webnovel

Chapter Forty-Five

Napupuno ang stadium ng mga tao at lahat ay excited na sa magaganap na laban. Ngayon na malalaman kung sino ang magiging champion sa National Quiz Bee. May mga estudyante mula sa mga schools ng contestants ang pumunta para suportahan ang kanilang team.

May mga sarili silang banner at cheer squad. Ngunit dahil sa paghihigpit ng mga organizers, gaano man sila karami ay hindi sila maaaring mag-ingay.

"May I invite everyone to invoke the Almighty, Ladies and Gentleman. May I request all of you to stand for invocation and national anthem. We would like to start this program a prayer and followed by the National anthem, please all rise respected professors and dear students."

Tumayo ang mga tao at inumpisahan na nila ang prayer na sinundan ng pambansang awit na Lupang Hinirang. Matapos non ay umupo na ulit sila.

"A good Saturday morning to all of you! Welcome to the National Quiz Bee! I am your host, Nathaniel Quizon—"

"And I am your host, Cherie Suarez," sabi ng babaeng host na katabi ni Nathaniel.

"From sixty teams, now we have fifteen left competing for the championship. Sino kaya ang makakakuha ng title this year? May hula ka ba partner?"

"Mahirap masabi partner, lahat ng teams this year ay napakahuhusay. Lahat sila ay nagpamalas ng bilis at talino sa pagsagot."

"Tama ka partner, at may tinatawag din tayong dark horse ngayong taon. Maski ako ay nagulat sa bigla nilang pagpasok sa contest. Magpapatuloy kaya sila sa pagkinang at makuha ang titulo sa unang pagkakataon nilang sumali?"

"Abangan ang lahat ng 'yan mamaya. And to officially start our program, we are pleased to have..."

Sa hallway ng backstage, nakapila ang mga contestants at kani-kanila silang pagpapakalma sa sarili. Karamihan sa kanila ay maiksi lang ang tulog dahil sa sobrang nerbyos.

Ito na ang finale ng competition. Bukod sa mapapanood sila ng live online, marami ring pumunta na mga supporters nila galing sa school nila.

Ngayon nila malalaman ang resulta ng kanilang reviews, afterschool lessons at taimtim na pagdadasal. Kailangan nilang ibigay ang one hundred percent best nila.

"Kinakabahan ako," sabi ni Jessica at muling binuksan ang cellphone para tignan ang reviewer.

Nanatili naman na tahimik ang Math Genius ng team na si James. Nakapikit lamang ito habang nakaupo at nakasandal sa pader.

"Huminga ka nang malalim, Jessi. Magiging okay ang lahat, nag-review na tayo kanina," ang sabi ni Tammy sa teammate niya.

Huminga nang malalim si Jessica. Pakiramdam niya ay hinahalukay ang tiyan niya sa sobrang kaba. Naiinggit siya sa pagiging kalmado ng teammates niya. Muli siyang huminga nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili.

Nakarinig sila ng malakas na cheer sa stadium. Nag-umpisa nang tawagin ng host ang mga teams na kasali sa contest.

"Representing Amihan National High, we have Mary Rose, Aisha, and Hazel! Next, we have the representatives of Charleston Academy, we have Tanya, Erika, and Lincee! Sending their first representatives, Pendleton High's Jessica, James, and Tammy! ... Also joining us for today's event, representing St Celestine High, Giselle, Jasmine, and Willow!"

"Now we have all our contestants ready. But before we start, please check your buzzer."

Tumunog ang mga buzzers ng bawat teams. Matapos non ay ipinaliwanag ng host kung ano ang rules. Mayroon lamang silang five seconds upang sumagot, maliban sa subject na kailangan ng calculations – binibigyan sila ng dobleng oras. Maaari rin silang mag-buzz bago matapos ang tanong.

"Now that everything is ready. We can officially start the contest!"

"Let the game begin!"

Ilan sa mga manonood ay nagulat nang marinig nila na may representative ang Pendleton High. Sila ang grupo na na-tripan lang pumunta nang malaman na kasama pala sa finale ang school nila.

"Really? Galing sila sa Pendleton High?"

"Hindi halata 'no? Akala ko mas nakakatakot ang hitsura ng mga pumapasok doon?"

"Oo nga, mga bitch o kaya mga barumbado?"

"May mga disente rin palang students doon. Akalain mo na umabot sila sa finals?"

"Psh, malay nyo nasa loob lang din ang kulo ng mga 'yan."

"Huh?"

"Mga bullies. Tignan mo yung nasa gitna, yung Tammy, mukhang bitch. I bet Queen Bee 'yan sa school."

"Uy, grabe ka. Hindi kaya."

