webnovel

Caleb’s Route I - The Love That Can Be Lost. 

Chapter 37: Caleb's Route I - The Love That Can Be Lost. 

Haley's Point of View 

  "See you tomorrow." Paalam namin sa isa't isa nila Claire bago sila sabay na lumabas ni Rose at Aiz sa classroom. May pupuntahan pa kasi sila, sinasama nga nila ako pero sabi ko may gagawin pa 'ko sa bahay at next time na lang kaya pumayag naman sila. Kahit ang totoo, wala naman talaga akong gagawin at matutulog lang talaga ako dahil lately, iyon ang gusto kong gawin. 

  Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at kinuha ang bag ko para isabit sa aking balikat nang puntahan kaagad ako ni Caleb. "Let's go?" Ngiti niyang aya sa akin. 

  Tumitig muna ako sandali sa kanya bago ko siya tipid na nginitian at tanguan. "Mmh." Sagot ko bago kami magsabay na lumabas. 

Nag-aayos si Reed ng gamit niya at nakatungo, hindi niya ako dinadaanan ng tingin simula nung araw na 'yon.   

  Pumikit ako sandali't huminga nang malalim bago ko pinaharap ang tingin kasabay ang paglagpas ko sa kanya. 

  Hinatid ako ni Caleb sa bahay. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at tinuring na parang prinsesa na ibinaba sa sasakyan niya. 

Hawak pa rin niya ang kamay ko nang makababa ako kaya tumingala ako para makita siya. "Magpahinga ka na pagkatapos ng mga dapat mong gawin." Aniya at hinalikan ang palasingsingan kong daliri bago ko siya pilit na nginitian nang kaunti. 

  "Thank you. Pahinga ka na rin pagkauwi mo." Sabi ko bago niya ako binitawan. Hinintay niya muna ako maisara ang gate at makapasok sa bahay, sinilip ko muna siyang umalis bago ako pumanik sa kwarto ko.

  "Haley, ayaw mo ba munang kumain ng miryenda?" Tanong ni Mama habang papaakyat ako ng hagdan. 

  "Kakain na lang ako ng dinner, Ma. Matutulog muna ako." Sagot ko. 

Pumasok ako sa kwarto ko nang makarating ako at walang palit-palit ng damit na ibinagsak ang kalahating katawan sa kama kasama ang aking bag. Na sa simento ang mga paa ko. 

  Palubog na ang araw kaya ilang oras na lang ay didilim na. 

Tahimik din ang lugar at tunog lamang ng paggalaw nung orasan ang aking naririnig gayun din ang pagkakamot ni Chummy ng kanyang tainga na naroon sa gilid. Pinapasok siguro ni Mama rito sa kwarto bago ako makarating. 

  Huminga ako nang malalim bago ko maramdaman 'yung pagbagsak ng luha ko kaya napahawak ako sa pisngi ko at napakagat-labi. 

  The countless flaw in my heart that distress me everyday. The world keeps on spinning with its mucky path. My love for him poured out and was lost every time it spilled out. It was devastated… It pains me… 

  "I love you."

I confessed my feelings to him yet, I should have known this. If I fell in love with him that much, I would hurt just as much. 

  I put the back of my palm on my eyes, trying to stop the tears. 

Flashback: 

The fireworks explode as I told him my feelings. Namimilog ang mata niya pero muli ring bumalik sa dati. Hiyawan ng mga tao ang aking naririnig, malalakas na putukan mula sa kaulapan na may magagandang kulay na ginagawa. 

  Matapos kong sabihin 'yung nararamdaman ko, para akong nahihiya na gusto kong bawiin pero heto na ako't ibinahagi ko na sa kanya 'yung nilalaman ng puso ko kaya hindi na ako aatras.

Naghihintay lang din ako sa sasabihin niya, nagtaka pa nga ako kasi hindi siya sumasagot at nakatingin lang sa akin. Wala rin akong nakikitang saya sa mukha at mata niya kaya kinabahan na ako. Iyong pagpintig ng puso ko sa saya, parang napalitan ng takot at pangangamba. 

