webnovel

Self Healing Magic

Kahit paika-ika ay pinilit ni Yman ang sarili na lisanin ang lugar. Umuwi muna siya sa bahay para maka ligo at maka pag bihis. Pagkatapos lumabas ulit siya at dali daling bumili ng gamot para sa ina. 10:30am na ng makauwi si Yman. Isang oras ang biyahe mula sa bahay papuntang Magic High School. Naisip niya na mag pahinga muna. Balak niya bumalik sa venue ng 2:00pm. Nang biglang naalala ni Yman ang nangyari nitong umaga, isang malalim na buntong hininga ang nakatakas na sa kanyang bibig. Hiniga niya ang pagod na katawan sa kawayan na upuan. At unti unting naglakbay sa kadiliman ang kaniyang isipan.

Sa labas ng pader ng Sitona City,

"Run my lady!" Sigaw ng isang may edad na babae sa babaeng dilag na kasama.

"Gwar! Gwar! Gwa gwa gwaaaa!!!" Sigaw ng mga panot na kulay green at halatang hindi tao.

"Hoho goblins, how lucky am I to meet these guys here." Masayang pagkasabi ng isang magandang dilag.

"No! My lady these monsters were rank C, and there are ten of them, please run away!" Sabi ng may edad na kasama niya.

"Oh? By the way Ms. Zen, is it true that these guys loves to kidnap pretty woman like me?" Tanong ng magandang dilag na halatang hindi takot sa sitwasyon.

"Y-yes my Lady Maen!, waiiit! why you're not running?" Natarantang pag tanong ni Ms. Zen kay Maen.

"Kukuku, relax Ms. Zen" Masayang sabi ni Maen.

"Relax?,no waaaay! how in hell can I relax in this hopeless situation?!" Sigaw ni Ms. Zen.

"Kukuku," tawa ni Maen.

"Don't 'kukuku' me! Your grandpa will definitely kill me if something bad happened to you!" Natarantang ratsada ni Ms. Zen kay Maen.

"Sigh", "what a noisy old woman" Bulong ni Maen sa sarili.

"Gwaaarr!"

Sumigaw ang isa sa mga goblin. At isa isang nag sigawan ang iba pa habang paulit ulit na itinaas ang mga kamay sa eri, na may hawak na iba ibang klaseng palakol.

"Gobo! Gobo! Gobo! Gobo! Gobo! Gobo! Gobo! Gobo! Gobo!"

Nanlilisik ang mapulang mga mata ng mga goblin habang nakatitig kay Maen.

"Gwarrrr!"

Dahan dahan na lumapit ang unang goblin na sumigaw. At isa isang sumunod ang iba pa. Para atakihin si Maen at Ms. Zen. Namutla ang mukha ni Ms. Zen habang tiningnan na palapit ng dahan dahan ang mga goblin. Isa si Ms. Zen sa mga taong hindi nagkaroon ng sintomas ng Hollow Cell. Wala siyang mahika at ordinaryong tao lamang. Kaya ganun na lamang ang kaniyang pag alala sa sitwasyong kinalagyan.

"Hoho, what a greedy fellow" Bulong ni Maen.

Habang pinanood ang palapit na mga goblin. Dahan dahang dumukot si Maen sa bulsa ng kanyang bag.

"Hey, Ms. Zen do you know what is this?" Biglang tanong ni Maen kay Ms. Zen habang pinaikot sa daliri ang dinukot na bagay mula sa bag.

"?!, ddddont tell me i-its...External B-Backbone?!, gulat na tanong ni Ms. Zen, h-how did...?" Pagpatuloy na tanong sana ni Ms. Zen pero hindi na niya tinuloy dahil mas importante, ay makaligtas sila sa sitwasyon na kinalagyan nila ngayon.

"Kukuku, now green guys. Bring it on!" Paghamon ni Maen sa mga goblin.

