webnovel

The Next Generation of the Seventh Platoon

Blood XLI: The Next Generation of the Seventh Platoon

Zedrick's Point of View 

Sa isang kagubatan kung saan matatanaw namin ang ilog sa dulo mula rito ay inihinto na ni Miss Eirhart ang sasakyan niya para rito i-park. Tago ang lugar na ito kaya wala rin masyadong pupunta rito. 

 Maaga-aga rin kami nakarating dahil hating gabi ang alis namin sa K.C.A.-- Doon kasi ang meeting place. 

 "Okay lang kaya sina Zue ro'n?" Nag-aalalang tanong ni Vermione. 

 "Masyado kang nag-aalala sa kanila, they'll be okay. May nagbabantay naman sa kanila." Tugon ni Savannah at kinuha ang small bag niya na nakasabit sa back seat. 

Bumaba na kami sa sasakyan ni Miss Eirhart. Si Hades kaagad 'yong nauna para ilabas ang dapat na ilabas. Nagsuka siya sa gilid habang hawak-hawak ko naman ang noo ko. Nahihilo pa rin ako, kung alam ko lang na hindi maayos mag drive ang adviser namin, nag commute na lang sana ako. 

Inilingon ko ang tingin kay Vermione na kinakausap si Miss Eirhart habang inilalabas ang mga bubuhatin namin papunta sa rest house sa gitna ng kagubatan na ito. Hindi pa rin niya inaalis ang ngiti sa labi at parang wala lang sa kanya 'yong ride na iyon. Gayun din si Savannah na cool lang kumilos. 

Tiningnan niya ako't bumuntong-hininga. "I'm already used to it." Wika niya at nagpatuloy sa paglalakad dala-dala ang mga gamit. Sinundan ko siya ng tingin nang mapahawak ako sa bibig. Nababasa ba niya iniisip ko?! 

 Kumuha na nga lang din ako ng gamit na pwedeng buhatin bago sumunod kay Savannah, pero napahinto rin sa tapat ni Hades na ngayon ay nakaluhod habang nakasuport ang dalawa niyang kamay roon sa damuhan matapos magsuka. 

"Buddy, okay ka lang? Uminum ka muna kaya ng tubig?" Nag-aalala kong tanong. 

 Umiling-iling siya. "Ang ganda ganda ng adviser natin pero ang pangit niyang mag drive." Panloloko niya na narinig naman ng adviser namin kaya nag martsa si Miss Eirhart papunta sa kanya para apakan ang pwet niya na nagpadapa sa kanya. "Ara-- Please, be gentle-- Aack!" 

"If you're just going to slack off, I'll throw you away." Babala ng adviser namin kaya kaagad namang tumayo si Hades at nag salute na parang isang sundalo. 

 "Yes, sir-- Argh, amoy sigarilyo ka Miss! Ayoko na sa 'y-- Hindi na po!" Sinopa kasi siya sa sikmura ni Miss Eirhart. Ah, hindi na ito kasama sa training niya, eh. Child abuse na 'to. 

 

 Nagsimula na nga lang kaming maglakad habang na sa unahan lang si Miss Eirhart. Sinusundan namin siya tutal siya lang naman ang nakakaalam sa daan. Pinahiram lang talaga ni Mr. Okabe ang rest house na ito para sa amin, kumbaga kami na lang ulit ang makakatuntong sa lugar na iyon after how many years ayon sa kanya. 

 'Yung previous Seventh Platoon daw kasi ang huling gumamit no'n. Eh, ilang taon na ring nakalipas kaya masasabi kong matagal na rin talaga bago ulit mapuntahan. But does that mean we have to clean before we use it? 

***

TULALA KAMING NAKATINGIN sa malaking rest house. Wooden type ito at makikita ang kalumaan ng pag i-stay-an namin. Presko naman ang lugar dahil malapit lang din kami sa ilog at marami-raming paru-paro ang lumilipad sa paligid pero... 

"Wala bang kuryente rito?" Tanong ni Hades na isa rin sa iniisip ko. Ibinaba ni Miss Eirhart ang dala-dala niyang bag sa lapag pagkatapos ay tiningnan si Hades. Kahit iyon ang normal niyang tingin, para pa rin siyang mangpapatay. 

