webnovel

Kayleen's POV

Tumingin ako sa langit at nanalangin na sana ay biglang umulan para hindi kami matuloy sa pamamasyal. Pero wa epek dahil nanatiling maaraw. Ano'ng gagawin ko?

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bayan. Nasa gitna ako nina Steve at Ashton. Nasa gitna naman namin ni April si Ashton.

"Saan mo gustong pumunt,a Ash?" tanong ko sa kanya nang hindi tumitingin. Bisita siya kaya dapat siya ang masunod.

Gusto ko sanang pumunta sa coffee shop na malapit sa bookstore ni Lola. Hindi ko sila mayaya baka kasi mainip lang sila dun.

Naramdaman kong tumingin siya sa akin. "Ikaw, saan mo gusto?" tanong niya pabalik sa akin.

Sasabihin ko sana na sa coffee shop pero naunahan ako ni April sa pag-sagot. Nilingon ko si April sa kabilang side ni Ashton.

"Sa burnham park nalang!" narinig kong sagot ni April na ngiting-ngiti. "Nakapunta ka na ba don Ash?"

"Oo tatlong beses na," parang nababagot na sagot ni Ash.

"Sa strawberry farm nalang! Tatawagan ko si Tito Kiko, pwede nya tayong dalhin don!" Nilabas ni April ang cellphone nya. "Baka makita rin natin si Enrique Gil!"

"Hindi ako interesado na makita sya," supladong sabi ni Ashton.

Nakalimutan ko, kinwento nga pala ni Ashleen na ayaw ni Ashton kay Quen sa di malamang dahilan.

"Ay ganon ba? Okay mamasyal nalang tayo sa bayan," nakangiti parin na sabi ni April.

Kahit na masungit si Ash nakangiti parin si April. Masyado syang masaya ngayong araw. Napasimangot ako bigla sa naisip ko. May gusto ba sya kay Ashton? Tama ba na mag-kagusto sya sa iba habang may boyfriend pa sya? Nakita ko sila ng boyfriend nya noong birthday party ng Lola nila. Ang sweet pa nila non. Ano kaya ang nangyari?

"April, bakit hindi mo kasama si Mike?" tanong ko nang hindi na nakatiis. Baka kasi maakit dito si Ash mahirap na. Baka biglang sumugod ang boyfriend nito.

"Kayleen pwede ba tayong mag-usap?" Hindi na hinintay ni April ang sagot ko. Hinila nya ang braso ko at nauna kaming maglakad sa dalawang lalaki. Dumistansya pa kaming dalawa hanggang sa makalayo ng sampung hakbang.

"Ano ka ba?!" mataray na tanong nya sa'kin nang makalayo-layo na kami dun sa dalawa. Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Hwag mong banggitin si Mike!"

Nagulat ako sa tono ng pananalita niya. "Ha? Bakit? Break na ba kayo?" tanong ko kahit wala naman talaga akong pakialam. Gusto ko kang makasiguro.

"Ang slow mo naman, Kayleen! Type ko si Ash, okay?" sagot niya saka niya hinawi ang kanyang buhok sa kanyang balikat.

"Kung ganon break na nga—"

"Hindi kami nag-break ni Mike. Kami parin, pero gusto ko si Ash ngayong araw. Aalis na rin naman sya kaya gusto ko syang... alam mo na?" nilingon nya ang dalawang lalaki sa likod namin bago bumulong. "Gusto ko syang ma-experience!"

"HA?!" Paanong ma-experience? Ano to? Bagong hobby? New activity? Game?

Tinignan ako ni April na parang naaawa sya sakin. "Kaya ikaw sagutin mo na si Kuya para magka-experience ka na!"

"Experience saan?" namimilog na matang tanong ko sa kanya.

"Sa kissing!" tumatawang sagot nya.

