webnovel

Cheaters (by JL Soju)

Auteur: JL_Soju
Urbain
Actuel · 39.8K Affichage
  • 10 Shc
    Contenu
  • audimat
  • NO.200+
    SOUTIEN
Synopsis

Naghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaralm At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani-kanilang karelasyon. Si Ava, sinasaktan ng kaniyang asawa. Habang si Anjo naman ay nabubuhay sa pag-aalaga ng asawang may taning ang buhay... Sa muling pagku-krus ng kanilang mga landas, isang pagkakamali ang kanilang magagawa. Tama nga bang magkamali kung sa ngalan naman ito ng pagmamahal?

Chapter 1Chapter 01

Ava's POV

"IPINAPANGAKO ko sa harap ng Diyos na aalagaan kita, Ava. Hindi kita sasaktan, hindi ako gagawa ng bagay na ikakasakit ng iyong damdamin. Pangako, araw-araw kitang mamahalin. Lagi mong tatandaan iyan. Mahal na mahal kita, Ava. Mahal na mahal..."

May luhang pumatak sa aking mga mata nang maalala ko ang bahagi na iyon ng wedding vow ni Renzo sa akin dalawang taon na ang nakakalipas. Nakaupo ako sa harapan ng salamin sa kwarto namin ni Renzo at pinagmamasdan doon ang aking sarili.

Two years ago ay ikinasal ako kay Renzo Madriaga. Isang simpleng kasalan na ginanap sa simbahan dito sa bayan ng Calamba. Ngunit kahit simple lang ang kasal namin ni Renzo ay napakasaya ko pa rin ng araw na iyon. Pakiramdam ko ay ako ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo. Ganoon pala kasi iyon... Kahit hindi engrande ang kasal mo, kapag ikinasal ka sa taong mahal mo talaga ay ayos lang sa iyo. Ang importante ay ang araw na iyon, katabi mo ang taong gusto mong makasama habangbuhay at pinag-iisa kayo ng pari sa ngalan ng Diyos.

Twenty six years old ako nang ikasal habang si Renzo ay twenty nine. Ang totoo niyan ay hindi pa kami handa. Wala pa sa balak namin ang pagpapakasal pero nabuntis na ako. Nalaman iyon ng mga magulang ko at hindi sila pumayag na hindi ako papanagutan ni Renzo.

Biglaan ang kasal. Isang buwan lang ang preperasyon. Ayaw kasi ng magulang ko na maglalakad ako sa simbahan na malaki na ang tiyan.

Nagtatrabaho ako noon sa isang BPO company sa Sta. Rosa, Laguna. Team leader ako. Habang si Renzo ay isang electrical engineer sa malaking manufacturing company dito din sa Laguna.

Wala kaming ipon nang ikasal kaya hindi na ako nag-expect na magiging engrande ang aking kasal. Inisip ko na lang ang mga magulang ko. Ayaw kong mapahiya sila. Mag-isa lang akong anak at alam kong malaki ang expectation nila sa akin.

Masama ang loob ko sa aking sarili. Hindi ko kasi natupad ang pangarap ko para sa mga magulang ko na maipaayos ang aming bahay. Huminto na kasi ako sa pagtatrabaho nang unti-unting lumobo ang tiyan ko. Nahihirapan na akong kumilos. Pinayuhan na din kasi ako ng nanay ni Renzo na huminto na sa pagtatrabaho at maging housewife na lang.

Ayaw ko sana. Gusto ko sana ay mag-maternity leave lang. Ang balak ko ay bumalik sa pagtatrabaho kapag nakapahinga na ako after kong manganak. Kaya lang inisip ko rin ang sasabihin ng nanay ng asawa ko. Sa kanila kami nakikitira ng mga panahon na iyon at nahihiya akong suwayin siya. Wala pa kasi kaming sariling bahay ni Renzo. Nag-iipon pa siya ng pang-downpayment sa bahay na balak namin na kunin.

