webnovel

1

                "APOLLO..." nasambit niya nang sa wakas ay masilayan ang lalaking ang tagal na niyang inasam makitang muli. Ang perpektong mga labi, matangos na ilong, at pares ng magagandang mga mata. Malinaw na malinaw sa alaala niya ang mukha nito. Ilang taon din siyang nangulila sa mukhang iyon ngunit ngayong abot-kamay naman niya ito ay hindi niya ito magawang lapitan kaya naman nakuntento na lamang siyang nakamasid dito mula sa mesang ilang panig din ang layo mula sa mesang inookupa nito at ng mga kaibigan nito.

Lihim siyang napangiti nang makitang tumatawa ito kasabay ng mga kaibigan nito. Mabuti naman at mukhang masaya na ito. Malayong malayo sa anyo nito nang huli niyang masilayan ang mukha nito. Bakas sa mukha nito ang sakit nang huling Makita niya ito. At tandang tanda pa niya ang araw na iyon. Ang araw na iniwan niya ito.

Mapait ang ngiting sumilay sa mga labi ni Jean. Sinaktan niya si Apollo nang iwan niya ito noon, alam niya iyon. At hindi niya ito masisi kung hindi pa rin siya nito napapatawad hanggang nang mga sandaling iyon kahit pa ilang taon na rin ang nakakalipas. Kaya nga heto siya at nakukuntento na lamang sa pagsilay rito mula sa malayo. At least she was able to see him smile again, kahit pa alam niyang sa oras na makita siya nito ay mabilis pa sa alas-kuwatrong mabubura ang ngiting iyon. He probably hates her to the core.

Saglit na nawala ang atensiyon niya sa binata nang biglang mag-ingay ang cellphone niya. Agad naman niya iyong sinagot nang mabasa ang pangalang nakarehistro doon.

"Hey, Hector, what's up?" bungad niya.

"Anong what's up? Where are you?" nailayo ni Jean ang telepono sa tainga dahil sa bahagyang pagtaas ng boses ng kausap. "Or should I still be asking this? Active na nga ang number mo. Nasa Pilipinas ka na!"

"Eh alam mo naman na pala eh. What's the fuss about, anyway?" natatawang tanong niya.

"What's the fuss?! Ang akala ko ba sabay tayong uuwi ng Pilipinas? Nagulat na lang ako umalis ka na daw sabi ng Mommy mo." Tila naghihinampong sabi ni Hector.

Nakagat naman niya ang pang-ibabang labi at bahagyang nakaramdam ng guilt.

"Sorry, Hector. Na-excite lang ako masyadong makabalik ng Pilipinas pagkatapos ng mga nangyari. You're still going here, right?" alanganing tanong niya rito. Hindi na siya magtataka kung tatanggi na ito. Iwan ba naman niya ito kahit pa may usapan silang sabay na babalik.

"May magagawa ba 'ko? Konsiyensya ko pa kapag may nangyari sa'yo dahil nag-iisa ka riyan." Parungit pa rin nito bagaman natuwa na rin siya sa sagot nito.

"Hindi mo rin talaga ako matitiis 'no?" pang-aasar niya.

"Heh! Tumigil ka. Where are you by the way?"

"At a restobar. Having dinner."

"Restobar? You're not supposed to be drinking!" galit na sabi ni Hector. "At mag-isa ka pa!"

"Okay, relax! Hindi ako naglalasing dito. Naka-iced tea lang ako." Agad na awat niya rito. "I'm just having dinner, okay?"

"At a restobar?! Sa dami ng restaurant sa Manila, sa restobar ka pa napadpad para mag-dinner?"

"Why not? They have nice food here." Palusot pa niya. Hindi niya magawang sabihin rito ang tunay na dahilan. Malamang na sakalin siya nito kapag nalaman nitong si Apollo talaga ang ipinunta niya sa lugar na iyon

Narinig niya ang paghugot nito ng hininga tanda ng frustration nito. Napangiti na lamang siya. Nakakataba talaga ng puso ang concern nito sa kanya.

"Where are you staying? I'll just meet you there soon. At pakiusap lang umalis ka na dyan. Matakot ka naman sa mga lasing na naglipana riyan."

"Maaga pa naman. Wala pang lasing masyado." Pang-aasar pa niya.

