webnovel

C-100: THE PINKY PROMISE

Napakabilis talaga ng mga araw mag-iisang buwan na pala siya sa bansang Pilipinas.

Pero pakiramdam niya isa pa rin siyang "Alien" kaya nakakatawa. Nakauwi na nga siya pero bakit pakiramdam niya bago sa kanya ang lahat.

Ang klima, ang paligid, ang mga tao sa paligid niya at higit sa lahat ang mismong pagkatao niya.

Hindi naman niya itinatakwil ang bansang kanyang sinilangan at hindi rin naman niya ito ipagpapalit sa kahit saang bansa.

Kahit pa nga sa ibang bansa siya nakakahanap ng katahimikan.

Ang hirap lang kasi kapag narito siya kailangan niyang lagi na lang maging ibang tao at mabuhay sa pagkukunwari.

Ang akala niya ligtas na siya sa pagpapanggap hindi pa rin pala siya makakatakas. Wala na nga siyang amnesia.

Ngunit ngayon sadya namang kailangang kalimutan muna niya ang lahat, kung sino siya noon at ngayon.

Dahil ang sabi ni Dustin mas safe daw kung walang makakakilala sa kanya bilang si Amanda.

Dahil baka daw may mga galamay si Anselmo na nasa paligid lang at hindi nila alam.

Ang akala rin niya hindi na niya kakailanganin ang pangalang Alondra Santillian. Dahil tapos na ang kabanatang iyon sa buhay niya.

Nakabalik na siya ng Maynila at nakalabas na nga ng Bansa at wala na rin siya sa Cebu man o maging sa Iloilo.

Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ba siya sinusundan ni Anselmo at gusto pang ipapatay?

Ang sabi ni Dustin si Amara lang daw ang makasasagot ng bagay na iyon. Kaya si Amara na lang daw ang tanungin niya kapag nagkita na silang magkapatid.

Bakit pakiramdam niya may itinatago ang mga ito sa kanya?

Ano bang alam ni Amara tungkol sa bagay na iyon?

Alam niyang marami siyang nalaktawang mga bagay at maaaring hindi na rin niya ito maisip kung paano ba nangyari?

Ngunit paano naman siya makikipagkita sa kanyang kapatid?

Ang sabi ni Dust may tamang panahon daw para sa mga bagay na iyon. H'wag na lang daw muna niyang isipin ito.

Dapat daw na ayusin na lang muna niya ang kanyang sarili sa ngayon.

Dahil hindi na lang siya nag-iisa may mga umaasa na sa kanya na dapat laging nasa priority list niya. Dahil mas kailangan niyang maging responsable sa mga ito.

Nakakainis, muli naungusan na naman siya ng fake niyang Kuya mukha na naman tuloy siyang hindi na nakapag-iisip ng tama.

Dahil ito na naman ang panalo, tama na naman ang sinabi nito. Dahil natameme na naman siya ng sabihin iyon sa kanya ni Dust.

Hay naku! Kuya ikaw na talaga.

Dapat nga siguro hayaan na lang niya na panahon ang magtakda ng lahat. Dahil mas dapat naman talaga niyang isipin muna ang kanyang mga Anak.

Kung paano na ba ang buhay nila ngayong narito na rin sila sa Pilipinas? Bukod sa kailangan niyang maghanapbuhay para sa kanilang mag-iina.

Kailangan rin niyang isipin ang magiging kinabukasan ng mga ito. Bakit nga ba kailangan guluhin pa niya ang isip sa ibang mga bagay.

Ang sabi ni Dust kapag inisip pa niya ang mga bagay na hindi pa niya maintindihan. Mababaliw lang siya sa kaiisip pero hindi pa rin niya ito masusulusyunan.

Dapat daw unahin muna niya 'yung nasa unahan. Para kapag nahawi na ito mas maluluwagan na 'yung mga susunod pa.

Hay! Saan kaya kumukuha ng hugot ang napaka-gwapo niyang Kuya?

