Maagang nagising si Flora Amor. Aalis siya ngayon, maghahanap siyang trabaho. Pero pupunta muna siyang school nila para ipasa 'yong mga projects niyang 'di naipasa noong nakaraang araw. Mababait naman ang mga professor at instructor niya, seguradong tatanggapin pa ng mga 'yon ang gawa niya.
"O, aga naman ng gising mo. Wala naman nang pasok ah," pansin ng ina pagkalabas ng kwarto.
"Ayaw mo no'n Ma, 'di na mapapagod 'yang bibig mo kakatawag sa pangalan ko kada umaga. Ayan, 'di ka na rin bibili ng tinapay kasi nakaluto na akong agahan." Binirahan na niya ng salita ang ina.
"Asus, kinakabahan ako 'pag ganyan ang kilos mo't alam kong may request ka na naman," pambabara sa kanya saka nagtimpla ng kape sa kusina.
"Magsa-summer job ako, Ma. May nakapost sa bulletin board sa school namin na summer jobs. Mag-aapply ako para 'di na ako hihingi sa inyo ng pera sa sunod pasukan," paalam niya habang hinahalo ang agahan nilang champorado.
"Ano ba 'yang niluluto mo?" uisa nito.
"Champorado nang maiba naman," aniya.
"Anong oras ka naman kaya makakauwi?"
"Baka gabihin ako."
Lumapit siya sa hapag kainan at pinunasan ang ibabaw no'n.
"Ma, si papa?" pakaswal niyang tanong.
"Naku 'wag mo nang hanapin 'yon at alam mo namang busy 'yon sa palengke," anang inang inilapag sa mesa ang tasa ng kape at pinuntahan ang biglang umiyak na bunso.
"Ma, sabihin mo kay papa uwi siya mamaya ha?" bilin niya.
Hindi siya papayag na basta na lang silang iiwan ng ama. Kailangan niyang gumawa ng paraan nang hindi naghihinala sa kanya ang ina.
Pagkaluto ng champorado ay tumikim lang siyang kunti at agad nang naligo nang maaga siyang makapunta sa pag-aaplayan niya.
Isang puting polo-shirt ang isinuot niya't fitted jeans naman sa baba tsaka 'yong luma niyang tennis. Kahit luma 'yon pero malinis namang tingnan. Nang makitang presentable siya sa suot ay binuhat na niya ang backpack.
"Ma, alis na ako ha?" paalam niya sa ina sa loob ng kwarto nito.
"Sige, ingat."
Pasakay pa lang siya ng jeep nang matanaw ang kotse ni Dixal sa tabi ng simbahan.
Anong ginagawa ng binata dito sa gan'to kaaga?
Dumungaw ito sa bintana at kinawayan siya.
Pinaalis niya ang sasakyan sanang jeep saka tumawid ng kalsada papunta sa kotse ng binata.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya pagkapasok pa lang sa loob ng kotse.
"Just checking on you," sambit nito saka siya binigyan ng smack kiss.
Kinilig siya agad.
"May lakad ako ngayon," pakli niya nang mapansing iba na naman ang mga titig nito sa kanya.
"Saan?"
"Magpapasa akong projects saka magsusummer job," sagot niya.
Umayos ito ng upo at pinaharurot ang sasakyan.
"Why do you have to check on me?" curious pa niyang tanong habang nagbibiyahe sila.
"Kalalabas mo lang ng ospital. Baka mabinat ka," anitong sa daan nakatingin.
"Okay na ako."
"Magsa-summer job ka? I have a friend. Naghahanap ng computer encoder. Pero maliit lang ang sahod, 400 a day," anang binata pagkuwan.
Nagliwanag bigla ang kanyang mukha.
"Talaga? Pwede na 'yon," tugon niya agad.
"Ipapasa ko lang projects ko tapos punta na tayo sa kaibigan mo."
Sobra siyang naexcite. Ang galing naman ng boyfriend niya, ito pa ang magpapasok sa kanya ng trabaho.
