webnovel

Chapter 11

A girl asked a boy if she was pretty. He said no.

Then she asked him if he liked her and he said no.

She asked him if he wanted to be with her forever. He said no.

She then asked him if he would cry if she walked away. He again said no.

She had heard too much. She needed to leave.

As she walked away, he grabbed her arm and told her to stay.

He said, "You're not pretty, you're beautiful.

I don't like you, I love you.

I don't want to be with you forever, I need to be with you forever,

and I wouldn't cry if you walked away, I would die.

"Shit!" Sabi ni Hayley ng maramdaman ang hangover niya dahil sa pag-inom kagabi. "Shit! F__k! Muli niyang sabi ng unti-unting maalala ang mga nangyari kagabi. Ang dirty dancing nila ni Nico at ang paghalik sa kanya ng binata matapos ang mainit na sayaw. "Hinding-hindi na ako iinom kahit kailan!" Sabi niya sa sarili. Ginulo niya ang sariling buhok at saka ibinaon ang mukha sa unan. "I hate you! I hate you, Nico Ferrer!" Sigaw niya habang nakabaon ang mukha sa unan.

Pagkatapos maglabas ng sama ng loob sa unan ay tumayo na si Hayley mula sa kanyang kama at lumabas dala ang damit at towel. Kailangan niyang maligo ng mabawasan ang sakit ng ulo niya. Alam niyang tulog pa ang dalawang kaibigan at wala siyang balak gisingin ang mga ito dahil tiyak na uulanin siya ng mga tukso mula sa mga ito.

Pagkatapos niyang maligo ay nagluto siya ng breakfast, kumain at inayos ang sarili para sa pagpunta sa Kleid. Kailangan niyang matapos ang mga designs ng buong entourage ni Dashiell at Quinn at titingnan na din niya ang mga damit na natapos para sa fashion show ng Kleid. Paglabas niya ng condo ay gusto niya muling bumalik sa loob. Nakatayo sa labas ng condo niya ang lalaking ayaw sana niyang makita at mukhang inintay talaga siya. Huminga siya ng malalim saka tuluyang lumabas at isara ang pinto. Hindi niya sana papansinin ang binata pero nagsalita ito.

"Ley..." seryosong sabi ni Nico. Biglang may kung anong naramdaman si Hayley mula sa pagkakasabi ni Nico sa nickname niya. Hindi siya kumibo at lalakad na sana ng muli itong magsalita. "I just want to say sorry for what I've done last night. I can't help myself. It's just that your really amazing last night. Your moves, your dance, my god, how can you dance that way last night." Sabi ni Nico na inaalala pa din ang nangyari kagabi. Ramdam ni Hayley ang pamumula ng mukha niya dahil sa mga compliments ni Nico. "I'm really sorry. I was a jerk last night." Hindi makapaniwala si Hayley na si Nico Ferrer ang kaharap niya ngayon. "May sakit ka ba?" Biglang tanong ni Hayley na ikinakunot ng noo ni Nico. "What?" Takang tanong ng binata na ikinangiti ng dalaga dahilan para matulala si Nico. "Anyways, you're forgiven pero sana 'wag ng maulit." Sabi ni Hayley. Magsasalita pa sana si Nico pero tumunog ang phone ng dalaga. "Excuse me." Sabi ni Hayley at sinagot na ang tawag.

"Yes, Tito Leo?" Sabi ni Hayley dahilan para tingnan siya muli ni Nico. "Lunch? Okay, I'll be there. Bye!" At pinindot na ni Hayley ang end call.

Bumalik ang tingin ni Hayley sa binata. Nangiti muli ang dalaga ng makita ang itsura ni Nico. Para itong isang anghel na nawalan ng pakpak at bumagsak sa lupa, hindi tulad nung mga una nilang pagkikita na akala mo itong isang anghel pa din naman pero may sungay. "Like what you see?" Sabi ni Nico na ikinaikot ng mata ni Hayley. "At ang anghel na may sungay ay bumalik na naman." Bulong ni Hayley. "Ano?" Tanong ni Nico pero isang ngiti ang sinagot ni Hayley. "Mr. Ferrer, I have to go. Madami pa akong gagawin." Sabi ni Hayley. "Where to?" Tanong ni Nico. "Sa Kleid Moda." Sagot ni Hayley. "I thought walang pasok ang KM kapag weekends." Nakakunot ang noo ng binata. "Well, not for me." Sagot ni Hayley at nagsimula ng maglakad. "Okay, see you tomorrow." Sabi ni Nico at isang kaway lang ang ginawa ni Hayley.

