webnovel

I N T R O D U K S I Y O N

"KILALA ko na kung sino ang may sala. Ang pumatay kay Lola Aloisa. Sinabi sa akin ng lalaki kanina," wika nito, batid sa boses nito ang takot. Naka-puti at nakatali ang mga buhok. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa kanilang magkakaibigan. Anim na magkakaibigan, bawat isa'y may lihim sa nakaraan. Ngunit, iisa ang may tinatagong malaman. Sino? Sino ang taong ito?

Kasalukuyan, tatlo na lamang sila, ang tatlo nasaan? Nauna na sa huling hantungan nito at sa hindi maipaliwanag na senaryo, parehong unsolved case ang kaso.

"S-sino? Sino siya?" tanong ng babae. Napalingon naman ang naunang nagsalita. Bakas sa mukha nito ang pagka-gulat.

"H-hindi . . . 'wag, huwag mo kaming sasaktan, please. waaahhh!" Agad naman itong napakaripas nang takbo. Naiwang lito at tulala ang dalawa?

"A-anong nangyari sa kaniya?" saad ng lalaki. Bahagyang sinundan ng lalaki ang babae. Ngunit, takot lang niyang iwan ang huling kasama nito.

"May hindi tama rito," wika ng lalaki. Ino-obserbahan na niya ang kapaligiran na nasasakupan ng kaniyang mga mata. Naghintay siya ng sagot, imbes na ipagpatuloy ang ginagawa, napalingon siya.

"Hoy, okay ka lang?" Kita sa babaeng kasama na parang ang lalim nang iniisip nito. Nag-mumuni-muni. Hindi siya nito napansin, tinitigan naman niya ito.

"Hey!" Saka bumalik ang tamang ulirat ng babae.

"Are you okay?" Hindi ito sumagot, sa halip ay natango na lang ito.

"Don't worry, I'll protect you." He smile. Napakagandang senaryo naman nito. Harap-harapan na sila ngayon, ilang pulgada na lamang ang layo nilang dalawa. Nang . . .

"Please, 'wag kang lilingon . . ." Saka napatulo ang mga luha nito. Napatanong naman sa isip nito ang lalaki. Napuno siya nang kuryusidad, inalam niya ang ibig nitong sabihin.

Lumingon ito at . . . biglang.

"Ahhh, i-ikaw?" Habang ramdam nito ang patalim sa kaniyang tagiliran. Nakangisi ang babae sa harapan nito, kita sa mukha niya ang tuwa sa nakikita. Dugo. Away. Kaso. Lahat ikinakasaya niya.

"Y-you're t-the k-iller?" Nanindig ang kaniyang mga balahibo sa ngiti nito.

"The pleasure is mine," ani nito. Hanggang isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kapaligiran.

Tatlo ang natira. Iisa ang umalis. Isa ang sinaksak. Isa ang binaril. Ang tanong . . .

Who's the Killer?

---

HeartHarl101

Chapitre suivant