webnovel

My Schoolgirl, Aya (Tagalog)

Auteur: Hailey_Maw
Urbain
Actuel · 534.5K Affichage
  • 6 Shc
    Contenu
  • 4.7
    29 audimat
  • N/A
    SOUTIEN
Synopsis

May lihim na pag tingin si Aya kay Yuan . Ang problema hindi naman alam ng binata ang existence niya. Ni hindi nga siya matapunan ng tingin kahit sinasadya na niyang magpatapilok sa harap nito. Everyday naglalagay siya ng loveletter sa mailbox nito, pero nakikita niya na kinukuha lang nito ang mahahalaga at ang mga letters niya ay deretso sa basurahan na. Susuko na sana siya kaso mas pinatatag pa ang paniniwala niya na meant to be talaga sila dahil finally ay napansin siya nito. Pero hindi pa man nagsisimula ang lovestory nila ay agad na siya nitong binara. Hindi daw siya ang tipo nito. Ayaw daw nito sa mga babaeng nagsusuot pa rin ng baby bra. Batang paslit daw siya. Kaya sinumpa niya sa harap nito na balang araw kakainin rin nito lahat ng sinabi nito. Tinawanan lang siya ng walang hiya. WARNING: MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK

Étiquettes
3 étiquettes
Chapter 1YUAN's life

PAANO ba makakatakas? Iyon ang tahimik na tanong ni Yuan sa sarili habang sinusundan ng tingin ang kapatid na si Yoana na kanina pa hindi mapakali sa kinatatayuan. At nakailang salin na rin ng alak sa  kopitang hawak. Mukha itong miserable. Kung hindi lang niya alam kung bakit ito nagkakaganoon ay malamang mag-aala siya. Hell! Nagkakagano'n ito sa isang lalakeng hindi man lang nito boyfriend.

He felt trapped in her office. Halos mag-iisang oras na rin siyang nakikinig sa lahat ng sumbong nito tungkol sa love life nito samantalang alam naman nito na  wala siyang magandang maipapayo dahil wala naman siyang matinong nakakarelasyon.

Pinakamatagal na siguro ang dalawang buwan sa naging nobya niya na hindi na niya matandaan ang pangalan. Mae o Mia o Shiela ba 'yun? Ewan!

Yoana was five older than him. By the age of thirty one she was supposedly mature enough. Hindi iyong tatawag sa kanya, akala niya kung ano'ng importante na tila ba sa tono ng boses nito ay nanganganib ang buhay nito. Only to find out na may ipapagawa na naman ito na isang walang kwentang ideya.

Gusto nitong akitin niya ang isang teenager na nagugustuhan daw ni Isaac Buenaflor - lalakeng kinahuhumalingan nito.

High school girl? Kalokohan!

He wanted to laugh hard with the stupid idea. Hindi niya personal na kilala si Isaac pero ayon sa kapatid ay isa itong guro kung saan nag-aaral ang naturang teenager. Isang malaking kalokohan naman siguro na itataya nito ang propesyon para lang sa puppy love ng isang bata. Unless kung sa likod ng matino nitong imahe ay masama pala itong motibo.

"I saw them Yuan, the way he looked at her...he's so in love." Ibig niyang matawa sa tense na boses ng kapatid na tila ba may may mahal sa buhay na nasa ICU. Pero kailangan niyang pigilan ang tawa or else he will be dead!

"Okay..." Tumango-tango si Yuan kunwa'y interesado sa hinaing ng kapatid. Ngunit pa simple naman siyang tumingin sa kanyang cellphone nang mag vibrate iyon.

May incoming call from Maxine. Nakita pa lang ang pangalan ng babae sa screen ng cellphone ay kaagad uminit ang kanyang katawan. Parang gusto niyang bigyan ng gold medal si Maxine. Pang champion kasi ang performance sa kama.

Hindi siya makakapayag na matatapos lang sa one night stand ang lahat. He wanted more with no string attached, purely sex.

Hindi naman sa ginagawa niyang laruan ang mga babae. Pinipili din naman kasi niya ang nakaka-ulyaw niya. Gusto niya pareho nilang ginusto, walang sisihan. Walang habulan.

Ayaw niya sa mga babaeng fragile na pagkatapos ng lahat ay magmumukhang inagrabyado.

Kinansela niya ang tawag ni Maxine. Mahirap ng magalit ang kapatid. "Saan ba nagtuturo ang Isaac na 'yan?" tanong niya kay Yoana.

"St. Benedict High - wait you don't want to do this, aren't you?" Naningkit ang mata ni Yoana nang mahuli siya nitong nakatuon ang pansin sa cellphone. Muli kasi iyon nag vibrate. "Yuan this is a serious case!"

Napabuntong-hininga si Yuan. "C'mon Yoana, act your age."

Bumangis ang hitsura ng kapatid. Tila ba tigre na anytime ay kayang manlapa ng tao. "I want Isaac! Only him! Walang ibang pwedeng mag may-ari sa kanya!"

"Yoana..." Maang si Yuan. Noon lang napagtuunan ng pansin ang nanlalalim na mata nito.  "Nakakatulog ka pa ba?"

