webnovel

Chapter 22

Xaiyi Point of View:

Dalawang buwan na din ang nakakalipas mula nung nagising ako. At ngayon ay naghahanda kami para sa 12th years anniversary ng kompanya nila Hyden. Di ko nga lubos akalain na isa pala siyang tagapagmana ng isang sikat na Hotels and Restaurants dito sa France. Minsan ay naikwento niya sa akin na hindi naman talaga iyon ang hilig niya, sadyang siya lang daw ang nag-iisang anak ng mga magulang niya.

Hinayaan siya ng mga magulang nito na gawin ang gusto niya sa mga panahong libre pa siya. Ang gusto kasi ng mga ito ay bigyan muna ito nang kalayaan kahit papaano dahil sa oras na ipinakilala na itong tagapagmana ay dapat niyang tanggapin ang responsibiliadad na ibibigay sa kanya.

Minsan pa ay sinabi ni Hyden na sa mundong iyon, lahat daw ay hindi ordinaryo. Habang lumalakas ka daw kasi, padami ng padami ang nagkaka-interes sa iyo, makuha lamang ang gusto. Iyon daw ang sabi ng ama nito, kaya naman binusog siya nito ng pangangaral habang ginagawa niya ang gusto niya.

Napadako ang tingin ko sa pinto nang may biglang kumatok rito.

"Sino yan?" Pasigaw kong tanong.

"It's me." Boses ni Kean.

"Saglit lang, matatapos na ako." Pagpapahintay ko rito.

Dali-dali kong inayos ang nakalugay kong buhok bago isinuot ang heels ko. I reached my purse bago tumungo sa pinto at pinagbuksan si Kean.

I don't know why but he was stunned when he saw me.

"Hey." Pag-aagaw ko sa atensyon nito.

Bumalik naman siya sa diwa at. "Wow. You look gorgeous, Xai." He complemented.

I smiled. "Thanks, Kean. So ano? Let's go?" Pagyaya ko rito.

"Yeah. Sure. Let's go." He said at inilahad ang kamay niya kaya naman malugod ko itong tinanggap.

Inilagay niya ang kamay ko sa braso niya habang patungo kami sa may hagdan para bumaba ng bagay.

Agad kaming nagtungo sa sasakyan dahil isang oras nalang ay magsisimula na ang selebrasyon.

Inalalayan akong makapasok ni Kean bago siya umikot papuntang driver seat.

"Hyden called me. At sabi niya ay dumeritsu daw muna tayo sa guestroom dahil may ibibigay daw siya sayo." He just said and started the engine.

"Okay." I just replied.

Tahimik lang kaming nagbyahe ni Kean patungo sa mansyon nila Hyden. I'm sure na nandoon din si Dr. Ally dahil kapatid ito ng Mama niya. At ang gusto din kasi ng Mama ni Kean ay doon nalang daw ganapin ang selebrasyon dahil medyo masama daw ang pakiramdam nito nitong nakaraan.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakarating na rin kami sa wakas.

Ipinark ni Kean ang kotse bago siya bumaba at umikot para pagbuksan at aalalayan ako muli.

Isinabit ko ang kamay sa braso niya at saka kami nagtungo sa front door ng bahay. Bago kami pumasok ay iniabot muna namin ang invitation card sa isang lalaking nagbabantay ata bago kami nito hinayaang makapasok.

Namangha ako sa ganda at laki ng bahay nila Hyden. Hindi mo lubos aakalain na isa itong bahay dahil sa lawak at ganda ng loob. Baka nga maligaw ka pa pag wala kung sakaling ikaw lang mag-isa dito.

May iilang bumati kay Kean nang pagkapasok na pagkapasok palang namin. Karamihan rito ay mga magagandang babae pero tanging ngiti lamang ang itinugon nito sa mga iyon.

Deritsu lang paglalakad namin ni Kean patungo sa hagdanan hanggang sa makarating kami sa taas at buksan niya ang isang silid.

"Hyden Ry." Tawag ni Kean rito.

Nakaupo ito sa isang upuan kaharap ang salamin habang inaayusan siya ng isang lalaking parang kasing edad lang din namin. Gwapo ito at makikita mong isa itong professional base palang sa pananamit nito.

"Can you leave us for now?" He calmly asked to the guy. 'Yong stylist niya.

Tumango lang ito at tahimik na lumabas pero bago pa man ito nakaalis ay tinapunan muna ako nito ng tingin.

Tumayo si Hyden at sinalubong kaming nakangiti. "Hey." He greeted.

Hyden kissed me on my cheek at marahang tinapik ang braso ni Kean bilang pagbati.

"How are you, Hyden?" Pangangamusta ko rito.

"I'm fine. It's just that, I kinda feel nervous. Haha." Natatawang pagbibiro pa nito.

"Stop playing around, Hyden. Ilang minuto nalang at ipapakilala ka na. How can Tita gave birth to someone who's crazy like you." Ito na naman po talaga. Maluko talaga 'tong magkaibigan na 'to.

"It's okay, as long that I'm handsome. Unlike you. It's a good thing that you got haft of my handsomeness, Kean." He proudly said while laughing.

Talaga naman kasing hindi maiikumpara ang kagwapuhang taglay ni Hyden pero hindi mo rin masasabing walang ipagmamalaki si Kean. They were both handsome and rich. And at the same time, they have the gentleness of every girls want to have. And I'm lucky that I'm their friend.

"Ohh siya. Tama na nga yan. Why did you call us here, Hyd?" Natatawa-tawa ko pang tanong.

