webnovel

Lalabanan Ko Sila

Fake po ito?"

Kinuha ni Mel ang inihagis na singsing ni Fidel at pinagmasdang mabuti.

"Oo, kahit na halos kaparehong kapareho sta ng original, natitiyak kong fake yan!"

Sagot ni Fidel.

Paano nyo po nasisisguro, Tito Fidel?"

"Una, hindi tunay na diamond ang bato hindi sya kumikinang, makinis lang!

Saka, ang tunay na bato sa singsing ni Tyong Aaron ay blue diamond, at iilan lang ang nakakaalam niyon. Asul kasi ang kulay sa paligid kaya akala ng iba dun nanggagaling ang kulay nito.

Pangalawa, may nakasulat sa likod na tanging si Tito Aaron lang ang nakakaintindi. Hindi kasi ito tinatanggal ni Uncle sa daliri nya.

At pangatlo, na kay Aaron na ang tunay na singsing. Nasa pagiingat ko ito nung una at itrinansfer ko sa kanya nung una kaming magkausap."

"Paano po iyon napunta sa pagiingat nyo?"

"Nung araw ng sunog, tinawagan ako ni Jaja at ibinilin nya sa akin na ibigay ko ito sa anak nya.

May secret vault sa study room na tanging si Tito Aaron at si Jaja lang ang nakakaalam. Duon nya inilagay ang singsing kasama ng cellphone ni Don Aaron.

"Tito Fidel, sa tingin ko po, yung gustong magbigay nito kay AJ Dude ko, may alam sa kwento tungkol sa singsing ni Lolo!"

Sabi ni Mel.

'Singsing ni Lolo talaga?'

"May ibang tawag si Tyong Aaron sa singsing nya!"

Sabi ni Fidel.

"Ay, huhulaan ko po!

.... My Precious! Hehe!"

Sabi ni Mel.

Fidel: "....."

"Anyway, may tama ka!

Mukhang alam ng nagbigay ng fake na singsing ang tungkol sa simbolo!"

Sabi ni Fidel.

'Bakit ba feeling ko iba ibig sabihin ni Tito Fidel sa sinabi nyang may tama ako?'

"Ano pong ibig nyong sabihin Tito Fidel?"

Hindi madiretso ni Mel ang tanong.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Fidel.

"May message ang singsing, ang ibig nyang ipahiwatig ay FAKE si Aaron! Pero sino kaya talaga ang nagbigay nito?

At bakit may kasamang eyeglasses ang singsing?"

Hindi sila naniniwala na si Lemuel ang gagawa nito.

Bakit naman ipipilit ni Lemuel na fake si AJ, eh mas gusto nga nyang walang makialam.

"Saka, luma na po itong eyeglasses. Kanino kaya ito?"

Kinuha ni Mel ang salamin.

"Sa Papa!"

Sabay na napatingin si Fidel at Mel sa may pinto na pareho nilang ikinagulat ng madinig ang boses ni Ames.

"Ms. Ames! Pasok! ... Maupo ka!"

Tumayo si Fidel saka pinaupo si Ames na parang natataranta.

"Hello po Ms. Ames!"

Bati ni Mel.

"Hello din Mel! Pahiram nga ng salamin!"

Kinuha nito sa kamay ni Mel ang salamin.

"Sigurado akong sa Papa ko nga ang salamin na ito! Ako mismo ang nagpagawa nyan para sa kanya.

Mukhang totoo ang sabi ni AJ na andito na nga ang Papa at mukhang may kaugnayan sya sa kung sino man ang nagbigay nyan!

Fidel, pwede bang ipaubaya mo na sa akin ang paghahanap sa Papa ko?"

Batid ni Fidel na may kasamang mga security si Ames ng dumating dito, inabisuhan na sya ni AJ sa dahilan kung bakit marami itong security na kasama.

Ang ipinagtataka ni Fidel hindi lang si Ames ang madaming security na kasama.

"Uhm, Ms. Ames, iyan ba ang dahilan kaya ang dami mong security na kasama?"

"Nope! Hindi para sa paghahanap sa Papa ko lahat ng kasama kong security. Karamihan dyan para kay Don Miguel at Doña Isabel!"

"D-Don Miguel? D-Doña Isabel?"

Question mark ang mukha ni Fidel. Mukhang hindi kilala nito ang binabanggit ni Ames.

Kinuha ni Mel ang listahan ng bisita at ipinakita kay Fidel.

"Eto po Tito Fidel, si Lolo Miggs at Lola Issay. Sila po si Don Miguel at Doña Isabel Saavedra!"

