webnovel

C-39: The Chances

Kasalukuyan nag-uusap sa Veranda si Joaquin at Russel, katatapos lang kasi nilang mag-almusal. Nakahanda na rin si Russel paluwas ng Manila. Subalit naisip n'yang kulitin muna ang binatang amo.

"Boss, Sigurado ka ba talagang hindi ka na sasama sa akin paluwas ng Manila?" Tanong ni Russel kay Joaquin, kahit pa nahuhulaan na niya kung bakit ganu'n na lang ang ikinikilos nito. Kanina pa kasi niya napapansin na masaya ito at tila naka-plaster na ang ngiti sa labi.

Gusto sana niyang matuwa sa kasiglahan nito ngayon pero kasabay nito nais rin niyang kabahan sa maaaring iniisip nito ngayon. Lalo na at wala dito ang kuya nitong si Joseph. H'wag naman sana itong makaisip ng kapilyuhan.

"Kaya mo na 'yun binigyan na naman kita ng instructions hindi ba?" Sagot naman ni Joaquin dito.

"Pero Boss alam mo namang mas kailangan na nandoon ka. Bakit ba kasi gusto mo pang magpaiwan? Gayung umuuwi naman tayo tuwing weekend. Ngayon nga dalawang beses pa tayong umuwi. Ano ba talaga ang gagawin mo dito?" Pag-uusisa pa nito.

"Sandali nga bakit naman ang dami mo yatang tanong?" Iritado nang sagot ni Joaquin.

"Boss, nag-aalala lang ako sa'yo.. Kung may iniisip ka mang gawin sana pag-isipan mo munang mabuti. Hindi porke wala dito ang kuya Joseph mo, pwede mo na ring gawin ang lahat ng gusto mo!" Paalala pa ni Russel sa kanya.

"Hey! Kung umasta ka parang ikaw ang Nanay ko ah! Pambihira naman, parang lagi na lang akong may gagawing kalokohan sa'yo ah?" Reklamo naman niya kay Russel.

"Hindi naman sa ganu'n, Boss! Medyo kinakabahan lang naman ako sa'yo. Akala mo siguro hindi ko napansin ang malalagkit na tingin mo kay ma'am Angela kanina, no? Habang nasa breakfast tayo kanina kaiba na ang tingin mo sa kanya." Sukol nito.

"So, anong problema du'n? Pati ba ang tingnan siya bawal na rin?" Pauyam niyang tanong.

"Nag-aalala lang ako sa'yo Boss, baka lang kasi pagbalik ko puro pasa na yang mukha mo. Dahil sa katigasan ng ulo mo!"

"Ibang klase tsk,tsk!" Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa sinabi nito. "So iniisip mo talaga na may gagawin akong kalokohan ganu'n ba?"

"Hindi naman sa ganu'n, nag-aalala lang ako sa'yo. Bakit kasi hindi ka na lang sumama sa'kin?" Sabi pa ulit nito.

"Pwede ba umalis ka na nga para namang gagawa ako ng kasalanan. Bakit ba sobrang nag-aalala ka wala naman akong gagawing mali ah?"

"Wala ba talaga, hindi ka naman magpapaiwan dito kung wala kang binabalak gawin e." Salita pa nito, wala talaga itong preno sa pagsasalita sa kanya. Kung minsan daig pa nito ang kanyang ama. Mabuti na lang kabisado na niya ito, alam niyang hangad lang nito ang kabutihan niya.

Pero kung minsan gusto niyang mainis, pakiramdam niya kasi. Parang mas pinoprotektahan nito si Joseph kaysa sa kanya.

"Okay wala naman talaga akong gagawin, gusto ko lang naman kunin ang pagkakataong ito para makasama silang dalawa ni VJ. Dahil sa ganitong pagkakataon lang naman ako libre. Ipagkakait mo pa ba ito sa'kin? Tanggap ko naman na hindi ako ang pinili niya. Pero hindi mo maiaalis sa akin na umasa pa rin paminsan minsan na umasa pa rin na baka magbago ang isip niya at maisipan niyang bumalik sa'kin? Kasalanan ba kung mangyari 'yun? Hindi pa naman sila kasal. Paano kung ako naman talaga ang mahal niya, hindi ba mas maling desisyon na magpakasal siya kay kuya kung ako talaga ang mahal niya?" Mapait niyang saad. Pakiramdam niya kasi hindi tamang pabayaan niya lang ito na manatili sa tabi ng kapatid niya kung hindi siya sigurado na magiging masaya ito kay Joseph.

