Chapter 33: Getting Serious
Haley's Point of View
"Mayroon ba akong... aasahan?" Tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Nakatitig lang din ako sa kanya nang tumapat na nga sa amin ang liwanag ng buwan dahilan para makita namin nang mas maliwanag ang mga mukha ng isa't isa.
Kaya ngayon, nakikita ko na kung gaano kaseryoso ang mukha niya, animo'y mayroon nga siyang hinihintay sa sagot mula sa akin. Ito na iyon, 'di ba? Pwede ko na bang sabihin?
Umawang-bibig ako. Handa ng sabihin ang salitang matagal ko ng gusto niyang marinig nang bigla siyang matawa. "Imposible." Bigla niyang sabi na nagpatahimik sa akin. "Imposible naman 'yong iniisip ko." Hawak niya sa noo niya matapos niyang alisin ang tingin sa akin. "Sorry, kalimutan mo na 'yung sinabi ko." Dahan-dahan siyang tumayo na sinundan ko lamang ng tingin. Humawak siya sa batok niya bago ibinaba ang tingin sa akin. Hindi pa rin kasi ako gumagalaw sa pwesto ko.
Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa kanyang ilong. "Come on, isn't about time you tried going to sleep?" Tanong niya at inabot ang kanyang kamay sa akin para alukin akong tumayo. "Let's go. Para makatulog ka na." Aya niya at nginitian ako.
Sandali akong hindi umimik nang magpasya akong abutin na lamang ang kamay niya para magpatulong na itayo ako. Nakangiti pa rin siya pero wala lamang akong ibinibigay na kahit na anong reaksiyon sa kanya. He's always like this…
Bakit ka ba umuurong, Reed?
Bumalik na nga kami sa mga kwarto namin pero hinatid na muna niya ako kahit na ang lapit lapit lang naman nung kwarto niya sa akin.
Binuksan ko ang pinto ko habang hinihintay lang niya akong makapasok sa loob.
Ngunit nagtaka yata siya dahil nakatayo pa rin ako sa pintuan. Huminga ako nang malalim bago ako lumingon sa kanya. "Reed, this is hypothetical question. But do you think kapagka wala kang ginawa ngayon at nawala sa 'yo iyong tao, makukuha mo pa siya ulit?"
Namilog ang mata niya sa naging tanong ko kaya ngumiti ako. "Well, of course. The thought of that happening must have really bothered you." Hinarap ko 'yung tingin ko na may mapait na ngiti sa labi ko. "But at least tell that person what you really feel."
"Haley… You…"
Pumikit ako. "When opportunities appear, they always seem like they're going to be impossible at first." Tumungo naman ako kasabay ang aking pagmulat. "Of course, I get it. You're anxious because you're serious." Sabi ko pagkatapos ay muling huminga nang malalim bago siya silipin nang kaunti. "I'm tired. Hindi pa talaga ako nakakatulog at tinatamaan na rin talaga ako ng antok ngayon kaya matutulog na rin ako. Bukas na lang." Pumasok na nga ako sa kwarto ko't isinara ang pinto na sinandalan ko rin pagkatapos.
Hinihintay kong marinig kung aalis siya pero mukhang nakatayo lang siya roon sa harapan ng pinto ko. Hinayaan ko lang at ibinuga lamang ang aking hininga na mabilis bumigat sa dibdib ko.
We like each other but why does it hurt?
Tumingala ako para titigan ang madilim at blankong kisame at walang nagawa kundi ang pumikit na lamang.
***
KINABUKASAN AY dumiretsyo nga kami sa lobby matapos gawin ang mga dapat na gawin sa umaga; kumain, maligo't mag-ayos.
Pinapaalalahanan kami ni Ma'am Puccino sa mga gagawin bago kami pumunta sa area kung saan gaganapin ang Seminar. Nakatayo lang si Sir Santos doon sa gilid at nakahalukipkip na pinapakinggan 'yung sinasabi ni Ma'am Puccino sa harapan namin dito sa lobby.
"Nakausap ko rin kanina si Mr. Reyes, isa sa mga executive ng Harbarn at nasabing magkakaroon ng Welcome Party mamayang alas siyete ng gabi ang mga estudyante. Kaya bumalik kayo rito ng alasingko para makapagsabay-sabay tayo mamaya sa pagpunta sa kabilang building."
Tumango si Sir Santos. "Kapag natapos kayo roon sa seminar, pwede kayong gumala-gala."
Napa-yes ang lahat sa tuwa. Siyempre, estudyante kami't na sa school trip.
Masaya talaga kapag gala ang pag-uusapan.
"Wait, Ma'am! Welcome party? Para sa 'min?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jasper na kulang na lang ay kuminang ang mga mata.
***
WALANG GANA na nakatingin si Jasper sa harapan nang makita ang mga estudyante sa iba't ibang eskwelahan na ngayo'y nandito rin sa building kung saan kami magse-seminar. Siyempre, hindi lang naman kami ang nandito. At inaasahan 'yon ng lahat.
