webnovel

♥♡ CHAPTER 74 ♡♥

♡ Dean Carson's POV ♡

...FLASHBACK...

I found myself on the floor nang suntukin ako ng isang lalaki. Napatingin ako sa katabi kong babae na natamaan rin kaya pareho kaming nawalan ng balanse at natumba. Kitang-kita ko ang mga sugat nito sa mukha at ramdam ko rin na dumudugo na ang labi ko, "Stand up the two of you!" sabay kaming napatingin sa nagsalita na ngayon ay nasa harapan naming dalawa. Mukhang pamilyar siya sa akin pero anong ginagawa ko dito. Where the hell am I?

"Dad, let my little sister rest. I can't watch her being hurt." pahayag ko.

"Kung ayaw niyong may masaktan, ayusin niyo. Both of you are precious to me but I can't always protect you. So you should be able to defend yourself all the time and wherever you are. Stand up and don't give up. Understand?" inilahad niya ang dalawang kamay sa amin kaya nagkatinginan kami ni Felicity bago ibinalik ang tingin kay dad at pareho iniabot namin ang kamay namin sa kanya kaya tinulungan niya kaming makatayo.

"Go and clean yourself. We're going to meet the Schulz family." ani niya kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Feli. Tinalikuran niya kami para lapitan ang mga kasama niyang sundalo na halatang hinihintay siya sa labas ng bahay namin, "Tingin mo ba kuya magiging katulad mo si dad someday?" tanong niya habang nakatingin kami sa kanila, "A general? Hell no!" bulong ko kaya natawa siya, "Let's go." ginulo ko ang buhok niya at inakbayan siya para muling pumasok sa loob ng bahay dahil mahirap na kung aabutan pa kami ni dad na nakatayo dito.

...END OF FLASHBACK...

Alam kong hindi lang basta-basta panaginip ang lahat ng 'yon. It was a memory. Yung mga tawanan naming dalawa, naaalala ko na lahat. All this time, ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang totoo kong pamilya dahil hindi ko sila naaalala not until my memories came back. Lahat ng tungkol sa akin, hindi totoo at kasinungalingan. My dad trained me and my sister to become fighters. Naalala ko na lahat ng sinabi niya sa akin. He was the one who taught me not to give up.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at isang pamilyar na babae ang nakita ko. She's not just a typical girl, she's my sister and I am her brother. I am Xyrone Grover but how the hell did I become Dean Carson? A Schulz? Paano nangyari ang lahat ng 'to?

"K-kuya, finally you're awake!" masayang sambit nito kasabay ng ngiti sa mga labi niya. Napatingin ako sa presidente na nakatayo sa sulok ng kwarto habang nakakibit-balikat at nakatingin sa akin, "So you knew?" tanong ko. Matagal na ba niyang alam ang tungkol sa akin?

"Natatandaan mo na ba ang lahat, Dean? Or should I say...Xyrone?"

Napatingin ako kay Feli nang hawakan niya ang isang kamay ko at umupo sa kama ko para tabihan ako, "N-natatandaan mo pa ba ako?" tanong niya kaya hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya. Matagal kaming hindi nagkita at nagsisisi ako kung bakit ngayon ko lang naalala ang lahat ng 'to, "I-i miss you, my little sister-- " natigilan ako nang bigla niya akong yakapin, "N-namiss din kita, kuya. I thought you're already dead. Akala ko hindi na tayo magkikita."

I couldn't find the right words to say dahil nahihiya ako sa lahat ng nangyari. All this time, nabuhay ako ng naaayon sa gusto ko habang nalulungkot naman ang totoong pamilya ko sa pagkawala ko.

Lumayo siya sa akin at kitang-kita ko ang pagluha nito habang nakangiti, "I'm sorry...that I forgot everything." umiling siya dahil sa sinabi ko, "I-it's not your fault, kuya."

"How did I forget everything about our family?" wala sa sariling tanong ko na sinagot ni Fortune, "No one is to be blamed except for Mr. Arthur Schulz. The one you thought was your father."

"What do you mean?" tanong ko.

"Tinanggalan ka ng memorya kaya wala kang naaalala. Do you still remember the medicine that the Schulz family sent you all the time?"