Napabuntong hininga muna si Russel bago muling nakasagot. Alam niyang makulit si Joaquin at may katigasan ang ulo. Pero may katwiran naman talaga ito, bukod pa sa 'yun din naman ang nakikita niya. Dahil hindi naman maikakaila na mahal din ito ni Angela.

Nagkataon nga lang na mas higit ang pagpapahalaga nito sa pagmamahal ni Joseph. Marahil iniiwasan din nitong magkasira ang magkapatid ng dahil sa kanya.

"Boss, bakit hindi mo na lang kasi subukang magmahal ulit ng iba? Tulad ng dati makipag-date ka ulit sa ibang babae. Anong malay mo baka may naghihintay lang talaga na para sa'yo?" Suhestyon pa nito sa kanya.

"Sira ka ba! Umalis ka na nga.. Tanghali na ano pa ang magagawa mo n'yan, sige na! H'wag mo na nga akong pakialaman, pagbutihin mo na lang ang trabaho mo, okay?" Pagtataboy na nito kay Russel.

"Hmmm, ayaw mo kasing subukan mas mabuti na 'yun kaysa naman sa maghintay ka lang.. nang taong hindi naman para sa'yo." Makahulugan nitong saad.

"Okay sige na, hindi na siya ang para sa'kin at saulado ko na rin ang lahat ng sinabi mo. Hindi ba ako na nga ang dumidistansya sa kanya, para wala nang gulo. Pero sana pabayaan mo naman ako kahit ngayon lang pwede ba? Alam ko naman kung saan ako dapat lumugar at alam ko rin kung ano ang ginagawa ko. Hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong mali. Hindi naman siguro kasalanan kung makita ng lahat na magkasama kami at wala pa rin naman akong nilalabag na batas hindi ba? Kapag sa huli si kuya pa rin ang pinili n'yang pakasalan. Ako na mismo ang lalayo at susundin na kita, maghahanap ako ng iba at makikipag-date kahit kanino, okay? Basta pabayaan mo na lang muna ako ngayon."

Muling napabuntong hininga si Russel sa sinabi ni Joaquin. Kahit paano umaasa ito na hindi naman gagawa ng gulo ang binata.

"Okay! Wala na akong sasabihin alam ko naman hindi ka talaga paaawat." Pagsuko na rin nito.

"Sige na bahala ka na du'n kaya mo 'yan, okay?"

"Ano pa nga bang magagawa ko?" Nagkibit na lang ito ng balikat at tuluyan na ring umalis.

Habang hatid ito ng tanaw mula sa Veranda. Naisip niya ang hindi niya pagsama dito paluwas ng Manila. Lingid rin sa kaalaman ng kanyang Papa na narito lang siya sa bahay. Maaga rin kasi itong umalis kanina at ang buong akala nito kasama siya ni Russel.

Malaki naman ang tiwala niya kay Russel alam niyang kaya na nito kahit wala siya. Kabisado na nito ang trabaho nila bukod pa sa maasahan naman talaga niya ito pagdating sa kanilang trabaho. Kaya hindi siya nag-aalala kahit paminsan minsan na hindi siya nito kasama.

Ang totoo nagpaiwan naman talaga siya, dahil gusto niyang makasama si Angela. Gusto niyang subukang makausap ito ulit matagal na rin na hindi sila nag-uusap ng silang dalawa lang.. Hindi naman siguro ito kalabisan kung naisin niyang makausap ito ngayon. Hindi naman siguro ito pagsira sa pangakong hindi na niya ito guguluhin pa.

Wala naman siyang intensyon na guluhin ito o pahirapan. Hindi lang talaga niya matiis na hindi ito makausap. Oo matigas ang ulo niya makulit, hindi nag-iisip.

Alam din niyang nagiging katawa tawa na rin siya sa ginagawa niyang pagsunod-sunod lang kay Angela. Pero masisisi ba siya ng sino man kung ito ang gusto niya at dito s'ya masaya? Kanina gusto sana n'yang ihatid ito at si VJ. Dahil wala si Joseph na lagi sanang naghahatid sa mga ito.

Hindi nga niya magawang magprisinta man lang kasi, kinailangan rin bigyan niya ng briefing si Russel tungkol sa trabaho nila. Bago ito umalis at lumuwas ng Maynila. Kaya nagkasya na lang siyang tanawin na lang ang mga ito mula sa Veranda. Subalit hindi niya palalagpasin ang maghapon na hindi ito makakasama.

Makakapagtrabaho pa rin naman siya kahit narito siya sa bahay sa pamamagitan ng computer, cellphone at internet mamomonitor pa rin niya ang lahat. Paminsan minsan okay lang na naman na wala ang kanyang presensiya.

Naging kainip-inip man kay Joaquin ang bawat oras. Matiyaga pa rin siyang naghintay.