(Flashback)

"Bro, what did you do?" Tanong ni Dashiell ng maupo na sa tabi nila si Nico. "Anong sumapi sa'yo at hinalikan mo si Hayley?" Tanong naman ni Landon. Sinalat ni Nico ang pisngi na sinampal ni Hayley. "I don't know pero hindi ko napigil eh. Kapag hindi ko ginawa parang mababaliw ako." Sabi ni Nico na ikinatawa nila Dashiell at Landon. "Bro, ang dami ng nagdaang babae sa kama mo and yet you're like a virgin dude right now." Nakatawang sabi ni Dashiell. "She's different. She's making me crazy. From the first time I saw her with Dad in a magazine, I want to strangle her neck because I thought she was a bitch but when I saw her in person, I know there's something in her that I want her to be mine." Sabi ni Nico. "Woah, bro, are you sick?" Tanong ni Landon. "Yeah, maybe." Sagot ni Nico at bumuntong hininga. Inabot ang isang bote ng beer at ininom ng deretso.

"Ang dami mo ng atraso sa kanya. Do you think kakausapin ka pa ni Hayley?" Tanong ni Dashiell. "I'll apologize to her." Sagot ni Nico at napanganga ang dalawa niyang kaibigan. "You're really sick, Bro." Iiling-iling na sabi ni Landon.

(End of Flashback)

Sa isang restaurant na malapit lang sa Kleid Moda nagkita sila Leo, Rose, at si Hayley. Alam kasi ni Leo na busy si Hayley at ayaw naman niyang maging sagabal sa trabaho nito. "Hi, Tito, Tita." Bati ni Hayley pagkatapos at binigyan ng halik sa pisngi at yakap ang dalawa. "How's my bunso?" Tanong ni Leo. "Our bunso." Pagtatama ni Rose. Nangiti si Hayley sa dalawang kaharap. "I'm doing good." Sagot ni Hayley. Lumapit sa kanila ang waiter at kinuha ang kanilang order. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na ito dala na ang kanilang pagkain.

"By the way, my son needs a PA, do you have anyone in mind na pwede sa position?" Tanong ni Leo. Alam ni Hayley na nadinig na niya ang salitang PA pero hindi niya maalala kung saan at kung sino ang nagsabi. "I can talk to KC or maybe Nicole. Pareho naman silang qualified. Before they became models, their previous jobs where somewhat like a PA." Sagot ni Hayley. "What about you, bunso? Can you be his PA. Gwapo ang anak ko. Drop dead gorgeous hunk sabi nga nila." Biglang nasamid si Hayley sa sinabi ni Rose. "Tita, sorry, but I can't. Hindi ko linya ang pagiging PA. Besides, Tita, I have to work on my designs. I don't think I can manage both being a PA and a Fashion Designer at the same time." Biglang nalungkot si Rose sa nadinig mula kay Hayley at nakita 'yun ng dalaga. "Don't worry, Tita, I can help him out sa first week niya. I can tour him around Kleid and teach him the basics." Sabi ni Hayley na nagpangiti kay Rose. "But it will be more comfortable for him kung ikaw ang PA niya. You can do your designs whenever your not busy or..." Hindi natuloy ni Rose ang sasabihin dahil nagsalita na si Leo. "Hon, madaming trabaho si bunso sa Kleid and your son's attitude will triple her stress." Sabi ni Leo na ikinairap sa kanya ni Rose. "Tita, I'll let you meet KC and Nicole tomorrow so you will know them better. They are beauty and brains, Tita." Sabi ni Hayley. "But not like you, bunso." Pagmamaktol ni Rose. Tumingin si Leo kay Hayley na humihingi ng pasensya kaya tumango naman si Hayley na sinasabing "Okay lang". "Okay, Tita, ganito na lang, if ever na hindi mo magustuhan si KC or Nicole but I will doubt it, sige I'll be his PA but it's only temporary." Biglang umaliwalas ang mukha ni Rose mula sa nadinig sa dalaga kaya niyakap niya ito. Iiling-iling naman si Leo. Kahit kailan talaga ay magaling na Drama Queen ang kanyang asawa at naging biktima ang bunso niyang si Hayley.

Chapitre suivant