"Huwag ka nang bumalik sa pagtatrabaho kapag nanganak ka na, Ava. Paano na lang ang anak ninyo ni Renzo? Hindi ko aalagaan iyan! May edad na ako at mag-isa na lang sa bahay na ito. Huwag niyo na akong bigyan pa ng responsibilidad!" Mataray ang nanay ni Renzo. Masakit magsalita. At isa iyon sa dapat kong tanggapin dahil pinakasalan ko ang anak niya...

Kinausap ko si Renzo tungkol sa bagay na iyon pero...

"Pumayag ka na lang sa gusto ni mama. Para din naman sa atin iyon," sagot ni Renzo.

"Pero, Renzo, mag-isa ka na lang na magtatrabaho. Magiging mas mabilis ang pagkuha natin ng bahay kung dalawa tayong kumikita ng pera. Please, kausapin mo ang mama mo. Sabihin mo sa kaniya na hindi ko kailangang huminto sa pagtatrabaho."

"Ano ka ba naman? Sundin mo na lang si mama. Okay? Nakikitira na nga lang tayo dito, e!" singhal pa nito.

Doon ko na napansin ang pagiging sunud-sunuran ni Renzo sa nanay niya. Only child din kasi ito katulad ko. Patay na ang tatay nito na isang retired na pulis. May pension na nakukuha ang nanay niya kaya hindi na nito kailangang magtrabaho pa. Pero bakit ako? Mag-isang anak lang din ako pero hindi naman ako palaging oo sa mga magulang ko. Sumusunod ako pero hindi katulad ni Renzo na parang walang sariling desisyon. Palaging nagtatanong sa nanay niya.

Nasaktan ako na hindi pala ako kayang ipaglaban ng sarili kong asawa sa nanay nito. Hindi ko naman sinasabing lumaban ito sa nanay niya pero sana man lang ay tulungan niya akong mangatwiran.

Kaya wala na akong nagawa. Pumayag na lang ako sa gusto ng biyenan ko na huwag na akong magtrabaho at mag-focus na lang sa pag-aalaga sa mag-ama ko.

Dalawang taon na ang nakakalipas simula nang ikasal ako kay Renzo. Sa kasalukuyan ay meron na kaming sariling bahay. Up and down. May dalawang kwarto sa itaas na hindi kalakihan. Nasa ibaba ang salas, kusina, kainan at banyo. Hindi ganoon kalaki kaya medyo mura. Naghuhulog pa rin kami buwan-buwan sa PAGIBIG. Mahigit dalawampung taon pa ang bibilangin bago tuluyang mapunta sa amin ang bahay. Kaya hindi kami pwedeng pumalya sa paghuhulog dahil kapag hindi na namin iyon mahulugan ay babawiin iyon ng PAGIBIG Housing.

Hindi na rin ako nakabalik sa pagtatrabaho dahil sa pagiging housewife ko. Isa pa, parang hindi ko rin kayang iba ang mag-aalaga sa anak namin ni Renzo. Malapit nang magdalawang taon ang anak namin na si Eris. Isang malusog na sanggol na lalaki ang iniluwal ko noon. Doon ko naramdaman ang pagiging isang ina lalo na nang dumedede na si Eris sa akin. Kamukhang-kamukha ni Renzo ang anak namin kaya giliw na giliw dito ang biyenan ko. Isang taon pa lang si Eris ay nakakapagsalita na kahit bulol. Kaya nakakatuwa na ito dahil kung anu-ano na ang sinasabi. Sobrang likot at bibo pa. Kahit pagod ako sa mga gawaing bahay, makita ko lang si Eris lalo na ang ngiti nito ay nawawala na ang pagod ko.

Isa lang iyan sa gusto ko sa pagiging ina...

Lahat ay gusto ko sa pagiging ina ngunit iba sa pagiging asawa.

Napakurap ako ng isa mula sa pagkakatitig ko sa aking repleksiyon sa salamin. May luhang naglandas sa aking pisngi. Pinilit kong pigilan ang paghikbi dahil baka magising si Eris na natutulog sa kama namin ni Renzo.

Dalawang taon na kaming mag-asawa ni Renzo. Isang taon na kami sa sarili naming bahay. Isang taon na rin akong nagtitiis sa pananakit ng aking asawa. Verbal at pisikal na pananakit at pang-aabuso ang ginagawa niya sa akin.

