webnovel

Chapter 9(Paghahari ng lagim)

Habang naglalakad si Alleen pauwi nang Hacienda De Saavedra ay napansin niyang napakadami naman yata ng mga nag uumpukan sa kanyang dinadaanan.Ngunit hindi gaya ng umpukan na pakikipagtsismisan, ay napansin niyang halos nananaghoy ang sinumang madaanan niya.

Nagtataka siyang lumapit sa isa sa mga nasa labas at madadaanan niya, isang dalagita na halos putlang putla na at nakahawak sa sikmura nito habang sumusuka.

"!anong nangyayari dito!?"bulalas niya ng makalapit sa isa sa mga naroon.

Sa halip na sumagot ay patuloy lamang ito sa matinding pagsusuka.Lumapit siya sa isang may edad na babae ng walang sagot na nakuha mula sa unang dalagita.

"ale, anong nangyayari dito, bakit halos andito kayo sa labas at halos lahat nagsusuka?" nag aalalang tanong niya.Nakita niya ang paghihirap nito ngunit marahan itong nagsalita.

"Tulungan mo kami ineng"!Buuuaaaallkkkkkk!!""sabay suka nito na tila wala nang mailalabas pa sa sikmura nito.

Mas lalo pa siyang nataranta ng biglang lumabas ang isang babae mula sa bahay nito at nagsisisigaw karga ang isang batang babae..Humagulhol ito ng iyak.

"Diyos ko.. tulong po!!tulungan nyo kami!!palahaw ng babae habang yakap ang kanyang anak..Agad niya naman itong nilapitan at tiningnan ang bata, at gayun na lamang ang kanyang panlulumo ng malamang patay na ang bata.

Awang awa siya sa batang babae, ngunit wala siyang nagawa.Animo'y isang pelikula ang kanyang kinaroroonan na maya maya lang ay matatpos din, ngunit isang totoong pangyayari iyon at maging siya ay walang maitulong.."

"Ale, ano ho ang nangyayari dito, bakit nagkakaganito ang mga tao..?!!""nagugulamihang tanong niya.

"hindi ko alam."!!umiiyak na sagot nito habang kanlong ang walang buhay na anak.

"bakit nag kaganito ang mga tao..?!!isa ba itong epidemya!?Narinig niyang sabi ng isa sa mga tumutulong na mag sakay sa mga ambulansya.

"Napakasamang epidemya naman yata nito."!bakit halos lahat ng tao sa baranggay na ito ay nagsusuka at sumasakit ang tiyan, hindi naman siguro sa pagkain iyan di ba? wika naman ng isa pa.

Bigla siyang nagtaka sa maaaring dahilan ng nangyayari ngayon.

Bigla niyang nilapitan ang kanina'y kausap na ale.

"ale, ano po ba ang kinain ninyo bago sumakit ang inyong tiyan at nagsuka.?"pagtatanong niya,bagama't may ediya na siya sa totoong dahilan.

'"Nagsimula lamang ito ng uminom kami ng tubig..

"oo tama, sa tubig nga. iyong galing sa bukal ng Punong Nara"namimilipit na sagot nito sa kanya.

Tama nga ang hinala niya sa tubig nga.Hindi na siya nag aksaya pa ng oras, halos lakad takbo ang ginawa niya upang agad makarating ng hacienda at makausap ang mga magulang.

"mama!!papa!!inikot niya ang buong paligid ngunit wala ang kanyang mga magulang doon.Kinabahan siya,ngunit pinakalma niya ang sarili, Agad siyang pumunts sa taniman ng gulay ng mga ito baka naroon ang mga ito.

"Mama!!papa!! " muli ay tawag niya sa mga ito.ngunit bigo siyang makita ang magulang.

Pabalik na siya ng mansion nang mula sa malayo ay natanaw niya ang isang umpok nang mga tao na tila may pinagkakaguluhan ang mga ito.Tanaw niya ang bahaging iyon dahil nasa medyo mataas siya ng bahagi ng hacienda.Galing iyon sa bukal kung saan naroon ang punong nara.Kinakabahan siyang tumakbo palapit ng bukal at nakita nga niyang nag uumpukan ang mga tao doon..kasama ang kapitan ng baranggay Cabyan at ng kanyang ama.

"papa!! pag aalalang tawag niya sa ama.NAgulat pa ito nang makita siya.

"anong ginagawa mo dito alleen?bakit hindi ka pumasok?!"sita nito sa kanya.

"papa, anong nangyayari, bakit ang daming tao dito?"nagtatakang tanong niya, ngunit bago pa man makasagot ang ama, ay may bigla na lamang humagulhol ng iyak mula sa kung saan.