Sa panahong ito may iba ibang anyo na ang External Backbone. Gaya ng rings, wristband, necklace, collar at minsan naman ay costume made na mga sandata. Gaya ng sword, spear, staff at iba pa. Ang importante ay may Metal Gram at Magic Seal o Incantation Magic Spell ang iyong accessories o sandata. Ang tawag sa mga ito ay Removable External Backbone or RB in short. Tanging mga magician lang na may 30%(level3) pataas na breakthrough sa kanilang limiter ang pwedi gumamit ng RB. Ipagliban muna natin ang tungkol sa iba ibang klaseng External Backbone. Sa ngayon ay, dali daling inilagay ni Maen sa kaniyang leeg ang dinukot na bagay mula sa bag. Ito ay isang collar type RB na may Incantation Magic Spell.

"Resonance!"sigaw ni Maen

Pag katapos mabanggit ang katagang ito. Ay nag liwanag ng kulay green ang buong katawan, at ang collar sa leeg ni Maen ng ilang sigundo. Ito ang palatandaan ng pagka'activate ng resonance sa enerhiya ng Metal Gram at Hollow Cell. Sa pag activate ng resonance lumakas ang kaniyang physical, mental at mahikang taglay. Automatic na mawala ang epekto nito kung maubusan ng mana ang isang magician. O di kaya, kung kusa nito na ihinto ang resonance.

"G-Green?, Le-Level 3?" Shock na bulong sa sarili ni Ms. Zen.

Naka depende sa level ng magician ang kulay ng enerhiya na lumalabas sa kanilang resonance. Level 1-2 colorless/white, level 3-4 green, level 5-6 blue, level 7-8 purple at level 9-10 gold.

"Gwarrrrrr!" Malakas na ipinalo ng unang nakalapit na goblin ang dalang palakol kay Maen. Ngunit...

"?" Nagulat ang goblin ng hangin lang ang tinamaan. Nawala sa balansi ang katawan nito dala ng pwersa sa pagpalo , natumba at nag pagulong gulong ito sa lupa ng tatlong beses.

"Gob?!" Huminto sa paglapit ang iba pa, dahil nawala sa dating kinatayuan ang dalawang babae.

"Gwar! Gwar!" Sigaw ng isang goblin habang nakaturo sa itaas.

"Gob!!!!!!!!!" Galit na sigaw ng iba pa. Naningkit ang mapulang mga mata ng mga ito, at naglalaway ang mga bibig habang nakatitig sa dalawang babae.

"Platform?, this is rank A magic spell." Namanghang sambit ni Ms. Zen sa sarili.

Kasalukuyang nakatayo sa transparent na bagay na may 1 metre wide radius ang dalawa.

"Kukuku, surprise?" Bilib sa sariling tanong ni Maen kay Ms. Zen.

"Gwarrr!" Utos ng mas malaking goblin sa mga maliliit na goblin.

"Gobo!!!!!!!!!" Sagot ng iba habang mabilis na pinulot ang mga bato na nagkalat sa paligid. At walang pag atubiling inihagis sa dalawa.

"Kuku, this little fellas is a bit impulsive, time to end their little life."

Bago paman tumama ang mga ibinato, ay nawala na naman si Maen at Ms. Zen. Lumitaw ang dalawa sampung metro mula sa kina tatayuan ng mga goblin.

"System Interface" Sa pag bigkas ng mga katagang yun ay sabay ginuhit ni Maen ang nakabaliktad na number 3 sa eri.

"Inventory" Sunod niyang binigkas. Pinindot niya ang hugis pana na icon sa kaniyang inventory. Tapos pinili ang 'equip' na choices.

Weng!

Isang mahinang tunog ang narinig ng biglang may lumitaw na pana sa kamay ni Maen.

"Kuku" ngumiti si Maen sabay tutok ng pana sa mga goblin.

'As white as snow, cold as ice, I offer my soul to the goddess Frostine(Goddess of Snow)'

"Ice Pillar!"

Booom!

Pagkatapos bigkasin ni Maen ang pangalan ng magic spell, sabay bitaw sa maliwanag na hugis palaso. Isang malaking pagsabog ang sumunod.

