webnovel

Ang Road Trip

Anong sabi ni Aaron?"

Tanong ng isang matandang lalaki sa may hawak ng cellphone.

"Hindi ko nakausap si Aaron, may bastos na babae na sumagot ng phone ni Aaron!"

"Babae? Baka naman mali ang numerong idinayal mo!"

"Hindi! Ayan oh, tingnan mo! Yan ang numerong ibinigay sa akin ng pamangkin kong nagtatrabaho kay Cong. Mendes!"

"Kung ganun totoo ngang numero ni Aaron yan dahil malapit ang pamilya ni congressman sa pamilya Raquiñon!"

"Oonga, tama ka! Malaki ang utang na loob ng matandang Mendes kay Don Aaron nuon!"

"Kung ganun, bakit babae yung sumagot?"

"Naku nalintikan na! Baka yang sumagot yung nababalitang girlfriend ni Aaron!"

Sila ang mga outsider na Raquiñon.

Mga ka apelyido ni AJ na nagfefeeling kamag anak nya kahit hindi naman.

"Tawagan mo ulit at kailangan natin makausap si Aaron. Kailangan natin mismong malaman sa kanya kung totoo ba ang kumakalat na balita tungkol dun fiancée nya daw!"

"Hindi na sinasagot e!

Naka patay na ata ang cellphone, can not be reach daw!"

"Langyang babae yun, makikita nya pagdating nya rito! Bastos sya at walang galang sa matanda, hindi sya nababagay kay Aaron natin!"

"Pero balita ko mayaman daw yung babae! Sikat na sikat nga sa Maynila eh!"

"Naku, kaya pala binabaan itong si Nato, malamang spoiled brat yan, walang modo eh!"

"Eh ano kung mayaman sya, mayaman din naman si Aaron natin!"

"Hmp! Tama yun, kaya pagdating dito nyan, tuturuan ko ng tamang asal! Mukhang puro pagpapayaman ang alam ng mga magulang kaya lumaking walang modo!"

"Hayaan nating makita ni Aaron kung anong klaseng babae yang fiancée nya para madismya sya sa ugali nung babae at iwan na sya!"

"Oonga! Marami namang ibang babae dyan, tulad ng apo ni Gobernor, maganda at napaka bait na bata!"

"Hindi lang apo ni Gobernor, marami din ibang mga babae na mayaman at maganda ang mas nababagay kay Aaron natin, kaya hindi ako makakapayag na yan ang mapangasawa niya! Walang modo!"

"Pero, hindi pwedeng wala tayong gawin sa babaeng yun! Hindi ako makakapayag na babastusin nya ako ng ganun!"

"Tama si Nato, hindi lang sya ang binastos nya kungdi tayong lahat kaya tutulungan ka naming turuan ng leksyon ang bastos na babaeng yun!"

"Humanda kayo sa pagdating nila at sasalubungin natin sya!"

Ngunit ang inaasahang pagdating ay naantala ng matagal, kasi...

... naligaw ang apat sa dami ng stop over kaya naisipan na lang nilang dumiretso muna sa Baguio para mamasyal at magpalamig.

At dahil dyan, lahat ng bisita ni AJ nakarating na at naroon na sa Hacienda Remedios maliban sa kanilang apat.

"Fidel, ilang oras ba ang byahe mula Maynila papunta dito sa Hacienda Remedios?"

Tanong ni Enzo ang ama ni Nadine at Nichole.

"Nasa 10 to 12 hours po Sir!"

Sagot ni Fidel.

Sya ang punong abala sa okasyong ito kaya sya rin ang bahala sa mga bisita ni AJ na naiinip na sa pagdating nila.

"Kung ganun, bakit wala pa ang mga batang yun? Tatlong araw na silang bumabyahe hindi pa rin sila nakakarating?!"

Fidel: "..... "

'Jusmiyo AJ, asan na ba kayo?'

