webnovel

Chapter 13Finale:(Huling laban at ang katotohanan)

Habang nakapikit at inaalala ang mga masasayang karanasan sa kanyang buhay ay bigla na lamang may tumulak sa kanya.Hindi iyon ang patalim kundi mga kamay ang dumampi sa kanyang mga balikat.Kasabay ang malakas na sigaw na kanyang narinig ngunit hindi iyon sigaw ng halimaw na naroroon kundi tinig iyon ng isang matandang babae.Bigla siyang napadilat ng makilala ang tinig na iyon.Ngunit ang mas ikinagulat niya ay ang batang nasa kanyang harapan na siyang nagtulak sa kanya kanina..Nakaharap ito sa kanya habang nakatitig sa kanyang mukha.Nakasuot ito ng puting damit ngunit nababalot iyon nang nanuyong mga dugo.Malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa kanya."Ikaw iyong batang babae na laging nagpapakita sa akin.."mahinang usal niya.Ngunit mas nanghilakbot siya sa mga sumunod na nasaksihan..

Unti unting nagbago ang anyo ng batang babae at napagmasdan niya ang mukha nito ng maiigi dahil nawala ang mga itim na nakapaligid sa mga mata nito at sa isang iglap ay nag anyong normal na tao ito.Napasinghap siya ng malakas kasabay ang pagbulalas.

"Teka!!""Ikaw??!!Halos di makapaniwala sa nangyayari sa kanya.. "Totoo ba ang nangyayari sa akin!!ikaw ba iyan anafie!!??hindi makapaniwalang bulalas niya.

"ako nga alleen!"sagot nitk sa kanya habang unti unting nagbabago ang mukha.

"pppaaaappano nangyari!"?nanginginig ang boses na tanong niya.

"Maraming mga bagay ang hindi maipaliwanag alleen, ngunit alam kong matatakot ka kung magpapakita at makikipagkaibigan ako sa ganitong itsura."malungkot nitong sagot.

"pero papaanong nangyari na ang isang multo..hindi niya na naituloy pa ang sasabihin ng bigla na lamang umihip ang malakas na hangin kasabay ang pagpatay sindi ng mga ilaw na naroon, maging ang mga kandila ay tuluyan na ring namatay.

"Tampalasan kang bata ka!!""gggrrrrrrrr!!""galit na galit ang tinig na iyon habang isa isang nagbabagsakan ang mga kagamitan doon.

"Itigil mo na ang kabaliwang ito Temoteo!!""muling sigaw ng matandang babae!!Bagamat nanlalabo ang kanyang mga mata ay naaaninag pa rin naman niya ang bulto ng isang matandang babae at hindi siya nagkakamali,Si Tandang lara iyon.

"lola lara"!usal niya lalo na at wala na sa kanyang harapan ang kaninang kausap lamang na kaluluwa ng batang si anafie.Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari, ngunit mas higit siyang di makapaniwala sa mga naririnig na katotohanan

"Itigil mo na ang kasamaang ito Temoteo!".Sigaw ng matandang lara.

"Hahhahah!!!ako ba ang kinakalaban mo mahal kong kapatid!"Sagot ng halimaw mula sa ere.

"Itigil mo na ito.. marami ng mga buhay ang nawawala dahil sa kasakiman mo"

"Kailangan ko ang mga buhay na iyon upang manatili ang aking paghahari!!"

"Hindi pa ba sapat na pinatay mo ang sarili mong apo huh Temoteo!!"Sigaw ng matanda kasabay ang pag garalgal ng boses nito.

"!Ikaw ang pumatay sa sarili mong apo Lara!!"At huwag mo akong sisihin sa mg nangyari!!Dahil iisa lamang ang likaw ng ating mga bituka!!hahhaha.. at magkasama tayong maghahari at mabubuhay sa hacienda de Saavedra mahal kung kapatid!""hahhaha"Isang nakakapanghilakbot na tawa ang pinakawalan nito.

"iyan ang hindi ko mapapayagan Temoteo!!Sapat na ang buhay ng apo nating si Anafie at nang mga taong nadamay dahil lamang sa pagnanais mong maghari!!Gusto ko nang magpahinga mahal kong kapatid at ayuko nang pumatay pa ng mga inosenteng tao..!"Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga naririnig bagmat naguguluhan siya at hindi maintindihan ang sumbatan ng magkapatid."

"Pumatay"?kunot noong tanong niya sa sarili.

"Uhhh kaya pala hindi mo na itinuloy ang paglalason sa mga tao sa pamamagitan ng paglagay sa tubig at hangin Lara,!!Tampalasan ka!!walang lugar ang kagaya mo dito sa aking kaharian!!galit na sigaw ng kaluluwa ni Temoteo..Habang malinaw na sa kanya ngayon ang totoong nangyari sa buong baranggay na nasalanta ng epidemya dahil sa kagagawan mismo ni Tandang lara.

