Kapag Sinabi Kong Mahal Kita
Kapag sinabi kong mahal kita,
ang ibig kong sabihin salamat at nandiyan ka.
Kapag sinabi kong mahal kita,
ang ibig kong sabihin hinahanap pa rin kita.
Kapag sinabi kong mahal kita,
ang ibig kong sabihin napapagod din ako -
nanginginig ang kalamnan
nanglalambot ang mga tuhod,
nangangawit ang aking mga braso,
dahil kapag sinabi kong mahal kita,
ang ibig kong sabihin pagpapaguran ko ito.
Susundan ka. Susuyuin. Hihintayin.
Dahil ang aking "mahal kita" ay hindi lang
natatapos sa "mahal lang kita".
Ang aking "mahal kita" ay may pagtanggap na ito...
Ito ang hirap na kalakip ng pag-ibig, yakapin mo.
Mahal, kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin,
malupit ang mundo at minamahal ko lahat ng kakampi mo.
Kaya hayaan nating dumating ang mga bagyo,
hayaan nating malusaw ako ng araw.
Hayaan mo akong kumbinsihin kang kakampi rin ako.
Ikaw na hantungan inaasam.
Ikaw na kwentong hindi pagsasawaan.
Ikaw na sandaling parating inaalala.
Ikaw ang kailangan kong pahinga.
Ikaw ang paghinga.
Kapag sinabi kong mahal kita,
ang ibig kong sabihin masaya ako
dahil mahal, gaano man kahaba ang araw,
uuwi ako sa'yo.
- Juan Miguel Severo (Rico) -
"Dude, caging her here inside your company is not a good idea. I told you to continue your daily routine." Sabi ni Levi na umupo sa couch habang nakaupo naman sa kanyang swivel chair si Nico. "Hindi ko na alam ang gagawin, Levi. You knew me, I don't meddle with someone but she's driving me crazy dude." Natawa si Levi sa nadinig mula sa kaibigan. "You're really in love, dude." Nakangising sabi ni Levi. "If falling in love is like this then, I guess I'm deeply falling for her." Sabi ni Nico na lalong nagpangisi kay Levi. "What do you mean?" Painosenteng tanong ni Levi. "I can't stop staring at her. I feel like I'm in heaven when I'm with her. I always think of her. I want her to be happy. I'm stressed right now because I know she's in danger. I'm doing things for the first time." Sunud-sunod na sabi ni Nico na sa tingin ni Levi ay seryosong-seryoso. "Dude, you're madly, deeply in love with her but don't be too possessive. Let her do whatever she wants. Protect her but don't get her freedom away from her. Guarding her is our job. Your job is to show her how much you love her." Kumunot ang noo ni Levi ng tumawa ng malakas si Nico. "I'm being serious here dude!" Inis na sabi ni Levi. "Sorry, sorry. I never thought that you would be a great adviser." Nakangising sabi ni Nico. Inumangan naman ng suntok ni Levi ang binata pero tumayo na ito. "Saan ka pupunta?" Takang tanong ni Levi. "Making peace." Nakaangising sabi ni Nico. "Fighting!" Sagot naman ni Levi na nagpatawa sa binata.
"He's only after your safety, Ley." Sabi ni Ashley. "Yeah, kahit naman kami ay ganoon din ang gagawin just to make sure na hindi ka masasaktan." Sabi naman ni Lily. "Alam n'yo naman na in the past few months, I've locked myself from the outside world. I'm beginning to start anew but what he wants will only make me miserable again." Sabi ni Hayley. "Look, Ley, hindi biro ang nangyari sa pagkawala ng preno mo. What if hindi lang iyon ang mangyari sa'yo sa susunod?" Sabi ni Leandra. "It's better to be safe than sorry, Ley." Sabi naman ni Virgie. "Makinig ka sa kanya anak. Hindi siya magdedesisyon ng ikakasama mo. Lahat kami ay nag-aalala sa'yo." Napabuntong-hininga si Hayley sa nadinig mula sa kanyang Tatay Mario.