  Nadagdagan lang iyon noong napalitan ng pag-aalala ang mata ni Reed kaya na-realize ko na mali yata na sinabi ko 'yung nararamdaman ko sa kanya kaya napatungo ako. Pakiramdam ko kasi maiiyak ako. 

 

  "Haley…" Marahan niyang pagtawag sa pangalan ko. "Salamat." Namilog ang mata ko dahil sa pagpapa-salamat niya. Hindi ko inaasahan na iyan ang ibabalik niya sa akin. Wala akong ideya. 

  "Pero… masasaktan lang kita kapag ako kaya tingin ko, hindi ako ang karapat-dapat para sa'yo." Nanlamig ang mga kamay ko dahil sa naririnig ko. Naguguluhan kung bakit nagkaganito. Akala ko gusto niya ako? Akala ko ba kapag sinabi ko na sa kanya 'yung nararamdaman ko, magiging okay na ang lahat? 

  Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya. Nakikita ko 'yung sakit doon sa mata niya. It feels like he's about to cry. "What are you… saying?" Nanginginig na ang mga mata ko dahil sa namumuong luha sa mata ko. 

  "Jin, he's the right person for you, at hindi ako." Pagtutulak niya sa akin na siyang nagpasinghap sa akin. Parang sinaksak ako sa dibdib, animo'y bumibigat ang pakiramdam ko. "Right from the very start, I don't think… we're not meant to be with each other." Tumulo na 'yung luha na kanina ko pa pinipigilan. 

  "Kaya mas maganda kung," Nakita ko ang paglunok niya. "…magkaibigan lang tayo." 

  Nabingi ako ng sandaling 'yon. Parang may parte sa akin ang gumuho kaya hindi ko na mahanap 'yung salitang gusto kong sabihin. Ayoko siyang mawala, ayokong magkaibigan lang kami, pero… palagi siyang ganito. 

Mayroon na ba siyang nagugustuhang iba? Mayroon bang dahilan kaya niya 'to sinasabi sa akin? 

  Pero hindi ko tinanong 'yang mga 'yan at yumuko lamang at tumalikod sa kanya. 

"I love you." Sambit ko sa salita na sinabi ko kanina. "If those words I told you have become the chain that brings you nothing but hindrance, then" Lumingon ako sa kanya kasabay ang muling pagtulo ng luha sa kaliwa kong mata. "…let's say they were all LIES." 

  "Hal--" Hindi ko na siya hinintay at tumakbo lamang paalis sa lugar na iyon. Nabangga ko pa nga 'yung kararating na si Claire pero hindi ko na nagawang maiangat ang tingin ko kasi bumabagsak na 'yung luha ko. Ang labo na ng paningin ko pero patuloy lang ako sa pagtakbo paalis sa lugar na iyon. 

  Takbo lang ako nang takbo kahit 'di na maayos 'yung paningin ko. Nang dahil doon, natapilok ako. 

  Bumagsak ako simento. Mukha ngang nagasgasan pa 'yung tuhod at siko ko pero hindi rin naman ako kaagad tumayo at hinayaan ko lamang ang sarili kong nakadapa roon. Ni hindi ko rin pinapansin 'yung mga tao sa paligid ko na nakatingin sa akin. 

  Tahimik lang akong umiiyak nang may maramdaman akong may lumapit. "Hailes." Tawag niya sa pangalan ko kaya unti-unti kong iniaangat ang ulo ko para makita siya. 

  "Caleb…" Bulong ko sa pangalan niya. 