"Hwag ka kasing nanonood ng mga teleserye, friend. Ang negative tuloy ng tingin mo sa mga magaganda at mayayaman. Automatic bitch kaagad. Hahaha!"

"Uwaaah! Tumingin kayo roon dali, sa kaliwa!"

"OMG!"

"Ang gwapo nila. Sino sila?"

"Sino'ng may mabangis na zoom-in dyan, picture-an ninyo dali!"

Sa gitnang bahagi ng stadium, nakaupo ang dalawang grupo ng mga kalalakihan. Pinangungunahan ito ng dalawang makikisig na mga lalaki. Ang isa ay nakasuot ng itim na tshirt at itim na ripped jeans, ang dalawa niyang mga braso ay kakikitaan ng mga tato.

Ang isa naman ay nakasuot ng puting panama hat, bagsak ang buhok nitong umabot hanggang gitna ng leeg. Nakasuot ito ng puting button-down dress, nakatupi pataas ang sleeves sa magkabilang siko. Tinernohan niya ito ng navy colored pants.

Halata ang pagkakasalungat ng dalawa, ngunit makikita na magkasundo sila.

"Really didn't expect to see you here, King Gavin," sabi ni Nino kay Gavin. "What made you attend this (boring) event?"

"Don't know what you mean by that. I am just here to show support to my (muse) juniors," diretsong sagot ni Gavin kay Nino.

Ngumiti si Nino. Kung hindi lang niya ito kilala, malamang ay naniwala na siya sa sinabi nito. Kailan pa ito naging active sa pagsuporta sa mga juniors nito? Ngunit kung sabagay, maging siya ay katulad din naman nito. Kung wala rito si Tammy, hindi siya mag-aaksaya ng oras na pumunta rito.

Gusto niyang makita kung paano gumawa ng kasaysayan ang first year King. Katulad noong manalo ito sa tournament at maging unang babaeng King sa Pendleton High.

Sumenyas si Nino kina Lily at Yana na nakaupo sa likuran niya. Tumayo ang dalawang babae at may kinuha. Ilang minuto makalipas ay nakita ng mga tao sa stadium ang nakasabit na banner ng Pendleton High.

"Taga Pendleton High sila?!"

"Seriously?!"

Nagkaroon ng maliit na komosyon ang mga babaeng kanina ay puro puso ang mga mata na nakatingin sa dalawang makisig na nilalang.

Samantala, hindi ito pansin ng mga kalahok sa contest. Lahat sila ay naka-focus sa mga tanong na ibinabato sa kanila. Maging si Tammy ay hindi aware sa pagdating ng dalawang hari.

"Sa five peso bill, makikita sa harapang bahagi ang ating unang presidente – Emilio Aguinaldo. Ano naman ang makikita sa likod—"

*BZZ!*

"Yes, St Celestine High?"

"Philippine Independence Declaration!" sagot ni Jasmine.

"Philippine Independence Declaration... is wrong! Now, uulitin ko ang question para sa ibang kalahok. Sa five peso bill, makikita sa harapang bahagi ang ating unang presidente – Emilio Aguinaldo. Ano naman ang makikita sa likod ng ten peso bill?"

*BZZ!*

"Yes, Pendleton High?"

"Barasoain Church," sagot ni Tammy.

"Barasoain Church is correct!"

Ngitngit na tinignan ni Jasmine si Tammy. Kumislap ang galit sa mga mata nito na mabilis ding itinago.

"Okay lang, Jas," tapik ni Giselle sa teammate. "Focus tayo."

Nanatili naman na proud si Willow para sa bestfriend at hindi pinansin ang isang puntos na nawala sa kanila.

Nagpatuloy ang mga contest at dumating na sila sa difficult round. Makakakuha sila ng tatlong puntos sa bawat tamang sagot. Mas naging mahigpit ang laban dahil maaaring mabawi ang mga puntos na nawala sa kanila kanina.

"Noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, sino'ng mestisong pari ang nanguna sa—"

*BZZ!*

"Yes, Amihan National High?"

"Pedro Pelaez," sagot ni Mary Rose.

"Noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, sino'ng mestisong pari ang nanguna sa kampanya ng sekularisasyon ng mga simbahan sa Pilipinas. Pedro Pelaez si correct! Three points for Amihan National High!"

Dahil sa nakuhang three points ay napunta kaagad sa itaas ng leaderboard ang pangalan ng school ng Amihan National High. Halos hindi naman makahinga ang mga kanina ay nangungunang schools. Kailangan nilang mabawi iyon.

"Here's our Math question: if one hundred and forty-four is divided into three parts proportional to seven, eight, and nine then the largest number is?"

*BZZ!*

"Yes, Pendleton High?"

