webnovel

C-86: THE STRANGER'S 1

Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa rin silang nakukuhang malinaw na paraan kung saan nila makikita si Angela o Amanda?

Ngunit kahit paano unti-unti na rin niyang natatanggap sa sarili, na ito na mismo ang nagdesisyon na lumayo. 

Lalo na nitong huli na nalaman nila na nagwithdraw pala ito ng malaking halaga sa bangko sa sarili nitong account.

Ngunit hindi na nila nagawa pang alamin kung saan dinala o ginamit nito ang pera. Dahil na rin sa confidential protocol na pinangangalagaan ng Bangko.

Bukod pa sa wala naman silang karapatan na panghimasukan ito. Dahil sarili talaga nitong pera ang ginalaw nito mula sa sarili nitong kita.

Hindi naman nito pinakialaman ang account o pera ng pamilya o kahit ang kinikita nito mula sa negosyo nito sa Bake shop man o sa Resort na ito mismo ang may hawak ng control. Tanging ang personal nitong ipon ang kinuha nito.

Being fair is enough and a good behavior. But sometimes it is also a good way to be careful and avoid something, especially when it comes about money.

Ginawa n'ya ito upang wala kaming ano mang maibabato sa kanya o hahabulin man. Maliban sa isang dahilan, iniwan na lang niya kami ng naguguluhan.

Ito ang pumupuno sa isip ni Joaquin habang kasalukuyan silang nasa Veranda ng mga oras na iyon.

Kauuwi lang nila ni Russell mula Maynila, ngunit imbes na sila'y magpahinga. Niyaya muna niya ito na uminom sila. Ilang araw na rin na alak ang pampatulog niya.

Dumedepende na naman siya sa alak para lang makatulog. Ang sakit sakit na kasi ng loob n'ya.

Gusto niyang magalit kay Angela pero kasabay nito napupuno rin s'ya ng pag-aalala sa posibleng mangyari at natatakot s'ya para sa dalaga.  

Ano na ang gagawin niya ngayong wala na ito sa piling nila. Hindi n'ya maintindihan kung bakit bigla na lang sila nitong iniwan?

Siguro matitiis nga nito na iwan s'ya pero hindi si VJ. Mahal nito VJ kaya't alam niya na hindi nito matitiis na malayo ng matagal sa kanyang anak. Kahit paano nais niyang umasa sa bagay na iyon.

Nitong huli iniiwasan na nga niya na makausap ang anak. Dahil hindi niya alam kung ano ba ang isasagot niya sa mga tanong nito.

Kung paano ba n'ya sasabihin dito na iniwan na sila ni Angela, na umalis na ito at wala ring kasiguruhan kung kailan sila nito babalikan o kung babalik pa nga ba ito sa kanila?

Ang mahirap lang wala s'yang magawa. Dahil hindi niya alam kung saan ba ito nagpunta at kung saan ba niya ito hahapin?

"Boss, okay ka lang ba? Ang sabi mo pampaantok lang pero naubos mo na 'yung isang bote! Boss, hinay hinay lang sa pag-inom baka masobrahan ka n'yan?" Si Russell na hindi na rin natiis na hindi s'ya paalalahanan.

"Okay lang ako, h'wag kang mag-alala gusto ko lang talagang makapag-isip. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko? Sabihin mo kulang ba talaga 'yung pagmamahal ko para bigyan n'ya ako ng halaga?!"

"Boss, wala rin akong masasabi tungkol sa bagay na iyan. Pero sigurado ako na mayroon siyang dahilan, kung bakit bigla na lang s'yang umalis. Dahil sigurado rin naman ako na hindi n'ya kayo iiwan."

"Pero ano nga ang dahilan n'ya, nag-usap na kami, okay na kami, may mga plano na nga kami at dapat nga nakaalis na rin kami ngayon! Pero bakit s'ya lang ang umalis, bakit iniwan n'ya kami? Ang daya naman n'ya ang daya daya n'ya!" Hinayaan na lang niyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

Dahil wala namang dahilan para itago pa niya ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Si Rusell ang kasama niya at alam naman nito kung gaano niya kamahal si Angela.

Pinipilit lang n'yang maging maayos pa kahit ang totoo hindi, hindi s'ya okay. Nami-miss niya si Angela ng sobra. Pakiramdam n'ya sa bawat araw na lumilipas nababawasan ang buhay niya.

___

Panay lang ang tungga niya sa bote ng alak na hawak n'ya. Hindi na n'ya nagawang isalin pa ito sa baso at direkta na niyang iniinom mula sa bote.