  Nag-aalala itong nakatingin sa akin bago niya hawakan ang kamay ko para tulungan akong makatayo. Pero ang bigat bigat ng katawan ko, nanghihina ako kaya inalis ko 'yung kamay niyang nakahawak sa akin. "Please, leave me alone." Mahina pero sapat lang upang marinig niya. Umangat ang katawan ko para makaluhod. "Kaya ko sarili ko…" 

  Nakaluhod lang din siyang nakatingin sa akin nang bigla niya ako buhatin na parang isang prinsesa na siyang nagpagulat sa akin. "Cal--" 

  "I know you can handle yourself," Ngiti niyang sabi habang diretsyo na nakatingin sa mata kong basang basa. "I know." Tango niya. "But this time, hayaan mo muna sarili mong maging mahina at kumapit ka muna sa akin." 

  Umawang-bibig ako na parang may sasabihin pero napakagat-labi na lang ako na inihiga ang ulo ko sa mga bisig niya. "Good girl." Iniharap niya ang tingin. "Take your time to rest, dadalhin kita sa kwarto mo." At nagsimula na siyang naglakad ng walang tinatanong na kahit na ano sa akin. 

End of flashback: 

  I opened my eyes only to see this dark ceiling with its flickering lights from outside window. 

  Hindi ko napansin na lumubog na pala 'yong araw. Tumayo ako at naglakad sa harapan ng salamin, sasakyan iyon ni Reed. Kararating lang pala niya. 

Sinusundan ko lang ang kotse niya papasok sa bahay nila bago ko itinuon ang gawi sa kung saan. 

  Sa ilang araw na nasa Harbarn kami, hindi na talaga kami nakapag-usap nang maayos. May times na nakikita ko siya na parang gusto niya ako kausapin pero bigla na lang din siyang uurong. 

  Sa parte ko, nagiging masaya ako dahil alam kong iniisip niya ako, umaasa rin ako na makakausap niya ako pero ilang araw na nga ba ang nakakalipas? 

Habang tumatagal, mas lalong nawawala 'yung dahilan niya para lapitan at kausapin ako. 

  Wala na akong nakikita, eh. Palagi lang naming nilalagpasan ang isa't isa. 

Kumpara noon, hindi na niya ako tinitingnan at sinusubukan talaga niyang umiwas sa akin. 

  Huminga ako nang malalim bago ko iyon mabigat na ibinuga. "Buo na ba ang desisyon mo?" Tiningnan ko ang sarili kong repleksiyon sa salaming ng bintana. All I see is my sad eyes. "…Reed?" 

*** 

  KINABUKASAN. Malakas na kinakatok ni Mama 'yong pinto ko na kulang na lang ay dabugan niya iyon. 

Naalipungatan akong bumalikwas sa kama ko bago ako patakbong pumunta sa pinto para pagbuksan si Mama. "Ma, ano po ba 'yo--" 

  "Nandiyan si Jin sa baba. Hinihintay ka." 

  Kumurap-kurap ako bago ko dahan-dahang isara ang pinto ko. "Sabihin mo, Ma. Natutulog--" Hinarang ni Mama 'yung kamay niya para hindi ko maisara ang pinto ko. 

  "Mag-ayos ka na, bisita mo 'yon huwag mong paghintayin." Ngiti niyang sabi kaya wala akong nagawa kundi ang mag-ayos nga. 

Pagod akong bumaba para puntahan si Caleb. Nakikita ko siya sa sala, nakaayos kaya takang-taka ko siyang tiningnan. "Napadalaw ka?" Tanong ko tsaka umupo sa single sofa. 

  Nginitian niya ako 'tapos tumayo. "Gusto mong lumabas?" Tanong niya sa akin kaya kumunot-noo ako. 

  "Pumunta ka lang dito para ayain akong lumabas? Ba't 'di ka muna nag send sa akin ng message?" Taka kong sabi sa kanya na mas nginitian niya. 

  "Kapag nag text ako sa'yo, hindi ka papayag." 

  Pilit lamang akong natawa. 

  Dumating naman si Mama. "Lalabas ba kayong dalawa?" Tanong niya dala-dala si Lara. 

  Humarap si Caleb kay Mama at tumango. "Opo sana kung papayagan n'yo po akong ilabas 'yung anak n'yo. Huwag po kayong mag-alala. Iuuwi ko rin po siya sa oras na gusto niyong nandito na siya." 