____

Kasalukuyan sila ngayon na nasa poder pa rin ni Dustin. Ayaw kasi nitong umupa pa sila ng bahay.

Lumipat daw siya kapag nakapag pagawa na siya ng sarili niyang bahay o hindi kaya kapag nag-asawa na siya ulit.

Ano raw?

Parang hindi na niya kilala maski na ang words na mag-asawa ulit! Dahil talagang hindi sumasagi sa isip niya ang bagay na iyon.

Wala siyang ibang rules of life kun'di ang mapalaki ng maayos ang kanyang mga Anak at mabigyan ito ng magandang kinabukasan.

Pero ngayon may second rules na siya at iyon ay ang magkaroon ng sarili nilang bahay.

Nitong huli kasi napag-isip isip rin niya na tama, kailangan nga niya ng sariling bahay na hindi na siya kailangan umasa sa iba.

Parang buong buhay kasi niya wala siyang maisip na naging totoo niyang bahay. Maliban lang sa munting kubo nila noon na ginawa ng kanyang Papang.

Lumaki silang palipat-lipat na lang ng bahay o hindi kaya ay palaging nakikitira.

Ganu'n din yata ang naging buhay niya hanggang ngayon nakikitira pa rin siya at walang sariling tahanan.

Kaya para makapagproduce siya ng bahay kailangan na talaga niyang magtrabaho ng mabuti.

Tama na muna ang pag-iisip ng mga bagay bagay. Kailangan muna niyang magfocus sa mga ginagawa niya ngayon.

Magmula naman ng bumalik siya ng Pilipinas kung ilang Cakes, cookies and pastries na rin naman ang kanyang nagawa.

S'yempre dahil na rin sa tulong at magandang rekomendasyon ng butihin niyang Kuya.

Open na rin siya online may sariling FB page at vlog at live siyang nagsi-share ng video ng mga ginagawa at niluluto niyang pagkain.

But of course hindi kailangan na ipakita ang kanyang mukha.

Pero kahit more than two weeks pa lang niya ito ginagawa nasa 100 subscribers and more than a thousands viewers na rin siya.

Dito itinuturo niya ang mga iba't-ibang techniques na natutunan niya sa pagluluto.

Lalo sa paggawa ng iba't-ibang designs ng cake. Dahil ito naman talaga ang na-expert niya.

Kagaya ngayon isang kilalang wedding organizer ang kumuha sa kanya, siya ang napili nitong gumawa ng cakes sa naturang okasyon.

Nagkataon na kilala rin pala ni Dust ang lalaking ikakasal. Kaya naman parang nadoble tuloy ang pressure niya, pero s'yempre kakayanin naman niya ito.

Fighting!

____

Tama namang patapos na sila sa pagpila sa counter at matatapos na ring kwentahin ang lahat ng pinamili nila, nang bigla niyang maalala.

Naubos na nga pala ang Italian seasoning sa bahay at kailangan na rin niya ng olive oil.

Kailangan pa naman niya iyon mamaya para sa gagawin niyang Pizza sauce. Ito kasi ang susunod niyang ididiscuss bukas sa vlog niya.

Kung saan saan kasi lumipad ang kanyang isip kaya nakalimutan niya tuloy.

"Sandali Dust, may nakalimutan pa ako saglit lang p'wede bang kunin ko lang sandali."

"Pambihira naman ang hirap pumila isang item lang ba?

'Sige na kunin mo na habang hindi pa tapos si Miss Ganda. Okay lang ba Miss?"

Sabay kindat ni Dust sa kahera na kanina pa panay ang hawi ng buhok sa tenga na halata rin niyang kanina pa kinikilig kay Dust.

"A-ano po ba 'yun nakalimutan n'yo Ma'am?" Tanong ng kahera.

"Ako na lang ang kukuha Miss saan ba nakalagay ang Olive oil at saka Italian seasoning?"