Kahit halos mangiwi na s'ya sa biglang pagsirit ng pait at init sa lalamunan, sanhi ng iniinom na likido.

Dahilan para labis na mag-aalala na naman si Russell sa kanya. Alam niyang ibinilin na naman s'ya ng Daddy niya dito. Kaya marahil inaalalayan siya nito sa pag-inom at todo bantay na naman ito sa kanya.

Ngunit ano ba ang magagawa nito kung gusto niyang uminom? Alam naman nito na labis s'yang nahihirapan at nasasaktan. Kaya nga nais niyang magpakalunod sa alak ngayon.

Saglit pa s'yang nilapitan ni Russell at tinapik sa balikat...

"Boss, babalik din 'yun alam ko uuwi din 'yun! Dahil mahal n'ya kayo ni VJ. Baka kailangan n'yo lang munang maghintay?" Hindi alam ni Russell kung tama ba ang sinabi niya o tama bang paasahin pa niya ito.

Ngunit isa rin ito sa umaasa na sana ay madugtungan pa ang pag-iibigan ng dalawa.

"Sana nga dahil mababaliw na ako sa kaiisip kung saan ko pa s'ya hahanapin? Dahil ayokong isipin na wala kaming halaga sa kanya, na pagkatapos ng lahat ng nangyari. Bigla na lang s'yang mawawala at iiwan kami. Dahil ayokong isipin na katulad rin s'ya ni Liscel na ipinagpalit kami sa iba!" Napabuntong hininga na lamang si Rusell sa naging tugon niya.

The change expression seems on his face at the moment..... From sadness, bitterness to anger!

____

Kasalukuyang nasa b'yahe si Amanda patungo ng Iloilo kung saan sila ipinangak ni Amara.

Halos tatlong Linggo rin s'yang nanatili ng Cebu. Bago s'ya nagpasyang lumipat nang Iloilo. Naalala rin n'ya ang dati nilang eskwelahan at napuntahan.

Ngunit nahihirapan s'yang alalahanin pa ang lahat. Sobra s'yang naninibago, may mga pagkakataon nga na binabati s'ya ngunit hindi niya matukoy kung sino ba ito o kung paano n'ya ito nakilala? Nahihiya naman s'ya na sabihin sa mga ito ang mga nangyari sa kanya. Lalo na ang tungkol sa kanyang naging sakit.

Baka pagtawanan pa s'ya ng mga ito at hindi maniwala. Bukod pa sa wala rin s'yang nakuhang sagot sa sino man na may alam ng kinaroroonan ng kanyang ina at kapatid.

Siguro dahil wala naman talagang nakakakilala sa kanila sa lugar na iyon. Dahil hindi naman sila tagarito sa Cebu.

Kahit paano may naalala na s'ya sa mga lugar na pinuntahan niya. Ngunit nahihirapan talaga s'yang tukuyin ang mga kakilala at mga naging kaibigan niya. Kaya wala na s'yang pagpipilian kun'di ang bumalik ng Iloilo.

Baon ang lakas ng loob kahit na s'ya ay nag-iisa. Ano pa ba ang katatakutan niya kung matatakot s'ya habang buhay? Ano na lang ang mangyayari sa kanya at sa kanilang mag-iina. 

Habang buhay na lang ba silang tatakbo, magtatago at matatakot sa hayup na iyon. Gigil niyang saad sa isip.

Mula pa nang umalis s'ya noon at magkahiwa-hiwalay sila iyon na ang naaalala niya. Lagi na lang silang tumatakbo upang iwasan ang taong iyon. Hindi, hindi pala s'ya tao hayup s'ya isa s'yang kriminal. Hindi ba dapat s'ya ang tumakbo dahil s'ya ang may kasalanan?

Hindi na ako natatakot sa kanya dahil s'ya naman ang totoong may kasalanan sa amin!

Hintayin mo ako Mamang pagbabayarin ko si Anselmo sa mga kasalanan niya sa atin. Lalo na sa ginawa n'ya sa Papang!

Bulong niya sa sarili habang pilit pinalalakas ang loob ng mga sandaling iyon.

Hanggang sa maramdaman na niya ang unti unting paglapag ng eroplano kung saan s'ya nakasakay ngayon.

Katunayan na nakarating na sila ng Iloilo. Kaya inihanda na niya ang sarili sa pagbaba. Gan'un din sa panibagong hamon sa buhay na alam n'yang haharapin niya sa muli n'yang pagbabalik ng Sta. Barbara.

