webnovel

Special Chapter - Reasons why

Nakita niyo na kung paano ko binihag ang puso niya (naks!). Nakita niyo na kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko bago ko nasabing akin siya. Nakita niyo na kung paanong unti unti, napa-ibig ko siya.

Pero ang hindi niyo pa nakikita, ay kung ano siya dati sa'kin... nung tropa pa lang ang tingin ko sa kanya.

Ang kung paano ako nahulog sa isang tulad niya... mga dahil kung bakit nagkagusto ako sa kanya.

And here... are my reasons why.

~~~~~~

Tandang tanda ko pa, grade 8 kami no'n nang makilala ang isang pangalan sa buong eskwelahan. Hindi dahil sa matalino siya o maganda o atleta siya—hindi. Nakilala siya dahil sisiga-siga siya. Basagulera, laging nakakaaway ng teacher o intern, suki ng principal's office—lahat na.

Grade 8 'yon nang magsimulang gumawa ng ingay sa buong eskwelahan ang pangalan niya.

Basagulera.

Siya 'yung tipo ng babae na sa unang tingin sasabihin mong harmless siya. Looks could be deceiving ika nga kaya 'wag kang padadala sa panlabas na anyo niya. Tipong 'pag nakasalubong mo siya, mapapahinto ka... sabay tabi kasi dadaan siya at kung haharang-harang ka, paniguradong makakatikim ka.

Magkakabarkada na kami nu'n nina Kid at Ken; sila pa lang ang mga ka-close ko no'n. Sina Maiko at 'yung iba pa, nakakausap pero hindi pa ganoong ka-close.

"Pre, nakita mo na ba 'yung Palm Top Tiger ng section 8? Kingina! Sinikmuraan daw 'yung isang siga din na kaklase niya, tumba, e! Tangina, kaliit liit lakas ng kamao! Take note, babae pa!" nailing na kwento ni Ken habang umiinom ng softdrinks niya.

"E gago din naman kasi 'yung sinikmuraan niya, e. Tsinansingan daw kasi 'yung isa nilang kaklase na maganda. Ayun, nakatikim tuloy siya." Dagdag naman ni Kid sabay tapon ng plastic ng softdrinks niya sa basurahan.

"Ahh... so ipinagtanggol lang naman pala niya 'yung kaklase niya? At least may matinong rason naman pala." Sabi ko na sinasabayan sila sa paglalakad.

"Pero kahit na 'no! Principal's office na naman tuloy siya! Tapos 'yung sinikmuran niya, ayun! Diretsong clinic!" ani Ken sabay tawa. "Tangina napaka weak!" nailing pang sabi niya.

"E ba't hindi ikaw ang magpabugbog do'n? Ta's tingnan natin kung mabubuhay ka pa pagkatapos?" hamon ni Kid na nangingiti na.

"Ulol! E ba't di ikaw? Mahal ko pa buhay ko 'no! Saka sayang ang gandang lalaki ko kung magpapabugbog lang ako sa kung sino!"

"Gago, anong gandang lalaki? So inaamin mong bakla ka? Tsaka kung sa aspetong kagwapuhan, pre, wala ka sa kalingkingan namin ni Kid!" pang-aasar ko pa sabay apir kay Kid na tawa na nang tawa.

"Oo nga. Tsaka pre, 'yung ganda wala ka na nga nu'n, e. 'Yung lalaki? Hmm... teka hahanapin ko muna kung saang banda," dagdag ni Kid sabay takbo. Sumunod ako sa kanya at iniwan naming ang nagwawalang si Ken na parang tangang sigaw nang sigaw sa driveway. Haha!

"Tangina nitong dalawang 'to, o! 'Pag ako nagka-girlfriend who you kayo!" Lalo kaming natawa sa isinigaw niya kaya sumagot kami ng, "Gago! Malabong mangyari 'yon!"

Lumipas ang mga araw at linggo, patuloy pa rin ang issue tungkol sa kanya. Sa totoo lang para nga siyang artista, e. Kasi kahit saang kwarto ka pumunta, pangalan niya ang maririnig mong pinag-uusapan. Kesyo warfreak daw, kesyo nakakatakot daw, short-tempered, at kung ano ano pa. Ewan ko kung paano niya natagalan ang mga usap-usapang 'yon tungkol sa kanya.

One time napadaan ako sa klase nila, maingay ang klase nila as usual. Walang teacher kaya lalong maingay at malayang gawin ang kung ano ano. Nakita ko siya nasa isang sulok lang. Mag-isa... walang kausap. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana na parang bagot na bagot sa buhay niya. Tapos biglang may isang lalaking kaklase niya ang biglang tumumba sa kanya. May tumulak ata o nakikipagkaladyaan at hindi sinasadyang tumama sa kanya.

Nakita ko kung paano niya tingnan ng masama 'yung kaklase niya. Kung paano matahimik ang lahat at napatingin lang sa kanya. Kung paanong manginig ang tuhod nung kaklase niya saka paulit ulit na mag-sorry sa kanya. At kung paanong halos maiyak sa takot 'yung lalaking 'yon nang kwelyuhan niya at tingnan ng masama sabay sabing, "Kung magkakaladyaan kayo, dun kayo sa walang masasaktan. Nasa eskwelahan kayo, mga gago. Wala kayo sa playground."

Mahina pero may diin, ganoon niya binigkas ang mga salitang 'yon bago niya patulak na binitiwan 'yung lalaki sa kwelyo niya at lumakad palabas ng kwarto nila. At dahil nga nasa labas ako ng room nila, nagkasalubong kami at saglit na nagtama an gaming mga mata. Nakaramdam ako ng kilabot, oo. Tipong parang kaya niyang pumatay sa tingin kaya mas gugustuhin mong umiwas at 'wag makipagtitigan sa kanya.

Gano'n ang epekto niya sa lahat... at 'di ko inaasahang miski sa'kin pala.

Matapos no'n ay lumakad na siyang tuluyan. At do'n ko lang din napakawalan 'yung hininga kong pinipigil ko pala.

Nang mapatingin ulit ako sa room nila, ganun din ang eksresyon ng mga kaklase niya. Nawala na 'yung aura'ng parang may mamamatay habang nasa paligid siya. 'Yung tipong ramdam mong may mangyayaring masama sa'yo sa oras na makabangga mo siya.

Nang magsimula na ulit akong lumakad ay narinig ko pa ang mga usapan nila bago ako tuluyang makalagpas sa klaseng 'yon;

"Tangina! Akala ko ako na 'yung susunod na isusugod sa clinic!"

"Grabe talaga si MJ 'no? Bakit ganun kaya 'yung isang 'yon? Parang mamamatay tayo kung makatingin. Nakakakilabot!"

