webnovel

Chapter 2

Hate less, love more.

Worry less, dance more.

Take less, give more.

Consume less, create more.

Talk less, listen more.

Fear less, try more.

Judge less, accept more.

Think less, write more.

- Shubam shaw -

"If you want to know how

much I love and care for you,

count the waves.

- Kenneth Koch -

"Love is like a wind,

you can't see it but

you can feel it."

- Nicholas Sparks -

Ang Kleid Moda ay itinayo sa pinaka-abalang lungsod sa Pilipinas, ang Quezon City. Ito ay isang ten storey building, sa pinakababa ay ang underground parking, pagkatapos ay ang mga coffee shops, tea shops, at ang iba't ibang healthy snack bars sa second floor. Sa third floor ay ang offices ng lahat ng may matataas na position ng KM. Dito din nilagay ang offices ng limang fashion designers ng KM kabilang si Hayley na nagsisilbi din Senior fashion designer kahit siya ang pinakabata sa kanilang lima. Sa fourth floor naman ay ang tailoring section kung saan dito na din mismo tinatahi ang mga designs ng KM. Sa fifth floor ay ang Fitting Room pagkatapos ay ang Showroom sa sixth floor, Runway sa seventh floor, Conference Room sa eighth floor, Resting Rooms sa ninth floor, at ang pinakapaborito ni Hayley sa buong lugar, ang Rooftop kung saan kita mo ang buong siyudad. Maganda ang view dito lalo kapag gabi. Iba't ibang ilaw ang nagliliwanag na nagbibigay ganda sa buong lugar. Kapag stress si Hayley sa kanyang trabaho ay dito mo siya maaring makita kaya nagpagawa ang mismong may-ari ng KM ng isang gazebo para sa kanya.

Matapos i-park ang kanyang FJ Cruiser sa underground parking ay dumiretso na ang tatlong magkakaibigan sa elevator papasok sa building. Bumaba si Hayley sa second floor samantalang dumiretso sila Ashley at Lily sa 5th floor para isukat ang mga damit na gagamitin sa upcoming fashion show ng Kleid Moda.

Pagpasok ni Hayley sa isa sa mga coffee shop ay nakita niya agad ang pakay na tao pero nakunot ang noo niya ng makitang niyang may katabi itong magandang babae. "Bunso!" Tawag sa kanya ni Leo kaya lumapit siya ng may ngiti sa kanyang magandang mukha. Nagyakap ang dalawa at pagkatapos ay pinaupo na siya ni Leo sa katabing upuan nito. "Bunso, I want you to meet the love of my life, Mrs. Rose Bermudez." Sabi ni Leo. "Hello, bunso. Finally, na-meet ko na din ang babaeng laging kasama ng lalaking ito." Sabi ni Rose at niyakap si Hayley ng mahigpit. Pakiramdam ni Hayley ay niyakap din siya ng kanyang nawalang ina kaya naging emotional siya. "May problema ba bunso?" Tanong ni Rose ng makitang nabasa ng luha ang kanyang mga mata. "Nako, talagang iyakin ang batang iyan." Biro ni Leo. "Pasensiya na po, Mrs. Bermudez, naalala ko lang po ang aking ina." Sagot ni Hayley na pinunasan ang luha sa mata. "Call me Tita Rose." Nakangiting sabi ni Rose sa kanya at tumango naman siya.

"Tita, huwag po kayong maniwala sa lahat ng nababasa n'yo sa mga magazines at newspapers." Sabi ni Hayley. "Don't worry, he already told me. Noong una ay talagang nagselos ako pero ng makita kita at kung paano mo tingnan si Leo, alam kong hindi totoo ang mga nabasa ko." Sabi ni Rose. "Thank you, Tita." Sagot ni Hayley. "Anyway, kaya ako nandito ay para sunduin na ang matandang huklubang 'to." Natawa si Hayley sa term na ginamit ni Rose. "Matandang hukluban talaga?" Tanong ni Leo na ikinatawa din ni Rose. "Alam kong ang usapan ninyo ay sa isang buwan pa pero kailangan namin bumalik sa States para sa general check up niya." Biglang nag-alala si Hayley sa nadinig. "Bakit po, may problema ba?" Tanong ni Hayley. "Wala bunso, makulit lang ang mag-ina ko. Every month na pumupunta ko sa States ay silang dalawa ang humihila sa akin papunta sa ospital para magpalaboratory na lagi naman normal ang lumalabas." Iiling-iling na sabi ni Leo. "Ang tigas kasi ng ulo mo, dahil matanda ka na, kailangan ng monthly check-up." Sabi ni Rose na kinangiti na naman ni Hayley. "Kanina ka pa matanda ng matanda ah. Sige, papatunayan ko sa'yo mamaya kung sino ang matanda." Namula naman si Rose sa nadinig mula sa asawa. "Tito!" Sabi ni Hayley. "Ay, sorry, may virgin pa pala dito." Biro ni Leo na kinapula naman ni Hayley.

"Nasabi nga pala ni Leo sa akin na kaka-break mo lang sa boyfriend mo. Tama ang ginawa mo. Dapat sa mga tulad niya ay putulan." Sabi ni Rose at tumingin si Hayley kay Leo. Tulad sa kanyang mga kaibigan, wala din sikreto sa kanilang dalawa ni Leo. "Lahat ay alam niya." Sabi ni Leo na ang tinutukoy ay ang asawa. "Huwag kang mag-alala bunso, mula ngayon ay pwede mo na din akong ituring na isang ina gaya ng pagtuturing mo kay Leo bilang isang ama." Sabi ni Rose. "Salamat, Tita." At muling nagyakap ang dalawa.

"May isang lang akong pabor sa'yo bunso." Sabi ni Rose. "Ano po?" Tanong ni Hayley. "Ikaw na ang bahala sa anak ko." Bilin ni Rose. "Kung kailangan putulan ay putulan mo din." Nakangising sabi ni Leo at agad naman siyang hinampas ni Rose. "Mabait naman siya, ang kaso, talagang habulin ng babae. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kanya pero kahit ganoon ay wala pa naman siyang pinapakilala sa amin na fiancee niya. Maloko lang talaga pero pagdating sa trabaho ay maaashan mo naman. Meron silang bar na magkakaibigan sa Makati. Nung nasa States pa siya ay tinayo na nila iyon na hanggang ngayon naman ay maganda ang kita. Ikaw na ang bahala sa kanya ha?" Nag-aalinlangan man ay tumango si Hayley.

"Kailan po ang alis ninyo?" Tanong ni Hayley habang palabas na sila ng coffee shop. "Sa Monday na bunso pero bago kami umalis ay papakilala ko muna ang bago n'yong Presidente." Sagot ni Leo. "Mauuna na po ako sa inyo, madami pa po kasi akong gagawin." Sabi ni Hayley. "Oo nga pala, malapit na ang fashion show ng Kleid. May idea ka na ba sa title?" Tanong ni Leo. "Nag-iisip pa din ako, Tito. Tita, sana makabalik kayo for the fashion show." Sabi ni Hayley. "We will, definitely! Sa picture ko lang nakikita ang mga designs mo and I really want to see them personally." Sabi ni Rose. Pagkatapos humalik sa pisngi ng dalawa ay nagpaalam na si Hayley para umakyat sa kanyang office.

"Ngayon, tara na nang mapatunayan ko sa'yo kung sino ang tinatawag mong matanda." Sabi ni Leo na may makahulugang ngiti sa mukha. Natawa si Rose at hinayaan na lang niya na hilahin siya ni Leo pauwi sa kanilang bahay. Excited din siya sa mangyayari pag-uwi nila.

Chapitre suivant