  Humagikhik si Mama at humawak sa kanyang pisngi na parang natutuwa sa lalaking na sa harapan niya. "Naku, hijo. Kahit na iuwi mo pa siya bukas, okay lang." Biro nito pero pasita ko siyang tinawag na tinawanan lang niya. 

 

  "Pero Tita, kung gusto n'yo, mag relax na muna kayo. Mukhang hindi pa yata kayo nagkakaroon ng free time para sa sarili n'yo kaya pwede naman pong dito muna kami para mabantayan si Lara." Alok ni Jin kaya napatingin ako sa kanya. 

  "Hoy, hoy…"

  "Wow! Gusto ko 'yan, matagal-tagal na nga rin talaga dahil ma-busy busy rin ang ate ng bunso," Tukoy sa akin. Nakonsensiya ako bigla. "Pero okay lang?" Paninigurado ni Mama na masiglang tinanguan ni Caleb. 

  "Opo! Pwedeng pwede!" Tatangu-tangong sagot ni Caleb. Kahit na gusto kong tanggihan, gusto ko rin naman makapag relax si Mama. 

  "Naku, salamat. Napakabait mo!" Tuwang tuwang wika ni Mama. "Mag-aayos lang din ako sandali at dadalhin na muna si Lara sa kwarto niya." Tumalikod na si Mama sa amin para pumanik. Sinundan lang namin siya ng tingin nang ilipat ko na kay Caleb. 

  "Caleb--" 

  "Alam ko na sasabihin mo" Pangunguna niya. "Ginusto ko 'to, kaya huwag kang mag-alala. Alam ko namang hindi ka pa talaga okay, kaya balak ko rin talaga sana na ilabas ka para malibang ka sa ibang bagay." 

  Nakatingala lang ako sa kanya nang tumungo ako. "I see…" Nasabi ko na lang. 

  Umabante siya palapit sa akin para iluhod ang kaliwang tuhod. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka siya tumingala sa akin. "I know moving on isn't easy, that's why I want you to take your time to heal." 

  "Ngh." Ibinaba ko pa nang kaunti ang tingin ko sa kanya. "What if, hindi ko talaga gustong mag move on? Kasi umaasa pa 'ko?" Tanong ko sa kanya. 

  "That's part of being in love, you can't easily move forward. It takes time, bago pa lang 'yung sugat kaya hindi kita masisisi kung umaasa ka pa, and it's okay." Muli niyang pag ngiti. 

  Nakatingin ako sa malaki niyang kamay na nakahawak sa akin. Mabait si Caleb… He's always there to comfort and support whatever I do, kaya bakit hindi ko subukang-- 

  Inangat ko ang ulo ko at muling napatingin sa berde niyang mata noong pumasok bigla si Mirriam sa utak ko kaya nanlaki ang aking mga mata. 

  Nagtaka si Caleb kaya tinawag niya ang pangalan ko pero nagtuloy-tuloy 'yung alaala sa insidenteng iyon kaya napahawak ako sa noo ko. "Sandali lang, iinum lang ako ng tubi--" 

  May nag trigger sa memorya ko kaya mabilis na lumitaw ang mga pangit na nakaraan kaya napahawak na ako sa bibig ko dahil pakiramdam ko ay masusuka ako. 

  Napatayo na si Caleb. "Hailes!" Tawag niya. "Teka lang, kukuha ako ng tubig!" Nagmadali siyang umalis sa harapan ko habang nanatili lamang ako sa pwesto ko. 

Pinagpapawisan ako ng malamig at bumibigat ang pakiramdam ko. 

  What am I thinking? Of course I can't… 

  Ibinaba ko ang kamay ko at nanatili lamang na nakayuko. Partly, ako ang may kasalanan ng pagkasira ng buhay ng kapatid niya. Kaya hindi dapat siya dumidikit sa akin. 

***** 

Chapitre suivant