"Ayoko nang maging kaklase 'yung isang 'yon! Hayop. Kabababeng tao napapatiklop tayo!"

At marami pang ibang usap-usapan... lahat tungkol sa kanya at sa ginawa niya.

Nang makabalik ako sa room namin at makaupo ako sa upuan ko, di ko mapigilang mapaisip sa mga nakita ko. Sa kung gaano katakot ang mga kaklase niya sa kanya, sa kung paanong kaya niyang patigilin ang hininga mo sa mga tingin niya, at sa kung paanong kinakaya niya ang lahat ng 'to na sila lang mag-isa. Lahat 'yon tumatakbo sa isipan ko ng buong maghapon.

Tumunog ang bell. Tanda na uwian na kaya naman nagkukumahog ang lahat sa pag-aayos ng mga gamit nila para makauwi na. Para akong lutang habang nag-aayos ng gamit dahil di pa rin mawala sa isip ko 'yung tungkol sa kanya.

"Huy, pre! Okay ka lang?" bati sa'kin ni Ken dahilan para matauhan ako. Nilingon ko siya at marahang tumango saka muling ibinalik ang atensyon sa paglalagay ng aking gamit sa bag.

"Kanina ka pa parang ewan ah? Anyare ba?" Usisa pa niya. Ngumiti lang ako ng bahagya at marahang umiling. "Wala, may iniisip lang," tinapik ko siya sa braso saka marahang tumango. "Sige una na 'ko."

May kalayuan ang bahay namin mula sa school pero ewan ko, gusto kong maglakad pauwi ngayon. Sa daan, may nakakasabay akong mga estudyante rin na, siguro, mga pauwi na rin. 'Yung iba siguro gagala pa muna o di kaya magfo-food trip sa kung saan. Tipikal na Gawain ng mga estudyante tuwing uwian.

Nang medyo nakalayo layo na ako mula sa school, meron akong nadaanang isang eskinita. Madalas, mga batang naglalaro ang nakatambay dito. Naglalaro ng habulan, piko, tagu-taguan at kung ano ano pang larong kalye. Pero sa pagkakataong 'to, iba ang nakita kong nandito. Hindi mga bata, hindi mga maglalaro. Kundi limang lalaki na nakapalibot sa isang estudyante rin. Nakauniporme ng uniporme ng eskwelahan pinapasukan ko. At nang makita ko ng mas malinaw ang mga mukha nila...

Nakita ko siya... na napapagitnaan nila.

Nagtago ako sa isang gilid. Pinag-iisipan kung tutulungan ko ba siya o ano? Kung aawatin ko ba sila o hindi? O kung manonood na lang ako at titingnan kung kaya din niyang ang away na'to.

"Oy miss, naliligaw ka ata? Hindi bagay ang mga tulad mo sa mga lugar na tulad nito. Teka nga, high school ka na ba o grade schooler?" anang isa sa mga lalaki na ikinatawa ng mga kasama niya.

"Di na mahalaga kung ilang taon na siya. Aba! E kung tutuusin sinuswerte na nga tayo dahil may napadpad na isang binibini dito!" sagot naman ng isa saka tumawa na parang manyak.

Muli ko silang sinilip par asana tingnan kung nanginginig na ba siya sa takot pero may isang bagay akong nakalimutan tungkol sa kanya; Kung saan ang gulo, doon siya pupunta. Dahil 'yon ang teritoryo niya.

Nang lumapit ang isa sa kanila na may nakapangingilabot na ngiti, at hawak siya sa kanyang braso, doon na siya nag-umpisang kumilos. Sinangga niya ang kamay ng lalaki saka siya umikot dahilan para mapalipit ang braso nito. Matapos ay sinikmuran niya ito saka binigyan ng isang matinding suntok diretso sa ilong nito. Nakita kong umagos ang dugo sa ilong ng lalaki, dahilan para sumugod na rin ang iba para pagtulung-tulungang siya.

Pero sa dami ng kalabang meron siya? Di ko man lang makita sa mukha niya ang pangamba. Ang tanging makikita mo lang sa kanyang mga mata ay galit at ang kagustuhang bugbugin nang sobra ang mga lalaking nakapalibot sa kanya... at isang ngiting nakapangingilabot makita.

Sa bawat pagsugod ng mga kalaban niya ay agad niya itong naiiwasan. Kasunod ang matitinding bwelta niya sa mga ito na para bang sumasayaw lang siya ng isang sayaw na kahit sino'y di kayang sabayan. Bawat pagtama ng mga suntok at sipa niya ay nagreresulta ng matinding tama sa mga kalaban. Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang mamangha sa kanya.

Habang nasasaksihan ko ang live na street fight na'to, biglang pumasok sa isip ko 'yung isang eksena sa pelikula na napanood ko. 'Yung eksenang sumigaw 'yung bidang babae ng "geyngster!" do'n sa bidang lalaki nung mabunggo siya nito at matumba siya.

Pero sa eksenang 'to, pakiramdam ko ako 'yung mapapasigaw ng "geyngster!" dito dahil sa mga nakikita ko. Para siyang character sa Street Fighter na nagkatotoo.

Five versus one ang laban pero halos mapatumba na niya ang lahat... liban sa isa na nasalikod niya. Hawak ang kahot na nakapa ko sa aking gilid kanina ay sumugod ako patungo sa nag-iisang natitira at buong lakas na hinampas siya sa likod niya. Nang bumagsak ito ay agad kong hinawakan ang kamay niya saka siya hinila palayo sa lugar na 'yon.

Takbo lang kami nang takbo. Walang patutunguhang direskyon basta ang importante ay makalayo kami doon at makapagtago sa mga lalaking 'yon. Nang lumingon ako sa likuran naming para tingnan kung nasundan kami ay nakitang wala na sila kaya naman hinila ko siya sa isang eskenita para magtago doon at para makapagpahinga.

Pabagsak kaming umupo sa sahig. Parehong habol hininga at pawis na pawis sa pagtakbo. Magkaharap kami kaya kita ko ang mabilis na paghinga niya sa kanyang bibig at ang pagtagaktak ng pawis sa kanyang noo. Isinandal ko ang ulo ko sa pader saka patuloy siyang pinagmasdan. Nang makabawi sa pagod ay matalim niya akong tiningnan dahilan para mapalunok ako.

"Bakit ka ba nangialam, ha? Sino ka ba at anong pake mo?!" pagalit niyang sabi, dinig na dinig ang inis sa kanyang boses na para bang kasalanan ko pang tinulungan ko siyang tumakas.

