RHEK'S POV
May mga lalaki talagang poging pogi sa sarili. At isa na 'tong Kim na to for sure. Mygash! Kanina lang ako hinaharot nya, ngayong me binigay na ibang babae yung tropa nya, nakalimutan na ako... I mean yung obligasyon nya as a volunteer. Eto namang si ate mo gurl, masyadong obvious na type nya si Kim. Kating kati girl?
"Hoy!" pagtawag ko kay Noel na nakikinig na sa dinidiscuss ng isa sa organizers na design concept ng stage
Pagtingen nya, lumingon lingon pa sya bago napatanong, "Ahmm ako ba kinakausap mo?"
"Oo! Hindi mo ba tatawagin yung tropa mo? Kasali sya dapat dito sa discussion diba?"
Napatingin sya sa kaibigan nya, at ngumit bago nag "Yes mam! Tatawagin na po!"
Ngising-ngising naglalakad si Noel habang pinapanood ang tropa niyang lumandi ng babae. Ang mga mokong talaga na to! Ano bang akala nila sa aming mga babae? Laruan?
Pagkalapit nya, parang nakipagkilala muna sya sa babaeng kausap ni Kim bago nya niyakag na pumunta sa direction ko. Parang galit pa ngang naabala ang mokong, pero nung tinuro ako ni Noel sa kanya, parang natauhan at kinabahan tapos biglang ngumiti. Inirapan ko nalang sabay talikod.
KIM'S POV
"Lagot ka pre! Inirapan ka na! Wala kang ah-ah mamaya!" pang-iinis ni Noel saken
"Gago! Hahaha" ang siya ko nalang nasagot. Ano ba namang isasagot ko e medyo kinakabahan na nga ako. Kulang na lang balatan ako gamit ang tingin nya. Iba talaga ang mga babae pag nagselos. Kinausap ko lang naman e. Kamot-ulo na lang.
"Hey! Pinapatawag mo daw ako sabi ni Noel?" tanong ko sa kanya paglapit namin
"Ha? Ako? Ipapatawag ka? Sino ka ba?" tanong niya pabalik
"Hala? Galit na agad?" tanong ko ulit
"Ba't naman ako magagalit sayo? Wala akong paki sayo no!"
"Oy oy oy! Pinalapit mo nga siya kanina eh. H'wag mo nang itanggi! Yieee nagseselos!" pang-aalaska ni Noel
Inambaan ni Rhek ng suntok si Noel, and pandalas nagtago sa likod ko yung isa.
"So ba't mo nga ako pinalapit? Namimiss mo na ba ako?"
"Namimiss? Ikaw?" sabay panduduro saken "Eeww! Pinatawag kita kasi dapat dito ka nakikinig sa discussion, hindi kung sino sino kinakausap mo dyan!"
"Uhmmm okay…" So nagseselos ka nga?
"Hmmmp…" tumalikod lang siya bago nagsalita, "Makinig kayo. Dinidiscuss kung paano decoration sa pageant night ng tropa nyo."
"Galot ka gurl?" pabulong na sabi sa akin ni Noel matapos kumapit sa balikat ko
"Anlakas mo talaga mang-alaska eh. Pag nadinig ka nyan, wala akong kasalanan ha."
Tinulak niya akong bahagya, "Oy! Ipagtanggol mo naman ako sa jowa mo, pre!"
"Gago. Di ko pa siya jowa. Di pa. Hehe. Tara makinig na tayo."
Lumapit na ako sa tabi niya at nginitian siya, na ginantihan naman niya ng pagsimangot sa akin. Napailing-iling na lang ako nang nakangiti
RHEK'S POV
Bakit ba ako galit na galit sa kanya? Wala naman dapat akong paki diba? Hindi ko naman siya jowa to begin with. Nagmukha tuloy akong nagseselos nung sumabat yung Noel na yun. Ayaw ko lang siguro ng feeling na pumapansin siya ng ibang babae. Well, not that I care kung me nagpapansin sa kanyang ibang babae.
Maya-maya naman ay lumapit din siya sa akin at nginitian ako. Kunwari dinedma ko lang siya at nilayo ang tingin sa kanya. Pero now na napagmasdan ko siya, his smile is not so bad. There's a pleasantness in his cheerful eyes din naman pala. Wait! Shuta ano tong pinag-iiisip ko?
JELO'S POV
Pagkagaling ng CR, didiretso na sana ako sa sa court para sa practice pero me nadinig akong tunog na bell sa di kalayuan. Pagtingin ko sa pinagggalingan ng tunog, nakita ko si Mang Bert, yung nagtitinda ng ice cream sa loob ng uni. Medyo may katandaan na si Mang Bert kung pagbabasehan ang kanyang itsura. Pero bakas sa mata at labi nya ang pagiging masiyahin habang nag-i-sccop ng ice cream para sa kanyang customers. Masarap yung tinda nyang ice cream, sarili nyang gawa ang mga to at lahat fruit-flavored ay may tidbits kaya sure na sure kang malalasa mo talaga yung tunay na prutas at hindi yung artificial flavoring lang. And dahil me sweet tooth ako, syempre di lapit agad ako para bumili.
"Oh Jelo, kamusta? Your favorite ba?" nakangiting pagtatanong ni manong nung makita nyang papalapit nako.
"Opo Mang Bert! The usual, please" tugon ko.
Medyo naggive way yung iba nyang mga customers habang papalapit ako. Yung iba parang nakatanga na nakangiti. Napatigil tuloy ako nang konti kasi na-awkwardan ako bigla. Tila napansin din ito ni Mang Bert at ngumiti ito nang bahagya bago nagpatuloy sa pag-scoop nya ng ice cream. Nagdecide na din akong tumuloy sa paglapit.
"Ba't wala yung dalwa mong tropa?" tanong ni manong saken bago inabot ang isang cup ng ice cream na me tig-isang malaking scoop ng ice cream flavors na favorite ko: langka at pinya.
"Ahmmm asa court po sila, tumutulong sa pagdedecorate para sa event." sagot ko
"Ah so papunta ka din dun para tumulong?"
"Hindi po. Pupunta ako para magpractice. Ako po representative ng college namen." At nadinig kong nagsimula nang magbulungan ang ibang mga estudyante na nakapaligid sa amin ni Mang Bert.
"Ohh ayos yan! Buti napilit ka na ngayong taon. Balita ko since first year pa kayo, ikaw na inaalok para magcompete sa ganyan eh"
"Naku Mang Bert, di naman po kase ako gwapo para magrepresent ng college namen eh hehe"
"Hindi sa hindi ka gwapo, mababa lang confidence mo sa sarili, di ba mga iho, mga iha?" pagtatanong nya sa mga nakapaligid samen, na tinugunan naman ng pagtango-tango.
"Oh sya o sya! Mabuti pa ay simulan mo nang kainin yang ice cream mo at matutunaw na yan"
"Err-- okay po" yun na lang ang naitugon ko bago isubo ang iniscoop ko na pineapple flavor
Unang subo pa lang, panalo na talaga ang ice cream ni manong. Antamis na may konting asim, mararamdaman mo pa sa dila mo yung tidbits. Napangiti at napapikit ako nang konti dahil sa sarap, napahawak pako sa pisngi. Sinavor ko muna ng ilang sandali yung flavor bago nagmulat at nagulat kase lahat ng nakapaligid saken nakatunganga.
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81