"What about it?" palagi silang nagpapadala ng gamot noon sa akin dahil sabi nila, panlaban 'yon sa sakit ng ulo ko at 'yon ang pinakamabisang gamot.

"Bumabalik ang alaala mo at dahil iniisip mong gamot ang pinapadala nila sa'yo, iniinom mo 'yon kaya madalas ang pagsakit ng ulo mo because that medicine prevents you from recovering your memories. Matagal ka ng niloloko ng pamilyang Schulz."

Kusa na lang napakuyom ang mga kamay ko, "Matagal mo ng alam ang tungkol dito pero bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"

"Dahil gusto kong ikaw mismo ang makaalam ng totoo kaya nga sa ibang building ko dinala si Sean Raven instead of bringing him in Curse building, right Felicity?" nagulat kaming dalawa ng sabihin 'yon ni Fortune, "Bakit kinailangan mong gawin 'yon?" tanong ni Feli na nagpipigil sa galit.

"Isn't it obvious right now, Felicity? Sinadya naming pagbanggain ang landas niyo ni Sean Raven...knowing that he would plan to escape in order to come back here, sigurado akong susunod ka sa kanya and that's the only way for you to find your missing brother. Gusto kong kayo mismo ang makaalam ng totoo so instead of telling you the truth, I did everything to show the truth infront of you. Alam kong lulusubin mo si Dean for the sake of Sean Raven because I was watching you that's why I thought that was the right time to reveal who's your real brother." inilipat ni Fortune ang tingin sa akin, "So you do really know everything, don't you?" tanong ko.

"I need both of you kaya ko ginawa ang lahat ng 'to. That's why when you agreed about our plan, sinabi ko sa'yo na huwag kang iinom ng gamot na pinapadala ng Schulz at binibigay ni Savannah dahil mapapahamak ka. Lahat ng gamot na ipinainom ko sa'yo, to make you remember everything and to slowly heal you. I understand if one day you'd plan to kill me, I am just doing this for the sake of everyone."

"Why the hell do you even know everything?" tanong ni Feli na napatayo.

"Remember that I am the sole eagle of dark eagle society."

"Pero bakit mo 'to ginagawa? Kinakalaban mo si Mr. Wilford?"

"I have my own reason, Felicity." sandali siyang natigilan at muling nagsalita, "When I found out that Mr. Wilford asked Sylvester to spread rumors about the two of you...I exactly knew that both of you are a threat to him kaya gustung-gusto niyang mamatay kayo. That's why I had to cross your paths again dahil kayo lang ang makakatulong sa lahat ng estudyante."

Gustung-gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa dahil alam kong gusto niya lang na iligtas ang lahat. Ibang-iba ang presidente sa nakilala ng lahat, she's really concern at nakikita ko 'yon. Mas katanggap-tanggap siya sa likod ng maskara. She doesn't even deserve it.

"I really want to help, Fortune...pero hindi ko magagawang iwan si Syden dahil sa lagay niya ngayon." pahayag ko kaya napatingin sila sa akin, "Ibig bang sabihin, you were just pretending all this time sa grupo mo?" tanong ng kapatid ko na ikinatango ko, "How about...s-si Leigh? Stephen and Caleb?" kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot, "I-ikaw ba talaga ang pumatay sa kanila, kuya?"

"I took the blame to save one of my members, Feli." napatango siya at yumuko, "Hindi ka pa rin talaga nagbabago." at muli niya akong tinignan na may ngiti sa mga labi niya, "You're always concern at pipiliin mong iligtas ang mga taong malapit sa'yo kahit na ikapahamak mo." pahayag niya kaya dahan-dahan akong umupo para guluhin ang buhok niya kagaya ng ginagawa ko date, "I will also do the same to you...pero bakit ka pa pumunta dito? Hindi mo ba alam na delikado?" hindi ko rin maiwasan na mag-alala dahil sa sitwasyon niya.

"Totoo bang pinatapon ka ng Schulz dito?" tanong niya na ipinagtaka ko, "What?"

"Narinig ko sila na may ipinatapon dito at malaki ang hinala namin ni dad na baka ikaw 'yon...kaya pumasok ako dito." napayuko ako at napabuntong-hininga.