"Kasi kahit na kaya mo silang bugbugin, paano kung may mga resbak pa ang mga 'yon at pagtulung-tulungan ka? Sige nga? Tsaka paano kung may itinatagong kutsilyo o baril 'yung mga 'yon, ha? Kaya mo bang sumangga ng kutsilyo o bala?" sarkastiko ko namang sagot, inis na rin dahil parang mali pa na tinulungan ko siya.

"Tss," umiling siya at saka tumayo. "Sa susunod, manood ka na lang ulit sa isang sulok. 'Wag mo akong pakialaman dahil kaya ko ang sarili ko. Di ko kailangan ng tulong mula sa kahit sino." Aniya saka lumabas ng eskenita at lumakad palayo.

Bahagya akong natigilan dahil sa mga sinabi niya. Kung gano'n pala, alam niyang may tao sa paligid at naonood sa kanya. Muli kong isinandal ang ulo ko sa pader, pinagmasdan na lang ang papalayo niyang pigura. Muling nanumbalik sa isip ko 'yung mukha niya na may kaonting galos pero hindi naman kasing lala kagaya ng natamo ng mga nakaaway niya. Natatawang naiiling ako habang inaalala ang mga nangyari.

"Grabe. Iba ka talaga sa lahat," nangingiti kong sabi bago tumayo at lumakad na rin pauwi.

Trash talker, palamura, mahilig mambara.

Tatlong buwan magmula nang magsimula ang pasukan, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Nagulat kami isang umaga ng lunes, nang pumasok ang adviser namin, kasunod siya nito. At nang tumayo sa harap si Ma'am, doon na niya in-announce ang isang bagay na ikinagulat ng lahat.

"Siguro naman kilala niyo na siya di ba?" panimula niya. "Simula ngayon, dito na sa section ninyo masasama si MJ. Sana pakitunguhan niyo siya ng maayos at magkaroon sana siya ng mga kaibigan sa inyo," nakangiting sabi ni Ms. Celine. Bumaling siya kay MJ at nakangiting tinanguan ito, "MJ, doon ka sa bakanteng upuan sa tabi ni Felix."

Bulung-bulungan ang maririnig mo. Lahat nakatingin sa kanya habang lumalakad siya paupo sa kanyang upuan—na sa kasamaang palad ay sa tabi ko. Nakabalatay 'yung pagka-bored sa mukha niya. Tipong mas gusto pa niyang mag-cutting kesa makinig sa teacher na nagsasalita.

"Bakit kaya siya nilipat dito? Diba section 8 'yan?"

"Nakakapagtaka nga, e. Pwede pala 'yun, 'no?"

"Naku! Baka tayo naman ang mabugbog niyan! Nakakatakot daw 'yan 'pag nagwawala!"

"'Wag kayong masyadong maingay baka marinig kayo!"

Iba't ibang side comments mula sa mga kaklase namin... lahat ng 'yon di niya lang pinapansin. Palihim ko siyang pinagmasdan. 'Yung uniform niya na hindi maayos, 'yung palda niyang mas mahaba sa normal, 'yung blouse niyang nakalilis ang manggas, 'yung buhok niyang nakatago sa sombrero niya—pormang gangster talaga. Tsk.

"MJ, nasa loob tayo ng classroom so kung pwede, pakitanggal mo muna 'yung sombrero mo," masuyong pakiusap ng adviser namin. Nakangiti siya at para kang nilalambing ng boses niya kaya naman lahat kami, sumusunod sa kanya. Mabait din siya, sobra. Maganda at lagi pang nakangiti kaya kahit badtrip ka, gaganda bigla ang mood mo. Kaya nga inggit na inggit ang ibang section sa amin dahil sa'min siya napunta.

Pumalatak siya at umirap, pero tinggal din naman ang sombrero niya at ipinasok sa kanyang bag. Nakita kong mas mapangiti si Ma'am Celine pero nawala rin nang biglang dumukmo sa kanyang desk si MJ. Mahina siyang napabuntong hininga at napailing. Pati ata siya susuko na agad sa kanya.

Nagpatuloy ang araw namin. Klase, lectures, assignments, hanggang dumating ang lunch break na pinaka iintay ng lahat. Nang marinig ang bell, nagmamadali ang lahat na lumabas para makabili ng kani-kanilang lunch. 'Yung iba may baon na kaya din a kailangang pumila ng pagkahaba haba sa canteen.

"Felix! Bili tayong softdrinks sa canteen!" aya sa'kin ni Ken na kasama na si Kid. Tumango ako sumunod na sa kanila. Nung halos palabas na ako ng pinto, napatigil ako sa gulat nang may nakipag-unahan sa aking makalabas ng pinto. Nang sundan ko ng tingin kung sino, napngiwi ako nang makitang si MJ pala 'yon.

"Creepy nung isang 'yon, 'no? Kala mo kabuti sa liit, e! Ta's kung saan saan sumusulpot!" napapailing na sabi ni Ken na tinawanan naman ni Kid.

"Gago, baka marinig ka nun makatikim ka ng upper cut na di mo malilimutan," natatawang sabi ni Kid saka nagsimulang lumakad na palabas.

Syempre, maiingay na naman ang buong paligid. Nagkalat ang mga estudyanteng sasa labas ng mga room. Meron ding nagtatakbuhan, mga babaeng nakatambay at nagpapapansin sa mga seniors, mga baklang nagcha-chinese garter, at kung ano ano pang mga tipikal na eksena sa isang eskwelahan.

Sa canteen, ayun, ang haba na naman ng pila. Pero sa pila ng softdrinks, mabilis lang dahil softdrinks lang naman ang mabibili mo do'n (malamang). Nang kami na ang bibili at nang makuha na namin ang mga softdrinks namin, agad din kaming lumabas doon.

"Bakit kaya nalipat sa'tin si MJ, 'no? From section 8 to section 2? Pwede pala 'yon, 'no?" simula ni Ken na, as usual, chimoso kaya ganyan.

"Siguro naisip nila na kung ililipat nila sa mas mababang section si MJ, mas lalala lang. Mas magiging wild. Kaya ang ginawa nila, parang reverse psychology. Na imbes na mas ibaba, sa taas nila inilagay." Paliwanag naman ni Kid.

"Pero bakit hindi pa siya inilagay sa section 1? Bakit sa'tin pa?" tanong ko naman.

Ibinaba ni Kid ang iniinom niyang softdrinks saka kami tiningnan ng masama ni Ken. "E ba't hindi kayo kay Ma'am Celine magtanong? Teacher ba 'ko?" inis na sabi niya saka nagpatiuna. Nagkatinginan na lang kami ni Ken at parehong napailing.

