webnovel

Kayleen's POV

Sunud-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko ang gumising sa akin. Narinig ko ang boses ni kuya sa labas. Naramdaman kong sumakit ang ulo ko dahil sa biglaang pag-gising sa akin.

"Kayleen may bisita ka."

Ano bang oras na? Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa yellow na dingding ng kwarto ko. Alas-kwatro na ng hapon. Bumango na ako sa kama. Lumapit muna ako sa salamin ng closet ko para tignan ang namumugto kong mga mata. Kahapon pa ako umiiyak.

"Kayleen."

Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang nakakalokong ngisi ni Kuya.

"Bakit?"

"May naghahanap sa'yo."

"Sino?"

"Si Ashton."

Lumundag ang puso ko nang marinig ko ang pangalan nya. Anong ginagawa nya rito?! Bakit sya nandito?! Alam na kaya nyang alam ko na ang pagbabasa nya ng diary ko?!

"Shiz! Sabihin mo wala, tulog, naliligo! Bumalik nalang sya next year!" sinaraduhan ko ng pinto si Kuya bago pa nya ako mahila palabas ng kwarto ko.

"Kayleen!" katok nya sa pintuan.

"Sabihin mo pumunta na akong South Korea! Nagpakasal na kami ni Kim Soo-hyun! Sorry di ko sya na-invite!"

"Kinasal ka? Bakit pati ako di ko alam?"

"Hwag kang mag-tampo kuya, hindi rin naman alam nung asawa ko na kasal na kami eh!"

"Hindi mo ba talaga kakausapin yung tao?"

"Hindi sya tao kuya, alien sya!"

"Si Ashton?"

"Ay. Sabihin mo lumipad na ako sa Moon! Nag-honeymoon kami ni Soo-hyun!"

Tatlong araw na simula nang malaman ko ang tungkol sa pagbabasa nya ng diary ko. Naiiyak parin ako kapag naiisip ko na baka pinagtatawanan pa nya ako habang binabasa yon. Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya.

Nawala na ang pagkatok ni Kuya sa pinto. Bumalik ako ng higa sa kama ko. Inabot ko ang ipod ko at pinasak ulit sa tenga ko ang earphones. Narinig ko na naman yung malungkot na boses ng babae na kumakanta ng Almost Lover.

Ganon tayo Ashton Mendez! Almost lover tayo! Bakit mo kasi binasa yung Diary ko eh? Ipapabasa ko rin naman sa'yo yun sa right time! At yung right time na yon ay kapag naging tayo na! Kaya nga Dear Future Boyfriend nakalagay dun eh. Pero di pa naman tayo kaya di mo yon dapat na binasa.

Binasa mo ba yon at ginamit para sa advantage mo na mapakilig ako? Pinakilig mo lang ako, ganon? Nakalagay pa naman don lahat ng gusto ko sa isang lalaki. Ilang beses ko pang sinabi na ang cute mo! Teka nilagay ko rin don yung 'in love ako sayo'.

Bumuka ka semento! Lamunin mo ako ngayon din! Ngayon na! Ngayon na mismo, bumuka ka!

"Kayleen." Katok ni Kuya Dylan sa pinto.

"Bakit?"

"Buksan mo 'tong pinto."

Kinabahan ako kasi baka kasama ni Kuya si Ashton sa kabila ng pinto.

"Umalis na ba sya?"

"Oo. Buksan mo tong pinto. May iniwan si Ashton para sa'yo."

Nakahinga ako nang maluwag. May ibinigay si Ashton para sa akin? Lumapit ako sa pinto at binuksan yon.

"Ano 'yon?"

"May nangyari ba sa inyo ni Ashton na dapat kong malaman? Inaway ka ba nya? Sinaktan?" di inaalis ni kuya ang tingin sa akin habang mabilis na tinatanong ang mga yon. "Pinilit ka ba nya?"

"Ano yung pinilit?" kumurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya.

Mukha syang di komportable. "Pinilit. Alam mo na?"

"Pinilit?" ulit ko.

Bumuntong hininga sya. "Pinilit na ipag-gawa sila ng cookies araw-araw."

"Ahh." Tumango-tango ako.

"Palagi ka kasing gumagawa ng cookies. Napansin ko lang naman."

"Hindi nila ako pinilit na gumawa ng cookies. Gusto ko lang na malaman ang opinyon nila kung masarap ba yung mga gawa ko."

"Nandito naman ako para sabihin kung masarap ang mga gawa mo ah," tila nagtatampo pa na kontra nya.

"Kasi Kuya, bias ka. Kapatid kita. Maganda rin na may nakukuha akong opinyon ng ibang tao."

"Sinabi mo eh." May inabot syang kahon mula sa sahig at binigay nya ito sa akin. "Pinapaabot ni Ashton."

"Ah. Thanks kuya."

Paalis na sana sya pero napalingon sya sa akin ulit.

"Alam mo hindi ko alam kung imagination ko lang ba yon pero, ang lungkot ng batang yon kanina."

"Talaga?"

Humalukipkip sya. "Oo. Yung mukha ng taong bumili ng VIP ticket sa isang concert pero di napanood kasi nanakawan ng wallet at na-stuck sa isang lugar na di nya alam kung saan. Kawawa naman."

Kunot noo ko syang tinignan. Bakit naman malulungkot si Ashton? Dahil ba di ako nag-update sa diary ko? Pwes! Diary ko yon at may karapatan akong tumigil kung kailan ko gusto sa pagsusulat don!

"Just saying."

"Okay kuya. Bye kuya."

"Kumain ka muna bago ka mag-kulong ulit sa kwarto mo. Baka pumayat ka nyan di na magkasya sayo ang gown mo sa debut mo."

Sinarado ko na ang pintuan gamit ang isang paa ko. Hindi naman ganoon kabigat ang kahon na buhat ko pero di rin yon magaan na kayang buhatin ng isang kamay.

Chapitre suivant