"Ah. Kaya pala may pa-welcome party?" Simangot na tanong ni Jasper.
Taas-kilay ko siyang nginitian. "Ano ba tingin mo?"
Ngumuso si Jasper at lumingon sa kaliwang bahagi na parang isang bata na nagtatampo. "Akala ko mararamdaman ko na special ako."
Lumapit naman sa kanya si Aiz para muli nanamang landiin. "I can make you feel special."
Napa-bored look ako. "Kabet." Sambit ko kaya binigyan naman ako ni Aiz ng nanggagalaiting tingin. Hindi na sumama sina Sir Santos dito sa loob at nandoon sila sa meeting sa kabilang building. Para yata iyon sa mga susunod pa na events na magaganap sa Harbarn.
Sumimangot si Claire. "Whatever. Kailangan na nating pumasok kasi baka maubusan na tayo ng pwedeng mauupuan. Ang dami pa naman natin dito." Nauna na ngang naglakad si Claire na sinundan naman ni Rose kaya to follow naman kami.
"Ayaw n'yong huwag ng um-attend?" Rinig kong tanong ni Jasper noong sumunod doon sa dalawa.
"Siraulo, kailangan nating gumawa ng reaction paper pagkauwi sa E.U." si Claire.
"Whoa?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Jasper.
Lumigon si Rose sa kaya. "Hala, Jasper. Hindi ka nakikinig."
Umiling-iling naman si Jasper. "Hindi, hindi. Nag react ako dahil sa ginamit na salita ni Claire. Akala ko kasi refine siyang babae na hindi makabasag pinggan."
"Gag* 'to." Mura ni Claire kaya pumalakpak si Jasper sa tuwa.
"Isa pa nga! Ang lutong." Mangha na pagpapaulit ni Jasper na labas sa ilong kong nginitian at hahakbang na sanan nang mapahinto ako dahil sa biglaang paghawak ni Caleb sa kamay ko. Lumingon ako para makita siya na ngayo'y nakalinya ang ngiti sa kanyang labi.
"Puwede ba kitang solohin?" Tanong niya sa akin dahilan para magsalubong ang kilay ko. He's getting bolder and bolder. Kung hindi pa ako gagawa ng dahilan para tigilan niya ako, baka ituloy-tuloy lang niya 'yung ginagawa niya ngayon.
"Caleb." Tawag ko sa pangalan niya tsaka ko inalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "I want you to stop already." Matapang kong sabi. "Wala talagang patutunguhan kahit na ilang beses mong subukan. I don't think it'd work out. Kung itutuloy mo 'to, baka masaktan ka lang." Sabay harap sa kanya.
Hindi pa rin nagbabago 'yung ekspresiyon niya't nakangiti pa rin. "Bakit ako titigil kung sinimulan ko na?" Tanong niya na nagpabuka sa bibig ko. "Una pa lang, alam ko naman na, eh. Kaya useless din na patigilin mo 'ko ngayon. Ang gusto ko lang mangyari huwag kang makaramdam ng kahit na anong pag-aalala, konsensiya o kung ano pa man. Pinili ko 'to, kaya wala kang responsibilidad sa kung ano ang pwedeng mangyari kung hindi ka man mapunta sa akin."
Umatras ako ng isang hakbang. Para akong nakumbinsi sa sinabi niya kaya tumingala pa ako lalo para diretsyong tingnan ang mata niyang puno na ng desisyon. Hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. "Fine, mukhang wala ng magpapabago sa isip mo." Wika ko sabay tingin sa kanya ng seryoso. "Pero maipapangako mo ba sa akin na titigilan mo 'ko kung wala talagang pag-asa?"
"Are you talking about you and Reed working out?" Sambit niya.
"Ngh." Ang diretsyo talaga siyang magsalita.
Ngumiti pa siya lalo. "Yes, of course. I mark my words. Hindi naman healthy kung kukunin pa kita kung naangkin ka na, 'di ba?" Tanong niya sa akin kaya hindi na ako nakapagsalita. Tumalikod lang ako sa kanya kaya nakita ko si Reed na nakatingin sa amin.
Mukha siyang galit kaya inalis ko rin sa kanya ang tingin. Naglakad na lamang ako para sumunod kina Rose, nilagpasan ko na lang si Reed.
Caleb's Point of View
Umalis na nga sa harapan ko si Haley gaya ng inaasahan ko kaya paismid akong ngumiti bago ko ilipat ang tingin kay Reed na masamang nakatingin sa akin.
Lumakad ako papunta sa harapan niya, nakatagilid ako ng tayo habang nakaharap naman siya sa akin.
Seryoso ko siyang tiningnan. "Mukhang wala ka pa ring ginagawa para makuha siya," Panimula ko at nanliit ang tingin. "Kung ako sa'yo, hindi na ako papetiks petiks lang. Talagang kukunin ko na siya sa'yo kung pabagal-bagal ka lang diyan."