"Ah' halos magkatabi lang po 'yun Ma'am sa ikatlong stand mula sa dulo. Makikita n'yo po doon magkatabi lang basta sa dulo.

'Ah' Dito na po kayo dumaan Ma'am para mas malapit." Turo pa nito sa bandang kaliwa ng mga grocery stand.

Dere-deretso lang siya sa itinuro ng kahera ng hindi man lang nag-abalang lumingon sa paligid.

Kailangan niyang makabalik agad bago ito matapos sa pagkwenta. Dahil nakakahiya rin sa ibang nakapila.

Umikot lang ang paningin niya ng makarating siya sa ikatlong istante upang hanapin dito ang kanyang kailangan.

Narito nga ang iba't-ibang klase ng oil na ginagamit sa pagluluto. Kumuha siya agad ng dalawang malaking bote ng Olive oil.

Dahil hindi lang naman niya ito minsan lang gagamitin kaya kailangan niya ng stocks. Pero ang seasoning na hinahanap niya.

Nasaan na kaya 'yun? Bulong niya na mas ang sarili ang kausap....

"Gotcha! Narito ka lang pala." Nasa dulong bahagi pala ito ng ikatlong istante.

Kumuha na siya ng ilang pakete nito sinamahan na rin niya ng iba pang seasoning na ginagamit niya para siguradong hindi na niya makakalimutan.

Nang masiguro niyang kumpleto na ang kanyang dala. Agad na siyang lumakad ng mabilis pabalik ng counter.

Hindi na tuloy niya napansin ang pagkatigagal ng isang lalaking hindi inaasahang makikita siya ng mga sandaling iyon.

Kahit para lang siyang hangin na dumaan sa harap nito, hindi pa rin ito maaaring magkamali. Ang bulong nito sa sarili.

"A-ANGELA?" Saglit man itong natigilan ngunit agad rin namang nakabawi.

Sapat para muli siya nitong habulin ng tanaw. Agad rin itong lumabas sa pagitan ng dalawang istante. Ngunit para siyang bula na biglang nawala sa paningin nito.

___

Sa bilis ng kanyang paglakad at pagmamadaling makarating ng counter. Hindi na niya alintana pa ang paligid kung may masagi siya o makasagi sa kanya.

Basta deretso lang siya ng lakad sa takot na rin niyang umusok pa ang ilong ng kanyang Kuya. Dahil mahirap na, baka umalimbukay ang alikabok.

Pinilit nga lang niya ito na samahan siya kahit hapon na at kadarating lang nito galing ng opisina nito.

"Okay na ba, tayo na!" Yaya na sa kanya ni Dust matapos nitong bayaran ang cashier gamit ang kanyang Debit card.

"Okay na!" Nginitian niya ito at siya na mismo ang pumulupot sa braso nito. Sabay hilig na rin sa balikat nito.

Paraan niya iyon ng paglalambing kay Dust medyo nakasimangot na kasi ito. Kaya siguradong sasabunin na naman siya nito ng diwara pagdating nila sa bahay. 

Ang dami niya kasing pinamili kaya nagtagal sila sa paggrocery.

Hanggang sa maramdaman niya na huminga ito ng malalim at saka siya nito inakbayan. And that means hindi na ito galit.

Kung pagmamasdan daig pa nila ang mag-asawa o magkasintahan na very sweet sa isa't-isa.

______

Samantala...

Umiikot pa rin si Joaquin sa paligid at pilit sinusundan. Kung saan niya nakitang papunta ang babaing nakita niyang galing sa dulo ng istante at nagmamay-ari ng pabangong naamoy niya.

Dahil hindi siya maaaring magkamali, kitang kita niya na dumaan ang babae.

At ang babaing iyon ay walang iba kun'di si Angela. Muli niyang binalikan ang pinamili at itinulak na ito papunta sa counter ng mabigo siyang makita ulit ang babae.