Talagang pinaghandaan na niya ang sandaling ito. Paglabas niya ng paliparan awtomatikong nang umikot ang kanyang paningin sa paligid.

Upang saglit na humanap ng kanyang masasakyan. Hanggang isang taxi ang kusang lumapit at nag-alok ng sakay. Hindi na s'ya nag-atubili agad na rin s'yang sumakay.

"Saan po tayo Ma'am?" Tanong agad ng driver pagkaupo niya sa loob.

Ngunit bago pa s'ya makasagot isang lalaki ang bigla na lang nakisakay sa kanila.

Mukha namang maayos ito at disenteng tao. Pero s'yempre hindi pa rin s'ya nakakasiguro?

Bigla na lang kasi itong sumulpot at tila nagmamadali rin ito sa pagsakay. Hindi niya alam kung sadyang nagmamadali ito kaya nakisakay o naunahan niyang sumakay ng taxi. Sabagay ano ba ang magagawa niya hindi naman sa kanya itong taxi.

Nilingon pa s'ya nito at saka ngumiti. Bago umupo sa tabi ng driver, habang s'ya naman ay nasa likuran.

"Miss okay lang bang makisabay nagmamadali kasi ako, baka kasi hindi agad ako makakita ng taxi." Saad nito ng lumingon sa kanya at saka s'ya nginitian nito na tila nagpapaunawa.

Imbes na sumagot tumingin lang s'ya sa driver.

"Saan ba kayo Sir baka kasi ma-out of way lang kayo?"

"Saan ka ba Miss unahin mo na lang s'yang ihatid dito lang din naman kasi ako." Tila alanganin pa nitong saad.

"Sa Baryo Magiliw ako Kuya!"

"Tamang tama lang pala doon din kasi ang punta ko!" Agad na bulalas nito na nagkamot pa ng ulo habang nakangiti. 

Saglit na napatitig na lang siya sa lalaki. Hindi niya masabi kung katiwa-tiwala ba talaga ang isang ito. Pero sino ba naman s'ya para husgahan ito agad?

"Tayo na po Kuya!" Siya na ang nagpasya hinayaan na lang n'ya itong makisabay sa kanila. Tutal doon din naman pala ang punta nito. Nag-iisa lang naman s'ya sa loob.

Naging tahimik naman ang kanilang buong biyahe, tahimik lang din ang lalaking kasabay niya. Kahit pa nahuhuli niya ito na nakatingin sa kanya gamit ang front mirror ng taxi.

Ewan kung bakit parang kaiba ang kanyang pakiramdam. Para bang gusto niyang kabahan na parang komportable naman ang kanyang pakiramdam.

Hanggang sa makarating sila ng Baryo, mas naging matagal pa ang b'yahe niya papunta dito kaysa kaninang nakasakay s'ya sa eroplano.

"Dito na lang ako Kuya!" Pabigla niyang sigaw at palinga-linga pa sa paligid.

"Dito na lang din ako! Magkano ang bill namin?" Napalingon siya dahil sa sinabi nito. Partikular sa sinabi nitong dito na rin ito baba.

Dapat na ba talaga s'yang kabahan o nagkataon lang na dito rin ito baba? Hindi na tuloy n'ya namalayan na nabayaran na pala nito ang taxi na sinakyan nila. Kaya nagulat na lang s'ya ng umalis na ang sasakyan.

"Teka sandali pala Kuya ito 'yung bayad ko, Kuyaaa!" Habol pa niya sa taxi ngunit tuloy tuloy na itong umalis.

"Okay na Miss binayaran ko na!"

"Bakit mo ginawa 'yun? Hindi naman tayo magkakilala bakit mo binayaran. Heto 'yung bayad ko kunin mo!" Pilit n'yang inabot dito ang bayad niya. Ngunit hindi naman nito pinansin ngumiti lang ito.

"Okay lang Miss, hindi ba taga-rito ka rin sa Baryo? Means iisa ang Baryo natin kaya okay lang it's not a big deal kung ilibre kita. Malay mo magkasabay tayo ulit pagbalik mo ng Cebu eh' di ako naman ang ilibre mo!" Saad nito na lalo pa yatang pinatamis ang ngiti.

"Pero hindi pa rin kita kilala!"

"Problema ba 'yun eh' di magpakilala tayo sa isa't-isa. Ako nga pala si Gavin and you are?"

Sabay abot nito ng kamay sa kanya habang nakangiti pa rin.

Kahit nakakaramdam s'ya ng bahagyang inis umiral pa rin ang pagiging pasensyosa niya. Bukod pa sa nakakahalina ang ngiti nito palibhasa maganda ang ngipin.