Dalawang buwan ang lumipas, nakakapagtaka pero magmula nang malipat siya sa amin, wala pa kaming nababalitaang na-trobol siya o nakipag-away. Miski sa ibang section. Pwede mong sabihing nag-behave siya dahil kahit paano talaga, parang bumait nga siya. Siguro dahil kay Ma'am Celine. Madalas ko kasing makitang pinapaiwan niya si MJ para kausapin.

Nagiging active na rin siya sa mga klase. Nagpa-participate siya sa mga recitations at masasabi mong hindi naman pala siya bobo dahil meron siyang ibubuga. Sa mga quizzes, nakakasabay din siya at hindi rin mabababa ang nakukuhang score. Siguro nga maganda na nalipat siya sa'min. Pero isang bagay lang ang hindi pa nagbabago ni nag-iimprove sa kanya...

Wala pa rin siyang mga kaibigan...

Sinusubukan naman siyang kausapin ng mga kaklase namin. Sumasagot naman siya pero one liner lang. Kulang na lang oo at hindi na lang isagot niya sa mga ito kaya naman nagsasawa na rin 'yung ibang kausapin siya.

Isang umaga ng Miyerkules, maaga kaming pumasok kaya konti pa lang ang nasa klase. Kakwentuhan ko sina Kid at Ken nang biglang pumasok si Jin kay MJ na busy sa pagsa-soundtrip sa cellphone niya. As usual, para na naming may sariling mundo at mag-isa. Sa labas ay kita ko ang pagtatawanan ng mga barkada ni Jin na sina Ben, Kevin, Ray, Riz, Eliza, at Maiko. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Jin ay halata kong napipilitan lang siyang lumapit kay MJ. Miski sina Kid at Ken napatigil sa ginagawa nila at napatingin sa dalawa. Na-dare siguro 'tong isang 'to.

Tumikhim siya at dumiretso ng tayo. "M-MJ!" tawag niya dito na halatang ninenerbyos. Nag-angat naman ng tingin 'yung isa at bored na tiningnan siya. "P-Pwede b-bang... P-Pwede b-bang... PWEDE BANG MAKIPAG-SELFIE SAYO?!" Dire-diretsong sabi niya na wala na atang space.

Nangunot ang noo ni MJ at saka tinanggal ang earphones na nasa tenga niya. "Anong sabi mo?" aniya sa tonong malamig pa sa yelo.

Napalunok si Jin saka tumingin sa likod niya kung saan kita ang mga barkadang niyang tawa nang tawa. 'Yung isa nagvi-video pa ata. "Tangina niyo mga hayup kayo! Makakabawi din ako!" bulong niya habang nakatingin ng masama sa mga tropa niya sabay dirty finger sa kanila. Muli siyang humarap kay MJ na masama na ang tingin sa kanya. "A-Ang sabi ko... whoo tanginang dare 'to!" pabulong niyang sinabi ang huli. "K-Kung pwede bang m-makipag-selfie s-sayo... katuwaan lang naman pramis di ko ipagkakalat!"

"Aba... tibay din ng ngala-ngala nitong si Jin, ah. Sabagay imbes na hamunin ng suntukan mas okay nang makipag-selfie na lang," patango-tangong komento ni Ken na may nakasubo pang lollipop sa bibig.

Pinagmasdan ko ang ekspresyon ng mukha ni MJ. As usual ang hirap pa ring basahin. Poker face na akala mo galit. Hindi mo mawari kung mataray ba, kung sisiga-siga ba, kung maldita ba o ano. Basta ang hirap niyang tantsahin.

Nang tumayo siya sa kinauupuan niya, gusto kong matawa dahil hanggang dibdib lang siya ni Jin. Alam mo 'yung feeling na suspense 'yung palabas kaso biglang nagging comedy kasi 'yung killer ay maliit? Langya. Buti napigil ko ang tawa ko!

Inilahad nito ang kamay niya sa harap ni Jin dahilan para mapayuko si Jin na akala mo kukutusan siya ni MJ. Napatigil din ang hininga ng lahat pero mas nakakagulat ang sinabi niya dito.

"Akina ang cellphone mo."

Lahat kaming nasa klase, napatanga. As in may napanganga pa talaga na itago na lang natin sa pangalang Ken. Di na niya pinansin 'yung nahulog niyang lollipop dahil napatunganga na lang siya kay MJ na akala mo tinubuan pa 'to ng isa pang ulo. Dinig ko din ang malutong na mura nina Ben sa labas.

Nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya si Jin. Di rin makapaniwalang pumayag ito sa kalokohan niya. "T-Talaga? P-Pumapayag k-ka?"

Tiningnan siya ni MJ diretso sa mata na para bang naiinis na dahil ang tagal niya. "Oo nga, di ba? Akina nang matapos na'tong kalokohang 'to." Aniya saka muling inilahad ang kamay kay Jin. Dali dali naman nitong kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa, binuksan saka ito ibinigay sa kanya. Tumalikod siya kay Jin at itinapat niya kanilang dalawa ang front cam sabay pakita ng dirty finger na nakatutok kay Jin. Matapos no'n ay ibinalik niya ito sa huli saka muling naupo sa upuan niya. Si Jin naman ay parang shock na shock pa rin at parang mamahaling Kristal kung hawakan ang cellphone niya habang palabas siya ng classroom papunta kina Ben na pinapalakpakan siya.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko pero bago pa man niya maibalik sa tenga niya ang eraphones niya ay tumayo na ako sa harap niya. Hawak ang cellphone sa aking kanang kamay, naglakas loob akong lumapit sabay, "Ako din. Pa-selfie din."

Narinig ko ang malulutong na mura nina Kid at Ken sa likod ko pero hindi ko sila pinansin. Ngumiti pa ako kay MJ sabay pakita ulit ng cellphone ko sa kanya. Tiningnan niya muna ako nang masama, umirap sabay gulo ng buhok na para bang nabubugnot. Pero tumayo din siya sabay sabing, "Tangina. Ano ba ako, artista?"

Pero ayun. Nakapag-selfie naman ako kasama siya. Di lang isa kundi higit pa. Haha!

Sinong mag-aakala na dahil pala sa selfie na 'yon kaya kami magiging close? Dahil sa selfie na 'yon nasama kami sa tropahan nina Ben. At unti unti, nasama na din siya sa amin. Bandang gitna ng taon, isang buong barkadahan na talaga kami. Sabay sabay nagla-lunch, minsan tumatambay sa bahay ng isa sa'min, kung may assignment uso na ang kopyahan—at kung ano ano pang kalokohan. Nasanay ako dati na tatlo lang kami nina Kid at Ken na magkakabarkada pero ngayon... mas lumawak at lumaki na an gaming circle of friends.