Nagkamali lang ba talaga siya o dahil nasasabik na talaga siya kay Angela kaya iniisip niya na nakita niya ito. Dahil lang sa pabangong iyon na alam naman niya na ginagamit na rin nito noon pa man.

Nagsimula na siyang maghanap ng pipilahang cashier counter. Naghanap na rin siya ng mas maluwag na pila dahil kanina pa siya naiinitan. 

Tiyempo naman na may isang paalis na sa pila at tatlo na lang ang nakapila pa. Kaya dito na siya sumunod.

Sapat para matanaw rin niya ang paligid.

Nang biglang mapako ang paningin niya sa isang pamilyar na bulto ng lalaki.

Kahit pa medyo nakatalikod ito mula sa kanyang direksyon. Hindi iyon naging hadlang para hindi niya makilala ang lalaki.

Saglit siyang napalunok bago napamura ng lihim.

"Fvck! Si Torres...."

Napigil niya ang paghinga ng lumingon ito at tila ba ito may tinatawag sa gawi ng luggage area malapit rin sa hilera ng mga  cashier counter.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakanganga.

Habang palapit dito ang isang babaing hinding-hindi niya maipagkakamali kahit kanino man. Dahil nag-iisa lang ito para sa kanya.

Ngunit daig pa niya ang tinadyakan sa dibdib at pinukpok ng martilyo sa ulo. Dahil sa eksenang nasasaksihan.

Si Angela na kusang yumakap sa braso ni Dust at humilig pa sa balikat nito. Habang masayang nakangiti sa lalaki.

Awtomatiko siyang napatingala upang pigilan ang emosyon.

Put***ina, Joaquin kumalma ka huwag dito! Kastigo niya sa sarili.

Tang***, tang***, tang***!

Bakit hindi ako makahinga?!

Kung ano man ang nangyayari sa kanya ng mga oras na iyon tanging siya lang ang nakakaalam at nakakaramdam.

Saglit niyang kinapa ang bulsa ng maalala ang isang bagay na palagi niyang dala. Mabuti na lamang hindi niya ito naisipang iwanan sa sasakyan.

Dahil kailangan niya ito ngayon...

"Sir, okay na po ba?" Mabilis na niya itong isinuot upang maitago ang kanyang mga mata na maaaring kanina pa namumula.

Kaya nakatingin na sa kanya ang mga naroroon at nagtataka. Lalo na ang kaherang kaharap na niya ngayon at nagtatanong.

"Ah' yes pakibilis please!"

Saglit pa siyang lumingon sa p'westong pinanggalingan ng dalawa kanina.

Kasabay ng kumpirmasyon sa sarili, ngayon sigurado na siya.

She's turning back home. But not as mine, not in my arms but in the other arms and in that bustard!

No one knows at that time if I will, I wanna kill somebody right now!

______

"Dad are you okay? Know what, if you are not feeling well. Better not try to cook na lang Papa! Kasi baka hindi maging maganda ang luto mo ng Carbonara.

'Sayang naman kung hindi natin 'yan masarapan. Hindi 'yan kayang ubusin ni Yaya Didang."

"Hindi bale Anak p'wede naman siyang tulungan ng mga guards sa labas."

"Have something bothering you Daddy?" Tanong nito na tila binabasa ang kanyang isip.

Ah' isang ugali na naman ni Angela ang nakikita niya sa kanyang Anak.

"What if, you can see her buddy? Ah' no forget it!" Wika niya ngunit bigla rin niyang binawi ngunit tila huli na.

Dahil naiintindihan na agad nito ang nais niyang ipahiwatig.

"So you already see her Dad but where, where is she Daddy?"

"No I said if ever you see her, but it doesn't mean that I can see her already okay? Now forget it!"

"Owkay, okay if you don't, then you don't! But I'm sorry, cause I think you are not in good lying Daddy."

"Oh' com'on son, I said forget it okay! Magluto na lang tayo."

"Okay you say so, but you miss her right?

'I hate lier's!"