Sabay turo sa pangalan nila.

Hindi ito alam ni Fidel dahil Lolo Miggs at Lola Issay lang ang nakasulat sa listahan at si AJ mismo ang personal na nagbigay ng imbitasyon nila.

Nakaramdam ng panghihina si Fidel at nahulog ito sa silya.

'Juskolord, ngayon ko lang na realize, puros mga importanteng tao ang inimbitahan ni Aaron!'

Kumakabog ang dibdib nya, parang gustong mag nobena ni Fidel ng ma realize nya ito.

*****

Maagang nagigising si Kate para mag jogging, ganito sya every morning. At ngayon nasa Hacienda Remedios sya, plano nyang libutin ang buong hacienda.

Kaya nagulat ang lahat ng naninirahan sa Hacienda Remedios ng makita nila ang isang magandang babae na tumatakbo.

"Sino ba yun? Anghel ba yun!"

"Kung anghel yun bakit tumatakbo hindi lumilipad?"

"Siguro bisita sa mansyon, ngayon ko lang din nakita!"

"Grabe ang ganda, mukha syang anghel na bumaba sa lupa!"

"Baka iyon yung girlfriend ni Sir Aaron? Balita ko pupunta daw sa party."

"Ay baka nga! Sabi ng asawa ko ay magbihis daw ako ng maganda at dadalo daw kami!"

"Ay kami din! Nagbigay pa nga ng bagong damit si Sir Fidel para daw maganda kami sa party!"

"Sabi din ni Sir Fidel, ginawa daw ni Sir Aaron ang party na ito para sa ating mga orihinal na tauhan ni Don Aaron! Bakit kaya?"

"Naku, buti na lang at nalipat na ang pamumuno! Mabait yang si Sir Aaron sa mga tauhan nya di tulad nung Leon na yun na pinahihirapan tayong magtrabaho sya naman ang nakikinabang!"

"Oh, nasaan na yung magandang babaeng mukhang anghel? Ambilis namang tumakbo?"

"Baka lumipad na?"

Nakarating sa mga outsider na Raquiñon ang tungkol sa babaeng mukhang anghel na tumatakbo sa Hacienda Remedios.

"Malamang yun na nga ang girlfriend ni Aaron at natitiyak kong andyan na rin si Aaron!"

"Magisa lang daw na tumatakbo ang babae, wala ni isang kasama!"

"Mabuti kung ganun! Tara samahan nyo ako ng maturuan natin ng leksyon ang bastos na babaeng yon!"

Dali dali silang nagtungo sa bukirin para hanapin ang nasabing babae.

"Ayun, ayun!"

Nakita nila si Kate sa may bangketa, nag iistretching.

"Totoong nga ang sabi ng mga nakakita, mukha syang anghel!"

"Haaay naku, huwag kang pagogoyo sa mukha nyan! Hindi yan anghel, demonyita yan!"

Pumara sila malapit kay Kate at bumaba pero ng makita sila ni Kate na lalapitan sya, umalis ito.

Masama ang kutob nya sa mga taong padating kaya umiwas na lang sya. Ayaw nya ng gulo.

Pero makulit ang mga lalaking ito, sinusundan pa rin sya kahit iniiwasan na nya.

"Hoy, tumabi ka nga! Huwag mo kaming takasan!"

Sigaw ng isa sa kanila.

'Ano bang problema ng mga taong ito, hindi ko naman sila kilala?"

Patuloy sa pagtakbo si Kate na ikinainis ng mga humahabol sa kanya.

"Lintek na, ambilis naman nyang tumakbo! Nakasakay na nga tayo sa owner jeep hindi pa natin maabutan!"

"Wala na bang ibibilis ang takbo nito?"

Teka, mabuti tawagan mo si Estong, sabihin mo sumunod para makorner natin yang demonyitang yan!"

Hindi na alam ni Kate ang gagawin kung papaano tatakasan ang mga humahabol sa kanya kaya sa may bukid sya dumaan, pero sinundan pa rin sya.

"Pinapagod ako ng mga lintek na 'to!"

Maya maya napansin nyang dalawa na ang humahabol sa kanya.

Napagod na sya sa pagtakbo kaya huminto na ito para huminga. Aabangan na lang nya ang mga humahabol sa kanya kesa mapagod sya sa pagtakbo.

'Ayaw ko ng gulo pero wala akong magagawa, ayaw nila akong tantanan!'

'Lalabanan ko sila!'

Chapitre suivant