webnovel

Chapter 4A

Matapos maibigay ang resignation letter ay tinungo ko kaagad ang bahay nila Liam.

"Ay! Wala rito sila Ma'am Liza no'ng isang linggo pa, nagbakasyon ho sila." Anas ng isang kasambahay na siyang nagbukas sa'kin ng gate.

"Bakasyon? Saan?"

"Sa Maynila po."

"Maynila?!! Ang layo naman yata?!"

"Eh simula kasi no'ng gulong nangyari sa kasal eh hindi na sila tinantanan ng mga tao kaya sila na lang 'yong umiwas."

Pagpapaliwanag nito...I felt sorry towards Liam's family... Pati ang mga ito ay nadamay.

"Hindi ba nabanggit sa'yo kung saan 'yong eksaktong address nila?"

"Hindi eh, basta ang alam ko nasa Maynila sila nagbabakasyon."

"Ahh sige salamat."

Tumango lang ang kasambahay pagkuwan ay muli nitong isinarado ang gate.

"Sandy!!! S-Sandy!!!" Habol ang hiningang bulalas ni Mj ng makalapit sa'kin. Kasalukuyan akong nagwawalis no'n sa balkonahe, at dahil nasa bahay lang ay nakasuot lang ako ng maong na short at sando said ibabaw.

"Ano bang nangyari't nagsisigaw ka ha?" Taka kong tanong, pulang-pula kasi ang mukha nito.

"K-Kasi..s-si..s-si...a-ano...ahh"

"Ano?" Panay ang turo nito sa may bandang gate.

"S-Si ..." Anito na napapatadyak sa lupa.

"Puede ba, Mj! Diretsuhin mo nga----!" Nanlalaki ang mga matang napamaang ako sa mukha na bumungad sa labas ng gate. Bakal lang ang nakapalibot sa bahay hindi 'yong pader kaya makikita mo kung sino ang nasa labas ng gate...

"Can I come in?" Dire-diretsong bulalas ni Achi Montevilla habang sa likuran nito ay ang mga tsismosa naming kapit-bahay.

Napatango-tango nalang ako bilang tugon.

"Nak, sino ba 'yang nagsisigaw sa laba----!" Pati rin si Tita Mara nagulantang ng makita ito. "Kay guwapong bata..." Sabay pa kaming napalingon kay Tita Mara.

"Magandang tanghali ho!" Ani Achi sa tiyahin ko.

"Magandang tanghali rin..." Bahagyang sumenyas ang mata ni Tita Mara. "Hali ka! Pasok ka hijo." Patuloy nito.

"Salamat po."

"Aray!" Ekspresyon ko ng kurutin ako ni Mj sa may tagiliran bago ito pumasok. Mayamaya pa'y napasunod narin ako.

"Maupo ka, hijo... Sandy, ikaw na muna ang bahala sa bisita mo maghahanda lang ako ng merienda niyo."

"Huwag na ho! Hindi naman ako magtatagal, sinusundo ko lang si Sandy."

"Sundo?!!" Sabay bulalas ni Tita Mara at Mary Jean.

"Date? Gano'n?" Ani Mj na halatang kinikilig, sumenyas naman ako ng batok para tumigil ito.

"A-Ah! Naku palabiro talaga itong kaibigan ko." Ani ko at ngumiti ng pagak.

"Ah...okay lang. Ahm... Ipagpapaalam ko kasi si Sandy, pupuntahan ho namin 'yong kapatid kong si Paris. Ihahatid ko lang siya pauwi for her safety."

"Ahh... O sige walang problema, kahit nga mag-date kayo okay lang sa'kin." Anas ni Tita Mara na hininaan ang boses sa huling linyang sinabi nito.

"Po?" -Achi

"Pumapayagag ako kako...Nak, magbihis ka na bilisan mo ng hindi maghintay itong si---?"

