webnovel

Paglaya

"Mahal na mahal kita Ruth" bulong ko sa babaeng kaharap ko.

"Mahal na mahal din kita Eric" sagot niya nang nakangiti.

"Patawarin mo sana ako sa pagkakamali ko sa'yo" wika ko, hindi ko mapigilan ang luha na walang tigil sa pagdaloy.

"Napatawad na kita Eric" siya ulit.

Gabi-gabi kong ginagawa ito. Gabi-gabi akong humihingi ng tawad sa pagkakasala ko sa iyo.

Kahit alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko. Kahit kailan ay hindi ko magagawang patawarin ang sarili ko.

"Ruth, gusto kong bumalik ka sa akin. " muling sabi ko habang hawak ang dibdib kong sobrang sakit na sa nararamdaman ko.

"You know I can't" malungkot na wika mo.

Alam ko naman, alam kong hindi ka na sa akin.

"Ano ang dapat kong gawin Ruth, para mapatawad mo ako?" Muling tanong ko.

"Alam mo kung ano ang gusto ko Eric" siya muli.

"I can't, you know I can't. How am I supposed to live without you?"

"Please, pagod na rin ako" siya ulit.

Ang tagal kong tinitigan ang mukha niya, kita ko ang paghihirap niya. Isa-isa kong tinitigan ang bawat parte ng mukha nito na minahal ko sa matagal na panahon.

"Kung sana, hindi ako umalis ng gabi na 'yon. Hindi ka sana nawala sa akin" muling bulong ko, habang walamg tigil ang luha ko sa pag bagsak.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan. Hanggang doon na lang talaga" ikaw ulit.

"Mahal na mahal kita Ruth," muling sabi ko habang pinipigilan ang mapahagulgol.

"Pinapalaya na kita" bulong ko.

Hanggang doon lang ang kaya ko, ibulong ang nais mo kahit sobrang nasasaktan ako.

"Salamat Eric" sabi mo kasabay nang pagtulo ng luha mo.

At unti-,unti ka na ngang naglaho sa paningin ko.

Itinakip ko ang mga palad ko sa aking mukha, habang inaalala kung paano ka sa akin nawala noong gabing iyon, kung paano ka kinuha ng aksidenteng iyon.

"Time of death, 2:30 am"

-Anino

Chapitre suivant