webnovel

Chapter 13: Forest 8

"Sa-satingin nyo.. saan ba mag kakampo ang mga naglalakbay kapag na sa gitna sila ng forest?" Tanong ni Fumiko

Pumikit si Hiroshi at muli nyang binuksan ang mata nya.. hindi ko alam kung bakit pero bigla syang nag salita

"Tigil! merong kampo malapit sa falls at may kampo rin malapit sa kweba.. ang problema, may papuntang beast sa dinadaanan natin! satingin mo Fumiko.. saan ang kampo mo dito? yung sa may kweba or sa may Falls?"

"Ahh.. mga light mages kami na nag pre-predict ng future or nagsasabi kami ng nangyayari sa buhay ng tao! Hhm.. paminsan gumagamit kami ng tubig para linisin at makapasok sa buhay ng tao.. water mage din kasi kami. Pero mas gugustuin siguro namin sa may kweba dahil napapadali ang panghuhula namin sa madilim na lugar!" Sagot ni Fumiko

"So saan nga tayo pupunta? sa may Falls or sa kweba?"

"Ahh... sa-sa kweba na lang tayo pumunta.. kung mali umm"

Wala na kaming time para usap-usap.. paparating na ang monkey! kaya naman naming pigilan ang isang to pero marami syang kasunod sa likod nya! tumakbo kami pakaliwa.. at buti nalang hindi kami hinabol ng mga monkey.. pero dalawang Land Salamanders ang humarang sa daan namin!

Walang magagawa si Kagome sa isang to dahil Lang din ang kapangyarihan nya! makakaligtas ang Salamander sa kahit na anong atake nya.. wala rin namang magagawa ang fire Salamander ko!

Isusummon ko ba ang Lion ko? pero fire type din iyon! well baka naman kaya nyang libangin ang mga salamander hangang makaalis kami..

"Hhm.. Hiroshi ibaba mo ako!" sabi ko

"Ha? sigurado ka?"

Tumungo lang ako at binaba nga ako ni Hiroshi

sinammon ko ang wand ko kasabay ni Hyosuke! nagpaapoy si Hyosuke pero walang effect! nagkaroon din ng force field pero wala ring effect! ang tubig din sa snake na buntot ni Hyosuke ay wa-effect din!

"Tumakbo na tayo.. habang... nilalayo ni Hyosuke ang attention ng mga salamander!" Sigaw ko

Nanghihina ang katawan ko! wala na siguro akong mana.. tapos sinammon ko pa si Hyosuke. Tama si Hiroshi at ang doll partner ko! kailangang lumakas ng katawang to

Binuhat ako ni Hiroshing pa Princess style at tumakbo kaming magkakasama.. nang makalayo kami pinabalik ko kaagad si Hyosuke para hindi mabawasan ng mabawasan ang mana ko! ilang minuto lang ay nakarating kami sa isang kampo.. ngunit hindi ito ang kampong hinahanap ni Fumiko! mga Dark mages to at hindi Light! mukhang nakakatakot din ang mga ito!

"Lagot! ang mga Dark mages ang kalaban ng Light mages..! wa-wait! hindi ba necromancer ka? ibig sabihin Dark type ka rin! baka naman pwede mong sabihin sakanyang sa grupo natin ay walang away-away! sige na! nakikiusap ako sayo!"

"Susubukan ko.."

"Aba.. aba! bakit may Light mage dito? Hhm? isang necromancer!? ha? wala kang mana.. pwede ka mag pahinga dito kung gusto mo! tutal ang cute mo ahaha!" sabi ng isang lalaki

Eh? bakit parang umiinit yata? Tumingin ako kay Hiroshi at.. nakitang nag liliyab sa galit! ano bang problema nito!? nalulusaw na ako ohh!

"Hhm.. sa grupo kasi namin lahat ng type pwede at hindi kami mag aaway-away! para bang Free style"

Sabi ko

"Ha? Well kung makakatangap ako ng halik gagawa ako ng paraan para manatili at makapagpahinga kayo dito!"

"Tsk! Hindi na kailangan.. aalis naman na kami! at kung pipigilan nyo kami.. baka hindi ko ma kontrol ang sarili ko" Sabat ni Hiroshi

"Sige nga! pakitaan mo kami four eyes!"

Ehh.. four eyes daw kamo? ahh may salamin nga pala si Hiroshi. naku po.. sasabog na tong lalaking to..

Ilang minuto lang ay naglakad na ulit kami sa gubat..

Gusto nyo malaman kung anong ginawa ni Hiroshi? ehh... kahit ako na surprise ako! akala ko pang support lang ang katawan nga pero nakakasindak! hahaha..

kanina binaba nya ako at kumuha ng parang wand sa bag nya.. ngayon ko lang nalaman na Light mage din si Hiroshi! may something syang ginawa sa wand at nagkaroon ng parang kulungan sa mga dark mage at may mga kadena rin! inisa-isa sila ni Hiroshing batuhan ng batuhan ng magic bullets hangang magpunit-punit ang mga suot at magkapasa ang mga katawan nila! bago kami umalis sinabi ni Hiroshi 'Ahahaha! natalo pa kayo ng isang support!? nakakahiyaa~~' talagang nangaasar sya

Chapitre suivant