webnovel

EVERYTHING HAS A SEASON

NATHAN's POV

Wednesday na ngayon. At nasa main gate na ako ng academy. Sa totoo lang, medyo masakit pa ang sugat na natamo ko sa pagbaril ni Brent sa bandang tiyan ko eh. Nagpumilit lang talaga ako kila Abby at Jotham na pumasok para makita ko lang si Aikka.

Nabalitaan ko kasi 'yung nangyaring pamamaril sa kanila kagabi. Gusto ko lang ma-assure na okay lang si Aikka.

Saan ko kaya siya mahahanap? Ano na bang oras ngayon?

Tiningnan ko ang aking relo...tae, sira na talaga ang relong ito. Kailan ko kaya ito mapapalitan? Di bale na nga, ang dapat kong gawin ngayon ay hanapin si Aikka, siya lang naman kasi ang pinunta ko dito eh.

Alam ko na, pupuntahan ko na lang siya sa coffee shop. Malamang andoon lang siya.

Ngayon, nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Kasi kahit ilang araw ko lang siyang hindi nakita, feeling ko..miss na miss ko na si Aikka. Binilinan kasi ako ni Jotham na huwag munang magtetext sa kanya sa loob ng isang linggo. Pero hindi ko talaga kaya ang plano nila.

Lagi ko kasi siyang naiisip.

Kung okay lang ba siya.

Kung sino ang kasabay niyang kumain.

Kung nagsusungit na naman ba siya.

Sa totoo lang, namimiss ko nga ang pagsusungit niya eh. Talagang excited na akong makita siya.

Ay teka lang.....

May napansin akong sunflower sa gilid. Pinitas ko iyon kasi ayon sa nabasa ko, ang sunflower ay isang happy flower.

Gusto ko siyang makitang masaya ngayon kaya ibibigay ko ito sa kanya.

Ilang saglit pa..

Nagulat ako sa aking nakita ngayon....si Aikka..

Ilang hakbang mula sa malayo...

Natatanaw ko ang angking ganda niya.

Nakangiti siya ngayon.

Sobrang saya niya.

At masaya ako dahil masaya siya ngayong araw na ito.

Lalapitan ko na sana siya para ibigay itong bulaklak na hawak ko kaso..

Nilapitan na siya ni Spade na may dalang bouquet. Doon ko lang napagtanto na ang mga ngiting iyon, si Spade pala ang dahilan.

Pakiramdam ko, nangyari na naman yung nakaraan sa rooftop. Para na namang tinutusok ang puso ko. Iyong parang gusto kong umiyak sa lungkot.

Itinago ko na lang ang bulaklak na dala ko at tumalikod.

Minsan talaga sa buhay, may mga panahong kailangan mong talikuran ang isang bagay. Hindi dahil duwag ka...

Kundi dahil sobrang sakit na at kailangan mo munang magpahinga.

Hay....

Nagpunta pa naman ako dito para kumustahin siya...pero mukha namang okay siya, actually..higit pa nga sa okay eh kasi nga sobrang saya niya. Sayang lang, hindi ako ang dahilan ng kaligayahang iyon.

kasi nga....

Masaya na siya sa piling ng iba.

Nagsimula na akong maglakad papalayo ulit sa kanya at tinapon ko ang bulaklak na iyon. Kasi hindi na niya iyon kailangan..may bouquet na siya.

"ayos ka lang?" nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko.

"Miss Alvarez? kanina mo pa ba ako sinusundan?" tanong ko sa kanya.

"hmm....hindi naman..masyado" medyo nahihiyang sabi niya.

Tae. Ibig sabihin ba nito, nakita niya ang kaawa-awang reaction ko kanina habang magkasama sila Aikka at Spade?

"ah...iyong mga nakita mo kanina, kalimutan mo na lang iyon" sabi ko sa kanya na medyo may pagka-awkward din.

Ngumiti lang siya sa mga sinabi ko.

"ah....saan ka ba papunta ngayon?" tanong ko sa kanya total magkasabay na kaming naglalakad ngayon.