Pinaghintay niya ang binata sa labas ng gate saka siya pumasok sa loob upang ipasa ang mga project sa mga subject teachers niya. Bumalik siya agad sa kinaroroonan ni Dixal pagkatapos.
'Di man lang niya napansin si Anton na nakatanaw lang sa kanya sa di-kalayuan.
"Lika na!" yaya niya sa nobyo nang makapasok na sa loob ng sasakyan.
Napabaling siya rito nang mapansin nitong nakatitig ito nang mariin sa kanya.
"Bakit?" taka niyang tanong.
"Amor, I'll miss you," anitong lumungkot ang mukha.
"Ha? Aalis ka?"
Umiwas ito ng tingin at umayos ng upo.
"May ipinapagawa ang lolo ko sakin. Kailangan kong sumunod. Kaso malayo ang pupuntahan ko. I'll be gone for a week," halata sa boses nitong napipilitan lang umalis.
"Tagal naman. 'Di ba pwedeng 3 days lang?" aniyang 'di maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman. Isang linggong mawawala ang nobyo at 'di niya makikita? Isang taon na 'yon para sa kanya. Ilang minuto lang na 'di ito makita, 'di na siya mapakali kakahintay dito. Isang linggo pa kaya?
"Then it's 3 days," anang binata.
"Sure?" Gusto niyang makaseguro.
Tumitig ito sa kanya.
"Yes, if you give me a kiss, I'll be back after 3 days," nanunudyo ang mga titig nito.
Kusa na niyang inilapit ang mukha.
Agad nitong sinakop ng bibig ang kanyang mga labi, masidhi, puno ng pagnanasa na para bang matagal nitong tiniis ang nararamdaman.
Bakit ba 'pag nasisimulan na siya nitong halikan, nagiging wild na siya? Nawawala ang kainosentehan niya pagdating sa bagay na 'yon. Gusto niyang ibigay lahat-lahat sa lalaki hanggang sa magsawa ito.
Mabuti na lang nagagawa nitong tumigil 'pag nasa gitna na. Napipigil nito ang sarili samantalang siya, malamang buntis na siya ngayon kung hindi ito ang nagpipig.
Humihingal itong huminto at niyakap siya.
"Promise me, no one can touch you like I do," usal sa likod ng kanyang tenga.
"Yes," saad niya.
Dinampian siya nito ng halik habang ang mga kamay niya'y nakapulupot pa rin sa leeg nito.
"I love you," anas nito.
Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya bigla. May problema ba ang binata? Bakit tila nahihirapan ito?
"I love you more," tugon niya, sa isip ay pilit tinatanggal ang lahat ng agam-agam.
Three days will just be fine, right? Gusto niyang kampantihin ang sarili.
Everything will be fine within 3 days.
Matagal bago siya nito pinakawalan at muling pinaandar ang sasakyan.
Sampung minuto marahil ang inilagi nila sa daan bago marating ang kanilang destinasyon. Ibig sabihin malapit lang ang lugar na 'yon sa bayan.
"Dixal! Honey!" salubong sa kanila ng isang babaeng mas matanda lang marahil sa binata ng limang taon.
Tumaas agad ang kilay niya.
'Honey agad? 'Di ba pwedeng friend lang muna?'
Nakipagbeso-beso ang babae sa binata saka siya sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa.
Nahiya siya sa ginawa nito at napayuko.
"Siya ba 'yong sinasabi mo?" tanong nito.
"Oo. Mahiyain lang siya pero matalino," sagot ni dixal.
"Hey miss. Look at me," utos ng babae.
Tumingin siya rito.
"Anong course mo?"
"Commerce po."
Tumango ang babae at saka lang sila pinapasok sa loob ng office nito. Pinaupo siya sa visitor's seat habang si Dixal ay nanatili lang nakatayo at ang babae'y sa swivel chair nito umupo.
"Marunong ka sa excel at PowerPoint?" tanong nito.
"Opo," sagot niya agad.
May kinuha itong papel at ibinigay sa kanya saka iniharap sa kanya ang desktop nito.
"I-encode mo ang lahat ng nand'yan sa papel."
