webnovel

20

"A-AKO na." sabi ni Jean saka akmang aagawin ang face towel na hawak ni Apollo ngunit mabilis nitong iniiwas iyon. Ito na mismo ang nagpatong niyon sa basang buhok niya at tahimik na tinuyo iyon. It was a simple gesture but it did not fail to make her heart flutter.

Nasa loob na sila ng sasakyan nito. Ni hindi na siya nakapag-react pa pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito pagkatapos ng halik na pinagsaluhan nila nito. Ni hindi niya alam kung paano silang nakarating doon ngunit nang tuluyang bumalik ang inaagiw niyang isipan sa realidad ay nasa loob na sila ng sasakyan nito.

"P-paano mo akong nahanap?" nagawa niyang itanong pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nila. Hindi siya lubusang siguradong sasagutin siya nito lalo pa at hindi pa rin maipinta ang mukha nito.

Saglit nitong ipinagpatuloy ang pagtutuyo sa buhok niya bago bumuntong hininga at pinakatitigan siya.

"Hinanap kita sa bahay ninyo pero wala ka. Tinawagan ko pa si Myla pero hindi mo raw siya kasama. Natagalan bago ko naisip na maaaring dinalaw mo ang Daddy mo." mahabang sagot nito.

"Why did you look for me?" lakas-loob na tanong niya.

"Because I think you might have misunderstood something." muli itong humugot ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "Ikaw ang pumunta sa bahay hindi ba? You were the one who ran down my stairs. Narinig ko ang mga yabag mo. At nahuhulaan kong may nakita kang hindi mo nagustuhan."

"Paano mong nalaman na ako ang nasa bahay ninyo? O na may nakita akong h-hindi ko dapat nakita?"

"Dahil wala ka na nang hanapin kita sa bahay mo. You even left your front door open. Hindi ka ganoon ka-careless para iwang nakabukas ang bahay mo nang wala ka. It was either your house was robbed or you ran away without thinking about what you left. And I checked your house. Hindi naman iyon mukhang napasok ng kung sino, so I concluded it was the second reason. At isa lamang ang maaaring dahilan. You saw me with Diane right?"

"Diane? Is it the Diane who has a crush on you since elementary?" gulat na tanong niya.

"That's the one." muli itong huminha ng malalim na para bang inihahanda ang sarili sa gagawing pagpapaliwanag. "I met her the night I saw you again. Lumipat ako ng ibang bar just to drink my heart out dahil ayokong makita ako ng mga kaibigan ko na nagpapakalasing because of you."

"Because of me?" gulat na tanong niya.

"Yeah. Because of you. Noong una pa lang na makita kitang muli ginulo mo na ang sistema ko. Akala ko sa nakalipas na mga taon, I was able to get over you. Pero mali pala. Dahil isang pagkikita lang pala natin ulit aybabalik na ang lahat ng sakit. That was why I drank a bit too much that night. I don't know how but Diane was able to recognize me. And the next thing I know, she was driving my car. At nakarating kami sa bahay. I was drunk so I did not argue when she went with me inside the house but I swear nothing happened. I made her leave when I got a bit sober"

"But she was at your front door the next day. At kasama mo siya nang pumunta ka sa engagement party."hindi napigilang sabi niya.

"Iyong pagpunta niya sa bahay ko the next day, hindi ko alam 'yon but I played along. Maging ang pagsabay niya sa akin papunta sa party na iyon. I did it because I wanted to distance myself from you. Sa tuwing makakasama kasi kita, unti unting natitinag ang pader na itinayo ko sa pagitan natin. But then I saw Greg with you. At nang hawakan ka niya, nagdilim na ang paningin ko. I hate seeing you with another guy but I hate it more when you get hurt or even get scared. Kaya nga tinakbo ko ang bahay niyo kahit umuulan at inakyat ko ang kuwarto mo. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa'yo. Doon ko na-realize na kahit anong gawin ko, hindi ko mababalewala ang nararamdaman ko para sa'yo. Bumalik ka para sa akin at iyon ang importante." mahabang paliwanag nito.

"K-kaya ba may ganoon kayong eksena sa kuwarto mo?" masakit man sa loob ay nagawa niyang itanong. Kailangan niyang malaman ang lahat kahit pa masasaktan siya sa maaaring isagot nito.

"Alam kong compromising ang nakita mo, but it's not what you think. Pumunta siya sa bahay 'ko at sinabi niyang gusto niya ako. Sinabi ko sa kanya ang totoo. Ang plano kong bumalik sa'yo. And I said I was sorry I kind of used her to forget you. Nagsimula siyang umiyak kaya naman hindi ko siya agad na napaalis. Hinayaan ko muna siyang kumalma doon habang umakyat naman ako sa kuwarto para sana paghandaan ang lunch date natin because I can't let anything hinder that. Nagulat na lang ako nang paglabas ko ng banyo ay nandoon na siya. She threw herself at me and we ended up at the bed. Then I heard the footsteps. Itinulak ko siya agad nang mahimasmasan ako sa pagkagulat. I made her leave that instant. At nang hanapin na kita, wala ka na nga sa inyo. I called Myla, she didn't give me much help though. Natakot pa kong baka itago ka niya kapag nauna siyang makita ka. I would really wring that brat's neck kung hindi lang kapatid siya ni Lenard.

Hindi niya alam kung paanong magrereact. Ipinaliwanag na nito ang lahat. At valid naman iyon sa pananaw niya ngunit nalilito siya. Anong nangyayari?

"What exactly is this Apollo?" nagawa niyang itanong pagkalipas ng ilang minutong pagkatulala.

"What do you mean?" kunot ang noong balik nito sa kanya.

"I-I mean this. Galit ka sa akin dahil iniwan kita hindi ba? You told me to forget ever getting back with you. Kung ganoon ay ano 'to? Anong nangyayari?" naguguluhang tanong niya.

Saglit itong natulala lamang sa kanya ngunit ilang saglit pa ay umangat na ang.palad nito sa pisngi niya. Marahang hinaplos nito iyon.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?" mahinang sabi nito. "I want us to start over."

Ilang beses siyang napakurap bago nagawang intindihin ng utak niya ang sinabi nito.

"S-seryoso ka ba? Nasaktan kita nang husto nang iwan kita noon. Ni hindi ko nagawang ipaliwanag sa'yo na---"

Natigil ang sinasabi niya nang lumapat ang mga labi nito sa noo niya.

"Ayoko nang marinig pa ang dahilan kung bakit mo ko iniwan noon. And I have decided not to care about that anymore. Ang mahalaga ay kasama kita and that you'll always be with me from now on." sabi nito kasunod niyon ay ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa mga labi nito.

Iyon na yata ang pinakamagandang mga salitang narinig niya sa tanang buhay niya. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at niyapos niya ito. She was so happy that she ended up half laughing and half crying. Nababaliw na yata siya.

"I will never leave you again, I promise." bulong niya rito.

Hindi na rin siguro mahalagang ipaliwanag niya ang totoo rito. He said he did not care. She knows she will eventually have to tell him everything but there will be a right time for that. For now, she decided to enjoy the moment because it was probably the happiest moment of her life so far.

Chapitre suivant