"Hindi na ba natin hihintayin si Daddy na bumaba?" Saglit na natigilan si Angela sa tanong ng anak.
Sa kanyang palagay unti-unti nang nakukuha ni Joaquin ang tiwala at pagmamahal ng kanyang anak. Pero bakit ba siya nakakaramdam ng pag-aalala?
Saglit pa silang nagkatinginan ni Liandro pero siya na rin unang nagpaliwanag sa anak.
"May ginagawa pa kasi ang Daddy mo anak. P'wede mo rin namang sabihin na lang sa kanya mamaya pagkatapos nating kumain. Kaya sabihin mo na lang muna kay Lolo mo, okay?"
"Sige po..." Nakangiting humarap muna ito sa abuelo bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Lolo, alam mo ba sabi ni titser very good daw ako..." Saglit pa itong dumikit kay Liandro at kunwari bumulong. "Kasi ako daw ang first honor, Lolo!"
"Ohh! Talaga ba?" Nakangiting bumaling muna ito ng tingin kay Angela at muli rin na ibinalik ang tingin sa apo. "Wow! Good work Iho ang galing... Ang husay ng apo ko." Tuwang tuwang pahayag nito.
Pagtingin nito sa kanya, tinanguan naman niya ito bilang pagsang-ayon.
"Kaya pala nagluto ng paborito mong cake ang Mama mo!"
"Si Mama din po Lolo honor din, di ba... Mama?" Baling naman nito sa kanya.
"Totoo nga ba Iha?" Tanong nito.
"Kaya lang hindi naman po ako ang nangunguna na tulad ng apo n'yo." Nakangiting paliwanag niya.
"Hindi importante kung ikaw ang nangunguna o nahuhuli, Iha. Ang mahalaga ginawa mo ang best mo para maging magaling sa klase. Good work Iha! Manang tingnan mo, ang gagaling ng mga alaga mo!" Tuwang sambit nito at lumapit pa ito sa kanila at niyakap silang dalawa ni VJ.
"Naku oho ser, nakakatuwa naman!" Magkadikit pa ang mga kamay na sabi ni Nanay Sol.
"Ang galing n'yong dalawa, sayang at wala dito si Joseph. Siguradong matutuwa 'yun!" Sabi nito. "Sandali nasabi n'yo na ba kay Joseph ang tungkol dito?" Pahabol na tanong pa nito.
"Balak ko pong sabihin sa kanya pagbalik niya dito uuwi naman po 'yun agad. Baka po bukas lang nandito na 'yun?" Aniya.
"Ang alam ko may gaganaping event ang Tita Madi n'yo ngayong araw e'... Ang sabi ko sila na lang ang pumunta total naman ay naroon na sila."
"Opo Pa... Nabanggit niya nga sa akin nu'n isang araw. Tatawagan ko na lang po siya mamaya para kamustahin."
"Mabuti pa nga, itanong mo na rin kung natuloy sila." Sabi nito.
"Opo Pa... Sandali kukunin ko muna 'yung dessert natin!"
"Ako na Iha, maupo ka na lang d'yan!" Agaw naman ni Nanay Sol.
"Sige po!"
"Yehey! Kakain na kami ng cake." Tuwang sabi naman ni VJ.
"Ginawa talaga ni Mama mo 'yan cake para sa'yo Iho kasi magaling ka!" Sabi nito habang ibinababa na ni Manang Sol ang cake sa ibabaw ng mesa.
"Opo Papz kasi sabi ni Mama kanina gagawan niya ako ng cake kasi very good ako."
"Kasi very good ka naman talaga!"
"Mama... Very good din kaya ako kapag sinabi ko kay Daddy?"
Saglit siyang napabuntong hininga dahil sa tanong nito. Sasagutin na sana niya ito nang maunahan siya ni Liandro sa pagsasalita.
"Bakit hindi mo subukang sabihin ngayon sa Daddy mo Iho? Why don't you go upstairs? Bring him this sweet dessert and eat this cake together. Then tell him about it." Mungkahi nito sa apo.
Namilog naman ang mata ng bata sa narinig. Saglit pa itong tumingin sa kanya na tila ba nagtatanong.
Nakangiting tinanguan naman niya ito bilang pagsang-ayon sa magandang ideya ni Liandro.
"What are you waiting for, buddy? Go na, hurry up!"
"Saglit ihahanda ko 'yun cake." Saglit siyang kumuha ng tray na lalagyan ng cake na dadalhin nito.
"Mama, hindi mo ba ako pwedeng sasamahan?" Tanong pa ulit nito.
Saglit muna siyang napalingon kay Liandro bago nakasagot. Tumango naman ito ng pagsang-ayon.