Umayos siya ng upo at nagsimulang mag-encode. Sampung minuto lang tapos na siya at ipinakita dito ang kanyang gawa.
Napanganga ang babae.
Marahang tumawa si Dixal. "See, I told you. She's that smart." pagyayabang ng binata.
Napangiti siya. Sana matanggap siya.
Nagtawag agad ang babae ng tauhan.
May pumasok namang isang dalaga.
Kumindat pa sa binata bago humarap sa amo.
"'Yung paper works mo, ibigay mo sa kanya. Kailangan ko 'yong mabilis magtrabaho, hindi tulad mong mabagal kumilos," anang babae sa pumasok.
Tigagal na napatingin sa kanya 'yong magandang dalaga. Ganda pa naman ng ngiti nitong pumasok sa loob ng office.
"Pero ma'am, ano na po'ng gagawin ko?" dismayado nitong tanong.
"Nakaleave si Arriane. Ikaw ang mag-substitute," anang babae saka ang tamis ng ngiting bumaling sa kanya.
Padabog na lumabas ng office ang dalagang pinalitan niya.
"Okay lang ba sa'yo kung ikaw ang gawin kong assistant?" tanong ng babae.
Napatayo siya bigla sa pagkagulat.
'Assistant agad?'
"Opo! Kahit ano pong trabaho ko dito basta po may sahod ako," agad niyang sagot.
"O sige, ako mismo magti-train sa'yo bukas. Akina na ang mobile phone mo para matawagan kita kung anong oras ka papasok."
"Ha?" napatingin siya kay Dixal, nagpasaklolo.
Takang tumingin ang babae sa kanya.
"Wala kang mobile number?" bulalas nito.
Umiling siya.
Puno ng pagtatakang tumingin ang babae kay Dixal, nagkibit-balikat ang lalaki.
"Ba't wala kang phone?" curious nitong tanong.
"Hindi ko po kailangan 'yon. Wala naman po akong tatawagan. Pero bibili po ako 'pag nakapagtrabaho na ako," malambing niyang sagot.
Tumango ang babae.
"Okay, fine. I just can't imagine how you managed to live without a phone."
Yumuko siya.
"Okay. I'll have to tell you your schedules tapos i-encode mo na lang sa computer at iprint mo para may mareview ka pag uwi mo. Take note. Ayuko sa late dumating sa work."
Tumango siya.
Nagsimulang magsalita ang babae. Nag-encode siya.
Nang tumigil ito magsalita'y tumigil rin siyang magtype saka ini-print ang na-encode.
Napapanganga ang babaeng nasa harap.
Ang huli niyang narinig dito'y,
"Maghintay ka sa visitor's area."
Lumabas siya ng office at umupo sa mahabang sofa sa sinasabi nitong visitor's area habang patingin-tingin sa pintong nilabasan.
Naririnig pa niya ang halakhak ni Dixal.
Tuwang-tuwa siya. Assistant siya agad? 'Di siya makapaniwala.
Iniikot niya ang tingin sa buong paligid. Maliit lang ang opisinang 'yon. Lima lang ang nakita niyang personnel. Pang-anim 'yong nasa loob ng office.
Napansin niyang nag-uumpukan ang limang trbahador na ando'n, sa kanya nakatingin. 'Yong isang pinalitan niya'y nakasimangot, paulit-ulit na pinaiikot ang mga mata habang nagsasalita at panay irap sa kanya.
Kinabahan tuloy siya. 'Di pa siya nagsisimulang magtrabaho pero tila yata mapapaaway na agad siya.
"Really! I'm just wondering where on earth did you get that girl. Living without a phone?"
Dinig na dinig niya ang boses ng babaeng magiging amo habang papalabas ito ng office.
Tumayo siya nang lumapit ang dalawa.
"Remember. Kailangan before 7A.M. andito ka na. Ayuko ng late," paalala ng babae.
Tumango siya.
Pagkatapos magpasalamat ay inakbayan na ni Dixal ang dalaga at lumabas na sila sa lugar na 'yon.