"Pumunta tayo rito for Camp Training, ano ba'ng inaasahan mo?" Kumamot si Hades sa batok niya na animo'y may gusto pang sabihin. 

"Eh? Then walang night party na magaganap?" Binigyan ko ng walang ganang tingin si Zedrick at inakbayan siya para hilahin siya paloob ng rest house. 

 "Tara na nga lang kamo!" Sinimulan ko na nga siyang igiya sa loob. 

 "Ang asim ng kili-kili mo!" Pang-aasar niya. 'Lagi kaya akong nagde-deodorant! 

Narating na namin ang pintuan kaya humarap ako kay Miss Eirhart para itanong ang susi sa kanya pero bumungad sa akin 'yong papuntang susi na kaagad ko namang nasalo saka binuksan ang pinto. 

Pumasok na kami sa loob ng rest house ngunit halos mapaubo kami sa sobrang alikabok nito. Ang dami pang supot! Sabi na nga ba't maglilinis kami, eh! 

Kasama ba ito sa magiging training namin as a vampire hunter? Saka pa'no naman namin maisisingit 'yong school works namin kung puro training lang ang gagawin namin? 

"As you can see, you have to clean the whole room before we're going to use it. Dito lang muna sa labas ang mga gamit." Ani Miss Eirhart at tiningnan kami isa-isa, "Tinapos n'yo naman siguro 'yong mga gawain ninyo sa K.C.A bago ang Camp Training natin ngayon, 'di ba?" Paninigurado niya. 

 Ngumanga naman ako noong tumango sila, si Hades na lang ang hindi kaya pa-simple akong lumapit sa kanya. "Buti na lang may kasama akong hindi nakagawa ng assignment and projects." Pabulong kong sabi. 

Napatingin siya bigla sa akin. "Eh? Nagawa ko iyong akin." Halos malaglag ang panga ko. Siya nakagawa, ako hindi?! 

 Naramdaman ko ang nagliliyab na aura ni Miss Eirhart kaya tumindig ang balahibo ko't dahan-dahan siyang nililingunan. Na sa likuran ko na kasi siya ngayon. "Miss Eirhart, I can explain?" 

"Vampire. Not because you're an exemption means you'll do anything you want. You went to K.C.A. to live like a normal student, panindigan mo." Mainahon pero mariin na sermon niya saka pumasok. Umakyat siya sa taas para siguro magtititingin. 

 Tinakot naman ako ni Hades na parang bata. "Hala, lagot ka. You upset her." Pang-aasar niya dahilan para mapahimas ako sa batok ko. Pumasok si Vermione saka kami nilingunan na may ngiti pa rin sa labi. 

 "We have to clean this up para makapagluto naman tayo't makapagpahinga. Gusto ko na rin talagang humiga" Tila parang napapagod na wika ni Vermione na may pag-unat pa bago maglililinga sa paligid. Tumango naman si Savannah bilang pag sang-ayon saka siya sumunod kay Vermione. 

  

 Maglilinis lang kami kaso ano ba itong nangyari? Bakit naging paligsahan bigla itong ginagawa namin? 

Ngumisi si Hades kay Savannah na pareho ng may hawak na mop. "Kung sino ang mauuna sa paglinis ng sahig, panalo. Pero para may thrill ang laro. The loser will have to follow the winner's order. How's that?" Panghahamon ni Hades na binigyan ng ngiti ni Savannah. She's on! 

"I don't need anything in particular pero hindi ako umaayaw sa hamon. I won't lose." 

 Tiningnan ni Hades si Vermione na may hawak-hawak ng stop watch, "Orasan mo kami, bebe Vermione!" 

Humakbang ako ng isa. "Sandali, kaysa magpaligsahan, maglinis na lang tay--"

"Go!" Pagbibigay signal ni Vermione kaya mabilis pa kay the Flash na naglaho ang dalawa sa paningin ko. May inuna silang nilinis na sahig. 

 

 Pahagis na binato ni Vermione ang stop watch niya sa sofa na medyo inalikabok pa saka ako tiningnan. "We should do our task too. But to make things interesting, kapag nanalo ako. You have to tell me why you have the ability to read minds and control them. Simple as that." 

