webnovel

Chapter One Hundred Eighty-Seven

Jared Dela Cruz

Inabot ko ang bote ng beer na nasa table namin. Diretso akong uminom doon. Pumasok sa bibig ko ang malamig at mapait na lasa ng alak. Walang ipinagkaiba sa nararamdaman ko ngayon.

"Aba Red, hinay hinay ka lang dyan. Para kang isda ah," awat ni Enzo sa akin na naglilinis ng bar counter.

"Hayaan mo na, brokenhearted eh," sabat ni Jack na tumungga din ng alak niya.

"Haay," naiiling nalang si Enzo habang pinapanood kung gaano ako ka-miserable ngayon.

Tss. Mga sira ulo. Masama ba kung uminom ako? Sa masakit eh. Sobrang sakit lang dahil hindi ako ang pinili ni Samantha. Pero wala, hanggang kaibigan nalang talaga siguro ako. Pucha! Friendzone, first time kong malagay doon ah.

"Alam mo Red, marami naman kasing iba dyan. Yung walang komplikasyon, yung willing, yung single."

"Di mo ako naiintindihan Jack. Sana ma-inlove ka rin."

"Woah dude! Knock on wood hwag naman! Happy ako sa buhay ko ngayon, alam mo na. Pwede akong makipagkilala sa maraming babae nang walang nangyayaring LQ. At ang isa pa, ayokong matulad sa inyo nina TOP at Kyo."

Tinignan ko sya nang kunot noo. "Hindi ba pinopormahan mo yung kaibigan ni Samantha?"

"Si Maggie babes? Wala, crush lang 'yun. Tsaka hang-out lang kami, masaya kasi kasama 'yun eh haha! Teka dude ha, may nakikita akong chix eh." Tumayo siya sa high stool at pumunta sa dance floor.

Nailing nalang ako at muling uminom ng alak. Gusto kong malasing para naman makalimot ako kahit sandali. Hindi ko maalis sa isip ko ang gabing 'yon. Naiintindihan ko naman siya. Tanggap ko naman talaga pero masakit parin.

Gusto kong magmakaawa sa kanya na ako nalang pero ayokong gawin 'yon. Kaibigan ko si TOP, nirerespeto ko siya. May respeto rin ako kay Samantha. Kung magmamakaawa ako baka lumayo lang ang loob niya sa akin. Ayoko naman layuan niya ako, mas hindi ko yata kaya 'yon.

Yung mas nangingibabaw na pagkatao ko, hindi rin makapayag sa naisip kong yon. Si Red dela Cruz? Luluhod sa isang babae. Not in a million years! Pero kung 'yon naman ang kapalit, bumalik lang sakin si Samantha okay lang. Kaya ko naman lunukin ang pride ko basta para sa kanya. Pero hindi naman ganon ang kaso. In love sya sa bestfriend ko.

Hindi ko sila dapat na saktan. Ako nalang ang lalayo, ako lang naman ang nagpa-komplikado sa sitwasyon nila eh. Kasalanan ko rin. Bakit kasi ako nahulog kay Samantha? Hindi ako nag-ingat. Pero kung babalikan ko ang two years namin na magkasama ni Samantha, imposible naman kasi talaga na hindi ko siya magustuhan. Mabait sya, malambing, masayang kasama, matalino at maganda. Naiintindihan niya ako.

Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko. Tama na Jared. Hwag mo na siyang isipin. Sinasaktan mo lang ang sarili mo.

Nilunod ko nalang ulit ang sarili ko sa alak. Ano na ngayon ang gagawin ko? Ipapa-cancel ko ang engagement. Pero hindi naman sila papayag. Ang alam nila, nagkakamabutihan na kami ni Samantha.

Not unless may mangyari na makakasira sa relasyon namin. Ano'ng gagawin ko para masira ang tingin nila sa'kin?

"Hi!" May tumabi sa akin na babae. "Mind if I join you?"

Tinitigan ko ang babaeng nasa tabi ko. Maganda siya at talagang nakakaakit ang suot niyang mukhang kinulang sa tela. Siya ang tipo ng babae na madalas kong nakakasabay paglabas ng bar.

"What's your drink?"

"Hmm. Gin tonic," sagot niya.

"Enzo! Gin tonic for the lady!"

Nag-okay sign sakin si Enzo bago asikasuhin ang order ko.

"So." Naramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko. "I heard you have a very sexy ride. You mind giving me a ride home?" Bumaba nang bumaba ang kamay niya.

Tinignan ko siya at saka ako ngumisi. Typical night. Mukhang wala akong choice kung hindi ang bumalik sa dating gawi. Kahit ano, para makalimot.

"Sure."

***

Dinampot ko ang mga nagkalat kong damit sa sahig. Pumasok ako sa loob ng bathroom, binuksan ang shower at tumapat sa ilalim nito. Balik sa dating gawi Red Dela Cruz?

Pumikit ako habang dinadama ang pagdausdos ng mainit na tubig sa katawan ko. Shit. Ano ba ang ginagawa ko? Bumabalik na naman ako sa dati. Pero kahit ano ay gagawin ko makalimot lang kahit sandali.

Ginamit ko ang twalya na nakasabit para patuyuin ang sarili ko. Mabilis akong nagbihis at lumabas ng banyo.

Tinignan ko ang babaeng kasama ko. Mahimbing ang tulog niya sa kama, nakabalot sa hubad niyang katawan ang satin na kumot. Lumabas na ako ng kwarto sa hotel.

Tinignan ko ang cellphone ko. No new messages. Agad akong napabuntong hininga. Walang emergency call o text mula sa gang. Maayos pa ang lahat sa ngayon. Pero hanggang kailan?

Habang naglalakad sa hallway at isinusuot ang jacket ko, may nakabunggo akong naka-itim na lalaki.

"Hey! Watch it boy!"

Hindi ko sinagot ang singhal niya. Kunot noo ko lang siyang pinanood habang naglalakad palayo. May tattoo siya sa batok niya. Katulad ng sa mga tauhan ni Mr Fan. Ano'ng ginagawa ng tauhan ni Mr Fan dito sa hotel?

Sinundan ko ang lalaki. Nakita ko siyang kumatok sa pinto ng isang kwarto. Bumukas iyon at nakita ko ang isang malaking lalaki. Mga chinese. Pumasok ang lalaking nakabunggo ko sa loob ng kwarto. May negosasyon ba sila dito?

Chapitre suivant