"sa restaurant na pinagtatrabahuan ko" mahinhing sabi niya.

"Fantastic Podium right? ang galing mo palang magpiano" sabi ko sa kanya.

"t_talaga? nakita mo akong tumugtog?" nakangiting sabi niya.

"oo, siguro minsan, tumugtog ka rin dito sa academy para makarinig din ang iba"

Ngumiti lang ulit siya habang tinitingnan ako. Ang cute niya lang.

"sige..paano ba iyan, may pupuntahan pa ako eh. Ingat ka huh..may payong ka bang dala, magpayong ka na lang kasi mainit" sabi ko bago ako umalis.

Babalik na lang ako sa bahay nila Abby at Jotham.

(Isang oras ang lumipas, nakarating na ako sa two-storey house nila. )

Nasa pinakadulong kalye na ang bahay na ito kaya malimit lang may dumaan na mga sasakyan. Isa pa, nilakad ko ang loob nitong subdivision bago makarating sa bahay nila.

"oh kaibigan, akala ko ba...pupuntahan mo si Aikka" sabi ni Jotham habang nagbabasa ng newspaper sa may sofa.

"tama ka, okay naman siya kaya...okay na rin ako, teka nga pala, asaan na si Abby?" tanong ko matapos kong makaupo.

"nasa kwarto niya, nagpapahinga." tapos tinuklap niya ang newspaper sa kabilang pahina.

"eh 'yung sugat niya? hindi kaya iyon mainfect?" tanong ko.

"huwag kang mag-alala kaibigan, Hindi niya ito first time and marami nang pagkakataong nagamot ko siya ng dahil sa tama ng mga bala kaya huwag kang mabahala. She will be fine. Kailangan lang niyang magpahinga ng ilang araw." tapos ibinaba niya ang kanyang binabasa at inalok akong kumain ng custard bun, kumuha naman ako at nagsimula nang kainin iyon. Hindi kasi ako nag-almusal kanina.

"siya nga pala, may idea ba kayo kung sino ang may pakana ng pamamaril sa inyo kagabi?" tanong ko sa kanya.

"alam kong may kinalaman si Mr. Black doon." sabi naman ni Jotham.

"sa tingin mo, bakit kaya ginagawa ni Mr. Black ang mga ganitong bagay sa SA?" tanong ko.

"ewan, nababaliw lang talaga siguro ang taong iyon." sabi niya.

"eh anong plano mo kay Brent? hanggang kailan nyo siya itatago dito?"

Napatigil siya ng itanong ko iyon. Hindi ko ata dapat itinanong iyon sa kanya.

"ah...p_pasensya na kaibigan, ititikom ko na lang ang bibig ko"

Ngumiti lang siya at nagpatuloy ulit sa pagbabasa.

"siguro bukas, kailangan mo nang pumasok. Mas magiging safe si Aikka kapag andoon ka kasi hindi muna ako makakapasok since babantayan ko pa si Abby."

"o_okay, mas mabuti nga iyon eh. Sige, akyat muna ako sa kwarto ko. May gagawin lang ako" sabi ko at umakyat na ako sa taas.

Umupo na muna ako sa may stool at pinagmasdan ang kalsada sa labas. Yung bintana kasi nitong kwarto ay nakaharap sa daanan papuntang front gate. Tiningnan ko lang iyon habang nag-iisip.

Balak ko pa naman sanang hindi magpakita kay Aikka ng ilan pang mga araw. Nagbabakasakali kasi akong ma-mimiss niya ako tulad ng pagkamiss ko sa kanya.

Tae.

Hindi ko talaga maalis sa aking isipan ang mga ngiti ni Aikka kanina. Gustung-gusto ko siyang yakapin ng mga oras na iyon. Ang kaso.....

Ay naku. Dapat hindi ko na iniisip ang mga bagay na iyon. Hangga't hindi sinasabi sa akin ni Aikka na itigil ko na ang nararamdaman ko para sa kanya....

Patuloy at patuloy ko pa rin siyang mamahalin.

Everything has a season...alam kong lilipas rin ang kalungkutan kong ito.

Sana.....

Chapitre suivant