"Paano ako makakatulog sa sitwasyon ko?"

Napahawak siya sa sintido. Seryosong kaso na nga ito. At hindi na niya pwedeng pagtawanan ang sitwasyon. "Eh, ang gamot mo?"

"Matagal ko ng tinigilan ang pag inom ng gamot ko!" Sinalinan nito ng alak ang kopita nito at inisang tungga. Nagsalin ulit pero sa halip na inumin ay binato nito ang kopita psa kanya pero agad siyang nakaiwas. Nagkulay dugo ang dingding ng opisina nito.

"Yoana calm down!"

"I want Isaac! Ibigay mo siya sa'kin!"

Hindi na malaman ni Yuan kung ano'ng gagawin nang mag magsimula na itong mag hysterical.

Hindi na niya makontrol ang sitwasyon. Kung ano'ng madampot ng kapatid ay pinagbabato sa kanya. At dahil hindi nakababa ang blinds ay tumpukan na sa labas ng opisina ang mga empleyado nito na daig pa ang nanonood ng blockbuster movie.

He came to her office without anticipating this might happened. Because it's been a while since she...

Whoa! Natulig yata siya sa lakas ng sampal na natamo niya.

Mabigat man sa loob ay wala siyang magawa kundi alisin ang scarf sa leeg ni Yoana para iyon sana ang gagawing pang gapos dito pero bago pa niya magawa 'yon napalitan ng hagulhol ang pagwawala ng kapatid.

Parang kandila na unti-unting nauupos hanggang sa tuluyan na itong napaupo sa sahig.

"Yuan, pinapangako mo 'di ba na gagawin no pinanagawa ko?" Nagmamakaawang tanong ni Yoana.

"Ate....alright, nangngako ako." Napabuntong-hininga si Yuan. Hangga't maari ay ayaw sana niyang paasahin ang kapatid. Ayaw niyang mangako na hindi naman niya kayang gawin. Pero wala siyang mapagpipilian kundi ang magsinungaling dahil hindi naman kaya ng konsensya niya na mang agrabyado ng isang teenager. "Pero may isa akong kondisyon, kailangan mong magpatingin bukas sa doctor."

"No problem." Tumayo si Yoana. Inayos ang sarili at sa isang iglap lang ay tila wala nangyari. Taas noong lumabas ng opisina nito.

At mula sa loob ay nakikita niya kung paano nito pagalitan at duruin ang mga empleyado nito na agad nag pulasan at bumalik sa mga puwesto.

Batid ng lahat na hindi normal ang kapatid, sa kabila ng nakakabaliw nitong kagandahan ay may malaki itong kapintasan. Hindi normal ang takbo ng utak nito o sabihin ng baliw ito.

High school siya at nasa koliheyo naman si Yoana nang mapansin nilang may kaibahan ito. Hind nito makontrol ang galit. At labis itong nade-depressed kahit sa maliliit na bagay. Hanggang sa nahuhuli na itong nagsasalita mag-isa.

Umabot pa sa puntong muntik na nitong mapatay ang katulong nila dahil nakita daw nitong nag anyong pusa.

Tumalon din ito mula sa bintana ng kwarto nito sa second floor dahil marunong na daw itong lumipad. Sa kabutihang palad sumabit pa muna ito sa sanga ng puno kaya 'di gaanong kalubha ang impact ng pagbagsak nito. Nang patingnan nila ito sa dalubhasa'y na diagnosed itong may Psychotic Disorder. At ang sabi ng doctor ay baka daw sa Genes ng kapatid o namana nito sa ina.

Magkapatid lang sila ni sa ama. Anak siya ng Daddy nila sa nakarelasyon nitong sekretarya.

Bastardo ang tawag sa kanya. As for his mother, hindi niya ito kailanman nakita. Namatay daw ang ina pagkapanganak sa kanya dahil sa isang komplikasyon.

Si tita Melina, asawa ng Daddy niya at mommy ng kanyang ate ay tinanggap naman siya na parang tunay na anak nito kahit pa nga siya ang nagsilbing paalala sa kataksilan ng kanyang ama.

Namuhay naman masaya ang pamilya nila. Pero nang magbinatilyo siya at graduating naman noon sa koliheyo ang ate niya ay napapadalas ang away ng magulang nila. Humantong pa sa pag-aalis ng bahay daddy nila.

Iyon pala may bago na naman itong kinahuhumalingan. Sa pangalawang pagkakataon ay nagkaroon na naman ito ng kerida na nakilala sa isang night club.

Binigyan nito ang babae nito ng magandang bahay. Lahat ng luho ay nasusunod. Binibilhan ng maraming alahas. Hindi niya alam kung paano nasikmura ng kanyang ama na lahat ng ginagasto nito para sa babae nito ay galing kay tita Melina.

Ano lang ba ang Daddy niya? Dating squater boy na naging messenger sa kompanya na pagmamay-ari ng pamilya ni tita Melina. Mautak lang ang Daddy niya. Gumawa ng paraan para mapalapit sa heredera ng kompanya. Pinaibig.

Nang makuha ang gusto ay parang basura na lang tinapon dahil na walang pakinabang.

