webnovel

Meet my Parents

Lala's Pov

Naupo si mommy sa tabi ko at si daddy nakatayo malapit sa amin. Tinitigan lang ako ni daddy at hinihintay na magsalita.

"Mom, dad, ok na po ako. Wag na po kayong mag alala. Nasa mabuting kalagayan na po ang baby ko." sabi ko.

"Huwag mag alala? May lalaki daw na nagpupumilit na pumasok dito tapos muntik ka nang makunan. Tapos sasabihin mo wag mag alala?" sigaw na tanong ni dad.

"Daddy..... Sorry." naluluhang sabi ko.

"Good afternoon po sir at mam." sabi ni Zeus.

"At sino ka naman? Ikaw ba ang ex ng anak ko?" tanong ni daddy.

"Hindi po ako yun. Ako po yung ama ng dinadala ni Lala." sabi pa nya.

"Aba matapang ka! Ang lakas ng loob mong humarap samin." sabi ni daddy.

"Wala naman po akong intensyong masama. Gusto ko po sana kayong makausap tungkol kay Lala. Gusto ko po syang panagutan. Kung kinakailangan pong magpakasal kami ay gagawin ko po." sabi nya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Zeus!" sigaw ko.

"Bakit totoo naman gusto kitang panagutan. Anong masama dun?" sabi nya.

"Hindi pa nga tayo lubusang magkakilala at isa pa ayokong magpakasal dahil lang sa buntis ako. Ayokong matali tayong dalawa dahil sa bata." sabi ko.

"Anong masama Lala. Pwede nyong kilalanin ang isat isa. Malay nyo kayong dalawa pala ang para sa isat isa." sabi ni mommy. Tumahimik na lang ako.

"Sir, pwede ko po ba kayong makausap?" tanong ni Zeus kay daddy.

"Sige mag usap tayo sa labas." sagot ni daddy.

Lumabas sila ng opisina ko. Kaming dalawa na lang ni mommy ang natira.

"Sigurado ka bang okay lang kayo ng apo ko?" tanong ni mommy.

"Mommy okay na po kami ni baby. Naagapan naman po eh." sabi ko.

"Ano bang nangyari at muntik ka nang makunan?" tanong ulit nya.

"Dumating po yung ex boyfriend ko at nanggulo. Mabuti na lang po nandito si Zeus at hindi nakalapit sakin yung ex ko po." paliwanag ko.

"Maige pa ipaban mo na yang ex mo. Dapat ata may bodyguard ka na para hindi na maulit ito." sabi ni mommy.

Hindi na ako umimik alam ko naman na para sakin ang sinasabi ni mommy. Kahit di ko gusto ang ganung set up ay susundin ko pa din sila. Nadala na ako sa paglilihim ko sa kanila.

"Hindi na po kailangan. Simula po ngaun ako na po ang magbabantay kay Lala. Kapag naman po kailangan ako sa opisina ko sisiguraduhin ko po na may kapalit ako." sabi ni Zeus na ikinangiwi ko. Kakapasok lang ulit nila ni daddy. Siguradong araw araw ko itong makikita.

"Sigurado ka ba iho. Meron naman kaming tauhan na magbabantay kay Lala. Baka hindi ka na rin makapagtrabaho nyan." sabi ni mommy.

"Okay lang po talaga. Mapapanatag lang din po ako pag ako mismo ang kasama ni Lala." sagot ni Zeus.

"O sya sige, aalis na kami ng mommy mo Lala. May kailangan pa kaming tapusin sa isang kompanya natin." sabi ni Daddy.

"Bakit kasi hindi nyo na ipaubaya kina Lily at Liam ang ibang negosyo natin. Kaya na nila yun." sabi ko.

"Pinag iisipan na namin. Siguro sa susunod itetrain na namin sila. Kailangan nang magpahinga ng mommy nyo." sabi ni daddy.

"Nabalitaan ko nga po sabi ni uncle Aquamarine. Mommy alagaan mo sarili mo ha. Gusto ko pang makita nyo na lumaki ang baby ko. Pati ang magiging baby nila kambal in the near future hahaha." sabi ni Lala.

"Ewan ko ba sa kuya mo ang bagal. Naunahan mo pa. Akala ko sa kanya ako unang magkakaapo. Biruin mo highschool pa lang magkasintahan na sila." sabi ni daddy.

"Oo nga hindi gumaya sa daddy nyo. Inasawa ako agad hahaha." sabi ni mommy.

"Akala ko nga po mga kapatid kayo nila Lala." sabi ni Zeus.

"Ikaw iho bolero ka." sabi ni mommy.

"Talaga po, unang kita ko sa inyo ni Sir Jk kala ko mga kapatid nya po kayo. Ang bata nyo po kasi tignan." sabi pa ni Zeus.

