webnovel

Bakit Para Syang Guilty?

Si Louie at si Eunice, para yang aso't pusa. Lagi kasing iniinis ni Louie si Eunice lalo na pag ngumingiti ito sa kanya. Ganyan sila since elementary days nila.

At ngayon Grade 9 na sila, alam na ni Louie kung bakit. Dahil matagal na syang may crush sa sa clasmate nyang si Eunice pero ayaw nyang tanggapin kaya ang nangyayari inaaway nya si Eunice kahit walang dahilan.

Nabibighani kasi ito sa mga mata ni Eunice na namimilog at tila nangungusap at naiinis sya dahil hindi nya mapigilan ang sarili pag nakikita nya itong ngumiti.

Natatakot kasi syang baka mahalata ng mga kaklase nya at malaman ni Eunice na may crush sya dito.

'Ganito ba talaga pag may crush, gusto mo lagi syang nakikita?'

'Kailangan ko itong pigilan, kung hindi baka mahalata nya!'

Kaya ng pakiusapan sya ng best friend nyang si Zandro na ibigay ang sulat nito kay Eunice, tumanggi sya.

"Teka naman Zandro, bakit ako, e ikaw ang nanliligaw?"

"Sige na Louie! Kinakabahan kasi ako e! Saka sabi mo diba tutulungan mo ako!"

"Sinabi ko ba yun?"

"Zandro, susuportahan lang kita dahil friends tayo, pero hindi ako ang manliligaw, IKAW!"

"Sige na naman Bro, iaabot mo lang naman e, tapos umalis ka na!"

"Ayoko nga! Baka isipin pa nung pandang yun, AKO ang nanliligaw sa kanya hindi ikaw!"

Alang magawa si Zandro. Hindi nya mapilit ang kaibigan.

"Zandro naman huwag mo akong tingnan ng ganyan! Gusto mo samahan na lang kitang mag abot sa kanya! Pero ikaw ang magaabot hindi ako, okey?"

Pumayag naman ito, mas maigi na yun kesa hindi nya maibigay ang sulat nya! Pero pag harap nilang dalawa kay Eunice, nagulat na lang ito sa sinabi ni Zandro pagkaabot ng sulat.

"Eunice, pa..para sa'yo!"

"Ano 'to? Sulat? Bakit?"

"Uhm!... Hindi sa akin galing yan kay Louie!"

Sabay takbo pagkatapos ituro si Louie.

"Ano na naman ba 'to, Louie? Iinisin mo na naman ba ako? Wala ka talagang magawa!"

Naiinis na tanong ni Eunice.

Hindi nya binuksan ang sulat. Nilukot nya ito at ibinato kay Louie.

"Eh ano naman kung iniinis kita, Ms. Panda! Bakit kasi pikon ka?!"

Sagot ni Louie kay Eunice.

"Hmp! Ewan ko sa'yo Louie! Dyan ka na nga, wala akong panahon sa pangungulit mo!"

At iniwan na ni Eunice si Louie.

Habang si Mel naman na kasunod ni Eunice ay pinulot ang sulat at binuksan saka binasa at nadidinig ni Louie.

Dear Eunice,

Pwede ba kitang maihatid mamya pag uwi?

Hart

Namula si Louie ng madinig si Mel na binabasa pala nito ang sulat.

Hinablot nya ito agad tapos ay pinunit punit.

"Hindi akin 'to!"

Saka umalis.

Iniwan nito si Mel na nagtataka.

'Well, obvious naman na hindi kanya yung sulat, hindi naman ganun ang penmanship nya! Ang pangit kaya nyang sumulat!'

'Pero ang ipinagtataka ko, bakit para syang guilty?'

'Hmmm.....'

*****

Sa baranggay hall, sa opisina ni Kapitan.

"Eto na ang huling kabayaran ko sa utang ko sa'yo! Sana mula sa araw na ito ay hindi na tayo muling magkita!"

Sabi ni Carl kay Diego habang inaabot ang pera.

Ito ang kabayaran sa inutang nya nuon sa pagsusugal. Pinautang sya ni Rico para matapos na ang bayarin nya.

Saka, medyo nagkakaayos na silang magasawa at gusto na nyang makasama ang mga anak pero alam nyang malaki ang trauma naidinulot ng ginawa ng mga tauhan ni Diego sa mga anak nya lalo na kay Tina.

Kaya humingi sya ng tulong kay Rico at sinabi naman ni Rico kay Edmund.

Pitong buwan na ang nakakaraan ng lumapit sya kay Kapitan sa tulong ni Rico tungkol sa mga utang nya kay Diego.

Kilalang loan shark si Diego sa lugar na ito kaya walang nakakatakas dito kapag naging biktima ka nito. Lulubog at lulubog ka sa utang at hindi na makakabawi. Karamihan sa biktima nito ay nagpapakamatay na lang.

Pero hindi si Carl. Simula ng tulungan sya ni Rico at bigyan ng advice, unti unti itong nakabangon.

"Mabuti naman! Ayaw na rin kitang makita! Kaya pwede ba huwag ka ng magpapakita sa akin! Naiirita ako sa'yo sa tuwing nakikita kita!"

Galit na sabi ni Diego.

Naiirita ito kasi hindi nya magawa ang gusto nya kay Carl at sa pamilya nito. At hindi nya rin ito masingil sa 3 milyon na utang nya dahil lumalabas na 850,000 lang ang utang nito at puro interes yung iba.

Yun ang napagkasunduan nila sa baranggay, sa harapan ni Kapitan. Kaya wala syang magawa, ayaw nyang makulong. Hindi nya kaya ang lakas ng backer nitong si Carl.

Pinadukot kasi sya ni Edmund at dinala sa kung saan, saka ibinitin ng patiwarik, hanggang makumbinsi nya ito sa gusto nyang mangyari.

'Kung alam ko lang na ganun kalakas ang nasa likod nitong si Carl, hindi ko ito bibiktimahin!'

"Bweno, ngayon pumirma naman kayo sa kasunduan na wala ng pagkakautan sa'yo si Carl dahil nabayaran na nito ang lahat ng utang nya!"

Paliwanag ni Kapitan.

"Kailangan pa po ba yan, Kapitan?"

"Syempre para hindi ka na maghabol! O baka naman mas gusto mo ang makulong?"

Pagpapaalala ni Kapitan.

"Hindi po Kap, pipirma na po!"

Natuwa si Carl at naging maayos na naman ang lahat.

Pag alis ni Carl sa baranggay saka dumating si Edmund.

"Mula ngayon, ayoko ng makita ang pagmumukha mo dito sa San Miguel! Naintindihan mo?"

Seryosong sabi ni Edmund kay Diego.

"O..opo Sir!"

Nagmamadali itong umalis.

Nginitian ni Edmund si Kapitan.

"Kapitan, salamat sa lahat ng tulong! Pangakong tutulungan ko kayo sa susunod na eleksyon kung ipapangako nyong hindi nyo isasama sa line up nyo si Kagawad Abellardo!"

"Ay Sir, makakaasa po kayo!"

Buong ngiti nitong sabi.

Chapitre suivant