webnovel

Malamang Secretary Nya!

Kumunot ang noo ni Daisy ng bigla syang iniwan ni AJ.

Pinakiramdaman nya ang mga kasama nya sa paligid.

'Nahalata kaya nila?'

"Hindi ba si Chairman Edmund yun dumating?"

Sabi ng isa sa kasama ni Daisy.

Nakita nila kung paano binati ni AJ si Edmund.

'Kaya pala bigla syang umalis, dumating pala ang boss nya!'

"Oo, syanga! Nakita ko na sa isang magazine ang itsura ni CEO Edmund. Totoo pala ang balita na close sila ng big boss!"

Sabay sabay na napatingin sila kay Daisy.

Iritado ang lahat ng Senior Specialist na kasama ni Daisy sa kanya. Hindi nila gusto na napunta ito sa departamento nila, wala syang talent sa programming, hindi nga nila alam kung paano ito nakapasa ng programming.

"Siguro naman alam mo na ang gagawin mo?"

"Huwag mong kalilimutan ang dahilan kung bakit ka nakasama sa project na 'to!"

"Gawin mo ng maayos ang ipinangako mo kung ayaw mong mawalan ng trabaho!"

Kinabahan si Daisy.

'Kailangan kong makausap ng sarilinan si AJ! Pero paano?'

"Daisy, kilala mo ba kung sino yung babaeng katabi ni CEO Edmund?"

"Not sure, malamang secretary nya!"

"Ahhh!"

***

"Kayo ba ang representative ng Shere IT Company?"

After an hour na paghihintay may dumating na rin para harapin sila.

"Yes!"

"Follow me!"

Tahimik silang sumunod at dinala sa isang silid sa 2nd floor.

Nagulat sila ng hindi nila nakita ang CEO, bagkus ang inaakala nilang secretary nya ang humarap sa kanila.

"I'm sorry Miss, pero nasaan si CEO Edmund?"

Napakunot si Eunice.

"Good morning to you, too!"

Sabi ni Eunice.

"Miss andito kami kasi may appointment kami kay CEO Edmund!"

"Well, pasensya, kasi masyadong busy si CEO Edmund. Kasalukuyang nasa tele conference sya ngayon with a client from UAE. At saka kung hindi ako nagkakamali, you requested an appointment with me and not with CEO Edmund!"

Sagot ni Eunice sa kanila.

Nagulat sila.

"Teka, bakit naman kami makikipag appointment sa'yo? Tsch! Pwede ba tawagin mo na lang yung in charge sa games!"

Sarkastikong sabi ni Daisy

Iritado rin ang mga kasama nya dahil sa tagal nilang nagaantay tapos yung secretary lang ang haharap, kaya hinayaan nilang magsalita si Daisy kahit na may kabastusan ang pananalita nya.

Sa totoo lang, 9:30 AM ang appointment nila pero nag decide ang presidente na papuntahin sila ng mas maaga for good impression.

9AM dumating si Eunice at Edmund. Kaya kasalanan ba ni Eunice kung dumating sila ng mas maaga at magantay sila ng matagal?

"Ehem!"

"Excuse me pero, syanga yung hinahanap nyo!"

Sabi ng assistant ni Eunice.

"Ano, hindi ko maintindihan? Pakiulit!"

Sumeryoso ang assistant ni Eunice na si Janice at ipinakilala ng maayos ang boss nya.

"Ipinapakilala ko sa inyo si Ms. Eunice, ang owner at president ng 2lips Gaming Company."

Ang 2lips Gaming Company ay ang bagong kompanyang ni Eunice. Itinatag nya ito ng magisa na hindi humingi ng tulong sa ama kahit financially. Gusto nyang ipakita sa Daddy na kaya na nya at hindi sya naglalaro lang.

"... at sya rin po ang author ng WOOP WOOP Games!"

Dugtong ni Janice

Ito ang dahilan kaya ni reserve ni AJ at Mel ang isang table sa TAMBAYAN. Duon dinadala ni Eunice ang trabaho nya dahil wala pa itong opisina puro on line.