"Pagkagraduate kasi namin nabuntis agad mommy nila. Kaya talagang bata kami tignan. Hay naku baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito. Aalis na kami Lala. Alagaan mo ang mag ina mo Zeus." sabi ni daddy.

"Makakaasa po kayo sir." sagot ni Zeus.

Umalis na sina daddy at mommy at naiwan kami ni Zeus sa opisina ko. Nahiga naman muna ako sa kama ko. Medyo nahihilo na ako at ayokong pwersahin ang sarili ko at baka mapaano ang anak ko.

"Ibigay mo sakin ang cellphone number mo para matawagan kita kapag susunduin na kita. Isa pa kung may papabili ka tawagan o itext mo lang ako." utos ni Zeus.

"Ayoko nga. Di mo naman kailangang gawin yun. Pwede naman sa mga bodyguard namin." sabi ko.

"Sinabi ko na sayo at sa parents mo Lala na kargo na kita. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na pananagutan kita." sabi nya.

"Bakit mo ako pananagutan Zeus dahil ba sa anak natin? Bakit, mahal mo ba ako Zeus?" tanong ko. Sigurado naman akong napipilitan lang ito dahil sa nabuntis nya ako.

"Kung sasabihin ko ba sayo na oo, maniniwala ka ba?" sagot nya.

"Imposible naman Zeus. Alam ko napipilitan ka lang dahil sa nabuntis mo ako. Hindi mo nga ako lubusang kilala." sabi ko.

"Kaya nga ako nandito kanina para makilala kita. Lalo pa nung nalaman ko na buntis ka lalo akong nagkaroon ng dahilan para puntahan ka." sabi nya.

"Ang kulit mo. Wala ka bang trabaho at gusto mo palagi akong bantayan?" tanong ko.

"Meron, pero natakbo naman ng maayos ang negosyo ko kahit hindi ako nakaupo sa opisina ko. Mas mahalaga kayo ng anak natin." sabi nya.

"Ewan ko sayo. Bahala ka na sa buhay mo." sabi ko. Ayaw nya paawat eh di wag.

"Simula ngayon kapag may lakad ako, sina Tom at Wilson ang magbabantay sayo. Sisigurasuhin ko na hindi makakalapit sayo ang ex mo." sabi nya.

"Whatever." binuksan ko na lang ang tv at nanuod na lang ako. Nakita ko sa commercial ang ramen. Natakaw ako, hindi ko namamalayan na sobra na pala akong naglalaway sa ramen dahil nagsalita si Zeus.

"Gusto mo bang bilihan kita nya? Kanina ka pa titig na titig sa kumakain ng ramen. Tulo na laway mo oh hahaha." sabi nya. Napasimangot naman ako.

"Huwag ka nang sumimangot dyan. Gusto mo ba? Magpapabili ako kina Tom." sabi pa nya.

"Sige at tsaka gusto ko din ng milktea." sabi ko.

"Yun lang ba?" tanong nya at tumango ako.

Tumawag naman sya kina Tom para magpabili. Pinagmasdan ko si Zeus habang may kausap sa phone. Naisip ko lang kung mahal ba ako nito. Imposible kasi eh. Kelan lang kami nagkakilala tapos sasabihin nya yun. Naisip ko din, susundin ko ba ang sabi ni mommy na bigyan ko ng tsansa na kilalanin ko si Zeus? Ewan ko bahala na.

Maya maya lang ay dumating na sila Tom at Wilson. Nag aasaran naman tatlo. Nakakatuwa ang dalawa, lalo na si Wilson kasi hindi nauubusan ng kwentong katatawanan. Naaliw ako sa tatlo habang kumakain ako ng ramen. Maya maya may tumawag sa phone ko.

"Hello?" tanong ko.

"Hello, is this Lady Lavinia Jeon?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Yes, who's this?" tanong ko.

"Hi Lala, si Nica ito. Nica Geron ng president ng dancing club. Gusto ka sana naming imbitahan sa reunion ng dancing club." sabi nito. Napaisip naman ako. Hindi ko naman talaga gusto ang dancing club nung college ako. Puro kasi kaartehan at payabangan lang sila.

"Kelan ba?" tanong ko.

"Bukas na mga 6pm. Itetext ko sayo ang address. Wag kang mawawala ha. Dalhin mo na rin ang boyfriend mo." sabi nya. Eto na naman kami. Malamang payabangan naman ito ng mga boyfriend nila.

"Sige." sabi ko at binaba na ang tawag.

"Zeus may pupuntahan ako bukas ng 6pm." sabi ko.

"Sige sasamahan kita." sabi nya.

Shit nalimutan kong itanong kung nandun si Edward. Naalala ko kasali pala sila ni Sandra sa grupo. Di bale na nga kasama ko naman si Zeus. Sana walang mangyaring masama.

Chapitre suivant