webnovel

Why Not?

"Mamang guard, pwede po bang magtanong?"

Lumapit si Daisy sa guard matapos nyang mapansing unti unti ng nauubos ang mga empleyado sa loob.

Mag aalas sais na pero wala pa rin syang AJ na nakikita. Ni anino ng lalaki wala!

"Ano po yun Mam?"

Tiningnan sya ng guard ng may pagdududa, kanina pa kasi nya ito napapansin sa di kalayuan, tila may hinihintay. Hindi ito ang guard na natanungan nya kaninang umaga.

"Uhm, kasi hinihintay ko po si AJ lumabas, pero bakit wala pa sya, nag overtime po ba?"

"Si Sir AJ po? Ay Mam, kanina pa po umalis! Wala po si Sir AJ pag hapon nasa field! Bumalik na lang po kayo ng maaga kasi pag hapon umaalis po talaga sya at madalas diretso na po yun sa paguwi!"

Ito ang alam ng mga empleyado roon, nasa field lang si AJ. Walang nakakaalam na halfday lang talaga ang pasok nya at hanggang 2 pm lang, tapos ay diretso na ito sa TAMBAYAN.

Pero kung minsan mas maaga ito umalis pag natapos nya ng mas maaga ang trabaho nya, gaya ngayon, ala una pa lang tapos na sya.

Ito ang napagkasunduan nila ni Edmund para hindi mag resign si AJ sa kompanya. Maganda kasi ang performance nito at malaking kawalan pag umalis sya.

"Ha? Pero ...hindi ko naman sya nakitang lumabas!"

Gulat na sabi ni Daisy sa guard.

"Sa likod po yun dumaan, duon kasi nakaparada ang kotse nya sa basement!"

Dismayado si Daisy. Gusto nyang maiyak sa inis.

'Ano ba yan, kanina pa ako mukhang tanga dito kakaantay tapos wala na pala ang inaantay ko! Hmp! Kainis!'

'Juskolord, anong gagawin ko ngayon?'

KRRIIING!

Natataranta si Daisy ng makita na galing sa opisina nya ang tawag.

Kahit hindi nya gustong sagutin, napilitan syang sumagot. Nakasalalay dito ang trabaho nya.

"Hello po, Sir Tom?"

"Daisy, maghapon ka na dyan, siguro naman meron ka ng maganda balita?"

Kumakabog ang dibdib ni Daisy.

'Anong sasabihin ko? Anong sasabihin ko?!'

'Juskolord, help!'

"Uhm, Sir Tom, kasi, kasi, ganito po yun, hindi po kami nagkausap ng maayos ni AJ, nag fieldworks daw po kasi sya at baka daw po mahirapan na raw makakabalik."

Totoo naman hindi sila nagkausap ng maayos ni AJ pero kanina pang umaga yun ng makita nya itong dumating at bago sila nakipagkita kay Eunice, saka totoo rin naman na nasa field si AJ dahil ito ang sinabi sa kanya ng guard, so hindi talaga sya nagsisinungaling.

Tumahimik sandali ang kausap, hindi nya alam kung naiinis o nagiisip.

Dinig nya na huminga ito ng malalim bago sya sinagot.

"Sabi mo hindi kayo nakapagusap ng maayos, so it means, kahit papaano nagkausap kayo. Good! Sige, buti pa bukas dumiretso ka na dyan at agahan mo para magkausap ulit kayo and be sure na makapagset ka na ng appointment agad!"

"O-Opo, Sir! Bukas po aagahan ko at siguraduhing magkakausap na kami!"

Nahimasmasan si Daisy, nakahinga ito ng malalim.

'Kailangan kong makagawa ng paraan para makausap si AJ!'

*****

Sa Old Mansion na rin umuuwi si Earl pag may pasok sa school at tuwing weekend na lang din siya nauwi sa Little Manor na labis na ikinatuwa ni Edmund dahil solong solo nilang mag asawa ang bahay, kahit anong oras pwede silang mag exercise. Hehe.

Paguwi ng Old Mansion nila Eunice at Earl, dumiretso ang dalawa sa study room at nagumpisa na nilang pagusapan ang tungkol sa bagong games na ginagawa ni Eunice at kung ano ang magiging itsura ng character nyang si Taratitat.

Masayang pinanonood ni Eunice ang pagsketch ni Earl sa character, nakuha nito ang gusto nyang mangyari sa character.

