webnovel

AFTER THE RAINBOW'S GONE 1

Nagkaroon ng malaking sunog sa Baryo nadamay pati na ang mga pananim nilang mais. Kung kaya hindi siya nakaalis upang lumuwas ng Maynila.

Kinailangan kasi ang tulong niya sa Baryo. Bukod pa sa malaking pera din ang nawala sa kanila. Iyon pa naman ang inaasahan niya panggastos sa enrollment ng mga anak niya sa pasukan.

Kaya minabuti niyang h'wag na lamang tumuloy, malaki rin kasi ang magagastos niya sa balikang pagb'yahe. Maaari na iyong pambili ng mga gamit ng mga anak niya sa eskwela.

Pero mukhang minamalas pa yata sila magagamit pa nila ang naipon nilang pera para sa pag-aaral ng dalawa nilang anak. Halos nasunog kasi ang lahat ng mga ani nilang mais.

Muli na namang lumipas ang mga araw, buwan at taon.

Napagkasunduan na lang nilang mag-asawa na kapag nakatapos na si Amanda ng High School sa Manila na mag-aaral ang dalawa nilang anak. Tutal naman nasa 3rd year high school na si Amanda at graduating na ito next year.

Balak nilang ibenta na lang ang bahay at lupa at sa Maynila na sila maninirahan at magsisimula ng panibagong buhay.

Muli na naman siyang nangako sa sarili. Pangakong kahit ano pa ang mangyari babalik siya ng Maynila kasama ang kanyang mag-iina. Kahit hindi pa nila maibenta ang lupa.

Pero dahil na rin sa panggugulo ni Anselmo mas napabilis lang ang plano nilang pagbalik ng Maynila.

Lalo na at nalaman nila na ito rin ang gumawa ng sunog sa Baryo. Dahil sa kagustuhan nitong mabili ang kanilang lupain na mahigpit naman niyang tinutulan.

Mas nanaisin pa niyang ipamigay na lang ang lupang ito sa iba. Kaysa mapunta na naman sa mga kamay ni Anselmo. Hindi siya makakapayag, kapag nasa Maynila na sila saka na lang niya aasikasuhin ang pagbebenta nito. Iyon ang binuo niyang plano.

Labis man ang galit na kanyang nararamdaman kay Anselmo. Pilit pa rin niyang pinakalma ang sarili. Para sa ikabubuti at katahimikan na rin nila.

Dahil na rin ito sa kahilingan ni Annabelle na umiwas na lang sila sa gulo at lisanin na lamang nila ang Sta. Barbara.

Kaya ipinagbilin na lang nila ang kanilang lupa at bahay sa mga naiwang kaanak ni Annabelle at agad agad na silang naghanda para sa kanilang pag-alis ng araw na iyon...

"Naayos n'yo na ba ang lahat ng gamit natin, baka may maiwan pa kayong mahalagang bagay. Ang mga gamit n'yo sa school okay na ba?"

"Opo Papang okay na, h'wag na po kayong mag-alala."

"Ang ate Amanda mo naayos na ba ang gamit niya? Sana sinabi n'yong bumalik siya agad pagkagaling niya sa school. At saka may dala ba siyang payong umuulan sa labas ah? "

"Opo!"

"Bakit ba masyado ka yatang tensyonado mahal? Kung kailan naman aalis na tayo saka ka pa nag-aalala."

"Ewan ko ba para kasing kinakabahan ako kanina pa, hanggang hindi yata tayo nakakaalis ng Sta. Barbara hindi mawawala ang pangamba ko."

"H'wag ka na kasing mag-alala makakaalis din tayo dito."

"Kung sunduin ko na kaya ang anak mo. Baka kasi dumating na si Kuya Abner dala ang jeep na maghahatid sa atin sa pantalan."

"H'wag na baka pauwi na rin 'yun magkasalisi pa kayo? Hintayin na lang natin kailangan lang kasing makuha ang form 138 nila ni bunso. Para hindi sila mahirapan sa pagtransfer para hindi na rin sila kailangang bumalik dito."

"Sabagay nga..."

"Papang huminto na ang ulan..." Nang bigla na lang itong mapasinghap bago pa ito muling nakapagsalita. "Papang tingnan mo may Rainbow sa labas ang ganda!" Mangha nitong saad.

Agad naman silang dumungaw sa labas upang tingnan ang sinasabi nito.

Isang makulay at napakagandang Bahaghari ang nasilayan ng kanyang mga mata. Ito na yata ang pinaka-magandang Bahaghari na nakita niya sa buong buhay niya.

Tila naging hudyat rin ito ng pag-asa upang saglit na gumaan ang bigat sa kanyang dibdib. Parang nakahinga siya ng maluwag.

Subalit...

"Darius, Darius!"

"Mang Kanor bakit ho, humahangos kayo?" 

"Papunta na rito si Anselmo, hindi na niya kayo dapat abutan pa dito. Mabuti pa madaliin n'yo na ang pag-alis. May nakapagsabi sa akin na alam na ni Anselmo na babalik na kayo ng Maynila."

"Ano ho! Pero si Amanda hindi pa ho dumarating nasa school pa..."