Kaya't sa huli tinanggap niya ang pagpapakilala nito ngunit hindi ang nakalahad nitong kamay.

"Ako si Ama... Ah' I mean Alondra!" Muntik na niyang makalimutan kailangan nga pala niyang maging maingat magmula sa araw na ito.

"Hmmm, Alondra... Ang ganda namang pangalan. Para bang isang mapayapang alon ngunit tila ba nagbabanta ng panganib?"

"Hmmm, hindi mo pa naman ako kilala kung maka-comment ka naman wagas!"

"Nope! Kilala na kaya kita ngayon lang magkakilala na tayo hindi ba?" Sabi pa nito na tila nais nitong makuha ang tiwala niya.

"Okay, sabi mo eh' saan ka ba? Doon na kasi ang punta ko, maglalakad lang kasi ako papunta d'un!" Sabay turo niya sa direksyon na kanyang pupuntahan.

"Ah' p'wede bang sumabay pa ako sa'yo hanggang doon!" Turo din nito sa direksyon na itinuro niya. 

"Sandali nga, siguro naman alam mo ang pupuntahan mo maliit lang naman itong Baryo kaya hindi ka maliligaw kanina ka pa kasi sunod ng sunod sa'kin eh'!"

"Actually medyo naninibago kasi ako matagal na panahon na rin kasi ng huli akong nauwi dito. Magmula ng nagmigrated kami sa State. Baka nga wala na ring nakakakilala pa sa'kin dito. Bata pa kasi ako noong umalis kami, since my high school days pa 'yun!"

"Kung ganu'n bakit ka bumalik?" Tila nakaramdam s'ya ng interes sa sinabi nito.

"Nothing, I just want to come back here and reminiscing something. Masyado na kasing toxic ang puro trabaho na lang kaya naisip kong magbakasyon. Until I found myself being here to remember my youngerhood and fix something into myself too So I think, para maiba naman. Then I suppose, it's nice to have a new friends first to make my vacation here feel better. What do you think?"

"Ewan ko sa'yo bahala ka!" Sabi na lang n'ya ng wala nang maisip upang itaboy ito.

Besides, mabuti rin naman ang presensya nito sa tabi niya medyo nababawasan kasi ang kanyang kaba ngayong narito na s'ya Baryo.

Ipinagpatuloy lang n'ya ang paglalakad ramdam niya na kasunod pa rin n'ya ang lalaki. Ngunit sadyang dumidistansya naman ito sa kanya. Higit sa isang metro kasi ang layo nila sa isa't-isa.

Kahit paano hindi pa naman mainit ang sikat ng araw. Bukod sa marami pa rin mga puno na nagsisilbing lilim sa daan.

Napansin rin n'ya na marami na ang nabago sa Baryo ang dating payak at simpleng pamumuhay noon.

Kahit paano naging moderna na ngayon, bagama't may ilan na luma pa rin ang bahay. Ngunit may bahagi na rin na binago na ng panahon.

Kung hindi nga dahil sa dati pang malaking  street signage sa daan.

Baka naligaw na s'ya kanina pa, pero salamat na lang sa isang  estrangherong biglang sumulpot sa daan. Kahit paano lumalakas ang loob niya ngayon.

Pakiramdam n'ya may instant bodyguard s'ya ngayon.

Saglit s'yang lumingon ulit sa kanyang likuran.

Ngunit bigla s'yang natigilan....

"Huh' saan na nagpunta 'yun bakit bigla s'yang nawala anong nangyari d'un?" Napailing na lang s'ya, saglit na inikot pa niya ang kanyang paningin sa paligid ngunit nawala na talaga ito.

Huminga na lang s'ya ng malalim upang maibsan ang pagbara ng hangin sa dibdib.

She sighed after that and start to continue to walk again, without knowing that stranger's still present at that time.

Siguro dahil pinagsupladahan niya ito kaya naman nainis na sa kanya at iniwan na lang siya, iyon ang pumasok sa isip niya.

"Hmmm, tagarito rin naman 'yun ipagtatanong ko na lang baka may nakakakilala sa kanya dito pero?"

Bigla rin n'yang naisip, name basis lang ang alam nila sa isa't-isa. Kaya paano naman n'ya ito makikilala?

Hindi niya napansin na malayo na pala ang kanyang nalalakad. Bago pa niya maisip naabot na niya ng tanaw ang...

Ang kanilang kubo, ang kanilang bahay! Tinakbo niya ito palapit mula sa kanyang pinanggalingan.