"Okay, you're right I miss her so much! Now happy?"

"Ow! That's great Daddy.

'Okay turn to cook Dad gutom na ko! Huwag mo na lang kasing isipin muna si Mommy.

'Sigurado namang mamahalin ka rin nu'n ulit. Kapag magaling ka nang magluto.

'Remember she loves to cook and the people who already know how to cook. Kaya magluto ka na gutom na talaga ako.

'Then if you ask me if ever I can see her? Well listen carefully Dad. Sasabihin ko lang naman sa kanya na palagi mo na lang akong ginugutom.

'Kasi hindi ka talaga marunong magluto."

"Buwisit! Bakit ba ang hirap maging tatay mo. Oo sige na heto magluluto na, paano ba 'to?

'Galingan mo kaya ang pagtuturo sa akin! Ano na?"

"S'yempre una hawakan mo muna ang sandok Dad. Unless kamay ang gusto mong gamiting panggisa?"

"Oo na ito na hawak ko na ang sandok, ano ngayon ang gagawin ko dito ipupukpok sa ulo?"

"Daddy talaga, i-fry mo muna kaya ang mga sangkap? Like bacon, mushrooms and ham they all need to fry first."

"Hindi ba p'wedeng igisa na lang ganu'n din naman 'yun?"

"Dad, Mom's said mas lumalabas ang lasa ng sangkap kapag naka-fry.

'Then sautee onions in butter before put the all ingredients."

"How about sautee garlic first you forgot the garlic?"

"No Daddy you don't need to put garlic but if you want just a pinch of garlic or garlic powder is enough.

'Much better if instead of garlic put some white pepper powder. Then Mom's want Fresh milk and heavy cream, then put together with a lot of cheese.

'After that you make cheesy and creamy carbonara na! And I'm sure it's so yummy Daddy."

"Okay! Let see?"

After 15 minutes...

"Okay the sauce is ready how about the pasta? Oh' my gulay nakalimutan ko pala ang pasta."

"No worries Daddy I cooked the pasta already. Before you came.

'Dyaraaan!

'I prepare fettuccini pasta for the supper yummy sauce you made."

"Hey, how did you do that?"

"S'yempre nagpatulong naman po ako kay Yaya. Para ready na agad pag-uwi mo at sauce na lang ang kulang.

'Gutom na talaga ako Daddy kain na muna tayo. Mamaya na lang ang maraming questions, okay?"

"Okay sige na nga kain na tayo." Sabay gulo niya ng buhok nito.

Kapag ganito sila parati napapawi at nababawasan ang kanyang pag-aalala. Isa na lang talaga ang kulang sa buhay nila.

Kapag narito na siya wala na siguro akong mahihiling pa. Bulong niya sa sarili habang patuloy na pinagmamasdan ang Anak na tila sarap na sarap sa pagkain na niluto nila pareho.

Huwag kang mag-alala Anak babawiin natin ang Mama mo. Pangako magiging sa atin siya ulit, sa atin siya uuwi tayo ulit ang ipagluluto niya at higit sa lahat tayo lang ang magiging pamilya niya.

"Anak, gusto mo bang umuwi na si Mommy?"

"Uuwi na po si Mommy?"

"Pangako Anak pauuwiin ko na ang Mama mo malapit na..."

"Talaga po Daddy?"

"Yes! Maghintay ka lang malapit na malapit na....."

"Promise?" Sabay taas ng hinliliit nitong daliri.

"Promise!" Siya na mismo ang nagkawit ng daliri niya sa maliit pa ring daliri nito bilang pangako niya sa Anak.

Then he swear to do everything to make it possible.....

_____

Nagtatanong ang isip niya kung bakit bigla na lang siyang niyaya ni Gellie sa lugar na iyon.

Isa itong private school sa Alabang, puno man siya ng pagtataka minabuti niyang huwag na lang munang mag-usisa.

Alam naman niyang sasabihin din ito sa kanya ni Gelli.