"Achi ho, Achi Montevilla" Anito na nakipagkamayan pa, tinanggap naman iyon ng tiyahin ko.

"Sige maiwan ko na muna kayo, sandali lang ako." Tumango lang ang mga ito.

"Titang, aalis na kami!" Pamamaalam ko ng nasa labas na kami kung saan nakaparada ang sasakyan ni Achi.

"Mag-iingat kayo, nak!"

"Enjoy!" -Mj

Napairap ako sa sinabi ni Mj, abot teynga ang ngisi nito...

"Dito ka umupo." Ani Achi ng akma kong binuksan ang passenger seat. Siya naman ay binuksan ang pinto ng back seat. Narinig ko pa ang hagikhikan ng dalawa kong kasama. Nang makaupo ako ay agad naman nitong tinungo ang drivers seat pagkuwan ay pinaandar ang makina ng sasakyan. Kumaway pa ito sa dalawa bago pinasibad ang sasakyan.

"Ayos ka naman palang manamit kapag nasa bahay." Basag nito sa katahimikan.

"Akala ko ba ako 'yong may pagnanasa sa'yo? Eh kung anu-ano na palang pumasok sa kukote mo habang nakatingin sa suot ko kanina."

Bigla nitong inapakan ang preno ng sasakyan dahilan para masukamod ako.

"Oops! May asong tumatawid eh!" Napatingin ako sa kalsada...

"Wala namang aso ah!"

"Wala ba?" Anito na muling pinaandar ang sasakyan. "Ahh...akala ko kasi meron."

"Nang-aasar ka ba, Mr. Montevilla?!" Naniningkit ang mga matang bulalas ko.

"I'm not!"

"Talaga? Sisirain mo yata ang mukha ko eh!"

"May nasira ba o sira na talaga?"

"Itigil mo 'tong sasakyan, kundi tatalon ako!"

"Do I need to cheer you up? Baka nakakalimutan mo'ng ginawa mo sa'kin noong isang araw?"

"Bagay lang sa'yo 'yon!"

"Did you really think I'm going to kiss you that time?" Tumawa pa ito ng pagak habang ako nag-aapoy na sa galit.

"Teyka! Sino ba ang sumundo sa'kin sa bahay di'ba ikaw? Ang usapan natin bukas na natin pupuntahan si Paris tapos biglang susulpot ka sa bahay ng walang sabi-sabi!"

"Bakit iniba mo agad ang usapan, Miss Pagan? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang pumasok sa penthouse ko."

"At sino bang nagsabi sa'yo na dalhin mo sa penthouse ang cellphone ko ha?!!"

"You should be thankful, at tiyaka puede ba huwag mo ng gawing wallpaper ang lokong tumangay ng fiancee ko."

"Sino ka naman para pagsabihan ako? Alam mo puro paninisi nalang kay Liam ang lumalabas diyan sa bibig mo kung tutuusin may kasalanan rin naman ang fiancee mo dahil sumama siya mismo kay Liam!" Naiba ang reaksyon ng mukha ng binata, hindi na ito nanunudyo kundi nagagalit. Magkasalubong ang kilay na napatingin siya sa'kin sa salamin, huminahon narin ako. Tahimik lang ito habang patuloy sa pagmamaneho hanggang sa ipinarada na nito ang sasakyan sa parking lot.

"Bumaba ka na diyan." Kalma lang ang pananalita nito pero bakas parin sa mukha ang galit.

"Hey! Akala ko ba bukas na tayo magkikita?" Ani Paris, nasa lugar kami kung saan malayo sa sentro ng syudad. Palagay ko isa 'yong sekretong lugar para sa mga detective. Kung sa labas ay isa lang 'yong simpleng bodega pero kapag napasok mo ay punong-puno iyon ng mga di basta-bastang kagamitan.