"Jean Grace Dela Rama..." tila napipikon namang sabi nito.

"Sabi ko nga, aalis na 'ko eh. Have a safe trip, Hector" Sabi niya saka ibinaba na ang tawag.

Sa huling beses ay tinanaw niya ang kinaroroonan ni Apollo. Abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Parang ayaw pa niyang umalis ng lugar na iyon.

"Magkikita pa tayo, Apollo. Sisiguraduhin ko 'yon." Pangako niya sa sarili saka tumayo na ngunit dahil hindi siya agad nakatingin sa daraanan ay bumuggo siya sa kung sino. Naramdaman niya ang pagdaloy ng malamig na likido sa suot niyang puti pa namang blouse. Napangiwi siya nang maamoy ang mantsa na ngayon sa damit niya. Beer!

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo ha?" came that slightly slurred voice. Nang iangat niya ang tingin ay bumungad sa kanya ang namumulang mukha ng isang lalaki. He reeked of alcohol and appeared intoxicated. Bakit ba lagi na lang tama si Hector?

"S-sorry po. Hindi ko po kayo agad napansin. Pasensya na po talaga." Hinging paumanhin niya kahit pa hindi siya sigurado kung naiintindihan pa siya nito dahil mukhang tutumba na ito dahil sa kalasingan.

"Sorry, Sorry! Maibabalik ba ng sorry mo ang tumapong inumin ko!" pasigaw na sabi nito bagaman madulas na ang pagsasalita nito. Humahalimuyak din sa mukha niya ang amoy ng alak mula sa bibig nito ngunit pinigil niyang mapangiwi. Baka bigla siyang bigwasan nito kung gagawin niya iyon sa harap nito.

"I-I'll just pay for your drink." Dali-daling humugot siya ng pera mula sa wallet niya at akmang iaabot dito nang bigla nitong hawakan nang mahigpit ang pala-pulsuhan niya dahilan upang mabitawan niya ang pera.

"Hindi pera ang kailangan ko." Sabi nito pagkatapos ay ngumisi sa kanya. "Kailangan ko ng kasama."

"P-po?" kinakabahang nasambit niya. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit ang lakas ng loob niyang pumunta sa ganoong lugar nang nag-iisa. Hindi pa nga siya nagtatagal na nakakabalik ng Pilipinas pagkatapos ay mukhang napasok pa siya sa isang gulo.

Hindi pa ito nakuntento ay umangat ang kamay nito sa baba niya at itinaas ang mukha niya.

"Maganda ka pa naman, Miss. Samahan mo na lang ako na---"

Hindi pa man natatapos ang sinasabi nito ay may kung sinong humawak na sa braso nito at inilayo ang kamay nito mula sa kanya.

"Dude, you better go home now." Lumipad ang tingin niya sa lalaking tumulong sa kanya. Kilalang kilala niya ang singkit na mga matang iyon at gwapong mukha. It was Josh, Apollo's friend.

"At sino ka namang pakialamero? Kita mong nakikipag-usap ako sa magandang babaeng 'yan eh!" pagalit na sabi ng lasing na lalaki.

"The owner of this restobar and I'm saying you better go home now. Hindi 'ko gusto nang nakakakita ng gulo sa kaharian 'ko." Mahinahong sabi ni Josh. "O baka naman gusto mong ang mga bata ko na lang ang magpalabas sa'yo sa lugar na ito. They won't be as nice as I am, if you know what I mean,"

Mukha namang bahagyang bumalik ang huwisyo ng lalaki sa narinig. Inilibot nito ang tingin sa paligid bago humantong sa mga bouncer ng lugar. Nang marahil ay mapagtantong tama ang sinasabi ni Josh ay agad na itong tumalikod at tumalilis sa lugar na iyon. She sighed out of relief.

"Okay ka lang ba, Miss---" nanlaki ang mga mata nito nang sa wakas ay makilala siya. "Jean?"

"Ahm..bye!" Iyon lamang ang nagawa niyang sabihin bago nagmamadaling tinalikuran ang lalaki. Bakit ba sa dami na lang nang makakatulong sa kanya ay isa pa sa mga kaibigan ni Apollo? She was supposed to come and leave the place unnoticed!

Chapitre suivant