She's no longer cared if who could see her at those times.

Nag-unahan na rin sa pagpatak ang luha sa kanyang mga mata. Bago pa s'ya makarating sa tapat ng kanilang bahay.

Nahirapan tuloy ang estranghero na sundan s'ya ng tanaw. Bigla na lang kasi s'yang tumakbo na ikinagulat nito. Kaya bigla rin tuloy napabilis ang lakad nito.

Ngunit sa huli nagawa pa rin naman s'ya nitong masundan ng tanaw. Ngunit saglit din itong natigilan, dahil sa samu't-saring emosyon na mababakas mula sa kanyang mukha.

Nagkasya na ito na bantayan s'ya ng tingin mula sa malayo.

____

Hindi na napigilan pa ni Amanda ang lumuha ng mga sandaling iyon. Pagtapat niya sa bakuran ng dati nilang bahay.

Halos sunod-sunod na bumuhos ang mga alaala sa isip niya ng mga oras na iyon. Lalo na ang mga masasayang alaala kasama ang kanilang Papang.

Parang teleseryeng nagbalik at pumuno sa isip n'ya ang lahat. Ang lahat ng mga alaala na dati rati ay paunti-unti lang itong dumadalaw sa panaginip niya at hindi n'ya magawang mabigyan ng kahulugan.

Ngunit ngayon nararamdaman na niya ang katotohanan ng lahat. Kasabay ng labis na sakit at kalungkutan. Ang masasaya sanang mga sandali na iminulat sa kanila ng kanyang Ama.

Ngunit ang lahat ay sinira lang ng isang walanghiya!

Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Salamat na lang sa pandong na gamit niya ngayon.

Ito ang nagsisilbing panakip niya sa kanyang mukha, kaya naman hindi s'ya nag-aalala. Kaya kahit hilam na s'ya sa luha wala na rin s'yang pakialam.

Wala namang makakakilala sa kanya kung hindi rin lang s'ya lalapitan. And who knows kung may mga taga Baryo pa bang makakakilala sa kanya ngayon?

Sigurado malaki ang ipinagbago niya kumpara noong bata pa s'ya at ngayon. Kaya't hindi ganu'n kadali na makikilala s'ya agad ng mga taga Baryo sa isang tingin lang...

"Ineng, ano bang ginagawa mo d'yan, may kailangan ka ba?"

Huh'?

Bigla ang pagsalakay ng kaba sa kanyang dibdib ng marinig ang nagsalita sa kanyang likuran.

Mabilis rin n'yang pinahiran ng kamay ang kanyang mga luha at saglit na inayos ang pandong sa kanyang ulo. Naisip rin niyang kailangan muna n'yang hamigin ang sarili.

Habang matamang nakatingin naman sa kanila ang estranghero sa hindi kalayuan. Tila ba handa ito ano mang oras na kailanganin ito ng dalaga. Dahil nakasunod ang tanaw nito sa bawat galaw nila ng hindi niya namamalayan.

"Bakit ka narito ineng, hindi mo ba alam na bawal ang dayo o estranghero dito naliligaw ka ba?" Handa na sana s'yang lumingon ng muli niyang marinig ang boses ng nagsalita.

Dahilan para saglit s'yang matigilan, pilit rin niyang pina-process sa isip ang timbre ng boses nito.

Dahil hindi s'ya maaaring magkamali kilala n'ya ang boses na iyon at isa lang ang naaalala niyang nagmamay-ari ng boses na iyon!

Dahan-dahan niya itong nilingon at walang pasubali rin itong sinugod ng yakap...

"Tatay Kanor!"

Kasabay rin ng pagkawala ng pag-aalala sa mukha ng estrangherong nagpakilalang Gavin. Tila ba nawalan rin ito ng alalahanin.

Dahil ng masiguro nito na ligtas na s'ya sa lugar na iyon, saka pa lang ito nagpasyang tuluyan nang umalis...

*****

By: LadyGem25

 

He'yooo!

Kumusta kayong lahat?

Narito na po ulit ang ating update na lagi pa ring late! HAHAHAHa

Hope you like it!

Season po ngayon kaya maraming dapat gawin. Hindi nmn p'wedeng isulat lang natin ang karugtong. S'yempre nid pa rin na siguraduhin na magugustuhan n'yo ito.

Kaya guys push lang ang pasensya!!

Again...

Maraming salamat sa inyong suporta!

VOTE, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS. PLEASE!

GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

MG'25 (12-20-20)

LadyGem25creators' thoughts
Chapitre suivant