Hanggang sa napansin niya na nakatitig ito sa isang bata na maaaring nasa eight years old na kun'di siya nagkakamali.

Bigla tuloy niyang naaalala si VJ halos kaidad rin ito ng kanyang Anak. Pero sino nga ba ang batang ito na nasisiguro niyang tinitingnan ni Gelli?

Kahit hindi pa ito magsalita batid niya na may kaugnayan ito sa bata. Dahil halos maiyak na ito habang nakatitig pa rin ito sa bata.

Nararamdaman din niya ang paghihirap ng loob nito ng mga oras na iyon.

Sigurado siya sa isang bagay na naiisip niya dahil isa na rin siyang Ina.

Ilang minuto pa ang lumipas na nakatingin lang naman ito sa bata.

Hanggang sa bigla na lang itong magyaya nang umuwi sa kabila ng pagbigat ng emosyon.

"Ha' teka sandali Gellie!" Habol pa niya sa babae. Bigla na lang kasi itong naglakad ng mabilis.

Kaya wala siyang choice kun'di ang mabilis ring sundan na lang ito. Hindi na tuloy niya naiwasan ang pagbangga niya sa isang bata na kung hindi niya maagap na nahawakan.

Marahil tuloy-tuloy na itong bumagsak sa lapag.

Ngunit ang mas higit na gumulat sa kanya at umagaw ng kanyang pansin at nagpabilis ng pagtibok ng kanyang puso.

Nang unti-unti na niyang makilala ang bata.....

"Oh' my God, V-VJ Anak?!"

"Ma... Mamaaa?!"

Daig pa niya ang nakarinig ng awit ng Anghel. Ito rin yata ang pinaka-magandang tinig na kanyang narinig.

"My God, thank you po sa mga sandaling ito." Bulong niya sa sarili, kasabay ng pag-uunahan sa pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

Lalo nang namalisbis ang kanyang luha nang bigla na lang siyang yakapin nito, na umabot lang sa kanyang baywang.

Ilang saglit na walang ano mang salita ang namutawi sa pagitan nila. Maliban lang sa pag-iiyakan nilang mag-ina.

Wala ring ano mang nabago sa kanilang pakiramdam. Mahal na mahal pa rin nila ang isa't-isa.

Hindi siya nito nakalimutan kaya napakasaya niya ngayon.

"Anak miss na miss na kita, kumusta ka na ha', dito ka ba nag-aaral? Ang laki-laki mo na Anak." Sunod-sunod na niyang tanong.

"I miss you too, Mama! Pero isa isa lang po ang tanong, mahina ang kalaban." Nakangiting tugon naman nito.

"Pasensya na Anak, nami-miss lang talaga kita."

"Ako din po Mama, bakit ka ba kasi umalis, saka saan ka po ba nagpunta?"

"Kailangan lang kasi Anak, hindi ba sabi ko naman sa'yo noon at. Isang araw baka umalis ako pero sisikapin kong makabalik dahil mahal na mahal ko kayo. Kinailangan lang na gamutin ko muna ang sarili ko Anak, naiintindihan mo ba?"

"Ibig pong sabihin magaling na po kayo, Mommy?"

"Oo pero secret lang muna natin 'yun ha', p'wede ba 'yun?"

"Opo Mommy, talaga pong wala ka nang sakit?"

"Wala na, pero dito na lang masakit!" Turo niya sa tapat ng kanyang dibdib. "Kasi hindi pa rin tayo p'wedeng magkasama hanggang ngayon.

"Bakit po, hindi ka pa rin ba uuwi sa amin Mommy? Meron na po kaming bagong bahay. Hindi na po kami sa Batangas nakatira ngayon. Si Lolo Paps at Tito Joseph nasa Europe pa rin. Kaya kaming dal....."

"Ma'am excuse me po, kanina ko pa po kayo hinahanap. Tawag na po kayo ni Ma'am Gellie."