"You know what, hindi ka na dapat pumasok dito." at tinignan ko ulit siya ng may pag-aalala, "Masyadong delikado. Paano kung may mangyaring hindi maganda sa'yo?"

"Pumunta ako dito para hanapin ka at matulungan nating makalabas ang iba, kuya."

"What do you mean, Felicity?"

"Pinayagan ako ni dad na pumasok dito at may plano na rin na kung sakaling hindi ako makabalik, ibig sabihin may nangyayari talagang hindi maganda. Paniguradong pinaplano na nila ang mga gagawin para mailabas tayo dito."

"May nakakaalam sa labas?" tanong ko pa. I just couldn't absorb lahat ng naririnig ko.

"Piling tao lang ang nakakaalam dahil iniiwasan nilang malaman ng Wilford at Schulz na alam na ng iba ang sikreto nila." sagot niya.

"There's no sense kung papagalitan mo pa ang kapatid mo, Dean. Nasa loob na siya ng Heaven's Ward High noong muling bumukas ang wall. Lahat ng estudyante ipinasok na nila dito at kahit pa tumakas siya, hindi na rin siya makakatakas pa. Whether she likes it or not, mapupunta at mapupunta siya dito." pahayag ni Fortune.

"Don't worry. I'm here for you, kuya. Tutulungan natin silang makalabas." I could see determination in her eyes kaya nagdadalawang-isip pa rin ako tungkol sa plano dahil hindi ko maiwasang mag-alala sa sitwasyon ni Syden, "Alam mo ang lahat pero bakit hindi mo inalam ang tungkol sa ginawa ni Savannah kay Syden?" tanong ko kay Fortune.

"I knew right away." sagot niya kaya nagsalubong ang kilay ko at napakuyom ang kamay, "W-what?!"

"Fine, I lied to you. Matagal ko ng alam pero hindi ko sinabi. Alam kong gagawin 'yon ni Savannah sa kanya dahil gusto na niyang mawala ng tuluyan si Syden."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Ang akala ko ba hindi mo rin alam?!" napatayo ako at galit na galit siyang nilapitan, "Dahil ayaw kong magpadalus-dalos ka sa desisyon mo. Tingin mo ba hindi ko alam na kapag agad kong sinabi ang totoo, agad mo ring lulusubin si Savannah without my permission? Alam ko rin na hindi na-rape si Syden pero hinayaan kong ikaw mismo ang makaalam ng totoo dahil alam kong ito ang pinakakailangan mo ngayon."

"Anong rason para gawin mo 'to?!" seryoso at galit kong tanong habang diretso ang tingin sa kanya. Nagpipigil ako dahil baka may magawa akong hindi maganda sa kanya. Mas lumapit pa siya sa akin, "Gusto kong galitin ka...as you are on rampage right now..." unti-unti nitong hinawakan ang isang pisngi ko gamit ang isang kamay niya, "Sa kanya ka dapat magalit at hindi sa akin. Sa kanya mo ibuhos ang galit mo. Save your madness for her, Xyrone. We will be needing that anger once you kill her." at ibinaba niya ang kamay niya kaya napakuyom naman lalo ang kamay ko.

"Get ready...cause we're going to put this hell really on fire." at nilagpasan niya ako. When she said that, tila unti-unti niya akong napasunod gamit ang mga salita niya. Paulit-ulit kong naaalala si Savannah at ang lahat ng ginawa niya kay Syden at sa buong grupo. I will really kill her.

Napatingin ako kay Felicity nang lapitan niya ako, "Let's end this together, kuya." saad niya kaya tumango ako at hindi kami nagdalawang-isip na sundan si Fortune.

Kahit hindi niya sabihin, alam namin kung saan siya papunta hanggang sa makarating kami sa secret room. Pagtapat namin doon, mabilis na bumukas ang pintuan kaya diretso kaming pumasok sa loob ngunit hindi namin inaasahan ang nadatnan namin. Hindi lang kami konti sa kwartong ito at tila biglang nadagdagan lalo na't hindi kapani-paniwala na makakasama namin ang iba sa plano.

Napapalibutan ng kulay pulang ilaw ang bawat sulok ng kwarto. Sa gitna, may isang pabilog na lamesa na kulay itim at may mga nakaupo na doon na halatang hinihintay kami, "It's good to see na nandito na kayong lahat." umupo si Fortune sa bakanteng upuan na nasa harapan kaya ganon na rin ang ginawa namin ni Feli na umupo sa tabi niya.