Katulad na lang kaninang bago siya pumasok sa trabaho. Wala siyang maisuot na medyas dahil lahat ay nakasampay at basa pa. Natambakan kasi ako ng labahan dahil ilang araw na paputol-putol ang tubig. Kahapon lang umayos ang linya ng tubig namin kaya kahapon lang din ako nakapaglaba. Sumabay pa ang malakas na ulan na hindi tumigil. Walang dryer ang washing machine namin kaya umaasa lang ako sa sikat ng araw kapag nagpapatuyo ng mga damit.

Hindi natuyo ang medyas na ginagamit ni Renzo dahil makapal ang tela.

"Nasaan ang medyas ko? Bakit walang nakalabas?" tanong niya sa akin nang magbibihis na siya. Abala ako noon sa pagpapakain sa anak namin. Sanay na si Renzo na paglabas nito ng banyo matapos maligo ay nakahanda na ang mga susuotin nito.

"Sorry, Renzo. Hindi kasi natuyo at kahapon lang ako nakapaglaba. Alam mo naman na nagloloko ang linya ng tubig natin ng isang linggo na. Kahapon lang naayos kaya kahapon lang din ako nakapaglaba. Tapos umulan pa maghapon-"

"Putang ina! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Ang kailangan ko ay medyas!"

"Renzo, w-wala nga-"

"Wala?! So, ganoon na lang? Hahayaan mo akong pumasok sa trabaho nang walang medyas? Gusto mo bang magkapaltos ang paa ko? Anong klaseng asawa ka, Ava?!"

Hindi ako agad nakapagsalita. Akala mo ay mga kutsilyong sunud-sunod na tumarak sa dibdib ko ang mga salitang ibinato ni Renzo. Napatingin na lang ako kay Eris na nakatingin din sa akin. Bahagyang nakanganga ang bibig at naghihintay na subuan ko ng pagkain niya.

"Ano?! Sagot?! Kapag na-late ako, yari ka sa akin!"

Napapitlag ako sa pagsigaw ni Renzo.

"Gagawan ko ng paraan!" Natatarantang binitiwan ko ang pagkain ni Eris. Ibinaba ko si Eris sa upuan at agad kong hinagilap ang ironing board at plantsa.

Kinuha ko sa sampayan ang isang pares ng medyas ni Renzo. Medyo basa pa rin iyon pero sa tingin ko, kapag tiniyaga kong plantsahin ay matutuyo din naman. Itinuon ko ang atensiyon ko sa pagpapatuyo ng medyas sa pamamagitan ng init ng plantsa.

Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko si Renzo. Nakapameywang at palakad-lakad. Busangot ang mukha at halatang naiinis na.

"Pucha naman! Bilisan mo naman, Ava! Male-late na ako! Kung kagabi mo pa sana 'yan ginawa!"

"O-oo. Matatapos na ako. Sandali lamang," nakayuko kong sagot.

"Fuck! Ano bang klaseng buhay 'to? May asawa ka nga, wala namang silbi!"

Kasalanan ko ba na nasira ang linya ng tubig? Kasalanan ko ba na maulan kahapon kaya hindi natuyo ang medyas niya? Ipinaliwanag ko naman sa kaniya nang maayos pero galit pa rin siya sa akin. Kasalanan ko nga ba talaga ito?

Asawa ko ni Renzo. Pagdating sa kaniya ay wala akong ibang iniisip kundi ang mapagsilbihan siya. Maibigay ang kaniyang pangangailangan. Pero bakit tila hindi niya iyon nakikita? Ang tanging nakikita lang niya ay puro kamalian ko. Minsan, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung mahal pa ba niya ako. Kung ituring niya kasi ay parang hindi asawa. Nagiging asawa lang ako sa kaniya kapag nagsisiping kami sa kama. Doon lang...

"Matagal pa ba 'yan?! Late na ako!"

"Renzo, medyo basa pa kasi. Pero kung nagmamadali ka ay isuot mo na ito." Gumapang ang takot sa katawan ko nang nanlilisik ang mata na tinitigan ako ni Renzo. Alam ko na ang susunod na mangyayari kapag ganoon na ang tingin niya sa akin-sasaktan na naman niya ako.