"Mahal kung kapatid itigil mo na ito!!""tama na!!"nagmamakaawang wika ng matanda.

"Hindi!!mananatili akong maghahari sa lugar na ito!! sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kaluluwa tuwing anibersaryo ng aking mansion.!!"Kaya kahit ikaw lara, papatayin ko upang mapanatili ko lamang ang aking paghahari!"Sigaw nito at sa isang iglap lamang ay lumutang ang kaawa awang matanda at walang nagagawa sa halimaw na katapat.

Namimilipit ito dahil sa pagkakasakal ng anumang pwersa sa leeg nito.NAnatili siyang nanonood sa mga nangyayari ngunit hindi niya maaatim na mamatay ang matandand babae.Bagamat nasaksihan at nalaman niya ang katotohanan mula sa bibig niti ay malaki parin ang utang na loob niya sa matanda dahil hindi nito hinayaang mamatay sila na walang laban.

Unti unti nang nawawalan ng lakas ang matanda kaya nag isip siya ng paraan.Nakita niya ang nabitawang agua at krus ng mga kapatid kaya inisang hakbamg lamang niya iyon kahit pa nanghihina siya ay pinilit niyang makatayo upang matulungan ang matanda.

"Sa ngalan ni JESUS!!!sigaw niya ng napakalakas kasabay ang pag saboy ng holy water sa usok na nakapalibot kay tandang lara.

"Lumayas ka satanas!!!!halos ubos lakas niyang isinaboy ang holy water kasabay ang pagsabit ng kwentas na nakuha niya kanina.

"urrrhhhhhhhhhhgggggkkhhhhh!!'Nakakapangilabot na sigaw ang pinakawalan ng halimaw habang unti unti itong naglalaho!!kasunod ang pagbagsak ng katawan ni lola Lara.

"Magbabalik ako!!uurrrgggghhhhhhh!!sumisigaw habang naglalaho ang itim na usok kasabay ang pagtigil ng mga lumilipad na mga bagay.

Tuluyan nang naglaho ang usok at tahimik na rin ang paligid.Nakita niyang nakahandusay ang matanda sa sahig ngunit may buhay pa ito dahil pinipilit nitong igalaw ang katawan..Mabilis niya itong nilapitan.."

!"Lola lara!!nag aalalang bulalas niya.."wala na po ang halimaw lola!""wika niya.

"alleen, maraming salamat at patawad!!nanghihinang wika nito habang hawak ang kanyang kamay.

"lola, huwag po kayong humingi ng tawad sa akin!!wala po kayong kasalanan.."umiiyak niyang sagot rito.

"hindi alleen.. malaki ang kasalanan ko sainyo.. dahil kayo ng pamilya mo ang sana'y mamatay dahil ang libro na pinakuha ko saiyo ay siyang libro na pagkukulungan ko sainyong mga kaluluwa upang mapanatiling matatag ang mansion na ito.Isa ako sa mga pumapatay ng mga inosenteng kaluluwa ineng, ako ang dahilan kung bakit marami ang namatay, nabubuhay ako upang pumatay, ngunit hindi sa pagkakataong ito,napakabuti nang inyong pamilya at lalo ka na.. At hindi ko maatim ang patayin kayo ng pamilya mo lalo na ang kahilingan ng aking apo na huwag kayong sasaktan.Marami na ang pamilyang nagbuwis ng buhay sa mansiong ito at dahil na rin iyon sa kanilang kasakiman, dahil binabalak nilang nakawan ang mansion.Ngunit kayo mas pinili ninyong pagpawisan ang bawat butil na inyong kinakain keysa magnakaw.!!ang busilak mong puso at pagmamahal ninyo sa isa't isa ang siyang nagligtas sainyo!"umiiyak na wika nito.

"paano po ninyo nasabing nagligtas sa amin eh gayung walang buhay ang aking mga magulang at kapatid."umiiyak niyang sagit saka tinapunan ng tingin ang hanggang ngayon ay walang malay na mga magulang at kapatid.

"magtiwala ka alleen,, kailangan niyo nang makaalis sa lugar na ito sa mas madaling panahon.."maya maya ay wika nito.

"pero paano po?"naguguluhang sagot niya..

maya maya pa ay may tumawag sa kanyang pangalan,ang ate niya iyon.

"alleen,, anong nangyari?"nakahawak ito sa ulo habang kunot noong nagtatAnong sa kanya.

"ate, kailangan na nating makaalis dito!!'bulalas niya at saka nilingon ang matanda ngunit nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang wala na ito doon.

"Lola lara!!tawag niya sa matanda.."

"sinong lara!""ano ba ang nangyayari alleen?!naguguluhang tanong nito.

maya maya pa ay nagising na rin ang kanyang ama at ina.. maging ang kanya pang dalawang kapatid.

