webnovel

Prelude

DADANAK ang dugo at kaguluhan na yayanig sa buong sanlibutan.

Ang mga kasamaan na namamayani sa bawat puso ay unti-unting mabubuhay at magiging isang nilalang na tatapos sa lahat.

Dahil sa likas na maawain ang nasa kaitaasan ay gagawa ng paraan upang iligtas ang mga likha.

Mula sa liwanag at sa kapangyarihang matatagpuan sa lupa; bagong mga nilalang ay mabubuhay mga anghel na tinagurian.

Misyo'y tapusin ang napipintong dilim.

Ngunit kahit ang mabubuti ay may nakatatagong pangil ng kasamaan upang mabuhay... Ang uhaw sa kapangyarihan upang umangat at manatiling humihinga.

"Hindi lahat ng anghel ay puro dahil hindi maaring ikaila na may kasamaan sa bawat nilalang...kahit iyong mga tinaguriang-banal."

Ang mundo ay puno ng tentasyon na kahit ang mga banal ay sinusubok.

"Upang magwagi... Mahika ay dapat isubok."

Ngunit ano ang kabayaran?

Ang mga anghel ay susubukin at hahamakin. Dilim at dugo ay yayanig sa lahat hanggang sa hindi magising ang nakatagong lakas at katauhan-sila ay maaring makakapagtapos sa karimlan at magdadala ng liwanag.

At ang tali ng buhay ay gagalaw muli...

Ibinuklat ng babae ang libro na kaniyang binabasa sa ikalawang pahina. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng libro o sino ang tinutukoy nito. Kaka-uwi niya lamang itong libro mula sa minahan.

Kanina pa niya tinitingnan ang lumang librong ito at simula noong binigay ito sa kaniya ay hindi na niya maalis ang titig sa lumang gamit na ito. Ang mga hiyas na dekorasyon ay parang mga mata na tinitingnan ata siya at hindi niya alam kung bakit gusto niyang buksan ang libro na para bang tinatawag siya.

Alam niyang hindi imposible ang mahika sa lugar niya dahil pili sa mga nilalang ay nabiyayaan nito.

"XXX

"Ang kamatayan ay hindi katapusan ngunit bagong simula ng bagong buhay. Ang mga anghel ay martir at magbabayad sa kasalanang hindi nila nagawa, mga elemento ay tatawagin at dilim ay susuungin.

Kung sa pagkakataong ito ay ito ay iyong nababasa... Isa lang ang dapat mong malaman-"

Nakakunot ang noo ng babae na nagbabasa at hindi niya alam kung bakit para bang tinatawag ng libro ang kaniyang kaluluwa. Hinihila papasok sa kahulugan ng bawat salita.

Agad niyang binuklat ang libro sa naunang pahina dahil sa takot sa nabasang liham.

Ramdam niya ang paglakas ng hangin na naging dahilan kung bakit napundi ang kandila sa munting kandelabra sa katabi niyang mesa, pagsayaw ng lilang kurtina sa bintana pati na rin ang kaniyang puting saya.

Malamig ang hangin ngunit ramdam niya ang unti-uting pagtulo ng kaniyang pawis mula sa kaniyang noo. At hindi lamang iyon; pati na rin ang panginginig ng kaniyang laman at pagtaas ng kaniyang balahibo.

Gusto niyang isara ang libro at umalis na lang ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga paa at natagpuan ang kaniyang traydor na mga kamay na binubuklat muli ang pahina papunta sa liham, sa pahina ng libro na alam niyang-

Hindi siya patatakasin.

Muli niyang binasa ang mga nakasaad sa libro at sa hindi malamang dahilan ay nagpakita ang huling salita na kulang sa buong liham-mga letrang kakulay ng dugo na bumubuo sa mga salita.

Nilunok niya ang kaniyang laway at utal-utal na binigkas ang mga salitang mula sa liham.

"Tanggapin ang kapalaran."

-

Alchemic Chaos: Fate or by its past title Tsubasa No Tengoku is a fantasy story inspired with the mixture of cultures.

The story might contain graphic content such as language, violence and sex. If you are a minor, you can refrain on reading this.

Any similarities to places, things, names living or dead, events from movies or other literature are purely a coincidence.

LANGUAGES: Filipino and Frènghl (language created by the author herself).

All rights reserved © 2018

LaSolaPythia_creators' thoughts
Chapitre suivant