"Fifty-four," sagot ni James.

"Fifty-four is correct!"

"In a country, a baby is born every five seconds, a person dies every forty-five seconds, and a new immigrant comes to the country every twenty seconds. What is the rate—"

*BZZ!*

"Pendleton High?"

"Twenty thousand per day," sagot ulit ni James.

"Twenty thousand is correct!"

Napasinghap ang mga kalahok. Napakabilis sumagot ng representative ng Pendleton High, hindi pa sila tapos mag-compute!

"Bangis din pala nitong teammate ni King," puna ni Bo habang kumakain ng popcorn. "Batang henyo. Ano kayang gatas ininom nito noong bata?"

"Chii~ Chii~" sabi ng sisiw sa ulo ni Banri na tila nakiki-cheer.

"GO PENDLETON HIGH!"

"F*CK! Quiz Bee 'to, tumahimik ka Martin kung ayaw mong mapalayas tayo rito!"

"Shuta kayo, napaka-ingay ninyo! Nakakahiya kayo kasama!" inis na sabi ni Cami sa mga kaklase.

"Arte!"

"Kayo nga may dalang lightstick, concert?"

"Pakialam mo bang pangit ka?" bara ni Lizel.

"Buuurn."

"Nasabihan kang pangit, pre! Kawawa ka naman. Hahaha!"

Dahil sa mga sagot ni James, napunta sa number one ang pangalan ng Pendleton High. Ngunit hindi rin naman ito nagtagal, nabawi ito ng Charleston Academy. Pangatlo ang Amihan National High, sinundan ng Luntian National High at pang-lima ang St Celestine High.

"What type of cell division results in two daughter cells each having—?"

*BZZ!*

"St Celestine High?"

"Mitosis," sagot ni Willow.

"Mitosis is correct!"

"The cells responsible for angiogenesis or the creation—"

*BZZ!*

"Pendleton High?"

"Endothelial cells," sagot ni Tammy.

"Correct!"

Pinanood ng mga estudyante kung paano nagbago ang mga rankings sa leaderboard. Hindi nila masabi kung sino ang mananalo.

"He was a Filipino comic book cartoonist and graphic novelist who created Darna—"

*BZZ!*

"Charleston Academy."

"Mars Ravelo," sagot ni Tanya.

"Correct!"

*briiiiiiing*

"And that's the bell for our five minute break. All contestants can take a breather. After that, magbabalik tayo for the head to head round. Please send your team leader later."

"Now, we would like to thank our sponsors..."

Pumunta sa backstage ang mga contestants upang huminga saglit.

"Ah! Mamamatay na ako!" reklamo ng isang contestant.

"Teacher, give me water please!"

"Nakasagot lang ako ng tatlong beses kanina, mali pa yung isa."

"May pag-asa pa ang team, walang susuko!"

"Tammy!" sigaw ni Willow na parang paruparo na nakakita ng bulaklak. "Sino'ng team leader nyo?" Itinapat nito sa kaibigan ang hawak na mini-fan.

"James, gusto mo bang sumali sa head to head?" tanong ni Tammy sa teammate. Sa totoo lang ay humanga siya sa binata dahil sa bilis nitong mag-compute.

Nakita ni James na tatlong babae ang nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Bigla siyang nakaramdam ng pagka-asiwa. Inayos niya ang salamin sa mata at umiwas ng tingin.

"Ikaw ang leader, King. Napag-usapan na ito dati pa." Hindi interesado si James na mapunta sa kanya ang spotlight.

"Ten points ang ibibigay sa head to head round. Bawat maling sagot, minus ten points. Galingan mo mamaya, King," sabi ni Jessica. Nahihiya siya dahil dalawang sagot lang ang naitulong niya sa team.

"Hmm." Tumango si Tammy saka tumingin kay Willow. "Sino ang representative ng team nyo?"

"Si Giselle. Galingan mo Tammy, I support you!"

"Willow, ano'ng ginagawa mo dyan?" tawag ni Giselle di kalayuan sa kanila. "You're hurting my feelings! Ako ang dapat mong i-support!"

"Eh? Pero si Tammy ang bestfriend ko," sagot ni Willow.

"Teammates tayo, utang na loob bigyan mo man lang ako ng moral support! Huhu!"

Napuno ng questionmarks ang ulo ng Willow. Ano'ng kinalaman non? Isu-support niya kung sino ang gusto niyang i-support. Natural na nasa first place ang pangalan ni Tammy sa list niya. Hindi niya pinansin si Giselle at nanatili sa tabi ni Tammy hanggang sa matapos ang break.

Hindi niya pinansin si Giselle at nanatili sa tabi ni Tammy hanggang sa matapos ang break

Chapitre suivant