"Papa, huminahon nga po kayo at ang presyon nyo baka tumaas! Huwag po kayong magalala at may pinasundan na pong bodyguard si Edmund sa kanila!"

"Bakit hindi ako magaalala eh mga apo ko yun? Mga babae ang apo ko at mga lalaki ang kasama nila! Kung ikaw nga, wala akong kamalay malay, inaaswang ka na pala ng damuhong Jaime na yun!"

"PAPA!"

Inis na suway ni Nadine.

'Paano napunta sa akin ang usapan?'

"Pasensya na Balaeng Gene!"

Sabi ni Enzo ng makita si Gene, kinabahan ito ng makita ang balae nyang heneral.

"Naintindihan ko Balaeng Enzo, alam kong tarantado ang anak ko!"

Sagot ni Gene.

".... saka, naintindihan kita, dahil mga apo ko rin sila, nagaalala rin ako!"

Dugtong ni Gene.

'Jusmiyo AJ, bilis bilisan nyo at baka magkagera na dito pag hindi pa kayo dumating agad!'

Natataranta na si Fidel.

Pero saan na nga ba nakarating ang apat?

Ito ang unang beses nilang mag road trip kaya nilubos lubos na nila.

Pagkagaling ng Baguio dumiretso sila ng Sagada at ngayon naman papunta silang Mt. Pulag. Duon sila magpapaumaga para makita ang sunrise sa taas ng bundok.

*****

"Lemuel ano na? Nakausap mo na ba ang apo mong si Allan?"

Tanong ni Cong. Mendes

Hindi nya inaasahan na wala pa si AJ sa Hacienda Remedios, ang alam nya nasa byahe na ito kasama ang mga kaibigan.

Pero, nakaluwas na sya ng Maynila at nakabalik na ulit ng Hacienda Remedios, wala pa rin sila.

"Hindi ko alam Congressman, hindi ko na sya makontak! Hindi nya binubuksan ang cellphone nya, baka na lobatt na!"

Sagot ni Lemuel.

Inis na si Cong. Mendes.

'Paano ko uumpisahan ang mga plano ko kung wala pa yung lintek na huwad na Aaron na yun!'

Ang plano ni Cong. Mendes, kausapin ng maayos si AJ. Sya na ang ilalagay nya sa Hacienda Remedios imbes na si Leon. Ipapaalam nya kay AJ na alam na nitong huwad sya at gagamitin nya si Lemuel para mahawakan ito sa leeg.

'Alam ko din naman na pera at kapangyarihan lang ang habol ng huwad na iyon!'

'Hindi ko sya ieexpose pero kailangan mahawakan ko sya sa leeg!'

Pero, hindi nya nagawang makausap si AJ.

Nakakaramdam na ito ng pagkairita dahil naantala ang mga balak nya.

"Apat na araw na lang wala pa rin sa kontrol ko si huwad na Aaron!'

'Bwisit ka Aaron, iniistres mo ako!'

'Hindi na ako makakapaghintay, makusap man kita o hindi wala ka ng magagawa! Nasa poder ko na ang lolo mo kaya natitiyak kong mapapasunod kita!'

Inayos nito ang sarili saka muling hinarap si Lemuel na akala mo ay napaka bait.

"Lemuel, huwag ka ng magalala gagawa ako ng paraan para makausap ang apo mong si Allan, pero sa ngayon kailangan sumama ka sa akin!"

"Ha? Saan tayo pupunta, Congressman? Baka biglang dumating si Allan na wala ako dito?"

"Huwag mong intindihin ang pagdating nya at sisiguraduhin kong pupuntahan ka nya! May ipinahanda na akong regalo sa kanya at iaabot iyon sa mismong araw ng pagdating nya. Ipinalagay ko sa pangalan mo ang regalo kaya tyak hahanapin ka agad nun pagka tanggap nya!"

Nangiti si Lemuel.

"Sige, maghahanda na ako!"

Sagot nito

Wala itong kamalay malay na may nakaambang panganib sa kanya.

Chapitre suivant