"We need to find the exact location, Paris! Napakalaki ng Maynila para maging kalmado lang tayo.". -Achi

Napalinga-linga ako sa paligid, punong-puno iyon ng CCTV cameras. Namangha agad ako sa lugar dahil nasa underground pala ang main site nito kung saan naroroon sina Paris at iba pa niyang kasamahan.

"Tini-trace na namin, Achi. You don't need to rush everything."

"No, I should!" Biglang tumaas ang boses nito. "We must find them dahil sa oras na maunahan ko ang batas, Paris baka makapatay pa ako ng tao!" Napalunok ako sa sinabi nito...

"Lower your voice, Achi. Nasa puder kita at nandito ang iba kung kasamahan. Kung aasta ka lagi ng ganyan hindi natin masu-solusyonan yang problema mo."

"Okay." Ani Achi na napahawak sa sentido.

"Have a seat, Ms. Pagan." Ani Paris na nanatili lang kalmado.

"Hindi na, ok lang ako, P-Paris"

"Say it straight, I'm gonna call you in your first name."

"Naku! Mahaba na 'yong first name ko, Paris."

"Cassandra Benedicto Pagan." Anas ng boses mula sa aking likuran dahilan para mapalingon ako.

"Ares, mabuti naman at nakapunta ka rito."

"Of course, I need the promotion."

Anas ng nagngangalang Ares, nakasandal ito sa may bukana ng pintuan.

"Cassandra, he is my younger brother, Ares."

"Nice to meet you, Sir Ares" Anas ko, isang ngiti lang ang iginawad nito at kagaya na naman ni Achi Montevilla ang bagong nakilala ko.

"Excuse me, Sir ! Nakatanggap na kami ng address sa tinutuluyan ng pamilya ni Mr.Perez sa Maynila." Sabad ng isang babaeng kasamahan nila roon. Nagkatinginan kaagad ang magkakapatid.

"Saan raw?" Sa Makati, we will give you the specific address.

"That's good news, Wolf!" -Paris

"Meron din akong impormasyong nakuha tungkol mismo kina William at Annika." - Ares

"They're already married."

"What?!!" Sabay bulalas naming tatlo nila Achi.

"Totoo ang narinig niyo, sa states sila naikasal last year."

"P-Paanong nangyari 'yon?" Anas ko.

"Nagkakilala silang dalawa sa isang business seminar, at doon na nagsimula ang lahat. They become colleagues at the same company dahil binigyan ni Annika ng mas magandang posisyon si William, at yon ay pagmamay-ari ng mga Almonte. If you want evidences, here! "

Mahabang pagpapaliwanag ni Ares, pagkuwan ay inabot kay Paris ang isang brown envelope.

"Hmm so isang civil wedding pala ang ginawa nila." Anas ni Paris ng makita ang mga litrato. Sa mga sandaling 'yon nangininig yata ang buong katawan ko. Napatingin ako sa reaksyon ni Achi, hindi malarawan ang reaksyon nito. Ilang sandali pa'y kinuyumos nito ang isang litrato at walang sabi-sabing umalis.

"Stay here, wala kang magagawa kapag susundan mo siya. Iba siya kung magalit, Cassandra." Ani Paris na mabilis nahawakan ang isang braso ko.

"P-Paano kung may mangyaring masama sa kanya?"

"Nag-aalala ka?"

"K-Kahit sino naman ang nasa sitwasyon niya susundan ko parin."

"You're so hard-headed, kaya pala pikon si Achi sa'yo." -Ares

"Okay, sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin pero susundan ko parin siya!" Mabilis kong nahila ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Paris at patakbong umalis.

"Bagay nga silang dalawa."

"Ikaw na munang bahala rito, Wolf!" Ani Paris na kinuha ang coat at isinuot 'yon.

"Copy, Sir!"

"Where are you going, Paris?"

"Susundan ko sila!"

"Whoa! Do you like that woman?!!"

"Shut up, Ares! Just do your job!" Pagkuwan ay nawala na ito sa paningin ng dalawang naiwan.

Chapitre suivant