"Ha' oo sige susunod na ako sandali lang..." Nawala na sa isip niya na maaaring bumalik na si Gellie sa sasakyan.

Kanina pa nang bigla na lang itong umalis at maaaring ngayon ay nagtataka na rin ito. Kung bakit hindi siya agad nakasunod.

"Tayo na po Ma'am."

"VJ Anak, k-kailangan ko na pa lang umalis. Pero babalik naman ako Anak promise pupuntahan kita palagi dito kapag meron akong oras magkikita pa rin tayo Anak pangako."

"Mama, bakit po?" Tanong nito sa kanya na halatang pinipigilan lang nito ang sariling emosyon.

Sa nakikita niyang itsura nito ngayon. Pakiramdam niya binundol ng malakas ang kanyang dibdib. Dahilan para mahirapan siyang huminga.

Ngunit ayaw man niya itong iwan sa ganitong kalagayan hindi naman maaari. Dahil ano mang sandali maaaring dumating ang yaya nito or worse baka ang ina pa nito ang dumating at makita sila.

Hindi pa siya handa sa bagay na iyon, hindi pa niya gustong makaharap ang mga ito. Kaya't kailangan na niyang umalis mabigat man ang kanyang loob at hindi na siya maaaring magtagal pa...

"VJ Anak makinig ka! May mga bagay na hindi ko pa kayang ipaliwanag sa ngayon. Mahirap din para sa akin na hindi kita kasama. Pero kailangan muna natin maghiwalay. Basta lagi mong tatandaan Anak mahal na mahal kita ha'."

"O-opo Mamà."

"Basta gagawa ako ng paraan kung paano tayo magkikita at magkakasama.

'Ngayon alam ko na narito ka lang, palagi kitang pupuntahan dito kapag meron akong oras.

'Mahal na mahal kita Anak..." Saad niya habang hawak pa rin ang kamay nito at paulit-ulit niyang hinahalikan.

"Sige na po okay lang po a-ako."

"May isa lang sana akong hiling sa'yo Anak. Maaari bang huwag mo na lang muna sabihin kahit kanino man na nagkita na tayo. Maaari bang secret muna ulit?"

"Opo, sige na po umalis na po kayo!" Halatang pinipigilan pa rin nito ang umiyak sa harap niya.

"VJ?!"

Mabigat man ang kanyang loob kailangan pa rin niya itong iwan. Kaya't pinilit niyang tumalikod na upang humakbang.....

"Mamaaa!" Naramdaman na lang niya ang pagyakap ng maliliit na braso sa kanyang baywang mula sa likuran.

"Mama, mahal kita, hihintayin kita palagi basta babalik ka ha'?"

Muli siyang napaharap dito.

"Oo naman babalik talaga ako Anak pangako 'yan babalikan kita!"

"Promise?" Itinaas pa nito ang hinliliit na daliri.

Tila ba ang gusto nitong mag-pinky promise sila sa isa't-isa.

Nangiti na lang siya at itinaas ang hinliliit na daliri at sabay nilang ikinawit ang daliri sa isa't-isa.

"Promise!

'Baka hinahanap ka na ng Yaya mo."

"Okay po, ba-bye!"

"Take care, baby!"

Matapos magpaalam tuloy tuloy na itong pumasok sa quadrangle ng school.

Hinatid pa niya ito ng tanaw hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.

Napatunayan niyang malaki na nga ang kanyang Anak at malaki na rin ang ipinagbago nito. Dahil kaya na nitong magcontrol ng sariling emosyon.

Huminga muna siya ng malalim at saka ngumiti.

Pakiramdam niya bigla na lang gumaan ang lahat. Kaya masaya siyang lumisan sa lugar na iyon.

Ngunit siguradong babalik siyang muli sa lugar na ito iyon pangako niya bago niya tinungo ang kanilang sasakyan.

______

"Anong petsa na Sis, hindi ka pa ba tapos diyan? Maganda ka na kaya huwag mo nang masyadong kapalan ang make up mo."