At alam niyo ba? Si MJ pala ay may itinatagong sikreto. Sikretong natukalasan lang namin nung maging ka-close naming siya. Ano? Hindi pala talaga siya isnabera. Hindi rin siya tahimik lang at mas gustong mag-isa. At lalong hindi siya kasing seryoso ng ipinapakita niya noong una. Dahil si Mary Jane A. Sedrano, ay isang trashtalker, mas palamura, at napakahilig mambara!

Una niya kaming na-sample-an nung minsan na naglalaro sila ng Color Switch. Nagpapataasan ng score at kung sinong may pinaka mataas na makuha... edi wow. De biro lang. Kung sino kasing matatalo ay manlilibre ng coffee jelly'ng binebenta sa labas ng school namin. Kaya naman parang life and death ang labanan kung magpataasan sila... at magmurahan kung magge-game over bigla.

Nag-jack-en-poy muna para malaman kung sinong una. Lunch break kaya naman mahaba haba ang oras ng laro namin. Lahat naka-game face na akala mo isang milyon ang premyo. Nauna si Ken, sunod si Jin, pangatlo si MJ, tapos ako, sunod sa'kin si Kid, ta's si Ben, si Kevin, at panghuli si Ray. Sina Maiko, ayaw daw. Manonood na lang daw sila. Cellphone ni Ken ang ginamit dahil nakapag-full charge daw siya.

At nagsimula na nga ang ikot ng tagay este—cellphone niya.

Unang syempre si Ken. Lahat kami nakatutok sa kanya. Level 1 pa lang pero napapakunot na ang noo niya. Tapos napapagalaw na siya sa upuan niya na para bang siya 'yung tumatalong bola dun sa laro. Syempre para kaming tanga na napapagaya sa kanya. After 30 seconds, ayun na. Game over na siya.

"Ay kinginang 'yan! 3 lang?!" inis niyang sabi sabay pasa kay Jin ng cellphone niya. Kami naman tawa nang tawa dahil inis na inis siya.

"Wala... mahina ka pala, Ken, e. Tangina, 3 lang!? Hahahaha! What and see pag ako na!" buska naman ni MJ na di pa man pero nagyayabang na.

"Aba aba... First round pa lang nagkakainitan na agad ah!" natatawang komento ni Maiko na tagatantos ng score namin.

"Mamaya na kayo magyabangan! Kailangan ko ng katahimikan!" saway sa kanila ni Jin. Hinipan pa niya ang mga kamay niya saka pinagkiskis 'to. 'Kala mo naman may magagawa 'yun.

Nang i-start niya ang game, nagtawanan na agad kaming lahat. Pa'no, unang pindot pa lang talo na agad. Hahaha!

"Ay kingina mo, Jin! Hahaha! 'Asan ang yabang mo, ah? Tangina, unang pindot pa lang game over na!" tuwang tuwa ni MJ sabay batok kay Jin nang malakas. Kakamot kamot naman ng ulo 'yung isa at halatang nabwisit din dahil talo agad siya.

"Okay, ako na! My turn!" ani MJ na ngiting ngiti pa. Inayos niya 'yung cap sa ulo niya nang pabaligtad tapos ay ipinahid sa palda ang kamay. Nang mag-start siya sa game, tahimik kaming lahat. Nakasiksik sa kanya para makita kung makakailan din siya. Ang kaso, nung medyo tataas pa sana siya, bigla siyang nabahing dahilan para mapindot niya nang todo 'yung screen at mag-game over 'yung laro. At dun na. Dun na nagsimula ang paglilitanya niya ng mura.

"Ay tangina teka teka! Di dapat kasama 'yon! Nabahing ako, e!" depensa niya dahil inaagaw na sa kanya 'yung cellphone.

"Aba e di na namin kasalanang na-hatching ka, 'no! Di naman kami 'yung dahilan, e," sagot ni Ken na panay pa rin ang kuha sa cellphone niya para ibigay sa akin. Alam kasi niyang di ako makikipag-agawan. Mamaya masira ko pa 'yon edi 'yari pa ako sa nanay ako.

"Walaaaa! Tangina naman, o! Ang daya! Di dapat counted 'yun, e!" pagpipilit pa rin niya. Bigla siyang bumaling sa akin at tiningnan ako ng masama, "Si Felix kasi, e! Ang baho kasi nitong fucker na'to! Na-hatching tuloy ako!" sisi niya sabay hampas sa braso ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil biglang ako ang nakita niya at isinisi pa sa akin ang pagkatalo niya. Aba! E di naman ako papayag na tatawagin akong mabaho kahit hindi naman, 'no! Amoy Surf fabcon kaya ako! "Hoy, MJ! Ikaw may maituro ka lang, ah! Tanggapin mo na lang kasi na natalo ka hindi 'yung maninisi ka pa ng iba!" sagot ko sabay kuha ng cellphone sa kanya. Bago pa siya makabawi ay sinumulan ko na agad ang game dahilan para matahimik siya—silang lahat. Pero habang naglalaro ako, bulong siya nang bulong ng kung ano ano na akala mo may bubuyog sa tabi ko.

Nalampasan ko 'yung score ni MJ na 5. Nakaabot pa ako sa mas mataas bago ako nag-game over. Pa'no, bigla niyang sinagi 'yung siko ko. Tiningnan ko siya ng masama no'n pero nginisihan lang ako sabay dirty finger.

Nagpatuloy ang laro namin pero hindi sa mahinahong paraan. Lahat ng sumunod, tina-trashtalk na niya. Tipong kung ano anong sasabihin sayo mawala ka lang sa focus at mag-game over ka. Naalala ko pa 'yung sinabi niya kay Ken na ikinatawa talaga naming lahat miski mga kaklase namin—na nakapalibot na pala sa'min at nakikinood.

"Ok, si Ken supot na! Whoo tangina easy lang 'to haha!" narinig kong bulong niya nang si Ken na ang maglalaro. Napatingin ako sa kanya no'n at napangiwi. Miski ako siguro ang makarinig no'n mawawala ako sa focus. Aba e nakakalalaki, e!

Nang magsimula si Ken, nagsimula na rin si MJ sa panggugulo. "Ayan na... ayan na po si Ken na tanging supot sa tropa. Si Ken na hanggang ngayon di pa tuli kaya maliit pa rin 'yung kanya..." ani MJ na akala mo commentator sa isang basketball game. Nagtawanan naman ang lahat at nagsimulang asarin din si Ken na kunot na kunot na ang noo.

"Ahh... supot ka pala, Ken ah. Tina-trashtalk ka ni MJ, o!"

"Kung ako 'yan ibababa ko muna nilalaro ko, o!" kantyaw ng mga kaklase naming lalaki na tawa na nang tawa.

