webnovel

SECTION 13 (BASED ON A TRUE STORY)

Si Joyce (hindi niya tunay na pangalan) ay hindi magka-ugaga sa pagaayos ng kanyang gamit para sa nalalapit na pasukan.

"Lapis... nandito na! Ballpen... nandito na!" Halos mabulabog niya ang kalapit nilang bahay sa kakasabi ng mga gamit na kanyang dadalhin.

"Oh, anak. Bakit ang bilis mo namang magayos ng mga gamit?" Bigla nalang nagtanong ang kanyang mommy na kanina pa pala nakatayo sa pintuan niya.

"Mom, mas mabuti ang maagap. Para hindi na ako makalimot ng aking gagamitin." Tumigil muna siya at nagpaliwanag upang bigyan ng respeto ang kaniyang Mommy.

"Hmmm... sige. Tsanga nga pala, alam mo na ba ang papasukan mo?"

Pabalik na sana siya sa kanyang ginagawa matapos niyang mapagtanto na hindi niya pa pala alam kung anong pangalan at saan ang eskwelehan ang kaniyang papasukan.

Napakamot siya sa kanyang ulo sabay iling. May kinuha naman ang kanyang Mommy sa bulsa nito at ang nilalaman nito ay ang lahat ng impormasyon ng kanyang papasukan.

"Salamat, mom!" Ngumiti siya dahilan upang yakapin siya ng kanyang mommy.

"Mag-aral kang mabuti." Hinalikan niya sa noo si Joyce at bumaba na upang asikasuhin ang napabayaan niyang gawain.

Napatihaya nalang si Joyce sa malambot ngunit magaspang niyang higaan. Hindi naman sila gaanong mayaman upang bumili ng mamahaling mga gamit.

Ang kanyang ama'y isa lamang sales associate sa isang hindi gaanong sikat na pamilihan. Kumbaga, nasa kalagitnaan sila ng mahirap at mayaman.

Nakaramdam nalang siya ng antok matapos nang ilang hikab at pagpikit ng kanyang mga mata. Dahan-dahan itong pumikit hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

Kinaumagahan....

Nakabangon siya ng maaga. Tumayo muna siya at naisipan niyang magunat-unat ng kanyang katawan. Pagkatapos nu'n ay inayos niya ang kanyang hinigaan at dali-daling naligo.

Nanggigil siya matapos dumampi sa kanya ang unang patak ng tubig. Mga alas singko na kasi ng umaga iyon kaya ganoon nalang kalamig ang tubig.

Pagkatapos niyang maligo ay agad naman siyang umakyat upang tumungo sa kanyang kwuarto. Nakangiti siya habang nagbibihis wari'y wala siyang malungkot na pinagdadaanan dahil sa kasiyahan na kanyang nararamdaman.

Sa wakas, pagkatapos nitong taon na ito ay magiging kolehiyo na siya. Siguradong matutulungan niya na ang kanyang magulang. Balak niyang maging isang nars balang araw, upang matulungan niya ang mga kapos sa pera na gumaling.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin siya sa harapan ng kaniyang eskwelahan. Halos sapian ng baliw na espiritu si Joyce dahil hindi niya alam kung saan siya pupunta. Naku, paano na ito? Baka mahuli na siya sa una niyang klase.

Biglang nasagi sa kanyang isipan ang papel na ibinigay sa kanya ng kanyang mommy. Agad niyang inilapag ang kanyang bag sa gilid ng isang halaman upang halungkatin ito.

Mga ilang oras din ang lumipas ay sa wakas nahanap niya na rin ang kanyang hinahanap. Nang mga oras na isasarado niya ang papel na parang mapa ay bigla siyang nakaramdam ng kilabot, tumayo ang kanyang balahibo sa katawaan. Matapos niyang makita ang isang imahe ng isang babae.

Nakayuko ito na tintakpan ng malalago at maitim niyang buhok. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mga mata sa mapa upang tignan kung totoo ang kanyang nakikita.

Nakusot niya nang bigla ang kanyang mga mata matapos humangin dahilan upang magsilipadan ang mga alikabok patungo sa kanyang mga mata. Sa pagkamulat niya ay nawala nalang parang bula ang imahe ng babaeng iyon.

Napansin naman ng isang guwardiya ang kalituhan sa mga kilos ni Joyce. "Miss, nawawala po ba kayo?" magalang nitong tanong.

Tumango nalang siya at tinanong niya kung saan ang Section 12. Ilang minuto na rin ay nahanap niya rin ang kanina pang nagpapasakit ng kanyang ulo.

Tamang-tama, magsisimula palang ang klase nila. Tulad din ng dati, pagpapakilala muna at samantalang ang unang naging klase nila ay sa Values Education.

Nakaramdam bigla si Joyce ng pagkabagot dahil sa pagkakapareho ng mga diskripyson nila sa sarili ngunit may isang nakahumaling sa kanya upang makinig nang mabuti at iyon ay si Claire Arevalo na hindi umano ay may third-eye. Tinawag niya ito upang i-kwento sa kanya lahat ng nakakatakot na karanasan.

Naging interesado bigla ang naging araw na ito matapos malaman lahat ni Joyce ang lahat ng kababalaghan sa eskwelahan na ito.

Magmula ng mga oras na iyon ay naging matalik na kaibigan ni Joyce si Claire dahil sa angkin nitong katangian na kahit sino ay siguradong mamangha.

Tila magagabihan na sila ng uwi. Hindi niya alam pero pakiramdam niya'y may kung sino ang sumisigaw. "Ahhhhh!!!" palahaw ng isang babae sa Section 13.

Hindi niya alam pero sa mga oras na iyon ay bigla nalang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Napansin niya rin na tila may bumabagabag na kung ano sa reaksyon ni Claire.

"May multo.." mahina niyang bulong. Hindi niya gaanong naintindihan ang kanyang sinabi kaya pinaulit niya ito.

"May multo sa Section 12 at 13!" nakaawang nang malaki ang kanyang bunganga.

Napaatras nalang sila at nagsimula muling magsigawan matapos silang makarinig nang balibag sa isa sa mga pinto. Imposibleng may tao pa roon, uwian na nila kaya siguradong multo iyong nagpaparamdam.

Kinabukasan...

Ikwenento ni Claire ang makapanindig-balhibo na karanasan na ito sa kanilang punong guro. Noong una ay hindi sila naniwala pero noong sinabi ng kanilang guro na kasama rin nila sa mga oras na iyon ay naniwala na siya.

Magmula noon ay nagdesisyun siya na huwag papatyin ang mga ilaw at kung maari ay hindi paabutin ang oras ng kanilang klase ng gabi dahil mahirap na.

Napaisip nalang si Joyce sa mapang hawak niya, Kama-kailan lang. Ang babae siguro na iyon ang nagpaparamdam?

Chapitre suivant