"Mabuti pa mauna na kayong umalis, ako na ang bahala na maghintay kay Amanda dito at maghatid sa kanya sa pantalan. Hintayin n'yo na lang kami sa daungan. Sige na kailangan n'yo nang umalis! Pinapunta ko na rin dito si Abner parating na 'yun!"

"Sige po Mang Kanor kayo na po sana bahala dito sa bahay. Hindi ko po alam kung kailan pa kami makakabalik dito o kung hindi na? Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng kabutihan nin'yo sa akin at sa pamilya ko."

"Walang anuman anak, ang mahalaga ligtas kayo at sana wala ng Anselmo na gugulo pa sa inyo doon. Para naman maging tahimik at panatag na ang maging buhay n'yo sa Maynila."

"Sana nga po Mang Kanor, kapag po dumating si Amanda dito ipahatid n'yo po agad siya sa pantalan doon na po kami maghihintay. Sana nga po masalubong na namin siya sa daan." 

"Oo sige na... Narito na rin si Abner."

Matapos nilang isakay ang mga gamit sa Jeep agad na nagpaalam at umalis. Minsan pa niyang pinagmasdan ang bahay at lupa na bunga ng kanyang pagpapagal ng katawan.

Kung saan naranasan niya ang magbungkal ng lupa habang nasa ilalim ng sikat ng araw.

Dito naunawaan niya kung paano mabuhay sa sarili mong dugo't pawis na dati'y marinig man niya ang mga salitang iyon hindi niya alam ang kahulugan.

Ang kagandahan lang, dito rin siya natutung mangarap hindi lang para sa kanyang sarili. Higit sa kanyang asawa at mga anak. Kaya masakit man sa kanya ang iwan ang lahat ng ito. Kung para naman sa kabutihan ng kanyang pamilya. Handa na niyang balewalain ang lahat.

Mula sa malayo tanaw niya ang kanilang munting kubo na yari sa matandang kawayan. Kaya naman pinatatag ito ng panahon. Ito rin ang pinagsama-samang kabutihan at malasakit ng mga taga Baryo at dating tauhan nila sa Hacienda.

Ang mga ito ang nagtulong tulong upang mayroon silang masilungan ng araw na umalis sila ng Hacienda. Ito ang naging kanlungan at tahanan nila sa loob ng walong taon at labing limang taon nang pananatili niya ng Sta. Barbara.

Kung iyong pagmamasdan mula sa malayo. Para itong nasa dulo ng Bahaghari na hanggang ngayon nakikita pa rin sa kalangitan ng mga oras na iyon at hindi pa rin nawawala na tila ba hinihintay pa silang umalis.

Malapit na sila sa bayan ng masalubong nila ang isang taga Baryo na kaklase rin ni Amanda.

"Sally, nakita mo ba si Amanda?"

"Umuwi na po kasabay ni Cielo sakay ng tricycle ng Tatay niya sa shortcut po yata sila dumaan."

"Hindi ba doon dumadaan ang mga taga Hacienda?"

"Oo pero naroon naman si Mang Kanor kaya ihahatid naman siya sa pantalan, kaya doon na lang natin sila hintayin."

"Hindi maaari!" Bigla niyang naisip ang kalagayan ng anak.

"Ibaba mo ako sasakay na lang ako ng tricycle tumuloy na kayo hintayin n'yo na lang kami sa pantalan. Babalikan ko lang si Amanda."

"Pero Darius?"

"A-anong ibig mong sabihin babalikan? Darius delikado na kung babalik ka pa. Baka ikaw naman ang makita ni Anselmo."

"Mag-iingat naman ako, hindi niya maaaring makita si Amanda at alam mo 'yan! Hindi ko siya hahayaang makita ang anak ko."

"Pero Darius delikado na kung babalik ka pa! Baka hindi pa matuloy ang alis n'yo kapag nagkita kayo ni Anselmo."

"Tama si kuya Abner, hayaan na lang natin na si Mang Kanor ang maghatid kay Amanda."

"Hindi pwede, baka kung anong gawin niya kay Amanda. Hindi ko hahayaan na masaktan niya pati mga anak ko. Kaya sige na ihinto mo na ako d'yan!"

"Papang sasama ako!"

"Hindi pwede anak sumama ka na lang sa Mamang mo. Hintayin n'yo kami ng ate mo sa pantalan. Sige na dito na lang ako!" Mabilis siyang bumaba at sumakay ng tricycle pabalik ng Baryo.

________

"Dito na lang po ako, salamat po kuya..." Deretsong pumasok si Amanda sa loob ng kanilang bahay. "Mamang, Papang! Narito na po ako..." Subalit wala isa mang sumagot. "Huh!" Wala siyang nakitang tao sa bahay at parang wala na rin ang mga gamit nila.

Mga gamit na dadalhin nila pag-alis. Bigla siyang kinabahan, bigla niyang naitanong sa isip... Iniwan na ba siya ng kanyang Mamang at Papang?

Pinangingiliran na siya ng luha ng maisip na sa likod bahay siya dumaan pababa. Dahil baka naroon ang kanyang Papang? Sigurado siyang hindi siya iiwan nito.

