siya at muntik pa siyang mabunggo sa dibdib nito. Bakit ang bilis naman ata nitong kumilos at hindi man lang niya namalayang nasa likod na niya ito? Ngunit higit ang pagkagulat niya nang maramdaman niya ang mga labi nito sa buhok niya. Did he just...?

"Goodnight, Joelle." Umangat ang tingin niya dito ang akmang pagrereklamo sa ginawa nito ay natigil sa lalamunan niya nang masilayan ang ngiti nito. "See you tomorrow." Iyon lamang at iniwan na siya nito.

Nakaalis na lamang ang sasakyan nito sa harap niya ay nakatulala pa rin siya. Did he just kiss her? At ang mas nakakabahala, did she just let him get away with it?

Chapitre suivant