"papa,, mama!"!mahigpit niyang niyakap ang mga ito.

"anong nangyari!!"?!bigla ay tanong ng kanyang ina..

"mama,, kailangan na po natin makaalis dito.."bilisan na po natin!!"agad siyang kumilos at inalalayan ang sugatan nilang ama at kapatid.

Tulong tulong silang bumaba ng hagdan palabas ng mansion.Ngunit hindi niya napigilang lingunin ang kanilang pinanggalingang silid at ganun na lamang ang panghilakbot niya ng makita ang aklat ng kamatayan na nakapatong sa lamesita na naroon.Hindi na siya nagsalita pa, at dali dali niyang inalalayan ang mga magulang at kapatid upang agad makalabas sa lugar na iyon.Hindi na niya nakita pa ang pagsara ng silid at kusang pag kadena nito sa pintuan.

Isang nakakapangilabot na pangyayari sa kanilang pamilya lalo na at hindi nito maalala ang nangyari sa mansion.Animo'y sinadyang burahin sa mga isipan nito ang di maipaliwanag na nangyari sa kanila.Ngunit ang ipinagpasalamat na lamang niya ay ang kaligtasan nilang mag anak. Nanatiling lihim sa kanya ang totoong nangyari at katotohanang nasaksihan sa loob ng mansion na minsan ay nagdala sa kanila ng kapahamakan.Hindi na rin niya inusisa pa ang totoong nangyari sa kanilang ama at ina dAhil Sapat na sa kanya na ligtas ang mga ito.. Hindi na rin ang mga ito nag usisa pa ng tuluyan nilang iniwan ang mansion de saavedra at muling nagbalik sa lugar na kinalakhan niya.Malaking katanungan man sa kanya ang mga nangyari ngunit mas pinili niyang sarilinin na lamang iyon, dahil alam niyang hindi siya papaniwalaan ng mga kapatid at mga magulang.Hindi na rin niya alam kung saan napunta ang katawan ng matandang lara na isa pa lang mangkukulam at isa din sa mga salarin kung bakit pinagdadaanan ng mga inosenteng tao ang delubyong naghasik ng kasamaan at kamatayan sa mga taga baranggay cabran at karatig baranggay.

Ang hindi alam ni alleen ay tuluyan nang bumagsak ang mansion at nakita na ang kalumaan nito dahil sa hindi nito pagtatagumpay na maalayan ng maraming buhay.Unti unting nahuhulog ang ibang parte nito habang nababalot ng mga damo at kahoy ang paligid.Habang tuluyan nang naisara ni tandang lara ang pintuan ng impyerno gamit ang sariling katawan.Iyong oras na bigla siyang nawala ay iyon ay dahil isinara niya ang pintuan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpasok doon at pag alay ng kanyang sarili upang maiiligtas ang batang minsan ay naging bahagi ng buhay ng kanyang apo.Ang batang hindi nagpakita ng pang didiri at bagkus totoong pakikipag kaibigan ang ipinakita nito.Tuluyan niya na ring tinuldukan ang kasamaang ginagawa iya dahil na rin sa utos ng kanyang kapatid.Mananatili na ring sekreto ang mansiong iyon at mananatili na rin amg katotohanang siya lamang ang tumatawag at nakikipag usap kay mang Carlitos upang maenganyo ito sa kanyang mga pinaplano.Siya lamang ang ang nagkukunyaring mga anak ng mga yumaong de saavedra dahil wala naman na talagang anak ang mag asawa dahil nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pagtalibsa sarili sa puno ng nara kagaya nang pagkakalarawan sa aklat ng kamatayan dahil sa pag patay ng ama nito sa anak na si anafie upang maging alay ng mansion de saavedra.

Masaya at nagtatawanan na ang mag anak habang pabalik na nang bulacan kung saan doon nila ipagpapatuloy ang kanilang pamumuhay.Isang masayang pamilya na ang makikita sa pamilya monreal, pamilya na puno namg pagmanahal at pagkakaisa.Anuman ang nangyari sa pamilya nila sa kanilang pinanggalingan ay mananatili na lamang lihim iyon at tanging si alleen lamang ang nakakaalala sa kanila.Ngunit nagpasalamat siya sa nangyari dahil mas pinahalagahan siya ng kanyang mga magulang at mga kapatid.

Habang lulan na sila ng kanilang sasakyan pabalik ng bulacan ay napalingon siya sa bahagi ng kagubatan at napangiti siya ng makita ang batang babae na naging kaibigan niya.Nakatayo ito sa tabi ng kalsada habang nakatingin sa kanya at ngumiti habang papalayo ang sasakyan nila.

"salamat"bulong niya saka pumikit.

~ THE END~

"