"'Pag natalo, supot talaga! Guilty, e!" segunda naman ni MJ na lalong ikinatawa ng lahat.

At ayun nga. Nag-game over si Ken sa score na .

"Ugh! Tangina nitong si MJ lakas mang-inis! Nakita mo na ba at ang lakas mong magsabi, ha? May pruweba ka?" hamon ni Ken na halatang inis na. Nang tumayo siya sa kinauupuan niya ay siyang tayo rin ni MJ sabay ngisi sa kanya. "E bakit? Di ba halatang maliit 'yang iyo? Ni wala ngang bumabakat, e!" pambabara niya na dahilan para maghiyawan ang lahat. Nang ambang lalapit pa si Ken ay agad na naming silang pinaupo at pinakalma.

Sinong mag-aakalang dahil lang sa Color Switch ay magsusuntukan na 'tong dalawang 'to? Sabagay literal na below the belt naman kasi 'yung mga banat ni MJ, e.

"Oy, kalma! Laro lang 'yan, aba! Chill lang kayo ah!" saway sa'min ni Archie, class president namin na nanonood din pala.

"Oy, Ken. 'Wag ka ngang masyadong mabilis mag-init ang ulo. Tandaan mo dalawa 'yang ulo mo, mamaya mailto kung saang ulo siya iinit ikaw din." Biro ni Kid na ikinatawa ng lahat.

"Whoo tangina! Berde na! Kwentong ulo na, e!" tatawa tawang sabi ng isa naming kaklase.

Nagpatuloy ang laro hanggang sa anim na ikot. Nang i-total ang mga scores, ako ang may pinakamataas na nakuha—38. At ang natalo? Ayun, si MJ at si Ken sa pinaka mababang score na 15.

"Ikaw pala ang weak, MJ, e! Hahahah! Tangina, 15? Puta parang score ko sa exam ah!" kantyaw ng isa pa naming kaklase sa kanya.

"Heh! Pakyu ka! Itinulad mo sa score ko sa score mo sa exam! Gagu! Go to hell evaporate!" ganti naman niya sabay dirty finger dito. Tinawanan lang silang dalawa ng mga kaklase namin saka bumalik sa kanya kanya naming mga pwesto dahil parating na ang susunod naming teacher.

"Tanginang 'yan, 15? Hayup na Color Switch 'yan. Ida-download ko talaga mamaya nang makapag-practice!" inis niyang bulong sa sarili na patago kong tinawanan. Ayan kasi. Puro yabang agad, e.

At natapos nga ang araw namin na puno ng murahan, panta-trashtalk at barahan.

Lumalaklak ng alak, careless, at berde...

Nang maging tropa ko sila, marami-rami na rin akong na-experience nang dahil sa barkadahan namin. Bukod sa lagi kaming nagkokopyahan 'pag may assignment pala na hindi alam ng iba, food trip sa may overpass kung saan makakabili ng 10 pesos na burger, calamares at iba pang street food, di mawawala 'yung may BI (bad influence) sa tropa niyo. 'Yung tipong para kayong idedemonyo para gawin ang isang bagay na di niyo pa nagagawa noon. At sa tropa namin, alam niyo ba kung sino? Kung sino ang nagpasimuno na uminom kami, isang araw after ng periodical exams namin?

Syempre, walang iba kundi si MJ.

Friday no'n at kakatapos lang ng "hell week" namin. Buong linggo, naging busy kami sa mga tests at paggawa ng projects. Kaya naman nang nag-Biyernes, para kaming mga ibon na pinakawalan galing sa kulungan.

"Sa wakaaas! Natapos din ang exams, langya! Nakakabobo 'yung gabi gabi kang mag-aaral imbes na mag-DOTA!" ani Jin na nag-iinat pa. Sinang-ayunan naman ito ni Ken na nakipag-high five pa dito.

"Tss. Edi sana hindi ka na nag-enroll para hindi ka na namomroblema sa exams, gago! Pwede namang puro DOTA ka na lang at 'wag nang mag-aral, e," bara naman sa kanya ni Eliza sabay tawa. Sabay sabay kaming naglalakad palabas ng kwarto namin nang magpatiuna si MJ at humarang sa harap namin.

"Alam niyo ba kung ano ang masayang gawin kapag ganitong mga panahon?" tanong niya na may ngiting alam mong hindi maganda ang kasunod na sasabihin. Na-curious naman sina Jin at Ken at sabay na nagsabi ng, "Ano?"

Lalong lumapad ang ngiti niya dahilan para lalo akong kabahan. "Edi mag-inuman."

At ayun nga. Dahil mas malaki ang chance ng mga ayaang biglaan, kahit na mga under age pa kami, doon unang na-devirginize ng alak ang mga bituka namin. Except kay MJ na mukhang sanay na sanay na dahil hindi na niya kailangan ng chaser. May mga dala rin kaming damit dahil bago dumiretso doon ay umuwi muna kami. Pangit naman kasi 'yung nag-iinuman kami na nangaka-uniporme kaming lahat. Lalo kaming mukhang pariwara.

Sa bahay kami nina Ken nag-inuman dahil wala daw ang parents niya ng tatlong araw. Ayos na rin para kapag nalasing kami, meron kaming tutulugan at hindi kami pupulitin sa kalsada. Nagpaalam ako kina Mama na mag-oover night kami kina Ken at pumayag naman siya. Pero di ko sinabing may inuman dahil baka magulpi ako ng tatay ko.

GSM Blue, Red Horse, Empi light, Tanduay Rhum... 'yan ang mga alak na unang sinala ng mga atay namin. Bumili lang kami ng mga chichirya para pampulutan at ayun. Sige sige na sa pagtagay! Meron pa ngang ginawang iba't ibang pinoy cocktails si Ben na nakita daw niya sa internet. Merong "Punyeta" (rum, iced tea at pineapple juice), "Mestiza" (rum, Red Horse, at coke), "Poison" (GSM Blue, Mountain Dew, iced tea), at "Kagatan" (condensed milk, kape, rum). Kaya naman di na kataka-taka na wasted kaming lahat dahil daig pa namin ang nag-barista sa paghahalo ng mga inumin namin.

Habang kami, halos masuka na sa lasa ng mga iniinom namin, si MJ ayun at parang tubig at softdrinks lang ang iniinom. Tinatawanan pa niya kami 'pag meron nang konting tulak na lang tumba na, o di kaya ay pulang pula na sa kalasingan.