Bigla silang napalingon sa likod ng may nadinig silang tumikhim. "Pwede ba tayong mag-usap?" Bungad ni Nico at tumango naman si Hayley. Tumayo ang dalaga saka naunang lumabas. Nakasunod naman sa kanya ang binata na pina-practice ang sasabihin sa dalaga. Naiwang mga nakangiti ang mga kaibigan ni Hayley.
Lumipas ang mahabang katahimikan bago magkaroon ng lakas ng loob magsalita si Nico. "You can go out and meet your clients outside Kleid but... I will go with you. If I can't, Levi or one of them will accompany you wherever you go. That's the first deal." Sabi ni Nico na nagpataas ng kilay ni Hayley. "You will still be riding with me in going to the office and in going home. I will have the company car to fetch your friends. I'm after their safety too." Nangiti si Hayley na pati mga kaibigan niya ay iniisip din ni Nico. "And the last... I'm sorry if I decided things without your consent. I'm just..." Hindi natapos si Nico sa kanyang sasabihin dahil nagulat siya ng bigla siyang halikan ng dalaga sa kanyang pisngi.
"Thank you and I'm sorry too. I over reacted. I'm just too pissed sa mga nangyayari sa akin this past few days. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanya para gawin niya ang mga bagay na hindi ko inasahan na mangyari sa akin." Sabi ni Hayley. "I'm here, Levi and the rest are here. They will keep you safe no matter what basta huwag lang matigas ang ulo mo, okay?" Nakangiting sabi ni Nico. "Opo, boss." Nakangiti ding sabi ni Hayley.
Biglang tumunog ang phone ni Nico. Pinakita niya kay Hayley ang caller at alam na nila kung bakit ito tumatawag.
"Dad, bakit ka napatawag?" Inosenteng tanong ni Nico. "Nicolas!?" Nailayo ni Nico ang phone sa tainga niya dahil sa lakas ng boses ng ama. Natawa naman si Hayley sa tawag ng matanda sa anak. "Nasaan si Hayley!?" Tanong ni Leo na alam ng dalaga na galit dahil sa pangalan siya tinawag ng matanda. Sinenyasan niya si Nico na huwag sasabihin na magkasama sila pero ngumisi lang si Nico at inabot sa kanya ang phone. "Hayley, alam kong magkasama kayong dalawa. Kakatawag ko lang kay Levi kaya kung ayaw mo akong bumalik agad diyan ay kausapin mo ako ng matino." Nadinig ni Hayley ang sinabi ng matanda kaya dali-dali niyang kinuha nag phone sa kamay ni Nico.
"Tito Leo, masyado yatang mainit ang ulo mo ngayon." Patay malisyang sabi ni Hayley. "Ikaw bata ka, sinabi ko na sa'yo noon na paimbestigahan na natin ang mga nangyari dati pero matigas ang ulo mo." Napapikit si Hayley dahil kita niya na naningkit ang mga mata ni Nico ng madinig ang sinabi ng ama. "What are you talking about, Dad?" Tanong ni Nico na seryosong nakatingin kay Hayley. "We've received a dead cat before, a doll with blood, and even calls from someone we didn't know. Akala ko ay para sa akin ang lahat but when Levi told me everything that had happened to her, I knew she was the target." Kwento ni Leo. "Don't worry anymore Dad, we'll deal with the problem ourselves. Levi and the rest are doing their jobs so rest assured that everything will be alright soon." Sabi ni Nico. "I know I can rely on you about that. Please take good care of her, son." Sabi ni Leo na ramdam ni Hayley na sobra din ang pag-aalala sa kanya. "I will, Dad. Give my regards to Mom." Sabi ni Nico saka pinatay ang phone. Tiningnan ng seryoso si Hayley pero isang matamis na ngiti ang nakita niya sa magandang mukha ng dalaga.
"You can't use your charming smile on me, baby. Now, start talking!" Sabi ni Nico at alam ni Hayley na wala siyang choice kungdi sabihin ang lahat ng nangyari sa binata.