 Vermione told us not long time ago ang tungkol sa kung paano namin nakuha ang partikular na abilidad-- ito ay galing sa mga desire ng isang normal vampires o kung ano ang nilalaman ng puso nila na hindi nila magawang mailabas dahilan para mamuo ang abilidad na mayroon kami ngayon. 

 But in my case, I have no idea why I got the Mind Reading and Mind Control--Absolute Order. 

 Wala akong kakayahan noon, nagkaroon lang ako ng ganitong abilidad 4-5 days bago ang trahedyang nangyari last 6 years ago. 

"That's impossible." Tugon ko pero nagkibit-balikat siya. 

 "Kung nakuha mo 'yong abilidad na 'yan, walang imposible. Kaya, game?" Kumuha siya ng basahan at pahagis na binigay sa akin. Hindi ko siya nasalo dahil napunta siya sa mukha ko. Kadiri! 

 Mabilis kong inalis sa mukha ko 'yong basahan. "No, I mean--"

 "Gooo!" Nagsimula na siya na hindi ko kaagad napaghandaan. Nilampaso namin ang sahig. Hindi na nga namin napansin na nagkabungguan na kaming lahat kaya ang nangyari, natapon 'yong laman ng timba kaya mas lalong nagkaroon ng kalat. 

"Hey! Timer ka, 'di ba?!" si Hades kay Vermione. 

 Bumuntong-hininga si Savannah pagkatayo niya. "Maglilinis nanaman tuloy." Parang napapagod niyang sabi 'tapos inis akong tiningnan. "Kaya hindi ka makapag girlfriend dahil ang clumsy mo." Hindi ako makapag girlfriend dahil ikaw ang gusto ko! Inaasar ba niya ako?

Tumayo na rin ako tulad niya upang harapin siya. "Kung makapagsalita ka 'kala mo nagkaroon ka ng boyfriend, why? Do you have that much dating experience under your belt?!" Hindi makapaniwalang tanong ko dahil medyo napikon ako. Saka magandang pagkakataon na rin ito para malaman ko kung nagkaroon nga ba siya ng love interest before. 

Nanlaki ang mata niya dahil sa naging tanong ko kaya bumungisngis ako, "See? You're so absorbed in your responsibilities of being the next head of K.C.A. that you have zero experience in such things! Ridiculous!" Paghawak ko sa noo ko't humalakhak. Oh, ano, Savannah? Hiyang-hiya ka na ba?! 

Namumula na ang mukha niya sa hiya. O baka sa inis? 

Argh, that sudden rush of guilt. "Idiot." Mahina pero sapat lang para marinig ko. 

I'm feeling bad after upsetting the girl I like, but at the same time, I still want to tease her. She's so cute. 

"Your adolescence is a lonely one, Sav!" turo ko sa kanya. 

 Mas namula siya kaysa kanina't umiwas ng tingin. "Silence. Ano ngayon kung virgin ako?" 

Pareho kaming nabilaukan ni Hades habang namangha naman si Vermione dahil bilog na bilog ang kanyang mata habang takip-takip ang bibig gamit ang dalawang kamay. "Oh my..." Kumento ni Vermione kaya hindi makapaniwalang tumingin si Savannah sa kanya. 

"What do you think of me?!" 

Namuo ang ingay sa buong kwarto ng argumento at tawanan, not realizing na kumpara noon, mas napapalapit pa ang loob namin sa isa't isa. 

Kung magpapatuloy ito, mas magiging maganda ang team work namin as the Next Generation of the Seventh Platoon. 

Eirhart's Point of View 

Walang emosyon lamang akong nakatingin kina Savannah mula rito sa kwarto na hindi naman lalayo mula sa kanila nang kunin ko ang litrato mula sa bulsa ko't binuksan. Tinitigan ang bawat mukha ng mga taong na sa litrato habang binabalikan ang mga alaala na kahit kailan ay hindi na pwedeng maulit pa. "Nakikita n'yo ba? Sila na 'yong hinihintay natin." 

"Isa na lang ang kulang," Dagdag ko pa't lumingon mula sa bintana. "...Na kung hindi ako nagkakamali, na sa tabi-tabi lang." 

Chapitre suivant