webnovel

Examination Day 1

Examination Day.

Seryoso ang lahat.

May mga nag la last minute review.

May mga nag sheshare ng notes.

May mga kinakabahan sa exam.

May mga natataranta dahil hindi sigurado kung pumapasok sa isip nila ang ni re review nila.

Meron din naman relax.

Gaya ni Eunice.

Simula pa noong bata si Eunice, hindi pa ito natataranta sa exams nya. Katunayan, nag e enjoy pa nga sya pag kumukuha ng exams.

Tumunog ang bell at lahat ay pumasok na sa kanya kanyang room nila at naupo na sa kani kanilang mesa.

Malalayo ang pagitan ng mga upuan nila para hindi mag kopyahan.

Half day lang sila ngayon at tatlong subject lang ang exams nila.

Teacher ng Grade 9 ang magbabantay sa kanila ngayong araw. Si Teacher Gabby.

Nang makitang naka ayos at nakaupo na ang lahat, ibinigay na ng teacher ang questionnaire.

"Okey class you may begin!"

First time ng teacher na ito na mag bantay sa star section. Mataas ang expectations ng mga teacher sa section na ito ng Grade 8 dahil ito ang number 1 section nila. Kaya tinitingnan nya ang bawat isa kung paano sila mag behave during exams.

At masasabing mas behave nga ang mga ito kesa sa lower sections dahil naka focus ang lahat sa papel nila.

'Ganito pala ang feeling pag star section ang hawak mo!'

At naisip nyang one day mahahawakan din nya ang star section!

Hindi pa sya tapos mangarap at wala pa syang 30 minutes na nasa class na ito ng biglang may tumayo at lumapit sa kanya.

"Yes, iha? May question ka ba?"

"Hindi po Sir! Tapos na po ako!"

Nagulat ang teacher at tiningnan ang relo nya.

'17 minutes?! Natapos nya ang exam ng 17 minutes?!'

"Sigurado ka iha? Hindi mo na ba re reviewhin ang mga sagot mo?"

"Hindi na po Sir! Sige po duon na po ako sa labas mag wait!"

At lumabas na ito ng pinto na iniwang gulat pa din si Teacher Gabby.

"Sinong batang yun?"

Tiningnan nya ang name ng answer sheet ng batang lumabas.

EUNICE NICOLE B. PERDIGOÑEZ

'Sya kaya yung sinasabi nilang anak ng bagong acting principal?'

"Sir, huwag na po kayong magtaka kay Eunice! Ganyan po talaga sya kabilis sumagot sa exam!"

"Bakit ka tumayo, tapos ka na rin?"

"Opo Sir! Sinubukan kong maunahan si Eunice sa pagsagot pero...."

Nangiti lang ito at napakamot sa ulo.

"Hindi na po ako magtataka kung isang araw malagpasan nya ang place ko!"

"Ikaw si ...."

"Ako po si Zandro Javier!"

"Ikaw ang top 1 ng klaseng ito tama ba ako?"

"Kung ikaw ang Top 1 pang ilan naman si Eunice?"

"Sya po ang Top 3 pero mukhang malalagpasan na nya ako ngayon!"

Malungkot na sabi ni Louie.

Si Louie kasi ang nasa Top 2 nung huling grading period.

Tiningnan ng teacher muli ang relo nya.

'Thirty minutes! Wow!'

"Shhhh.... ang iingay nyo!"

"Kung tapos na kayo lumabas na kayo! Bakit ba nagiingay kayo dyan?!"

Suway ng isang classmate nila.

"Oonga! Labas na! May nageexam pa dito!"

Saway ng iba pang mga kaklase nila.

"Oo na po lalabas na!"

Bago lumabas ang dalawa, may tumayo ulit na isa at ibinigay ang exam paper at answer sheet niya.

Tapos nun ay sunod sunod na ang tumayo para mag submit ng paper nila.

At wala pang isang oras ay natapos na lahat silang mag exam.

"Wow! na impress ako ng husto sa section na ito!"

Pagdating ng susunod na exam ganun din ang nangyari, si Eunice pa rin ang naunang tumayo at natapos nya ito ng 16 minutes!

"Iha, wala ka ba talagang planong tingnan ang mga sagot mo? Baka may mali kang sagot pwede mo pang I correct, mahaba pa ang oras!"

"Tapos ko na rin po syang icheck, Sir!"

Napapanganga sya sa batang ito, pero pinigilan nya. Hindi nya sure kung tama o mali ang mga sagot nya pero nakikita nya sa mga mata nito na kalmado ito.

"San ka ba nag iistay pagkatapos mo ng exam?"

"Dyan lang po sa labas ng pinto, nakaupo! Bawal po kasi dito sa loob baka po makaistorbo ako saka bawal din po akong magpagala gala sa corridor!"

At lumabas na ito.

Nang dumating ang last exam nila sa araw na ito, si Eunice pa rin ang unang nakatapos.

'Gusto kong nakilala ng husto ang batang ito! Nakuha nya ang interes ko!'

At lumabas si Teacher Gabby ng may ngiti sa kanyang labi dahil natapos agad sya ng maaga at hindi sya napagod sa pagbabantay dahil behave lahat ng klase.

"Sana ganito lahat ka behave ang susunod na klaseng hahawakan ko!"

Pagbalik nya ng faculty, napansin nyang wala pang tao duon dahil maaga pa naman at hindi pa tumutunog ang bell.

Pero pag pasok nya nagulat sya ng may nadinig na nagpa plano ng isang pandaraya para sa isang estudyante.

Chapitre suivant