"I'd like you to meet everyone kahit na alam kong magkakilala na ang iba sa inyo." saad pa nito. Lahat kami, nakapalibot sa lamesa.

"Wait a minute, miss president." pagsasalita ni Icah kaya napatingin kami sa kanya, "May hinihintay pa ba tayo?" tanong niya na tinignan ang dalawang bakanteng upuan sa tabi niya, "We still have two missing members, pero hindi sila makakahabol."

"Sino naman?"

"You'll find out later, so now please listen to me everyone." at nag-umpisa na siyang tignan kami isa-isa, "I will introduce to you lahat ng kasama sa plano natin. First we have the three eagles...Icah, Maureen and Hadlee. Second, nagtataka siguro kayo kung bakit biglang nawala si Amber." napatingin kami sa sekretarya niya na sa tagal ng panahon, ngayon lang ulit nagpakita, "Siya ang inutusan ko para magmanman sa labas ng building na 'to at sa kanya ko nalaman na magkasabwat sina Savannah at Sylvester that's why we had to kill him...because he was a big threat to our plan."

"Who killed Sylvester?" tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus ay tinignan sina Icah kaya napatingin din ako sa kanilang tatlo na diretsong nakatingin sa akin, kaya kahit hindi nila sabihin, alam ko na ang sagot sa tanong ko kaya napangisi na lang ako. Ibang klasi talaga ang presidente. May itinatago rin pala ang tatlo.

"Amber my secretary was also the mastermind behind the division of the whole dark eagle group. Siya ang dahilan kung bakit nahati sa dalawang grupo ang dark eagle. Mas madalas kausapin ni Mr. Wilford si Savannah ngayon kaya pinoprotektahan at mas sinusunod siya ng dark eagle kaysa sa akin."

"Pero may mga iilang miyembro na ayaw sumunod kay Savannah at mas gustong sumunod sa utos ng presidente." saad ng sekretarya niya, "Kaya inipon ko lahat ng tapat sa presidente na naging dahilan para mahati ang buong grupo ng dark eagle."

"Kung hawak ni Savannah ang buong grupo, mahihirapan tayong patayin siya kaya kinailangan naming hatiin ang grupo." pahayag ni Fortune, "Hindi ba natin sila kaya ng tayo lang?" tanong naman ni Feli na ikinailing ni Fortune, "Members of dark eagle had been trained. They are better than fighters and worse than killers. Hindi sila estudyante, magmula bata tinuruan na sila sa pakikipaglaban. They are supposed to serve the Schulz and Wilford families pero ngayon hindi na...ipinadala sila dito para ipapatay ang mga estudyante. Mr. Wilford and Mr. Schulz don't want to leave a single trace of their dirty works kaya ginawa nila 'yon even if it means losing what's precious to them."

"What do you mean?" tanong ko.

"Kung sakali man na mapatay namin lahat ng estudyante, lahat kaming mga natitira...mamamatay din. The last man standing will also get killed. Walang dapat na matira."

"Paanong mangyayari 'yon? Hindi ba lahat ng miyembro sa dark eagle nandito?" tanong pa ni Feli, "Lahat ng nakakaalam, papatayin nilang dalawa sa huli. Kaya nilang isakripisyo ang buong dark eagle para lang hindi madungisan ang pangalan nila although pinaghirapan nila ang lahat ng 'yon. Iyon ang kaisa-isang bagay na hindi alam ni Savannah. Ang buong akala niya makakalabas pa siya dito, pero kasama rin siya sa mamamatay. Masyado siyang nagtitiwala kay Mr. Wilford kaya alam kong sisiguraduhin niyang mamamatay lahat ng estudyante kagaya ng gusto nina Mr. Arthur at Augustus."

"Mahihirapan tayong pigilan si Savannah dahil palaging nakabantay sa kanya ang mga miyembro niya." pahayag ko. Kaya nga inutusan ako ni Fortune na kunin ang tiwala niya dahil ako lang ang makakagawa ng gusto niya.