"Papang..."

Sobrang katahimikan lang ang bumungad sa kanya pagdating sa likod bahay. Pero nagpatuloy pa rin siya sa paghahanap kahit palakas na ng palakas ang kanyang kaba. Alam niyang hindi siya iiwan ng kanyang Papang tiwala niyang pampalakas loob sa sarili.

Maya maya ay bigla na lang siyang nagulat sa magkakasunod na putok ng baril.

Dahil naramdamang takot at pagkagulat, kaya hindi na rin niya napigilan ang mapatili...

Subalit walang boses na lumabas sa kanyang bibig. Dahil sa taong bigla na lang tumakip sa kanyang bibig gamit ang malaki nitong kamay. Alam niyang hindi ito ang kanyang Papang. Dahil kabisado niya kahit ang amoy nito.

Kaya nagpilit siyang pumalag pero mahigpit siya nitong pinipigilan at lalo pang diniinan ang kamay sa kanyang bibig.

Patuloy siyang nagpumiglas kaya napilitan itong magsalita kahit pabulong. Dahil marahil sa takot nitong makagawa sila ng ingay. 

"Anak ang Tatay Kanor mo ito h'wag kang maingay at baka marinig nila tayo!" Ingat na ingat nitong saad sa mahinang boses. Habang unti-unti rin nitong niluluwagan ang kamay sa kanyang bibig.

"Tatay Kanor!" Napayakap na lang siya dito at napaiyak. Tila ba bigla siyang nakakita ng kakampi sa katauhan nito.

"Kailangan na nating makaalis dito hinihintay na tayo ng Papang at Mamang mo. Naroon na sila sa pantalan."

Subalit isa na namang putok ng baril ang kanilang narinig. Bigla silang napatigil sa pagkakataong iyon hindi lang putok ng baril ang kanilang narinig.

Dinig na rin nila ang boses ng nagpaputok nito...

"Darius! Lumabas ka riyan, nababahag na ba iyong buntot kaya gusto mo na akong takasan, Darius akala mo ba makakatakas ka, ha!"

"Sino po siya Tatay Kanor, bakit hinahanap niya ang Papang"

Tanong niya sa mahinang boses.

"Wala isa siyang masamang tao hindi mo na siya dapat pang makilala."

Bang...

Bang!

Bigla na naman itong nagpaputok kaya bigla na naman silang napahinto...

Iyon ang sandaling inabutan ni Darius ng malapit na ito sa kanilang bahay. Bigla tuloy itong napababa sa sinakyang tricycle. matapos iabot ang bayad.

Napabilis ang lakad nito palapit sa kanilang bahay. Lakad, takbo na ang ginawa nito habang puno ito ng kaba.

Nasa isip ang kalagayan ng anak, dahil sa samu't-saring pangitain sa kanyang isip na posibleng mangyari.

HAYUP KA ANSELMO... H'WAG KANG MAGKAKAMALING GALAWIN KAHIT ANG DULO NG BUHOK NG AKING ANAK DAHIL MAPAPATAY KITA! DEMONYO KA...

Galit at matatag na bulong niya sa sarili...

Habang halos patakbo na niyang binabagtas ang daan patungo sa kanilang bahay. Wala na siyang pakialam kahit ano pang gulo ang kanyang kahantungan.

Basta masiguro niya lang na ligtas ang kanyang anak. Gagawin niya ang lahat masiguro niya lang na hindi ito malalapitan ni Anselmo.

Hindi!

Dahil mamatay muna siya bago mangyari iyon!

Saglit siyang tumigil at umikot sa gawing likuran.

Marami ang mga tauhan ni Anselmo ang nakakalat sa loob ng kanilang bakuran. Pero tila tulad ng iniwan nila kanina walang nabago. Ibig sabihin nu'n kararating lang ng grupo nila.

Wala ring bakas na narito si Amanda kasama na ba siya ni Mang Kanor? Nasaan na kaya sila, baka papunta na sila ngayon sa pantalan. Sunod-sunod na tanong sa kanyang isip.

Dahan-dahan at maingat siyang kumilos upang hindi makalikha ng ingay. Kailangan na niyang makaalis sa lugar na ito bago pa siya mamalayan nila Anselmo.

Tatalikod na sana siya upang umalis, subalit...

"Huh? Ang Papang, Mang Kanor ang Papang!" Nasundan naman ito ng tingin ni Mang Kanor.

Ngunit ang sumunod na pangyayari ay hindi na nito nagawang pigilan. Nang bigla na lang sumigaw si Amanda upang tawagin ang ama nito...

"Papang!"  

"Huh?!"

*****

By: LadyGem25

Hi Guys,

Kumusta kayo? Tulad ng pangako ko nandito na ang kasunod na updated. Kahit medyo na-delay ng konti.

Pero sana nagustuhan n'yo at na-enjoyed ang pagbasa sa chapter na ito.

Again salamat sa inyong suporta!

Until next chapters...

KEEP SAFE EVERYONE AND GOD BLESS! ?

SALAMUCH!❤️❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts
Chapitre suivant