Nanginig ako sa takot nang humakbang na siya palapit sa akin.

"R-renzo-" Isang malakas na sapak ang natanggap ko. Sapol ako sa bibig.

Hindi pa doon natapos. Sinabunutan pa niya ang buhok ko sa likod at hinila iyon. "Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang? Pagsusuotin mo ako ng basang medyas? Gusto mo bang bumaho ang paa ko?! Ganiyan ka na ba katanga, Ava?!" bulyaw niya sa akin.

"T-tama na, Renzo. M-masakit na..."

"Iba rin kasi 'yang utak mo! Iba rin iyang bibig mo, e! Teka nga..." Dinampot nito ang isang medyas. "Gusto mo akong pagsuotin ng basang medyas, 'di ba?"

Umiling ako habang naiiyak. "H-hindi-" At ipinasok niya ang hawak na medyas sa bibig ko.

Kinuha pa niya ang isa at pilit na ipinasok iyon. "Kainin mo 'yan! Putang ina ka!" Talagang isinungalngal niya sa loob ng bibig ko ang dalawang medyas.

Saka lang niya ako binitwan ng marahas. Halos mapaluhod ako sa sahig kung hindi pa ako nakahawak sa ironing board. Mabuti na lang at hindi bumagsak sa akin ang mainit na plantsa. Napahagulhol na lang ako habang tuluyang napaupo sa sahig. Nakita ko si Eris na nakatingin lang sa akin. Alam kong hindi pa niya naiintindihan ang nangyayari pero sana ay huwag niyang kalakihan na nakikitang sinasaktan ng ama niya ang kaniyang ina. Natatakot ako na baka isipin niya na tama o normal lang ang ginagawa ng tatay niya sa akin.

Muli akong napakurap nang bumalik sa kasalukuyan ang aking isip. Marahan kong hinawakan ang pasa sa gilid ng aking bibig. Dahil iyon sa pagsapak sa akin ni Renzo kanina. Sinaktan niya ako dahil sa maliit na bagay lang-dahil lang sa basang medyas.

Simula nang lumipat kasi sa sariling bahay ay doon ko na napansin ang pagiging mapanakit niya. Hindi siya ganoon noong nandoon pa kami sa bahay ng nanay niya. Pero doon ay masyado siyang sunud-sunuran sa kaniyang nanay. Ginusto ko din naman na makaalis kami doon dahil wala akong karapatan na makialam sa mga desisyon nila kahit involve pa ako at ang anak ko. Pakiramdam ko nga ay hindi ako kabilang sa pamilya nila noong doon pa kami nakatira.

Kaya nga nang pwede na kaming lumipat sa sarili naming bahay ay labis ang tuwa ko. Naisip ko noon na mabubuhay na rin kami nang walang biyenan na nakikialam. Makakapagdekorasyon na ako ng sarili kong bahay. Kung anong gusto kong kulay ng dingding at kisame. Kung anong klase ng kurtina ang gagamitin. Kung anong ulam ang lulutuin.

Noong mga unang buwan ay ganoon ang nangyari. Pero pagkalipas pa ng ilang buwan ay ipinakita na sa akin ni Renzo ang ugali niyang nakatago at hindi niya ipinapakita sa akin noon.

Unang beses akong nakatikim ng pananakit sa kaniya ay nang mahulog si Eris sa kama namin. Iniwan ko kasi si Eris sa kama dahil inutusan niya akong ikuha siya ng bagong tuwalya. Habang kumukuha ako sa cabinet ay may narinig akong kalampag na sinundan ng pag-iyak ni Eris. Ganoon na lang ang takot at kaba ko nang makita ko ang anak namin na nasa sahig at nakadapa.

Tinakbo ko si Eris pero naunahan ako ni Renzo. Pag-angat niya kay Eris ay meron itong bukol sa noo. Sa galit ni Renzo ay sinampal niya ako. Bumakat pa nga ang kamay niya sa pisngi ko.

"Bakit mo iniwan ng ganoon si Eris?! Hindi ka ba nag-iisip?!" sigaw pa niya sa akin.

"H-hindi ko naman alam. Kumukuha ako ng tuwalya mo."