"Ito na nga po tapos na oh' saka hindi ako nagmemake up, okay!"

"Good!"

"Pambihira naman ito, h'wag mo ngang i-pressure 'yung tao. Buti nga pumayag na samahan ka pa, kung ako hindi kita sasamahan no?" Wika naman ni Gellie kay Dust at halata rin na siya ang kinakampihan nito.

"Kaya nga hindi na ikaw ang isinama ko e." Tugon naman ni Dust kay Gellie na sinabayan ng tawa.

"Ah' ganu'n edi sige sasama na lang din ako."

"Love naman, ang bilis mo namang magtampo. Sige hindi na lang din kami aalis."

"Para kang sira hahanapin ka dun nakalimutan mo yata isa ka sa sponsor saka nakakahiya kay Derek at Elaine!"

"Okay po sabi mo e' ang bagal bagal naman kasi ng isa d'yan! Gusto na yata makapag-asawa e kaya nagpapaganda."

"Eh' ano naman kung mag-asawa talaga namang maganda si Amanda! Kaya imposible na walang umaligid sa kanya doon."

"Hmmm, dadaan muna sila sa aking mga kamao!" Sabay mostra nito sa nakaikom na kamay.

"Hmmm! Oo na maghahanap ako ng Black Belter para p'wede kang tadyakan. Kaya halika na nang makarami ako!"

"Nakalimutan mo na 'yata?" Wika ni ulit ni Dust na sinabayan pa nito ng pagkindat.

"Alikabok anong petsa na?!"

"Opo Ate!"

"Lumayas na nga kayo, ingat!"

______

Pagdating sa venue tamang-tama naman na magsisimula na ang entourage.

Pagbaba nila ng sasakyan tensyonado na si Dustin. Kaya naman kinailangan pa niya itong tulungan na ayusin ang nagusot nitong damit at tie.

Dahil Garden Wedding ang theme kaya naman sa bahay mismo ng Groom ginawa ang entourage. Hindi rin naman ganu'n kahaba ang lalakaran.

Pero maganda ang pagkakaayos ng venue, napakaganda ng ambience at relaxing ang paligid.

Ginawa ito malapit sa swimming pool kaya maaari ring maligo ang mga guests pagkatapos ng ceremony.

Nabubusog ang kanyang mga mata sa pagtingin sa paligid. Habang nanonood ang lahat sa paggulong ng entourage panay naman ang libot ng kanyang mga mata.

Kahit ang pagkakaayos ng pwesto ng cake na siya ang may gawa naging kasiya siya sa kanyang paningin.

Dahil ipinuwesto ito sa madaling makikita, pinaghirapan niya kaya ang paggawa niyan!

Sana lang dahil dito maka-hook siya ng bagong prospect clients.

Dahil sa naglalakbay na naman ang kaniyang diwa, hindi na niya namalayan ang paglapit ng isang lalaki sa kanyang likuran.

"So there you are and I'm not hallucinating, where have you been for a long time my Lady?"

"HUH' I-IKAW?"

"YES! AND I KNOW YOU DIDN'T EXPECT TO SEE ME, RIGHT?!"

Mapang-uyam nitong tanong.

Hindi na tuloy niya napigilan ang pagbulong ng kanyang puso.....

"YES I DON'T EXPECT TO SEE YOU, BUT I LOVE TOO!"

*****

By: LadyGem25

Hello Guys,

Mainit na tanghali sa inyong lahat, happy summer! Sa kabila ng nangyayari sa paligid sikaping maging happy para iwas stress! hahaha

Narito na ulit sana magustuhan n'yo itong ating update...

Hanggang sa susunod ulit!

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE!

MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT SA INYONG PAGHIHINTAY!

KEEP SAFE EVERYONE AND GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

SALAMUCH!

MG'25 (04-10-21)

LadyGem25creators' thoughts
Chapitre suivant