webnovel

Ugly Duckling

Wala sa huwisyo si Hendrick habang papasok ng school. Sinakyan niya ang Benz ng kanyang ama at nagpapasalamat siya dahil one week pa lang nang magsimula ang klase.

Dala dala niya ang records niya. Home schooled ang pinalabas niya dahil nagkasakit siya ng malala. Tangina. Wala sa hinagap ni Hendrick na mangyayari ito.

Pinag titingnan siya ng mga lalaki at babae. Mukha kasi siyang matabang anghel mula sa langit na binagsak dito sa lupa at nauna ang mukha kaya gano'n na lang ang pagkasira.

Dumiretso siya sa registrar para kuhain ang kanyang certificate of matriculation. Same schedule lang ng kinuha niya noon at kabatch niya pa rin ang mga kupal na kaklase niya last sem.

Iritadong suminghap si Hendrick at napailing. Abala talaga ang nangyaring ito sa kanya.

Mainit ang ulo niya at masama ang pakiramdam. Papasok siya sa loob ng classroom nang makita niya si Bart na nakaupo sa desk ng upuan at si Feliz na nakaupo ng maayos.

Malisyosong tiningnan siya mula paa pataas sa dibdib niya at ngumisi "Pangit mo ah."

Galit at pagkapahiya ang naramdaman ni Hendrick kaya hindi na siya nakapag isip, agad na lumipad ang kamao niya sa mukha nito.

Duguan ang ilong at nguso nito. Hinila nya ang uniporme nito at hinawakan sa ulo sabay inuntog sa pader.

"Tangina mo, ang lakas mong mang lait eh mas ubod ka pa nga ng pangit?!" Galit na galit na sambit ni Hendrick, nakalimutan niya na sa mga oras na ito ay siya ang pinaka pangit sa loob ng room na ito.

Nang makita niya ang lagay nito ay saka niya lang ito binitawan. Napahilamos sa mapimples na mukha si Hendrick. Hindi niya alam kung anong meron ngayon at sobrang init ng ulo niya.

"Pasensya na, pare."

Tulala lang ang mga kaklase niya sa kanya. Maski sila Carlo, Gabriel at Zack na kanina lang ay pinaglalaruan ang bola ay nakatulala na sa kanya.

Nagbulung-bulungan ang mga babae tungkol sa kanya at titig na titig naman sa kanya na may halong pandidiri.

Nakaramdam siya ng pagkapahiya sanhi upang mamula ang kanyang mga pisngi.

Parang wala naman pakialam si Carlo sa nangyari at bumalik sa paglalaro ng Mobile Legends, si Gabriel ay natatawa habang si Zack naman ay tumingin lang sa kanya.

Parang nanunuot sa buto ang titig ni Zack at parang kinikilala siya. Sa lahat ng tropa ni Hendrick ay si Zack ang ma's nakakakilala sa kanya.

Nag iwas ng tingin si Hendrick kay Zack at umupo na lang siya sa upuan na nasa harapan. Tanginang buhay to.

Ramdam na ramdam ni Hendrick ang mga titig ng lahat sa kanya. Ngumingiwi si Bart habang katabi niya at si Feliz na kausap si Bart.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Feliz.

"Sakit niya manapak, brad."

Fucking awkward. Mukhang malakas ang katawan ni Hendrick kahit nasa katawan siya ng isang babae. Aktibo siya sa MMA bukod sa sex. Sumasakit na ang ulo niya at sa sobrang sama ng pakiramdam niya parang sisinghalan niya ang makulit na kumakalabit sa kanya.

Sisigawan niya sana ang babaeng ito nang matameme siya sa mga sinabi nito.

"Be, may tagos ka."

"Huh?"

Natulala siya sa babae. Hindi niya magawang ialis ang paningin sa mukha nito. Ang mga mata ng babae ay nangungusap at nacu-cutean siya sa maliit at matangos na ilong nito, pati ang labi nito ay may bahid ng lip balm at nangangamoy strawberry.

"Be, may tagos ka!'

Ilang sandali pa bago niya nakuha ang sinabi nito.

"Ha?!"

Tiningnan niya ang likod ng blue na palda niya at doon napagtanto.

