webnovel

Prologue

Sa resort ng mga Smith sa Batanes nakipagkita si Ares, ang binatang tagapagmana ng pinakamalaking kompanya sa Pilipinas, ang Maxwell Group of Companies, kay Mr. Smith. May mahalagang bagay daw dapat silang pag usapan. Nag usap sila ng masinsinan sa exclusive office ni Mr. Smith sa resort nang makarinig sila ng tunog ng takong na papalapit sa pintuan ng opisina. Napatigil ang pag- uusap ng dalawa at naghintay sa pagbukas ng pintuan.

Nang bumukas ang pintuan, bumungad sa kanila ang isang napakagandang dalaga, nakasuot ito ng black skinny jeans, body fit na shirt na pinatungan ng black leather jacket. Nakablack boots ito na nasa three inches ang haba ng takong at nakapang-ultraviolet eye glasses. Walang pasintabing umupo ito sa dulong upuan ng opisina at pinatong na pakrus ang paa sa mesa.

Nang tinanggal nito ang eyeglass lalong lumitaw ang ganda nito dahil sa kanyang mala-crystal na mata, tiningnan nito ng masama ang dalawang taong nasa harapan niya.

"Spill it now!" maawtoridad na saad nito.

"What do you want from me?"

Napailing si Mr. Smith sa inasta ng dalaga. Ngumiti ito sa dalaga at bumaling kay Ares.

"She's like your mother, Ares. Kuhang-kuha niya ang pananalita at kilos ng nag-iisang babaeng kinahuhumalingan ko noong araw. She's the first woman I adore next to my wife. Kung hindi lang ako naunahan ni Zues, sana ako na ang naging asawa ng ina niyo," saad nito kay Ares.

Ngumiti ang binata kay Mr. Smith. Hindi lingid sa binata at ng dalaga ang ugnayan ng mga magulang nila at ni Mr. Smith. Alam nila ang kwento ng kabataan ng mga ito.

"Naku, tito hindi lang ikaw ang may compliment na ganyan sa kapatid kong yan. Pati nga po si Tito Ricardo ay ganyan ang komento, but my apologies to her behavior."

"It's okay, Ijo. Nasanay na ako sa mga babaeng ganyan. Tsk, ganyan din ang tita mo lalo na yong naglilihi siya sa panganay namin. That woman is an 'angel wannabe', but definitely bitchier than your mother, di lang pinahalata sa ibang tao. Ewan ko ba why I fall for her."

Pagkasabi niyon ni Mr. Smith nagtawanan silang dalawa.

"Hala tumawa kayo ng tumawa diyan upang mapagkamalan kayong mga baliw. Should I call some mental personnel right now?"

Inis na turan ng dalaga na siyang ikinatigil nila. She rolled her eyes to them.

"Bat ba pinapunta ninyo ako dito? For pete's sake, kagagaling ko lang ng Italy, pinaderetso na agad ako ng bakulaw na iyan dito sa Batanes. Pinakuha lang naman niya ang iilang bagahe ko kay Butler Ming. Hindi man lang inisip na nahihilo ako sa biyahe. What a heartless brother!" Sermon ng dalaga sa kuya niya.

Di mapigilan ni Mr. Smith na tawanan ang dalawang panauhin.

"Hindi ko naisip na ito ang magiging bunga ng nag iisang Hera Venus Perez at nag iisang Zeus Skyler Maxwell."

"Tsk!"

"Don't mind her tito. That's her way to say that she misses me so much." Saad ng binata.

" Whatever."

She rolled her eyes.

"I see. Para naman makapagpahinga na itong kapatid mo, sasabihin ko na ang sadya ko. Ija, alam mo naman kung sino ako, right?"

"Matagal lang po tayong hindi nagkita but I do know you Mr. Smith, a lot about you of course," sagot ng dalaga.

Simula kasing namatay ang mga magulang nila Ares hindi na nila pinakilala ang dalaga sa karamihan.

"Masyadong pormal ang Mr. Smith, Ija. Tito na lang. Kaya ka namin pinapunta dito ay dahil gusto kung pabantayan sa iyo ang aking anak."

"What?!" Mabilis na reaction ng dalaga at napatayo sa pagkakaupo. "Ano ito kuya, gagawin ninyo akong baby sitter, in short isang Yaya?!"

"Hey, calm down Athena. Hindi ka magiging baby sitter." Pagpakalma ng kuya niya.

Nanatili parin ang dalaga sa pagkakatayo at naghihintay sa susunod na sasabihin ng kuya niya.

"Nakatanggap kasi si tito ng mga death threats noong mga nakaraang buwan at nitong huling linggo. Ang masaklap pa pinunterya ang mga kasapi ng pamilya niya."

Napabuntunghininga ang dalaga. Bumalik ito sa pagkakaupo at pinagpasyahang makinig muna sa mga sasabihin nila. Saka na lamang siya magrereaact pagkatapos. Naglalakbay na ang isip nito, pagkalahad pa lang sa sadya ni Mr. Smith.

"Babantayan mo ang kababata natin na si Kenneth. I know you knew him. He is with me in AMA. That means sa akademya ka na natin mag-aaral."

"Nahihibang ka na yata kuya. Bakit ako? I hate that man. Baka ako pa ang unang makapatay sa kanya. And you know I'm capable to do that, my dear brother. And come on dearest brother ako ba pinagloloko nyo? Besides may mga tauhan na man kayo tito na handang ibuwis ang kanilang buhay para maprotektahan lang ang kanilang masters."

"Iha, ikaw na nagsabi na maloko ang anak kung iyon. Naiinis iyon kapag may palaging nakabuntot sa kanya. I tried to put two of my most dangerous men to him in a secret way but he discovered it. At palagi niya itong tinatakasan. My son is a delinquent one and he's very much capable to protect his ownself, but in my own observation and conclusion his abilities are not good as yours, Athena. Hindi iyon nag-iisip. Pinapairal lang ang emotion niya. I know ,above all of us, he is the main target of this treats. Hindi ko kayang protektahan ang pamilya ko ng mag-isa. Kaya dumulong na ako kay Ricardo para dito. At ikaw ang napili niya na bigyan ng misyong ito. I owe this one, young lady." saad ni Mr. Smith.

"And my dear sister, sa gusto mo man o hindi, you have no choice but to accept this mission, besides it is tito Ricardo's order. If I'm the only one to decide, hindi ko rin hahayaan na ikaw ang maghandle ng misyon na ito. But I don't have a choice, it's an order from above. They think it is the right choice to do in this situation. About your papers in St. Paul, napaayos ko na ang mga iyon kay Butler Cheng."

Napailing iling na lang ang dalaga.

"So, no choice na pala ako, bakit niyo pa ikinunsulta sa akin? Tss."

"So that you'll understand the situation well, my princess." Sagot ng kuya nito.

"Tsk! Okay fine, mission accepted. If that bastard gives me a problem. Malilintikan siya sa akin. Mark my words!"

"Hanggang ngayon ba Athena, may issue ka pa rin kay Kenneth? At hanggang ngayon din hindi ko pa mahinuha bat aso't pusa kayo kung magturingan ni Kenneth."

"Tche."

————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————

Chapitre suivant