webnovel

Message #24

MrCreeper: Knock! Knock!

You: Joke ba yan?

MrCreeper: Yes. Knock knock!

You: Who's there?

MrCreeper: The hill and cow

You: The hill and cow who?

MrCreeper: The hill and cow ang sigaw ng puso ko, ikaw ang nasa isip ko~ :)

You: Hahaha! Okay. Kinanta ko.

MrCreeper: How are you?

You: Okay lang. Ikaw?

MrCreeper: Missing you badly. I want to see you.

You: Alam mo ba kung ano ang name mo sa contact list ko?

MrCreeper: Hindi. Ano?

You: Mr Creeper!

MrCreeper: Do I creep you out?

You: Oo nung una. At ngayon kasi ang showy mo sa feelings mo

MrCreeper: Hindi ako showy sa personal. Kaya sinasabi ko na sayo lahat ng di ko masabi kapag kaharap ka.

You: Sorry. Hindi kasi ako sanay sa ganito. Pwede ba tayong mag-start as friends?

MrCreeper: Yes please.

You: Great! How old are u btw?

MrCreeper: I'm a teenager.

You: Uh. Ok. What course are you taking?

MrCreeper: I don't know yet.

You: Ah. Right! Lilipat ka nga pala ng school. So magpapalit ka ng course?

MrCreeper: Kind of. Yeah.

You: Ahh. Undecide ka pa?

MrCreeper: Yes! Ikaw? Lilipat ka ba?

You: No. Inisip ko na mag-shift ng course pero naisip ko na sayang din tsaka gusto ko rin matuto magluto at mag-manage ng resto. After ko ng college gusto kong pumunta sa France para matuto ng Baking and Pastry Arts.

MrCreeper: So you're leaving after two years? How long will you be gone?

You: Depende kung gusto ko rin pumunta sa London para mag-aral. Maganda rin kumuha ng course don na baking eh.

MrCreeper: I miss you already.

You: There you go again. Ang showy mo hindi ko alam ang gagawin ko. Friends tayo diba?

MrCreeper: Am I not allowed to miss you even as a friend?

Chapitre suivant