"Kahit na! Pabaya ka sa anak ko!"

Natigalgalan ako sa pananakit niya. Pero naintindihan ko siya kung bakit niya ako nasaktan. Bugso ng damdamin. Natatakot lang ito na baka may kung anong nangyari sa anak namin. Inintidi ko si Renzo sa pagsampal sa akin. Magulang siya na pinoprotektahan lang ang kaniyang anak.

Ang buong akala ko ay iyon na ang una't huli niyang pananakit sa akin. Nag-sorry kasi siya sa akin nang mahimasmasan. Nangako pa nga siya na hindi na iyon mauulit kaya umasa ako. Kaya lang naulit ulit ang pananakit sa akin ni Renzo. Suntok, sampal, tadyak, sabunot at kung anu-ano pang masasakit na salita-iyan ang natatanggap ko sa tuwing sinasaktan niya ako nang dahil sa maliliit na bagay. Kapag galit siya o mainit ang ulo ay ako ang pinagbubuntunan niya.

Anong klaseng asawa nga ba ako para saktan niya ng ganoon?

Tanga nga ba ako? Pabaya? Walang kwenta?

Minsan, iniisip ko na rin tuloy na baka nga ganoon ako kaya sinasaktan niya ako. Baka nga naman deserve ko ang lahat ng pananakit ni Renzo sa akin dahil wala akong kwentang asawa para sa kaniya.

TO BE CONTINUED...

Vous aimerez aussi

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urbain
Pas assez d’évaluations
165 Chs

Love & Revenge: The Return of the Heiress(Taglish)

COMPLETED Warning: Matured Content inside this Novel. Read at your own risk!!!! Book 1 of this Novel is Titled: Love & Revenge (Shantal Rodriguez & Brent Santillian Story) Book 1 Link : https://www.webnovel.com/book/14895992906120005/Love-%26-Revenge Ivana Huo, a sole descendant of a big conglomerate that rises in the city of Beijing. Her family business cost billions of dollars and she lived a comfortable life since childhood. Her Filipina mother had a big influence on her life but at a young age, she suffered her first loss when her Mom died. Later on, her Dad suddenly died too and left her nothing at all. She was thrown away by her relatives who took over her family business. She only had one hope to take back what belongs to her, to marry the second-generation rich descendant of Elite Digital Marketing and Financial Investment Company, Brielle Santillian. She had encountered him during childhood but the young CEO, Brielle Santillian never get involved in any woman. Ivana plans to capture him and marry him to help her take her revenge into her relatives. She forced him to take her as his wife after sleeping with him and threatened him she'll expose their videos and photos that night. Brielle married her for some reason, his family urge him to find a wife but he dare not to mention his parents about their relationship. He helps her to accomplish all her plans but later on, his cold heart couldn't love his wife because he thinks she's nothing but a user. He forced her to sign a divorce agreement but she refuses it at first. Accidentally she heard Brielle's conversation that he will never love her and couldn't forgive her. She silently walked away and leave everything. She knew she's having his child but she was deeply hurt knowing how Brielle felt towards her. Would they still get a chance to fall in love after they met again or would she let go of him even though she had loved him since childhood? This is the sequel to Love & Revenge Story of Brent Santillian and Shantal Rodriguez. Check it out and you will feel the love and hate journey of Brielle's parents. List of my Novels Here in Webnovel 1. Billionaire Defiant Wife 2. The Cage of The Past 3. Revenge to the Devil 4. Winter of the Wolves 5. Love & Revenge 6. My Billionaire Husband 7. Love & Revenge: The Return of the Heiress 8. You Are Mine (English) 9. Memories of the Night If you wish to support me here is my Paypal Account: paypal.me/annaquizo Edited by : Hansweet Kim & Binibini Special Note: If you are looking for a sweet contemporary-romance genre, this novel doesn't have that kind of plot. Most plots of my novel talk about mystery, suspense, and a slice of life. Often FL starts a slow pace of development, from weak to strong. Wanna asked more about the novel join my telegram channel: AnnaShannel_Lin Stories A channel for my exclusive novel followers https://t.me/annashannellinstory

AnnaShannel_Lin · Urbain
4.8
7 Chs