"annnnaaaakkkk!!!!jucyyyy!!halos mapaos na iyak nito.

Agad ay lumapit at nakisiksik siya sa umpukan ng mga naroon at gayun na lamang ang kanyang panlulumo dahil sa kalunos lunos na sinapit ng batang babae.

Patay na ito, nangingitim dulot ng pagkawala ng hangin sa katawan nito.Ang isa sa mga pumukaw ng kanyang atensiyon ay ang kulay pulang satin na nakasaksak sa bibig nito.Ito marahil ang ikinamatay nito."

"Kapitan,, ang maga taga baranggay Cabyan po.. marami na ang nagsusuka at may namatay na rin po.!""Narinig niyang bulalas ng Baranggay tanod ng Baranggay Cabyan.Kita niya sa mukha ng kapitan ang matinding panlulumo dahil sa sinapit ng kanilang baranggay.

"Alleen, bakit ka nandito!!"maya maya pa ay may humatak sa kanya mula sa umpukan ng mga tao doon.

bahagya siyang inilayo ng ama doon upang makapag usap sila.

"papa,, kailangan natin gumawa ng paraan!!bungad niya rito.

"anong ibig mong sabihin, huh, bata ka!!"

"papa, maniwala ka sa akin.. nakita ko na ang mga ito!!"bulalas niya..

"sa libro na naman ba?!,pagalit nitong tanong.

"opo papa, makinig kayo papa.. kailangan natin makaalis sa lugar na ito.. paniwalaan nyo naman po ako.."mangiyak ngiyak niyang pakiusap rito.

"at saan tayo pupunta huh!""naririnig mo ba ang sarili mo alleen, makinig ka.. sayang ng napakalaking opurtunidad na ito para sainyo..Diba nga wala kaming pinoproblema ng mama niyo lalo na sa gastusin sa eskwela, ilang beses ko naman nang naipaliwanag iyan sainyo diba?"napipikong sabi nito.Ngunit hindi siya nagpatinag sa ama.. kailangan niyang manindigan upang mapaniwala ito."

"papa,, mahalaga pa ba iyan sainyo keysa mga buhay nating lahat!?pa, hindi ka ba nagtataka kung bakit ganyan na lamang ang binibigay na pabor ni mam ivana saatin?Dahil may itinatago sila papa, kaya habang hindi pa huli ang lahat ay kailangan na natin itong iwan papa..!"pangungumbinsi niya rito.

Bahagya naman itong nag isip ngunit hindi ito nagsalita at mabilis itong naglakad pauwi.

"umuwi na tayo at baka dumating na rin ang mga pulis."pagkasabi nito ay iniwan na.

Ngunit hindi pa man sila nakakarating sa kanilang bahay ay nakasalubong naman nila ang kanyang ina..Humahangos ito ng lumapit sa kanila.

"Carlitos, masamang balita!"bulalas nito ..binalingan siya nang ina ngunit hindi na ito nagsalita.

"galing ako sa bahay nila pareng pedring.!!"biglang bulalas nito.Ang tinutukoy nitong pedring ay ang karatig kabaranggay nila ang baranggay san leofe.Galing kasi ito sa pagtitinda ng kanilang mga pananim.

"Bakit anong nangyari?!"Nakikinig lamang siya sa usapan ng kanilang mga magulang.

"pumasok muna tayo sa bahay ma, pa,..."anyaya niya sa mga ito dahil hindi naman na kalayuan ang kanilang bahay kaya sumunod ang mga ito.

"pagkapasok ay hindi na nag paawat ang ina sa pagbabalita lalo na at bakas sa mukha nito ang matinding pangamba.

"ano ba iyong sinasabi kanina valleen, at parang di kana makahinga ng maayos.?"

"kasi naman carlitos, galing ako sa bahay nila pareng pedring, at kawawa ang nangyari sa mga bakahan nila, maging ang ibang mga kapitbahay nila ay nangamatay din ang kanilang mga hayop, hindi lamang baka, kalabaw at baboy.. ayun nga paunahan sila sa paglilibing ng mga ito.!!"

"Diyos ko po!"anong nangyayari sa bayan na ito!!usal ng kanyang ama.Hindi na siya nakatiis sa mga naririnig kaya nagsalita na siya sa mga ito.

"Ito po iyong sinasabi ko sa inyo, papa, mama".!Bigla siyang tiningnan ng mga ito ng masama.

"papa, mama, makinig naman po kayo sa akin kahit ngayon lang.Nakikiusap po ako sainyo!!umalis na po tayo dito.. nagsisimula na po sila."pagsusumamo niya sa mga ito.Napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo ng ama,tanda na nag iisip din ito na posibleng totoo ang mga sinasabi niya.Maging ang kanyang ina ay ganoon din ang naging reaksiyon at nagkatitigan ang mga ito at siya naman ang hinarap.