Sumikat at nakilala ang games na ginawa ni Eunice at ng malaman ito ng kapatid nyang si Earl, nagkainteres sya, gusto nyang sumama.

Dahil dito, nagkaron ng pagkakataon si Edmund na bigyan ng magandang offer si Eunice para maging parte ng NicEd Cyber Specialist Corp ang 2lips Company ni Eunice at si Earl ang kumatawan sa partnership na yun.

Walang nagawa si Eunice kungdi pumayag sa magandang offer ng Daddy nya sa kundisyong hindi sya pakikialaman nito sa mga desisyon nya sa pagpapatakbo ng kompanya nya. Nasa kanya pa rin naman ang 90 % ng share at 10 % lang ang part ni Earl. Saka, maganda na rin yun at may pinagkakaabalahan ang kapatid nya. At isa pa nagkaroon sya ng opisina na hindi na nya kailangan magbayad.

Tuwang tuwa si Earl. Ang tanging hiling nya ay magkaroon ng chance na maging isa sa magke create ng character sa games, malay ba nya na magiging part sya nito.

Nang mabalitaan ito ng Shere IT, agad silang nagpasa ng proposal for a team up, matagal ng gusto ng presidente nila na maging parte ng NicEd kahit sa isang project lang. Makakatulong ito para umangat ang reputasyon ng kompanya.

Pero .... hindi sila makapaniwala ng ipakilala nilang si Eunice ang presidente at creator ng sumisikat ngayon na WOOP WOOP Game sa internet.

Napataas ang kilay nilang lahat.

'Nagpapatawa ba sila? Siguro nga!'

Pero hindi sila natatawa, si Daisy lang ang natawa.

"Hahaha! Sorry Ms. Secretary, who ever you are, pero masyado kaming busy at marami kaming naka pending na work na iniwan namin, so please, pakitawag na si Ms. Perdigoñez!"

Napakunot ang noo ni Janice.

'Loko 'to! Ipinakilala ko na si Ms. Eunice hinahanap pa din! At anong Secretary, iniinsulto ba nya ang boss ko?'

Napatingin sya kay Eunice at napansin nitong kalmado lang ito.

'Paano kaya nyang gumawang kumalma? Kung ako nga napipikon na!'

'Ano kayang iniisip ni Ms. Eunice?'

The truth?

'Mukha syang clown, nakakatawa sya!'

Ito ang nasa isip ni Eunice habang tinitingnan si Daisy na parang parot sa ingay.

At habang patuloy sa pagsasalita itong si Daisy, busy naman ang utak ni Eunice sa bago nyang character ng game. Na inspired sya sa pinag gagawang ingay ni Daisy nakaisip sya ng bagong online game.

"Teka lang, sandali lang! Huminahon kayo! Opisina ito hindi talipapa!"

Suway ni Janice.

Sasagot pa sana si Daisy pero inawat sya ng team leader ng grupo. Sa kanya inatas ang pakikipag usap kay Ms. Eunice. Minsan lang sila nabigyan ng pagkakataon kaya hindi nila ito sasayangin.

"Pasensya na Miss .... ?"

"Janice!"

"Yes Ms. Janice, pero pwede ko bang malaman ang sagot ni Ms. Perdigoñez sa proposal namin?"

Ibinaling nito ang tingin kay Eunice na sa mga oras na ito ay nakangiti pa!

"Uhm, Mam? Ms. Eunice?"

Kinalabit nito ng bahagya si Eunice at tila naglalakbay ang diwa nito.

"Hmmm? Yes Janice?"

"Gusto daw po nilang malaman ang sagot nyo!"

"Pakisabi makakaalis na sila, mukha kasing inip na sila!"

Sabay tayo at iniwan sila. Nagmamadali itong nagtungo sa office nya para idraft ang mga idea sa isip nya.

Chapitre suivant