Tangina.

Nireregla siya!!

++++

"Brad, hindi ba papasok si Hendrick ngayon?" Tanong ni Carlo kay Gabriel na nag m-ml.

Loading...

Loading...

Loading...

"Ewan ko sa gagong 'yon." sagot ng gagong si Gabriel.

Tumawa si Edward, "Para kang internet explorer, ah."

Tumawa rin si Carlo, naguguluhan namang tumingala si Gabriel sa dalawa sabay napamura nang makuha ang ibig sabihin. "H'wag ninyo kasi akong ginugulo kapag naglalaro."

"Adik na adik ang puta. Hindi ka gumaya sa Zack."

Ang walang kamuwang-muwang na si Zack ay nadamay sa kabulastugan ng magkakatropa.

Nagkakalokohan na sa grupo nila Gabriel habang wala ang prof nila.

Tila may kuryenteng nagkokonekta sa utak ng apat na lalaki at sila lang ang nagkakaintindihan.

Panay ang tingin ni Zack sa cellphone niya at nahuhuli na rin ni Carlo na panay ang text nito kaya sinubukan niyang sumilip sa cellphone nito at nakita ang name ng nasa inbox.

'Mom.'

Hindi na pinansin ng lintik na si Carlo ang message at pinagbalingan na lang si Gabriel na walang ginawa kung hindi mag ML.

"Brad, tawagan natin si Hendrick." Inip na sabi ni Edward.

"Tawagan mo na." Sabi ni Carlo.

"Bakit hindi na lang ikaw?" Tanong ni Edward.

"Naiwanan ko sa loob ng kotse yung cellphone ko, ikaw na." Walang kuwentang sagot ni Carlo.

Iritadong kinuha ni Edward ang cellphone niya at sinubukang tawagan si Hendrick.

"Cannot be reach, Pre." Naguguluhang sambit ni Edward.

"Huh, hayaan mo na."

Wala sa mood na pinagmasdan ni Zack ang mga katropa. Gusto niya na lang umuwi sa bahay nila pero alam niyang hindi siya gugustuhing makita ng kanyang Ama.

Muling sumulyap si Zack sa cellphone at nagiwan ng text kay Hendrick.

'Par, Asan ka?'

Message Sent.

'Wala pa rin reply?' Nagtatakhang tanong ni Edward sa sarili.

"Ano? Nagreply na ba?" Tanong ni Carlo habang nilalaro ang bola.

Biglang tumayo ang isang estudyante, "Guys, tatlumpung minuto na ang lumipas, wala pa rin Prof! Uwi na tayo!" ani Klarence

"Gago, anong uuwi eh may second subject pa tayo?" sambit ng isa sa mga kaklase nila na si Bard

"Ulol, akala mo naman nag aaral ka ng maayos." Pang aasar ni Klarence

"Tangina mo, nagbago na ako." - bard

"Tanga, wala lang maloloko dito." - James.

"Plot twist, wala pang prof sa lahat ng subjects natin." sambit ni Hannah na writer at barubal din sa pag aaral.

"Sabay wala ring prof buong week, no? rapsa." Sambit ni Michael,

Tumingin si Carlo kay Edward at Zack at tila may kuryententg nagconnect sa utak ng tatlo.

Hinila ni Zack sa kuwelyo SI Gabriel. "Mamaya na yan, gab."

"mamaya ninyo na ako hilahin, binubuhat ko pa si mylabs ko." ani ni Gab na nakatutok sa cellphone.

Nanglaki ang butas ng ilong ni Edward, 'Mylabs amputa."

"Palibahasa single ka." Pang aasar ni Gab,

Parang may pana naman na tumama sa dibdib ni Gab sa sobrang sakit, 'Anong masama sa pagiging single? Single naman din naman ang tatlong tukmol na katabi natin, ah"

'We have different girls, bro." Pang aasar mo Carlo habang nakatutok pa rin ang mata ni Zack sa cellphone.

"Fuck you, Man." Iritadong sambit ni Edward.

Nag aasaran ang magkakatropa hanggang sa umabot sila parking lot

AHRIANDASHE

Chapitre suivant