"Kuya! Kuya gising."

Isang pamilyar na boses ang narinig ni Yman. Dahan dahan niyang ibinuka ang kanyang mga mata.

"Kuya gising"

"Ha? Bakit Yana?" Nalilitong tanong ni Yman.

"Mahika!"

"Mahika?"

"Anong klaseng mahika meron ka kuya?!" Excited na tanong ni Yana, ang batang babaeng kapatid ni Yman.

Naalala ni Yman ang nangyari nitong umaga. Inunat ni Yman ang kanyang katawan. At dahan dahan siyang bumangon. Hinimas niya ang ulo ng kapatid sabay tanong...

"Yana anong oras na?"

"Ha?, kuya sabi ko anong mahika meron ka?" Sumimangot ang mukha ni Yana

"Haha wala pa, may nangyari kanina kaya umuwi muna ako." Paliwanag ni Yman sa kapatid sabay tingin sa relong nakabitin sa ding ding.

"2:10pm?!" Sigaw sa isip ni Yman.

"Yana, maya pagbalik ko. Kailangan ko na umalis, mahuhuli na ako sa exam" Pagmamadaling sabi ni Yman.

"Sige kuya goodluck!" Masiglang sigaw ni Yana.

Isang oras pagka tapos ng evaluation ni Yman. Ngayon ay nakaupo siya sa park ng nag-iisa. Habang excited na nakatitig sa isang hologram. Sa likod ng leeg niya ay may naka pulupot na parang bracelet. Sa gitna nito ay may bilog na may kakaibang bato na nag liliwanag ng mahina. Kasalukuyang nakatitig si Yman sa status na naka display sa kanyang System Interface.

SYSTEM INTERFACE:

User: Yman

Level: 1

STATS

HS: Healthy

MP: 100

Rank: D

Job: Healer

Atk: 10

Matk: 1

Def: 5

Mdef: 1

Eva:5

Acc:5

Str: 5

Int: 1

Dex: 1

Agi: 1

Vit: 1

Extra Points: 0

Exp: 1/100

SKILLS

Magic Skill: Mini Heal(Active)

Magic Type: Self Healing Magic

Magic Rank: D-

Talent: none

"Self Healing Magic?" Bulong na naitanong ni Yman sa sarili.

"Self Healing Magic?" Pag uulit ng boses na nagmula sa likuran ni Yman.

Nagulat si Yman at biglang napalingon sa likuran.

"Eh?"

Isang poging lalaki ang kanyang nakita. Base sa hitsura at pangatawan ay hindi nalalayo ang edad nito kay Yman.

"Eh?" Pag uulit ng lalaki.

Hindi alam ni Yman kung mapaluha siya o matawa. Dahil mukhang ginagaya ng lalaki ang mga sinasabi niya. Napansin ni Yman na parang awkward ang sitwasyon kaya di na uli siya nag salita.

"Self Healing Magic" Biglang sambit ng lalaki.

"?" Hindi nakasagot si Yman

"Ito ay uri ng healing magic kung saan gumagana lang sa caster nito." Biglang pag pa-paliwanang ng lalaki.

"Sa caster lang? Hindi sa ibang tao?" Kunot noong naitanong ni Yman.

"Haha oo, kaya ito ang pinaka mababang healing type magic sa lahat." Sagot ng lalaki.

Biglang nanlumo si Yman sa narinig, ang kanyang magic spell ay isang self healing magic? Hindi kayang e'heal ang iba maliban sa caster nito? Lowest D rank?

"Arrrrrg! Anong klaseng kremin ang nagawa ko sa dati kong buhay?!" Tanong sa isip ni Yman habang pumuti ang kanyang mga mata at mukha na para bang emoji.

"Leo"

"Ha?"

"Pangalan ko. Ikaw?" Sabi ni Leo habang iniabot ang kanyang kamay.

"Yman, Yman Talisman" Nakangiting sagot ni Yman habang inaabot ang kamay ni Leo.

Chapitre suivant