"Ow yeah! Wait." Umalis ito sa harap namin at lumapit sa isang lamesa malapit sa pwesto na pinag-aayusan sa kanya. Binuksan nito ang isang drawer nito at may kinuhang box na kulay asul bago bumalik sa harapan namin. Iniabot ito ang box na iyon sa akin. "Here."

Tinanggap ko ito at nagtatanong siyang tiningnan. "Just open it first." Be just said. Kaya naman binuksan ko ito.

"A necklace? Really, Ry?" Sarkastikong wika ni Kean rito.

"Shut up, Madrigal." Masungit na baling naman nito kay Kean.

"Para saan naman to, Hyd? Hindi ko naman seguro birthday diba?" I questionably asked.

"It's just a friendship gift. Nakita ko kasi yan nung nagsho-shopping si Tita Ally. Ewan ko ba dun kung ano ang nakain at biglang naisipan magshopping." Naweweirduhang ani pa nito na tila ba'y sinasaniban si Dra. Ally sa inaakto nito.

Medyo natawa naman kami ni Kean dito. "E diba babae naman si Dra. Ally? Kaya natural lang iyon." I commented but he just also give me a weird look.

"Natural? Sa inyo oo pero kay Tita Ally? Please say no more. She's weird as hell! She's known to be respectable, smart, strick and weird dahil sa subrang pagkaadik dito sa mga libro at trabaho. She's extraordinary, that is why I feel weird whenever she act like a normal person and a normal girl!" Nangingilabot pa nitong maliwanag.

Kaya naman natawa nalang kami ni Kean at hindi na nakipagtalo pa. Dahil paniguradong hindi ito titigil hangga't hindi kami makaintindi sa gusto niyang ipahiwatig.

"It's almost 7 now, we should go downstairs na." Pagyaya ko sa dalawang ito.

"Mauna na kayo. May kukunin pa kasi ako sa kwarto ko e. Pero bago kayo bumaba, you should wear the necklace first, Xaiyi." Nakangusong anito.

"Why?" Nagtataka ko pang tanong dito.

"Because I want to see it in your neck. I know that you will look more stunning when you wear that too." Parang batang pagpipilit nito.

"Hmm. Maybe you should try it on, Xai." Nakangiti pang sehinsyo ni Kean.

"Okay." Pagsang-ayon ko nalang.

"Let me help you." Kean's offered.

"Okay then." Sabi ko pa at iniabot rito ang box.

Isinuot sa akin ni Kean ang kwentas at nakangiting ipinakita kay Hyden but to our surprise, he was glaring at Kean.

"Hyden? What's wrong?" I asked.

"Nothing. I just hate Kean being around you. Hmp!" Nakangusong sagot nito. At iniikot ang mata.

Natawa si Kean dahil sa ipinapakita nito. Parang alam nito ang dahil kung bakit ganoon nalang ang inaakto nitong kaibigan niya samantalang ako ay walang maintindihan.

Hindi na kami nagtagal pa at nagpaalam na kay Hyden.

Pababa na kami nang hagdan nang may mga nagkukumpulang tao sa may entrance door.

There's a man and a woman who's taking everyone's attention.

Napalingon sa kinaruruonan namin ang lalaki at tila'y nagulat ito nung magtagpo ang paningin namin.

Nakaramdam ako ng kakaiba nung hindi nito inalis ang mga mata sa akin. As if that he know me.

Napansin ni Kean ang biglaang pagtigil ko at napatingin na rin sa pwesto ng lalaking tinitignan ko.

"Xaiyi." Biglang tawag niya sa akin kaya agad kong inalis ang tingin dito at bumaling kay Kean. "Let's go." Seryosong yaya nito.

Inalalayan ako ni Kean pababa ng hagdan at nagtungo kami sa isang mesa para umupo.

Ilang minuto palang ang nakakalipas nang ang lalaking kanina ay nakipagpalitan ng tingin sa akin ay bigla akong hinila patayo.

"Xaiyi." He call my name.

Nangunot ang noo ko dahil doon.

"Sandoval." Biglang tayo ni Kean at hinrangan ang weirdong lalaki.

"Madrigal." He respond.

Magkakilala sila?

"What are you doing here, Sandoval?" I can sense Kean's seriousness.

"It's none of your business. At hindi ko akalain na dito ko lang din matatagpuan ang taong matagal kong hinahanap." The anger from his voice is so strong. Like as if someone snatched something important from him.

"Stay away from her." May pagbabantang babala ni Kean.

"Who are you to command me, Madrigal?"

"I'm someone who can crash you down if you keep pestering the girl I've been protecting right from the start. Don't try me, Sandoval. I'm warning you." Bakas sa boses ni Kean ang pagbabanta. At hindi ko pa siya nakikitang ganoon kaya masasabi kong seryoso ito.

"Kean." I called out his name kaya naman napabaling ito sa akin. "Who is he?" I finally asked. Nalilito na kasi ako kung anong meron sa dalawang ito.

"He is nobody, Xaiyi. Let's go." Akma na sana akong hihilahin ni Kean paalis nang bila nalang akong napunta sa mga bisig nang lalaking tinatawag ni Kean na Sandoval.

I was shocked and surprised. My heart started to beat so fast. "Why don't you tell her that I'm her husband?"

Napanganga ako sa biglaang rebelasyong nanggaling mismo sa bibig ng lalaking nakayakap sa akin.

******************

08/03/2020

Chapitre suivant