"Okay ihahatid kita hanggang sa itaas pero ikaw na lang ang pumasok sa kwarto ng Daddy mo ha? Saka sasaluhan ko pa si Lolo mo dito. Baka kasi ubusan ako ng cake..." Kunwari'y bulong niya dito na ikinatawa naman ng bata. Palihim pa itong tumingin sa Lolo nito bago muling bumaling sa kanya at bumulong...
"Sabagay Mama, matakaw nga si Lolo Papz." Saka ito tumawa ng matunog.
Sabay-sabay pa silang nagtawanan dahil sa sinabi nito
"Lukong bata to ah!" Nakatawang saad ng abuelo nito.
Pagkatapos ng masaya nilang tawanan tuloy-tuloy na silang pumanhik na dala ang dessert.
Pagdating sa tapat ng kwarto ni Joaquin saka lang niya inabot kay VJ ang dala nilang tray. Siya na rin ang kumatok sa pinto.
"Tok, tok!"
"Tawagin mo lang ang Daddy mo sabihin mo papasok ka sa loob sige na!" Mahina niyang saad ingat na marinig sa loob. Pero muli siyang kumatok bago siya lumayo at pumwesto sa puno ng hagdan.
"Tok, tok!"
"Sino 'yan?" Tanong naman ni Joaquin habang nasa loob.
"Daddy ako po ito pwede ba akong pumasok?" Kabado nitong tanong.
"Huh! VJ anak..." Takang bulong ni Joaquin pero nasa isip ang excitement. "Anak ikaw ba 'yan?"
Bihirang lumapit sa kanya ang anak, kanina lang sa Resort nagulat siya ng tawagin siya nito. Pero ramdam niya na galit ito sa kanya kanina hindi lang niya binigyang pansin.
Habang si Angela ay pilit pang nagkubli ng marinig ang boses ni Joaquin. Lumalakad ito pababa ng hagdan habang sinesenyasan si VJ na ituloy lang ang ginagawa.
"Opo Daddy nandito po ako sa labas." Tila ingat na ingat ang bata na mainis ang ama.
"Sandali lang anak!" Dali dali namang inayos ni Joaquin ang sarili pati na ang loob ng kwarto.
Medyo nakainom kasi siya naroon din ang pagkain na dinala ni Nanay Sol na hindi pa niya nagagalaw. Naisip niyang lumagok muna ng juice na naroon para kahit paano matangay ang amoy ng alak sa kanyang bibig.
Kahit paano nahihiya rin siya sa kanyang anak, kahit naman bata pa ito at wala pang kamalayan.
Matalino ito at mausisa na sa edad nito ngayon. Kaya sigurado siyang baka maisipan nito ang magtanong at iyon ang gusto niyang iwasan.
Matapos niyang makita na medyo maayos na ang lahat. Mabilis na siyang lumapit sa pinto upang buksan ito.
"Anak ikaw pala... Halika pasok ka! Ano ba 'yang dala mo, mukhang masarap ah?" Kinuha na nito ang dalang tray ng bata.
Saglit pang tumingin si Joaquin sa paligid hanggang mapako ang tingin sa gawi ng hagdan. Kahit hindi pa niya ito lubos na nakita? Sigurado siyang si Angela ang kasama nito. Lihim naman siyang napangiti sa isiping iyon.
Habang si Angela ay tuluyan ng bumaba ng marinig na nito ang bumukas na pinto at marinig ang pag-uusap ng mag-ama.
May ngiti sa labi na tuluyang na rin siyang bumalik ng kusina.
"Daddy bakit hindi ka bumaba kanina, hindi ka pa rin kumakain
hanggang ngayon?" Inosenteng tanong nito matapos sulyapan ang pagkain n'yang hindi pa rin nagagalaw.
"Busog pa kasi ako anak!"
"Hala! Paano na 'yan? Paano tayo kakain ng cake kung hindi ka pa kumakain? Sabi ni Mama bawal kumain ng dessert kapag hindi pa tapos kumain. Saka sabi din ni Mama masama ang magpalipas ng gutom." Ngayon niya higit na na-realized na malaki talaga ang impluwensya ni Angela sa kanyang anak.
"Tama ang Mama mo anak masama ang hindi kumain. Sige kakain na din ako, sasamahan mo naman ako hindi ba?" Nakangiti na niyang tanong dito.
"Opo Daddy kakain din po ako ng cake pero titiran naman kita hindi ko uubisin, promise!" Sabi nito na nakataas pa ang kamay na tila nanunumpa.
Natawa naman si Joaquin sa ginawi nito.