"Hoy, kayong dalawa, hanggang dito ba naman trabaho pa rin ang ginagawa nyo! Magsitulog na nga kayo!"

Singhal ni Granny Belen nila sa kanila.

"Eh, Granny sandali na lang po, tapusin lang po namin ito."

Sagot ni Eunice

"Anong sandali? Mag aalas diyes na, gabi na! Magsitulog na kayo!"

"Ate what's aalas diyes?"

"It means mag te ten o clock na!"

"Ahhh!"

"Sige na mga bata magsitulog na kayo at kailangan pa naming magexercise ng Giliw ko!"

Nakangiting sabi ni Gene.

Siniko sya ni Belen sa tagiliran at saka pinandilatan.

Simula kasi ng napunta ang mga bata sa poder nila, naiilang na si Belen kapag kinakalabit nya, nagaalalang baka madinig ng mga bata.

"Pero Gramps, gabi na po! Why do you have to exercise at night?"

Nagtatakang tanong ni Earl.

"Well, Earl, nageexcercise din naman kami pag umaga lalo na yung bagong gising, pero masarap pa rin syang gawin pag gabi. Hehe!"

"Ano ba? Kung ano anong sinasabi mo sa mga bata!

Hoy! Magsitulog na kayo kung ayaw nyong hambalusin ko kayo ng walis tambo!"

Sabay talikod ni Belen.

"Okey kids, sleep na at huwag kayong gagawi sa bandang silid namin at masinsinang exercise ito,. okey! Goodnight!"

At nagmamadali na itong umalis para sundan ang giliw nya.

"Ate Eunice, matanda sila Grampy at Granny bakit lagi pa rin sila nag eexercise, diba sila napapagod?"

"Ewan ko, simula ng dumating ako dito lagi nila kaming pinapatulog ng maaga ni Ate Kate at yan din ang dinadahilan nila!"

"Ano kayang exercise ang ginagawa nila, katulad din kaya ng exercise nila Mommy at Daddy?"

"Ha? Nageexcercise din sila Mommy at Daddy pag gabi?"

"Oo Ate! Dumalas nga nung wala ka eh!"

Natahimik si Eunice. Nagiisip.

"Ate bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Huwag mong sabihin may naisip ka na naman na bagong games at ang title eh, EXERCISE?"

"Hehe! Why not! Sige na tulog na tayo!"

'Grabe talagang magisip itong Ate ko!'

Samantala, habang nag re ready si Eunice sa pagtulog, meron namang isang anino na nakapasok sa office nya at kanina pa kinakalikot ang computer nya.

'Lintek na, kanina pa ko dito pero wala pa rin akong makita!'

"Hello? Wala akong makita dito, ang linis ng opisina nya, parang hindi sya dito nagtatrabaho!"

Pabulong ang pakikipagusap nya dahil baka may makarinig sa kanya na nasa loob ng silid na iyon.

Bawal ang pumasok sa silid na ito ng walang permiso ang may ari ng silid at iisa lang ang pinapayagang maglinis ng silid na ito at ginagawa nya lang iyon pag andito ang may ari ng silid.

"Nadinig ko kanina na may ginagawa syang panibagong games saka nakita ko na nagtatype sya dyan sa computer at tutok na tutok! Kaya malamang nasa computer nya lang yan! Hanapin mong maigi!"

"Pero wala akong makita sa computer nya! Malinis!"

"Baka may secret folder o kaya secret files? Maghanap ka din sa mesa at baka may clue dyan!"

Inisa isa ng anino ang laman ng mesa nya pero may isang hindi nya mabuksan.

"Teka, meron isang drawer dito na hindi ko mabuksan!"

"Hanapin mo ang susi at malamang nandyan ang clue sa hinahanap natin!"

Excited na sabi ng nasa kabilang linya.

Hanap naman ng susi ang anino hanggang sa makita nya sa isang canister.

"Nakita ko na! Hehe! Kala nya hindi ko makikita!"

Tuwang tuwang sabi ng anino.

"Sige na sige na buksan mo na, dali!!!"

"Me katangahan din itong si Eunice, dami nyang tataguan dun pa sa makikita ko!"

"Sige na bilisan mo na!"

"Oona! Huwag mo akong tarantahin!"

Pagbukas nya ng drawer hindi sya makapaniwala sa nakita.

"Ano 'to?"

"Bakit anong laman ng drawer?"

Excited na tanong ng kausap nya.

"SNACKS!"

Chapitre suivant