Ganoon katuso ang Daddy niya. At namumuhay sa puso niya ang pagkapoot para dito. Ito ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay niya, ang buhay nilang lahat!

Dahil sa ginawa ng Daddy niya ay namatay ang tita Milena dahil nagkaroon ng depresyon. Walang araw na hindi niya naririnig ang iyak nito sa loob ng kwarto.

Ayaw ng lumabas. Wala gustong kausapin kahit ang ate Yoana niya. Hanggang sa nagimbal sila isang umaga na tumalon ito mula sa bintana. Tulad sa nangyari sa ate niya ay naniniwala si tita Melina na nakakalipad ito. Na fractured ang binti nito.

Sa hospital habang naka-confine ito ay lagi itong nagwawala. Dinuduraan ang nurse at doctor. Nanakit. Tapos biglang iiyak, tatawa. Hanggang nilipat na lang ito sa psychiatric ward.

Ang sabi ng Daddy niya ay matagal na daw may deperensya sa utak si tita Melina. Hindi lang nahahalata. Walang nakakahalata. Buong akala niya ay bunga lang ng pagiging alcoholic ni tita Milena ang pagiging moody nito.

Pero hndi dapat rason ang kalagayan nito para iwan ito ng Daddy niya. Higit kanino man ay dapat ang Daddy niya ang nakakaintindi dito.

God knows how he tried to hold tita Milena's hand. Binigay niya ang buong lakas niya huwag lang ito mabitawan.

Pero si tita Milena, sumuko. Bumitiw. Gimbal siya. Ilang sandali lang ay tilian ng mga tao at serena ng ambulansya ang naririnig niya.

Si tita Milena nakita niyang wala sa sarili na naglalakad. Suot pa rin ang hospital gown. Tumutulo ang dugo sa kamay nito dahil marahil sa pagkatanggal nito sa dextrose nito.

Tinutungo nito ang hagdan paakyat sa rooftop. Sinubukan niya itong pigilan pero tinulak siya dahilan para mawalan siya ng balanse at mahulog sa hagdan.

Pero kahit puro galos at fractured ang paa ay ginawa niya ang makakaya niya para masundan si tita Milena.

He came right on time, he had able to hold her hand before she fell. Pwede pa niya itong masalba. Pero si tita Melina....

"Yuan."

Napakurap siya sa tawag na iyon ni Yoana sa kanyang pangalan.

"Here's the some information about the school girl, By the way her name is Aya."

Napailing na lang si Yuan. Talagang napaghandaan ng kapatid ang lahat.

Vous aimerez aussi

Si Makisig at Si Maganda (Love is Beautiful)

[Completed] Genre [Mystery, Romance] Isang trahedya at misteryo ang nangyari isang linggo bago ang kasal ni Maki at Bea na siyang nagpabago sa kapalaran nilang dalawa. Nagkaroon ng kasiyahan para sa nalalapit nilang kasal. Ngunit nagising si Bea na kasama ang asawa ng ate niya sa kwarto kung saan lumilitaw sa imahe niya na isang lalaki ang gumamit sa kanya nang nagdaang gabi nang paulit-ulit. Natagpuan naman niya si Makisig na halos walang kasuotan kasama ang ate niya sa kwarto nito. Bitbit ang hinanakit ay nilayuan niya ang lalaki sa loob ng apat na taon para mangibang bansa kung saan siya mas nakaranas ng pagdurusa. May pagkakataon pa ba silang magkatuluyan sa huli? Sa pangalan lang ba sila bagay? ****** Nakatingin siya sa lalaki at naghihinagpis ang kalooban niya. Dumadaloy ang luha sa pisngi ni Bea na akala mo ay uubusin nito ang lahat ng natitirang tubig na nagmumula sa mga mata niya. Lumapit ito para yakapin siya pero agad siyang umiwas. "Bea, trust me..." mahinang sabi nito. Mas matagal na nakatitig siya dito, mas lalo nitong pinapatay ang kalooban niya. May mga bagay na hindi talaga tugma kahit napapanahon. May mga bagay na tugma, kahit hindi napapanahon. May mga tao na kailangan lang ang isa't isa kaya nila mahal ang bawat isa. May mga tao na mahal nila ang isa't isa kaya kailangan nila ang bawat isa. May mga tao na para sa isa't isa. At may mga tao na kahit pilitin nila, hindi sila ang magkakatuluyan sa bandang huli. Minahal niya ang lalaking nasa harapan ng sobra-sobra. Halos hindi niya masabi ang mga salita pero kailangan sabihin. "Ayoko na..." Kapag doble-doble ang sakit. Doble-doble ang pahirap. Sa mundo at sa panahon na iyon, alam niya na hindi pa napapanahon. They are not meant for each other, she guessed. "A..alis na ko.. Paalam.." ***** My First Love is a Problem Boy [COMPLETED] My First Love is a Genius Girl [on going] At the end of the rainbow [COMPLETED] Workplace Romantic [COMPLETED] Love Me, My Prince [COMPLETED] The Devious Soul [on going] Thousand mornings with you [on going] ***** Photo © sookimstudio

Feibulous · Urbain
4.9
6 Chs