"Halika nga dito..." Ginulo niya ang buhok ng bata at saka ito hinalikan. "Maupo tayo okay lang ba dito sa ibaba?" Tukoy niya sa sahig. Nagpatiuna na rin siya sa pag-upo sabay tapik sa espasyo sa tabi niya.
"Upo ka na dito sa tabi ko!"
Sumunod naman ito at naupo sa tabi niya. Saglit lang muna niyang inayos ang pagkain sa lapag at bumalik din agad sa tabi nito.
"Okay na kain na tayo, tapos ka na bang kumain saluhan mo kaya ako?" Alok pa niya sa anak bago maganang sinimulan ang pagkain. Bigla siyang ginanahan dahil sa presensya nito.
Pero bigla siyang natigilan ng mapansin na nakatingin ito sa kanya at tila siya sinusuri nito partikular ang kanyang kamay. Bigla niyang naalala may sugat nga pala ang kanyang kamay. Bigla tuloy niyang naitago ang kamay sa kanyang likuran.
"Daddy masakit ba ang kamay mo kaya hindi ka makakain? Gusto mo ba susubuan na lang kita? Sige susubuan na lang kita... Halika!" Agad na kinuha nito ang kubyertos at piniraso nito ang pagkain at kinuha ng kutsara.
Pagkatapos ay itinapat na sa kanyang bibig.
Napanganga na lang siya sa ginawa nito at agad naman isinubo ng bata sa kanya ang kutsarang may lamang pagkain. Bahagya niya itong nginuya kasabay ng hindi niya napigilang pagpatak ng luha.
'Ganito pala ang pakiramdam ng alagaan ka ng iyong anak. Ang sarap sa pakiramdam hindi niya maipaliwanag. Pero napakasaya ng puso niya at pakiramdam...'
"Daddy... Bakit ka ba umiiyak masakit pa din ba ang kamay mo? Gusto mo ba tawagin ko si Mama para gamutin niya ang kamay mo?" Naawang tanong ni VJ sa ama.
"Hindi na anak okay lang ako hindi naman na masakit."
"Sige kain ka na ulit Daddy kapag hindi ka kumain sige ka, hindi 'yan gagaling." Panakot pa nito.
Muli siya nitong sinubuan na patuloy naman niyang tinanggap ang bawat pagsubo nito sa kanya habang pigil ang emosyon.
Maya-maya hindi na siya nakatiis bigla niya itong niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry anak, patawarin mo sana ako kung hindi kita agad natanggap noon... Nagkamali ako nang itanggi kita, pinagsisihan ko 'yun! Promise gagawin ko ang lahat para makabawi ako sa'yo. Mahal na mahal kita, anak."
"Mahal din kita Daddy, pero hindi ko naman intindihan ang nisasabi mo?" Naguguluhan nitong saad.
Lalo pang napahigpit ang yakap niya sa anak dahil sa kawalang muwang nito.
"Okay lang anak h'wag mo na lang akong pansinin. Basta lagi mong tatandaan na mahal kita. Pagpasensyahan mo na lang si Daddy kung hindi kita naalagaan ha?" Paliwanag niya sa anak.
"Opo Daddy, inaalagaan naman po ako ni Mama eh... Saka sabi naman ni Mama lagi kang busy sa work mo kaya hindi mo ako naaalagaan. Pero dahil love mo naman ako, kaya okay lang 'yun!"
"Tama anak, mahal na mahal ka ni Daddy ha!" Masuyo niyang saad sabay halik ulit sa buhok nito.
"Kain na ulit tayo Daddy! Susubuan kita ulit halika..."
"Okay na anak ako na lang ang bahala, para makakain ka na rin ng cake. Basta h'wag mo akong uubusan ha?" Biro pa niya sa anak.
"S'yempre naman po Daddy pero konti lang ha... hihihi!" Matunog na bungisngis pa nito.
"Ang daya!" Natatawa niyang saad.
"Daddy gusto mo ba ng magic kiss? Ikikiss ko na lang ang sugat mo para mawala agad ang sakit. Sabi ni Mama may magic ang kiss!" Inosenteng saad nito.
"Sige nga subukan natin?"
Bigla nga nitong inabot ang kanyang kamay at dahan-dahan itong hinalikan. Saglit pa siyang napapikit ng maramdaman niya ang pagsayad ng labi nito sa ibabaw ng kanyang kamay.
Kakaibang pakiramdam ang kanyang naramdaman parang gusto na talaga niyang maniwala sa magic nito kahit pa naroon pa rin naman ang sakit. Dahil higit pa sa sakit ang pinawi ng halik ng kanyang anak.
"Ano Daddy masakit pa ba?"
"Aba teka... Bakit nawala ang sakit? Hindi na nga masakit ang galing naman ng anak ko!"
