webnovel

Chapter 1: A new life begins

Hello.. my name is Haruka.

Normal lang ang pamumuhay ko. Maagang sumakabilang buhay ang aking mga magulang. Nakatira ako sa bahay ng aking pinsan. nag aaral ako sa average na school at maayos naman ang lahat pero isang gabi, May mga mag nanakaw na pumasok sa bahay! tinali nila kami sa upuan at tinalian kami ng tela sa bibig! nag pumiglas ang isa sa pinsan ko kaya maraming nabasag na plato at mga mamahaling decorations. kinuha rin nila lahat ng aming ari-arian. Umiiyak na ang tiya at ang mga pinsan ko sa takot! na manage kong putuling ang lubid na nakatali sa kamay ko gamit ang piraso ng basag na plato malapit sa upuan. Agad kong tinangal ang nakataling tela sa aking bibig. Kakalasan ko na sana ang lubid sa kamay ng aking tiya nang senyasan nya akong umalis. Parang sinasabi nyang tumakbo ako at humingi ng tulong.

Habang busy ang mga magnanakaw sa pangunguha ng gamit namin.. dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Habang papalapit ako, hindi sinasadyang mabanga ko ang isang shelf puno ng babasaging set ng baso! nagulog ang mga baso at gumawa ng malaking ingay. Agad nitong nakuha ang attention ng mga magnanakaw! tumakbo ako papalabas at sumigaw ng tulong! sinusundan ako ng isang magnanakaw!! inisip kong maigi kung anong gagawin ko! nung oras na iyon.. sobrang sakit na ng paa ko! wala akong suot na sapatos.. maraming maliliit na bato sa kalsada n natatapakan ko! madilim ang paligid.. wala ring gaanong sasakyan sa daan dahil gabing-gabi na! napaka tahimik din.. wala akong ibang naririnig kung hindi mga inseckto at mga ibon. Tumigil ako sa gitna ng Kalsada at sa hindi inaasahang pangyayari. isang truck ang nakita kong papalapit saakin! at nang makalapit ito.. hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Nagising ako sa isang kwartong puno ng mga manikang.. ang creepy! ang lalaki pa ng size! marami ring libro sa paligid. Makikita mula sa malaking bintana ng kwarto ang maliwanag na sinag ng araw. tumayo ako at nakaramdam ng kakaiba sa katawan ko.. nang tignan at pakiramdaman ko ang sarili, parang lumiit at naging tuwid ang buhok ko. mas kuminis din ang balat ko at luminaw ang paningin ko! na sa katawan ba ako ng isang bata? ehh? Binuksan ko ang pinto malapit sa bookshelf at namangha ako sa aking nakita. may malaking closet at sigurado akong maraming lamang Damit iyon! may malaking bathtub at maraming sabon! may shower din at ang bango. Pero pakiramdam ko talagang may mali.. paano ako napunta sa katawang to? Lumapit ako sa salamin at nagulat ako sa itsura ko! Kulay Itim, mahaba at tuwid ang aking buhok. maputi ang aking balat at.. at.. kulay violet na may pagka black ang aking mata! at ang suot ko.. mukhang luma pero grabe nag pagka unique.

Naligo ako at nag bihis. Sinuot ko kung ano man ang meron doon. Paglabas ko, inayos ko lahat ng librong nakakalat sa lapag at nilagay ko sila sa bookshelf.. bakit kaya tungkol sa spells at revive thing ang mga libro na iyon? inayos ko ang mga manika at nilinis ito. nilagay ko sa mga cabinet ang ilang manikang nakakatakot ang itsura.. yung malalaking manika naman na walang mukha or buhok at damit man lang.. pinatayo ko nalang.

Biglang naging pamilyar saakin ang damit at mga manikang ito! ang itsura din.. parang Hhm.. Tama!! katulad na katulad nito ang buhay ng Necromancer sa pinapanood kong Anime! waitt.. ibig sabihin! ako ngayun si 'Misaki'!? Well.. hindi na masama! wait.. hindi si Misaki ang main character diba? matagal ko ng pinapanood nag anime na iyon pero.. hindi parin sinasabi kung sino talaga ang bida! wait.. na saan ang wand ko? ahh.. wand ba iyon? Alam ko sinasabi nyang 'The Dead shall Rise' kapag pinapalabas nya ang wand nya na iyon ehh.. ma i-try nga

"The Dead shall Rise!" Biglang may lumabas na kulay lilang ilaw at nakakatakot na itim na aura!

Bigla namang lumabas ang wand na halos kasing size ko lang :/.. merong skull na lumulutan sa tuktok nito at mga vines na nakapalibot sa wand! nakakatakot >~<

Nang kunin ko ang wand nawala ang aura at parang.. lumipat saakin! ang nakakagulat ehh yung malalaking dolls na pinatayu ko kanina ehh.. naglalakad!! aahhhhhhh!! Kahit inuutusan kong tumakbo ang katawan ko.. nanatili ito sa pwesto at hindi manlang pumikit. wala akong choice! naalala ko ng nilipat nya ang mga kaluluwa ng taong patay sa mga manikang to.. :/ hindi ba.. kapag gumamit sya ng spell pwede nyang buhayin ulit ang patay at pasunurin ito sakanya? bakit nga ba ang bilis kong maging comfortable sa buhay at katawan nya?

Chapitre suivant