Uminit ang pisngi ko. Natulala ako sa sinabi nya sakin. Gusto nyang halikan ko ang kuya nya? Nababaliw na ba sya?! Nilingon ko si Steve na ngayon ay kausap ni Ashton. Napatingin ako sa makapal nyang labi. NOOOO!!! Over my dead body! Hindi ko hahalikan si Squidward!

Tumingin sa akin bigla si Squidward na nakakunot ang noo. Narinig niya ba ang iniisip ko?! Napatigil ako sa paglalakad nang mabilis na naglakad si Ashton palapit sa akin at bigla akong inakbayan. Napatingin ako sa braso nyang nakapatong sa balikat ko ngayon.

"Sorry, pero gusto ko sanang solohin ngayong araw ang girlfriend ko."

Dinaanan yata ng ilang libong langgam ang buo kong katawan. Nanindig ang mga balahibo ko sa aking narinig. Girlfriend?

Pormal lang ang mukha ni Ashton habang nakatingin sa magkapatid. Hindi naman makapaniwala si April na nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Ashton.

Itinuro ako ni April. "Girlfriend mo si Kayleen?!" tumaas ang boses nya.

Humigpit ang pagkakapulupot ng braso ni Ashton sa akin kaya naman nagkadikit ang mga katawan namin. Hindi ako nakasagot kay April dahil abala ang isip ko sa pagdedeliryo. Pakiramdam ko lalagnatin na yata ako!

"And don't tell anyone."

Sinamaan naman ako ng tingin ni April. Alam ko na minumura na niya ako sa isip niya. Siguradong iniisip niya na ang sama ko dahil girlfriend pala ako ni Ash pero di ko 'yun sinabi sa kanya. Samantalang kung anu-ano ang sinabi niya kanina. At nagpaligaw pa ako sa kapatid niyang si Squidward!

Pero teka lang, hindi ko naman siguro kasalanan yon kasi di naman nagtanong sa akin si Steve kung pwede ba syang manligaw. Basta nalang syang pumunta sa bahay at nangharana. Pero lagot ako nito kay Lola. At sinabi ko naman kanina kay April na may girlfriend na si Ahton kahit pa hindi ako yon. Mali parin na gustuhin nya ang isang lalaki lalo na at may boyfriend na sya.

Kaya naisip ko na inosente ako sa lahat ng ito. At ang totoo hindi naman talaga ako ang may kasalanan. Si Ashton itong biglang nag-announce nang ganon.

"Okay lang yan Kuya. May mas marami pang babae dyan na mas maganda at mas matalino at mas sexy kaysa kay Kayleen! Hindi mo deserve ang isang pa-fall kuya!" malakas na sabi ni April habang matalim na tinititigan ako.

Parang may isang malaking bato na tumama sa ulo ko. Ako? Pa-fall?! Hindi ko magawang sumagot dahil nakita ko ang mukhang tuta na si Steve. Ngayon ko lang nakita na ganon kalungkot si Squidward. Kinilabutan ako!

"Tayo na kuya! Umalis na tayo!" hinigit na ni April ang kapatid nya palayo sa amin.

Laglag ang panga ko sa bilis ng mga pangyayari. Ano ba ang nangyayaring ito?! Naglakad na ang magkapatid palayo sa amin ni Ashton. Nakatingin pa rin ako sa kanilang papalayong pigura hanggang sa tuluyan na silang mawala.

Tumikhim si Ashton sa tabi ko at unti-unting inalis ang braso nya sa balikat ko.

"S-Saan na tayo pupunta?" tanong nya.

Singkit ang mga mata na tinignan ko si Ashton. Matapos nya yun gawin may gana pa syang mamasyal?! Bigla naman syang tumalikod sa akin at nauna na maglakad.

"Pu-Pumunta nalang tayo s-sa rose garden sa burnham park."

Tinignan ko ang likod ng ulo ni Ashton. Pinaulanan ko sya ng nagbabagang tingin. Napatigil ako nang makita na parang effective yata ang ginawa ko. Namumula kasi ang batok nya pati na rin ang kanyang mga tenga.

Chapitre suivant