"Sabi sa'yo Daddy may magic ako e'... Ang galing ko no? Hihihi..."
"Ang galing nga!hahaha..."
Maya-maya bigla na lang itong tumigil sa pagtawa.
"Hala! May sasabihin nga pala ako sa'yo Daddy!"
"Hmmm, ano 'yun?" Napaisip naman siyang bigla...
"Daddy, top 1 ako sabi ni titser!"
"Wow! Talaga anak?"
"Opo Daddy!"
"Wow! Ang galing talaga ng anak ko manang mana sa'kin ah? Ang galing-galing!"
Masayang masaya siya para sa anak. Muli niya itong hinalikan sa noo at niyakap. Tuwang tuwa naman ito sa kanya.
Hinding-hindi niya malilimutan ang gabing ito sa buong buhay niya. Napakasaya niya ng mga oras na iyon. Dahil hindi niya kayang sukatin ang kaligayahan kanyang nararamdaman.
Especially the words VJ's say a minutes after...
"I love you, Daddy!"
"I love you too, my son!"
That's the reason why his heart's full of love and happiness, before the day is ended...
________
Nagulat pa si Mandy ng magising kinabukasan, tinanghali kasi siya ng gising. Pagtingin niya sa gawi ng bintana mataas na ang sikat ng araw. Nalasing ba siya kagabi kaya hindi na niya alam ang nangyari?
Katunayan ang sobrang sakit ng kanyang ulo niya nang umagang iyon. Pero paano siya nakauwi ng bahay, binuhat ba siya ni Madi? Hindi niya naiwasang itanong sa sarili. Dahil hindi pa rin niya maisip kung paano siya nakauwi ng bahay at narito siya ngayon mismo sa kanyang kwarto!
Nang bigla niyang maalala ang anak...
Sandali nasaan si Kisha? Tanong ng isip niya lalo na nang makita niya ang Yaya nitong si Yolly na naroon din sa loob ng kwarto at kasalukuyang inaayos ang mga damit ng bata.
"Ate Yolly nasaan po Kisha?"
Gulat itong napalingon sa kanya bago nakasagot.
"Nasa ibaba na po ate, inaayos ko lang po ang damit na isusuot ni Kisha mamaya pagkatapos niya maligo." Paliwanag nito.
"Ah' ganu'n ba?"
"Narito na rin po ang almusal n'yo ate... Sabi ni Madam pakainin ko kayo pagnagising at pagkatapos inumin n'yo daw po ang gamot na ito para mawala ang sakit ng ulo n'yo, mainam daw po ito sa hang-over."
Tuloy-tuloy na bilin nito sa kanya bago pa ito nagpaalam na baba.
"Ate iwanan ko na muna kayo dito. Baka kasi kailangan na itong damit ni Kisha?"
"Sige sabihin mo baba na rin ako maya maya lang ha?"
"Opo ate..."
Kahit wala siyang gana pinilit pa rin niyang kumain para lang kahit paano magkalaman ang kanyang tiyan. Kailangan niya kasing inumin ang gamot dahil talagang masakit ang ulo niya baka nga sakaling makabawas ito sa sakit kung iinumin niya?
Kung bakit kasi hanggang ngayon takot pa rin siyang uminom ng gamot lalo na kapag wala pang laman ang tiyan.
Ito kasi ang nakalakihan nila, ang sabi ng Mamang at Papang niya bawal uminom ng gamot kung walang laman ang tiyan.
Kahit pa wala na ang mga ito sa tabi niya hindi pa rin niya magawang suwayin ang mga bilin nito sa kanila. Lalo na ngayon na isa na rin siyang magulang.
Bigla na lang niyang na-miss ang kanyang mga magulang. Dahil sa pagkaalala niya sa mga ito nakaramdam siya ng matinding lungkot. Hindi na niya nagawang pigilan ang emosyon.
"Kasalanan mo ito Amanda... Kasalanan mo ang lahat ng ito!"
Hiyaw ng isip niya habang patuloy ang pagdaloy ng masaganang luha sa kanyang mga mata.
Kasabay nito ang pagbabalik sa isip niya ng mga alaala ng nakaraan...
* * *
By: LadyGem25
Hello guys,
Dahil pare-pareho nating kailangan ang pantanggal ng stressed. Kaya naman sinisikap ko po na patuloy na magsulat at mag-updated.
Kaya sana na-enjoyed n'yo ulit ang pagbasa sa chapter na ito.
Manatili lang po tayo sa bahay at maglibang...
#STAYHOME #STAYHEALTHY
#STAY-ACTIVE AND KEEP SAFE EVERYONE...
GOD BLESS AT HOME PO SA ATING LAHAT...
SALAMUCH! ❤️❤️❤️