"Totoo ba itong mga sinasabi mo alleen?"Tanong ng kanyang ama.

"opo papa, nakausap ko na rin po ang matandang babae na dati rin naging taga bantay ng mansion at hacienda de saavedra at ayon sa kanya sa tuwing darating ang anibersaryo ng mansion ay ganito ang nangyayari".Mas dumadami ang mga kaluluwang kinukuha upang lalong mapatibay nito ang mansion,"at ayun po sa kanya, kailangan natin makuha ang libro ng kamatayn at mapuksa na ang kasamaang idinudulot ng mansion'g ito upang hindi na maulit pa ang mga lagim na nangyayari sa bayang ito."walang pag aalinlangan niyang isiniwalat ang mga nalaman mula sa matandang lara.

"Totoi ba itong mga sinasabi mo alleen?"dahil kong gumagawa ka lamang ng kwento, malilintikan ka talaga sa akin".pagalit ng kanyang ina sa kanya.

"Totoo po ang nakita ko mama.."giit niya.

"oh, siya"tama na iyan!.. Totoo man o hindi, isa lamang ang kailngan nating gawin, kailangan makuha natin ang sinasabi ni alleen na "aklat ng kamatayan"at ng makaalis na tayo dito.!"Wika ng kanyang ama.

"Nahihibang ka na ba Carlitos?"At talagang maniniwala ka naman dito sa anak mo?!"Kontra ng kanyang ina."Hindi ba pwedeng nagkataon at dala lamang ito ng malamig na klima dahil papasok na ang ber month?"

"ma, please!!nakikiusap po ako!!"kahit ngayon lang.. hindi po ito nagkataon lang ma.. lahat ito ay gawa ng mga demonyo.. kailangan natin manalig sa panginoon at higit sa lahat sa kakayahan natin..kailangan natin maniwala ma, dahil ito lamang ang paraan upang mapuksa ang kasamaang bumabalot sa lugar na ito."Pahayag niya na ikinatahimik ng ina.

"Ang mabuti pa maghanda na tayo, kung totoong demonyo ang may kagagawan ng lahat ng ito kailangan natin ang panlaban sa mga ito,pupunta ako ng simbahan upang makahingi ng tulong sa mga pari doon".pahayag ng kanyang ama.

"ikaw naman valeen, tulungan mong mahanap ni alleen ang sinasabi niyang libro uapang matapos na ang mga ito.."hindi na kumontra pa ang kanyang ina sa sinabi ng kanyang ama.Matapos silang mag usap ay agad naman itong umalis uapang pumunta sa kabilang baranggay upang makahingi ng tulong sa mga pare doon.

Sila naman ng kanyang ina ay pinasok ang mansion saka pinuwersang buksan ang pintuan ng kwarto kung saan niya huling natagpuan ang hinahanap na libro.

"Ma,anong gagawin natin ayaw mabuksan!"napapagod niyang sambit habang pinipilit pukpukin ang ang malaking kadena na nakaharang dito.

"Magpahinga muna tayo, isa pa hindi natin ito basta basta masisira.".kinalog pa nito ang malaking kadena na tila hindi man lamang nagalusan kahit anong pukpok na ang ginawa niya.

"Maya maya ay nakarinig sila ng malakas na kalampag mula sa loob ng kwarto.

Bigla siyang kinabahan dahil kasunod noon ay ang malakas ng dagundong ng nakakapangilabot na tawa mula sa loob na parang nagmumula sa ilalim na lupa.

"Hahahahahhaha"!!!Dinig niya ang nakakapangilabot na tawang iyon.

Napansin niya ang biglang pamumutla ng kanyang ina,bakas sa mukha nito ang matinding takot.

"ano iyon"!!nahihintakutang bulalas nito.

"Hindi ko po alam ma.."Maging siya ay natakot na rin ng maalalang baka ang kaluluwa iyon ng Namayapang Don. Ngunit nilabanan niya ang matinding takot na bumabalot sa kanya.Maya maya pa ay ipnagpatuloy niya ang pag martilyo ng kadena, ngunit halos nanlaki ang kanyang mga mata ng bigla na lamang bumukas ang pintuan at kusang nahulog ang kadenang nakapolupot dito.

"Mahabaging Diyos!!bulalas ng kanyang ina dahil sa matinding takot."Totoo ba ang lahat ng ito..?

Maging siya ay hindi rin natinag sa kanyang kinatatayuan dahil sa panginginig ng kanyang mga tuhod dulot ng matinding takot sa kanilang Nasaksihan.

Chapitre suivant