"Ay nako, mga totoy pa nga kayo," naiiling na sabi niya habang pinagmamasdan ang mga kasama naming hilong hilo na. Ako man na hindi naman sanay sa inuman ay konti na lang bibigay na. Sa bawat tagay kasi na nilulunok ko, ramdam na ramdam ko 'yung guhit ng alak sa lalamunan ko. Samahan pa ng pait nito, langya. Di ko maintindihan kung bakit maraming mahilig dito.

Nang pakiramdam ko hindi ko na talaga kaya, tumayo na ako. Pagtayong pagtayo ko pa lang, ramdam na ramdam ko na ang tama ng alak sa'kin. Sina Ken, Jin, Ben at Ray, kanta nang kanta. Sina Maiko naman, ayun lang at panay ang kwentuhan. Si MJ? Ayun nakikipagpatagalan pa sa Red Horse na hawak niya.

Sinubukan kong humakbang pero pakiramdam ko umaalon ang paligid ko. Na para bang hindi patag ang nilalakaran ko. Kumapit ako sa mga pwedeng pagkapitan para hindi naman ako matumba at ayun, nakarating ako sa loob ng bahay nina Ken. Nang makita ko ang sofa ay doon na lang ako pumwesto ng higa. Di ko na kasi kakayanin kung aakyat pa ako sa taas nila kung saan nando'n ang mga kwarto. Kahit na umiikot na ang lahat sa paningin ko ay aninag ko pa rin kung sino ang sumunod sa akin.

"Tss. 'Wag kang susuka d'yan ah? Nakakahiya sa erpats ni Ken!" paalala niya na hindi ko alam pero natawa ako. Sumaludo pa ako sa kanya sabay takip ng braso sa aking mata. Antok na antok na ako.

Napabuntong hininga siya sabay palatak. "Tangina. Magiging tagapag-alaga pa ata ako ng mga lasing, ah?" narinig kong sabi niya bago pa ako tuluyang makatulog na.

Kinabukasan, nagising ako na parang uhaw na uhaw. Nang idilat ko ang mga mata ko ay agad na akong inatake ng matinding sakit ng ulo na kung tawagin ay hangover. Pinilit kong tumayo at sa lapag ay nakita kong doon na pala nahiga ang iba. Patung-patong at kung papapaanong higa ang ginawa. Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sa sakit nito.

Nakita ko si Ken na lumabas galing kusina, may hawak na tasa ng mainit na kape at mukha ring sabog pa gaya ng iba. "Tangina pala ng hangover 'no? Sakit sa ulo, grabe!" daing niya sabay upo sa isa sa mga upuan sa sala nila.

Napailing ako at bahagyang natawa. "E ginusto naman natin 'to, e," sagot ko na ikinatawa rin niya. "May gamot ba kayo sa sakit ng ulo?"

Tumango siya habang humihigop ng kape niya. "Try mo dun sa medicine cabinet namin sa cr. Ang alam ko meron, e," aniya sabay turo sa cr nila. Tumango ako at saka tumayo na. Nang nasa tapat na ako nito ay sinubukan ko itong pihitin, hindi naka-lock kaya pumasok na ako.

Naghagilap ako ng gamut sa medicine cabinet nila. Tanga ko naman dahil di ko naman alam kung anong gamot sa hangover. "Shit. Ano ba dito ang gamot sa hangover?" tanong ko sa sarili ko habang iniisa isa ang mga pangalan ng gamot na meron.

"Tingnan mo kung may vitamin C tsaka Mucolytic sila. 'Yun ang pinaka effective para sa hangover," anang isang boses sa likod ko na agad ko naman sinunod kaso wala akong makita. "Wala naman silang—" Ewan ko kung dahil sa epekto pa ng alak pero late ko nang na-realize na boses ng babae 'yon. Nanlaki ang mga mata ko at agad napalingon sa likod ko para lang mapatingin ulit sa harap dahil ang walangya, si MJ pala!

At nakatapis lang siya ng tuwalya!

"Shit MJ! Anong ginagawa mo dito?!"

"Gago, edi nagbibihis! Di ba obvious?" sarkastisko niyang sagot.

Muli akong napamura. "E bakit hindi ka nagla-lock ng pinto?! Malay ko ba namang may tao pala e hindi naman naka-lock!" sigaw ko sa kanya, nakatalikod pa rin.

"Tss. Arte mo! Para naming may makikita ka sa'kin e pareho lang tayo!"

Lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kanya dahil hindi ba niya ma-gets 'yung logic na babae pa rin siya at lalaki naman ako? Ano bang masama kung pagalitan ko siya sa hindi niya pagla-lock ng pinto? "MJ, kahit na magkakaibigan tayo, isipin mo pa rin na babae ka at may mga kasama kang lalaki. Paano kung hindi kami ang kasama mo, ha? Tapos may ibang pumasok dito at naabutan kang ganyan ang ayos mo?! Alagaan mo naman ang sarili mo!"

"Alam mo ikaw? Ang arte mo para kang babae. Dami mong satsat ang aga aga nakakainit ka ng ulo!" sigaw niya pabalik sabay bato ng tuwalyang ginamit niya sa likod ko. Nang humarap ako ay papasarang pinto na lang ang naabutan ko.

Shit. Wala ako sa katinuan kanina pero biglang nawala 'yung sakit ng ulo ko nang maalala ko 'yung itsura niya! Napahampas ako sa pader at pagalit na binuksan ang pinto para lumabas.

Nang sundan ko siya ay nakita kong papunta siya sa kusina kung saan naroroon na ang lahat. Sina Maiko, nakapagluto na ng almusal. "Uy good morning!" nakangiting bati niya. Hindi ko ito sinagot at muling bumaling may MJ na chill lang na umiinom ng kape niya.

"Sana naman MJ matuto kang making kasi concern lang ako sayo—kami na barkada mo." Agad lumapit sa'kin si Kid at hinawakan ako sa balikat para awatin. "Oy ano na namang pinag-aawayan niyo, ha? Ang aga naman niyan," saway niya.

"E 'yang si Felix, umariba na naman ang pagka-OA. Maliit na bagay pinapalaki. Tss," sagot niya sabay irap.

Malakas akong napabuga ng hangin at di makapaniwalang napatingin sa kanya. "Maliit na bagay? Maliit na bagay 'yung hindi mo pagla-lock ng pinto ng cr habang nagbibihis ka?! E tangina naman pala! So okay lang sa'yong pasukin ka ng kahit sino habang nakatwalya ka lang, ha?!"

"T-Twalya? Si MJ? Tapos pumasok ka?" nanlalaki ang mga matang tanong nila.

"Hindi ko naman sadya, e. Malay ko ba! Hindi nga kasi siya nagla-lock ng pinto kaya nung pumasok ako para kumuha ng gamot ay naabutan ko siyang nakaganun!" depensa ko naman. Lumapit sa kanya sina Riz, Eliza at Maiko, pilit ding pinapakalma dahil alam nilang mag-aaway na naman kaming dalawa.