Pati siya ay nanliit din ang paraan ng pagtingin sa akin. "Bakit mo 'to sinasabi sa akin?" Taka niyang sabi.
"Gusto kong maging patas sa'yo, para wala akong naaapakan," Humarap ako sa kanya kaya naglaban ang labanan ng aming masamang titigan. "Tutal alam mo na rin, 'di ba?" Panimula kong tanong. "Alam mong gusto ka rin niya." Dagdag ko na siyang nagpabuka sa bibig niya.
Kagabi, magbabanyo sana ako pero aksidente kong narinig 'yung usapan nilang dalawa dahil malapit lang naman ang kwarto ko sa kwarto ni Hailes. Tahimik pa niyon.
At sa tono ng boses na ginagawa nila, mukhang nagkakaunawaan na sila. Ang pagkumpirma na lang ang kulang bago maging maayos ang kung ano ang mayroon para sa kanilang dalawa.
Iniharap ko na ang tingin. "Kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit patuloy ka pa rin niyang pinipili. Wala ka namang ginawa kundi saktan lang siya." Nagsalubong ang kilay ko. "Gagawin ko lahat para maging akin 'yung babaeng paulit-ulit mo ng 'di pinapansin. Ibibigay ko sa kanya 'yung saya na hindi mo magawang maibigay kasi duwag ka." Huling sabi ko bago ko siya lagpasan. Sumunod na ako kina Hailes dahil magsisimula na rin 'yung program seminar.
Nakatingin lang ako sa likuran ni Hailes nang magsalubong ang kilay ko.
I won't take this easy anymore.
Reed's Point of View
"Kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit patuloy ka pa rin niyang pinipili. Wala ka namang ginawa kundi saktan lang siya." Iyang salitang iyan ang tumatak sa akin kanina hanggang ngayong nakaupo ako rito habang kasalukuyang isinasagawa ang seminar.
'Yung sinabi ni Jin, parang tumagos sa akin. Para akong nanlumo't nanghina. Lalaki ako pero para akong babae sa ginagawa ko. 'Tapos kung iisipin ko ngayon, ang daming pagkakataon ang ilang beses kong sinayang. s
Alam ko na dapat sa sarili ko na dapat inihahanda ko ang sarili ko sa pwedeng mangyari. Pero naduduwag ako.
"Well, I get it. You're anxious because you're serious." Naalala ko pang sabi ni Haley dahilan para mas makaramdam ako ng pagod, napatungo ako. Bakit mas madaling itanggi 'yung katotohanan kaysa ang umamin?
Mali, hindi ko dapat 'yan tinatanong sa sarili ko dahil alam ko naman. Kasi nga takot ako. At kampante rin ako.Pero dahil sa kilos at desisyon na ginagawa ko, hindi ko namamalayan, nasasaktan ko na pala siya.
Karapat-dapat ba talaga ako para sa kanya?
Tanong ko sa sarili ko at nanlaki ang mata na umiling-iling. Ito nanaman ako! Kung aatakihin ako ng ganitong pag-iisip, edi parang tinatanggap ko 'yung sinasabi ni Jin sa akin!
Pasimple kong tiningnan si Haley na tahimik lamang na nakikinig sa sinasabi ng facilitator habang nagdadaldalan si Claire at Rose na pinapagitan siya. Seryoso lang ang mukha ni Haley at kung titingnan ay mukha siyang nakatutok sa pinapakinggan niya, but I think that's not the case. Malalim talaga 'yung iniisip niya. Dalawa ang rason, dahil sa akin o dahil kay Jin.
Napakuyom ako't napasandal. Ano ba'ng problema ko?
"Miles. Samahan mo nga ako magbanyo." Rinig kong pagpapasama ni Rose kaya tumango si Haley.
"Sama na ako." si Claire. Tumayo silang tatlo at nagpaalam sa amin kaya umalis na sila. Naiwan lang si Aiz na ngayo'y katabi ni Jasper at kinukulit ito.
Nagtataka pa rin talaga ako sa mga babaeng sabay-sabay magbanyo. Ano ba'ng ginagawa nila ro'n?
Nakasunod lang ako ng tingin sa tatlo nang ibaba ko ang tingin sa kalinya ko kung saan nakita ko si Jin na sinusundan lang din ang tingin kay Haley. Ibinaba rin niya ang mata niya kaya nagkatapat ang tingin namin.
Pareho kaming nakatingin nang masama kaya itinuon na lang namin ang atensiyon sa harap.
Mukhang hindi na nga ito ang oras para manahimik. Seryoso na si Jin.
Kailangan ko na rin gawin 'yung parte ko.
*****
Kanino sa tingin n'yo ako magsisimula ng route? Reed End or Jin End? And yes, we have two ends. :)) Possible na matapos 'to mga bandang 55-60 chapters.