"Savannah and Sylvester planned to attack the students from the other building first dahil alam nilang mahihirapan silang ubusin ang mga nandito. Noong oras na kinukuha ni Dean ang tiwala ni Savannah, she forgot about Sylvester and their plan kaya imbes na patayin ang mga estudyante, nagawa kong ipapatay si Sylvester. Habang abalang-abala siya sa pagmamahalan nila ni Dean na hindi naman totoo, nagawa na ni Amber na hatiin ang grupo kagaya ng nasa plano." saad ni Fortune.

"Pero ano ba talagang plano natin? Paano natin siya mapapatay ngayong nakabantay sa kanya ang mga miyembro niya?" tanong ni Maureen.

Inilagay nito ang dalawang kamay niya sa lamesa bago nagsalita, "May itinatagong kwarto si Savannah at doon sila nagkakaroon ng komunikasyon ni Mr. Wilford. 'Yon ang naging dahilan kung bakit kinailangan kong gamitin si Dean laban sa kanya at kung bakit niya kailangang kunin ang tiwala ni Savannah. Hindi sasabihin ni Savannah kung nasaan ang kwartong 'yon, siya lang ang nakakaalam. I'm really sure na kapag wala na siyang choice, sasabihin niya kay Dean kung nasaan ang kwarto na 'yon para malaman ni Mr. Wilford na may nangyayaring gulo. Sa ating lahat, si Dean ang lubusan niyang pagkakatiwalaan dahil sa pag-aakala niyang nagmamahalan sila. She would be left with no other choice but to ask Dean to communicate with Mr. Wilford."

"Pero hindi pwedeng malaman ni Mr. Wilford na may nangyayaring gulo." dagdag ni Finn.

"Habang sinasabi ni Savannah kay Dean kung saan nakatago ang kwarto, patatakasin natin lahat ng estudyante sa building na 'to through the game room..." at napatingin siya kay Myrtle na nasa tabi niya.

"Kapag nagkagulo, Savannah's group will have no other choice but to check what's happening kaya maiiwan siya. That's the time Dean Carson will going to kill her habang nagbabantay si Phoenix sa labas ng kwarto at pipigilan ang sinuman na papasok para tulungan si Savannah. Papasabugin ni Dean ang kwartong 'yon para mawalan si Mr. Wilford ng koneksyon at mahihirapan siyang makakuha ng impormasyon kung ano ang nangyayari dito sa loob. He will surely try to contact me at sasabihin ko sa kanya na walang nangyayaring gulo without him even knowing na nakakatakas na ang iba. The students will come out through the game room, the spikes waiting outside will be deactivated and so do the electric barrier."

"But Fortune, why don't you have access to that room kung ikaw naman ang presidente?" tanong ni Hadlee, "Sa dark eagle ako ang paborito pero kung papipiliin mo si Mr. Wilford, mas may tiwala siya kay Savannah kaya sa kanya ipinagkatiwala ang kwartong 'yon. That room has access to everything inside and outside of this campus."

Pinalaki ng pamilyang Schulz at Wilford si Fortune na matalino, hindi nila alam na siya pala mismo ang kakalaban sa kanila. Masyado na niyang kilala ang dalawang 'yon kaya madali na lang para sa kanya na malaman kung ano ang pinaplano nina Mr. Wilford at kung ano ang susunod nilang hakbang.

"Katulad ng nasa plano, the vipers are also planning to kill the members of dark eagle." saad ko.

"Paano makakalabas ang mga estudyante?" natigilan kaming lahat at napatingin kay Fortune nang itanong 'yon ni Icah. That's the only thing we want to know...kung ano ang balak ng presidente.

Sumandal siya sa kinauupuan niya at napapikit, "We can't destroy the wall but we can dig the ground." at iminulat niya ang mga mata niya. Nagkatinginan naman kaming lahat, "There will be someone from the outside who's going to assist us." dagdag pa niya, "And they are already here." bigla na lang bumukas ang pintuan at may dalawang pumasok. Napatayo naman kaming lahat ng makita namin sila at hindi namin maiwasan na magulat.

"N-nashielle...a-and Ms. Freud?" gulat na sabi ni Icah. Lahat kami, nanigas sa kinatatayuan namin maliban kay Fortune na nakaupo pa rin hanggang sa tumayo na rin ito, "So, shall we start?" tanong niya.

To be continued...

Chapitre suivant