"MJ, tama naman kasi si Felix. Di mo dapat hinahayaang di naka-lock 'yung pinto ng banyo lalo na kung nagbibihis ka," malumanay na paliwanag ni Riz sa kanya. Pero imbes na makinig sa kanila, pabagsak niyang inilapag sa lamesa ang tasa niya saka nag-walkout. Panay ang tawag nilang lahat sa pangalan niya pero tuloy tuloy lang siya at parang walang naririnig.

Napabuntong hininga na lang ako at napahawak sa bewang ko. Kung minsan talaga sobrang hirap niyang tantyahin! Asar!

Tinapik ako sa balikat nina Kid saka bahagyang ngumiti. "Pabayaan mo muna siya. Nag-walkout 'yun kasi alam niyang mali siya. Di niya lang matanggap."

Tumango na lang ako at umupo na rin upuan na nakapaikot sa lamesa.

Napagdesisyunan naming tumambay na lang muna kina Ken at 'wag munang umuwi. Sila nando'n sa sala at abala sa pagmo-movie marathon. Ako, mas pinili kong tumambay sa labas ng bahay nila Ken. Meron kasi silang duyan sa ilalim ng puno ng mangga, malago ang mg adahon nito kaya naman nakalilim kahit taas na ang sikat ng araw. Tatamtaman lang ang init ng panahon at nakakapresko ang ihip ng hangin kaya mas ginusto kong tumambay na lang do'n.

Mahina umuugoy ang duyan, sabay ang banayad na pag-ihip ng hangin. Nakatulong din siguro 'yung mainit ng kape na ininom namin kanina dahil unti unti, nawawala na ang sakit ng ulo ko. At dahil tahimik ang paligid, unti unti ay nakaramdam ako ng antok. Hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero nang idilat ko ang mga mata ko, hindina ganoon kataas ang sikat ng araw. Nang bumangon ako mula sa pagkakahiga ay nahulog sa kandungan ko ang isang supot ng isang kilalang drugstore. Kinuha ko ito at tiningnan ang laman, tig-apat na tablet ng Vitamin C at Mucolytic at kapirasong papel. Binuklat ko ito at agad na nakilala kung kaninong sulat kamay ito.

"Eto na 'yung gamot sa sakit ng ulo mo sa taas. Oo na tama ka na. Ako na ang mali. Tss."

Napangiti ako sa nabasa ko dahil alam na alam ko kung sino ang nagbigay. Si MJ. And knowing her, this is her way of saying sorry. Masyado lang siyang nahihiyang sabihin sayo ng direkta. Di rin nakalampas sa'kin 'yung "ulo sa taas" na tinutukoy niya. Lalo lang lumawak ang ngiti ko kaya naman napatingin na lang ako sa taas.

Parang tangang nakangiti.

Ewan ko ba.

Sa tagal ng pagiging magkakaibigan namin, marami-rami kaming nalaman sa isa't isa. Maraming alaalang pinagsamahan, kalokohang pinagdaanan, away at di pagkakaunawaan na nalampasa, at marami pang iba. Pero sinong mag-aakalang sa mga bagay na 'yon, doon ko mahahanap ang dahilan para ako magkagusto sa kanya?

Basagulera? Okay lang. Basta ba alam kong tama naman ang ipinaglalaban niya at nasa tabi niya ako 'pag napapa-trobol siya.

Trashtalker, palamura, mahilig mambara? Ewan ko pero sa tuwing may tinatrashtalk at binabara siya, di ko mapigilan matawa. Doon ko kasi nakikita kung gaano kabilis gumana ang utak niya para may mai-comeback sa kaaway niya, e. 'Yun nga lang, minsan sumusobra na siya kaya minsan kailangan mo nang awatin kundi, mauuwi sila sa suntukan. At 'yung pagiging palamura niya? Well, kaya ko naman 'yong tanggapin, e. Pero kailangan ilagay din niya sa lugar bawat salitang bibitiwan niya. Pangit kasi 'yung konting kibot, mura. Natutuwa, mura; nagagalit, mura; nagulat, mura—lahat na lang ng gagawin di pwedeng mawawala 'yung mura sa salitang bibitiwan niya. Alam kong matagal-tagal bago mawala 'yon sa kanya pero meron naman kaming habang-buhay para itama 'yon, di ba?

Lumalaklak ng alak, careless, at berde? 'Yung pag-inom niya, 'yon ang isa sa mga kailangan kong bantayan sa kanya. Aba, ayoko naman nung hindi pa nga kami kasal e mawawala na siya 'no! Ayokong maagang mabyudo! 'Yung pagiging careless niya? Ako nang bahala do'n. Ano pang silbi ko kung di ko naman siya mababantayan di ba? At 'yung pagiging berde niya, hay nako. Sige okay lang. Basta sa'kin niya lang ipinapakita 'yung gano'ng side niya. Gusto ako lang 'yung kabiruan niya sa mga gano'n—sige, pwede na rin kasama ang barkada.

Ilan lang 'yan sa mga bagay na nung una ay ayaw na ayaw ko pero paglipas ng panahon ay natutunan ko ding tanggapin. Mga dahilan kung bakit mas gusto ko siyang mapalapit sa akin. Mga dahilan para masabi ko sa sarili ko na gusto ko siyang protektahan (kahit na alam kong kaya niya ang sarili niya), gusto ko siyang ingatan at pahalagahan (kahit na pakiramdam niya hindi siya mahalaga), at mahalin ng lubos... sa kung sino at ano siya.

Kasi ang mga tulad niya ay walang katulad. Mahirap mahanap. Kaya naman hinding hindi ko na pakakawalan pa.

Isang text ang aking natanggap. Napangiti ako nang makitang si MJ 'yon.

From: My Mary Jane <3

Hoy! Punta ka dito sa bahay dala ka lafang. Marathon tayo ng DOTS. Bilisan mo ah! Ingat!

Napailing ako at agad na lang tumayo sa aking higaan para magbihis. Paano ba 'yan, pinapatawag na ako ni Commander. Kailangan ko pang mamili dahil flying kick ang ibibigay no'n 'pag wala akong dala.

Hanggang dito na lang muna at salamat sa patuloy na pagsuporta sa aming kwento. A story on how I tamed a bad girl... my bad girl.

Aaaaand we're finally done! I'm glad that you spared some of your time and spirit stones voting this story. Sana nagustuhan mo ang kwento ng kaharutan nina Felix at MJ.

From the very buttom of my heart, again, thank you for reading this story.

DarkLeaguecreators' thoughts