webnovel

Matalino Pa Sa Computer?

"At anong gusto nyong gawin ko, baliwalain na lang itong nararamdaman ko! Naiinis na ako na binibitin nya ako na parang sinasadya nya! Nakakairita!"

Sumambulat na ang inis ni Eunice na ilang linggo na nyang kinikimkim.

Natahimik si Mel. Ito ang unang beses na nakita nya ang bestfriend nyang tila out of control.

At nagsalubong naman ang kilay ni Kate, hindi dahil sa pakiramdam nya napahiya si Mel sa biglang pagtaas ng boses ni Eunice, kundi dahil sa feeling nya sumosobra na si Eunice.

Mabait na bata ang pinsan nyang si Eunice, hindi ito madaling magalit at mag maldita. Pero pag nagalit ito at lumabas ang pagka maldita tyak nyang may dahilan pero ngayon .... bigla na lang syang sumabog.

Minsan, ni remind sya ng Mommy nya:

"When a time comes na makita mo ang pinsan mo na out of control at para syang sasabog na, Stop her! Magpaka ate ka!"

Hindi ito naiintindihan ni Kate but now na nakikita na nyang nangyayari kay Eunice ang minsan pinaalala ng Mommy nya, kailangan gawin ang dapat.

"Woh ... woh... Wait! Stop it Eunie!

STOP!"

"Huwag kang magalit sa amin, hindi kami ang kaaway mo!"

Suway ni Kate.

Tila napahiya si Eunice.

Ngayon lang nya nakita ang Ate Kate nyang ganito. Matalim at tingin at nailisik. Ganito tumingin ang Mommy nya pag may ginawa syang kasalanan.

Nakaramdam sya ng takot na hindi nya maintindihan.

"S-S-Sorry Ate Kate, Beshy. Sorry! Pasensya na kayo nahihirapan na kasi ako eh! Hindi na ako maka focus sa work sa office, sa business natin ..... dahil lagi ko syang nakikita at ginugulo nya ang mundo ko. Sa tuwing nakikita ko sya gusto kong kausapin pero, bigla syang iiwas."

Paliwanag ni Eunice.

"At sa huli nagmumukha kang tanga!"

Dugtong ni Mel.

"Eunie, kung gusto mong maging okey ka, tulungan mo ang sarili mo! Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, nasa sa'yo yan, tagapayo lang kami!"

May diin pa rin ang salita ni Kate na pakiramdam nya para syang pinagagalitan nito.

Tumungo na lang si Eunice na tila maamong tupa.

"Kung gusto mong tanggalin sya sa isip mo, umpisahan natin ngayon! Pwede bang simula ngayon huwag na natin syang pagusapan! Okey?"

"Tama Sissy, masyado ka ng apektado sa kakaisip sa kanya pero mukha namang hindi apektado yung isa, kaya let's move on na, please!"

"Buti pa pagusapan na lang natin ang tungkol dito sa coffee shop."

Pagbabago ni Mel ng topic.

"Huwag dito dun tayo sa office!"

Sabi ni Eunice.

"Huh?"

"Office?"

Sumunod ang dalawa kay Eunice na dirediretso sa loob ng staff room at pumasok sa isang mallit na office.

Parehong question mark ang itsura ng dalawa.

"What?"

Tanong ni Eunice.

"Explain mo kaya kung bakit tayo andito sa office ng paborito nating tambayan?"

"Dito ko nilagay ang extra money natin."

Sagot ni Eunice.

After ng matagumpay na water refilling station nila, nagtayo na rin sila ng laundry shop at pagkatapos ay nagkaroon ng madaming branches.

Nag start na rin silang mag invest sa stock market at nito ngang huli ay nakuha na nila ang kinita nila dito at gusto na naman nilang magtayo ng ibang negosyo na malapit sa school nila.

Kaya nagulat sila ng sabihin ni Eunice na dito nya nilagay sa paborito nilang tambayan ang pera nila.

"Hahahaha!"

Hindi makapaniwala si Kate sa ginawa ng pinsan nya.

"Akala ko ba hindi ka maka focus, Sissy? Nililinlang mo ba kami?"

Nakangiting tanong ni Mel.

"Hindi, totoong atin na 'to!"

"Paano....?"

"Sa tulong ni AJ! Nakwento ko Kasi sa kanya na gusto nating mag invest sa isang business malapit sa school para malibang!

Nagkataon kasi na kakilala pala ni AJ ang franchise owner ng Ysay Cafe na 'to and I met him yesterday!"

"Nameet mo yesterday yung franchise owner tapos ngayon tayo na ang OWNER?! Iba ka Sister!"

"Hindi nga ako si AJ, kulit nyo! Nang malaman nyang may plan ang owner na ibenta itong cafe, hindi na sya tinigilan ni AJ sa pangungulit!

Feel ko hindi pa 100% na decided syang ibenta ito pero sa kakulitan ni AJ, ayun napilitan sya!"

"Iba talaga si AJ!"

"Mabuhay si AJ!"

*****

Habang nagdidiwang ang tatlo sa bago nilang investment, busy naman si Patricia na siraan ang si Eunice sa uncle nya.

"Uncle, malakas talaga ang kutob ko sa dalawang yun na may ginagawang anomalya! Kita nyo po na perfect nila ang exams! Tapos sandali lang natapos nung Eunice ang exams, wala pa atang 20 minutes!

Kinakabahan ako uncle baka nangongodiko sila?!"

"Pamangkin, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hindi ko department ito at hindi ko estudyante yang mga sinasabi mo! Baka mapahiya ako at sabihin nilang nakikialam ako sa department nila!"

"Uncle nakakapanghinala kasi e! Parang imposible ang ginagawang pagsagot nung Eunice, parang hindi nagiisip instant may sagot agad daig pa ang Google! May tao bang mas matalino pa sa computer?"

Nakumbinsi naman si Tobby sa sinabi ni Patricia. Alam nyang super talino ng pamangkin nyang ito kaya imposible nga naman na maungusan ng dalawa ang pamangkin nyang valedictorian nung highschool.

Kaya kinabukasan laking gulat ng mga estudyante ni Prof Alex ng papasok pa lang halatang galit na ito.

Chapitre suivant