Hanggang sa maisip niyang magpunta ng Resort at doon na lang magrelax. Tutal nakatapos na siya sa kanyang ginagawa kaya maaari na siyang makapag relax. Siguradong magugulat ang kanyang Papa at magtatanong sa kanya kung bakit narito siya. Mas mabuti kung mamaya na lang din niya ito harapin para mas makapag-isip pa siya ng alibi.

_____

Pagdating sa Resort dahil kabisado na rin siya ng mga guard tuloy-tuloy lang siyang pinapasok sa loob deretso sa parking space na nakalaan para sa pamilya.

Pagbaba niya ng sasakyan binabati siya ng mga staff na nakakakilala sa kanya. Hanggang sa naisip niyang magtanong sa isa sa mga staff ng Hotel.

"Excuse me, may I ask if Angela is here now?" Tanong niya sa kaharap na babaing staff.

"No Sir, baka po after lunch pa siya dumating dito." Sagot ng babae.

"Ah, okay thank you." Muli siyang nagpatuloy sa paglakad upang lumabas ng Hotel. Nasa isip niya ang pagpunta sa diving site.

___

Samantala sa hindi kalayuan isang babae ang napahinto at biglang natigilan pagkakita kay Joaquin habang nagtatanong ito sa front desk ng Hotel.

Ilang araw na rin itong pabalik-balik sa Resort para matiyempuhan ang alin man sa magkapatid na Alquiza. Subalit napakadamot ng pagkakataon.

Paalis na sana ulit ito ngayong araw? Ngunit sa pagkakataong ito mukhang susuwertihin na ito ngayon.

"So, the show must go on.." Bulong pa nito sa sarili at nagpatuloy ito sa paglakad, patungo sa direksyong tinatahak ni Joaquin. Dahil sa abala rin ang isip nito hindi na nito napansin ang parating na babae. Huli na para iwasan pa..

Ang hindi niya alam sinadya talaga ng babae na salubungin siya sa paraang hindi mahahalata ng sino man.

"Ooops!"

"Oh, my..!"

Muntik pa sanang masubsob ang babae kung hindi niya ito maagap na nasalo. Napayakap naman ito paharap sa kanya. Kaya halos magkadikit na ang kanilang mga katawan.

Dahilan rin para magkaharap silang dalawa at magkatitigan. Hindi niya maikakaila ang taglay na kagandahan ng babaing nasa kanyang harapan at ang bango nito na sumisigid sa kanyang ilong.

Subalit tila bigla ring naglakbay ang kanyang isip.. Sa isang pangyayaring bigla na lang nag-flashback sa kanyang utak.

Dahil sa nangyari bigla na lang niyang naalala ang pangyayaring iyon noon sa Venice. Hindi niya malilimutan ang unang araw na nakita at nakilala niya si Miss Rush hour. Naalala pa niyang tinawag siya nitong Kapre.

Hindi tuloy niya napigilan ang mapangiti. Saglit pa siyang pumikit at naglaro sa kanyang isipan ang imahe ng isang babae na laging nagmamadali sa paglakad sa pagitan ng dining at kitchen.

Ang babaing sa tuwing malalanghap niya, amoy matamis na kendi, prosty, icing o kaya ay amoy cupcake. Ang nag-iisang babaing kanyang itinatangi at palagi na lang laman ng kanyang isip. Hanggang sa mga oras na iyon...

Bahagya pa siyang nagulat nang sa muling pagmulat ng mata, ibang babae ang kaharap. Bigla ang pagdaloy ng riyalidad sa kanyang utak at nabalik sa kasalukuyang nagaganap. Tila siya napaso ng maalala niya ang kanilang ayos.

Sumagi sa kanyang isip na ano mang oras ngayon maaaring dumating si Angela.

Awtomatikong nailayo niya ang sarili sa babae, ngunit nanatiling hawak niya ito sa balikat upang hindi ito mabuwal. Naramdaman niyang nagulat ang babae sa kanyang ginawa. Ngunit hindi niya ito pansin mas okupado ang kanyang isip ng pag-aalala na baka makita sila ni Angela sa ganitong sitwasyon. Hindi niya gustong makita siya nitong muli na may kasamang ibang babae. Ang totoo mula naman noon hindi na siya muli pang tumingin sa ibang babae.

As he remembered the last time she saw him with Chloe, that incident causing an accident to both of us. He still remembered that day it happened..

Nasaktan niya ang dalaga at hindi na niya ito hahayaang mangyari pa ulit. Subalit naisip rin niyang itanong sa kanyang sarili. Ano pa ba ang halaga nito sa pagitan nilang dalawa?

Hindi ba mas pinili nila na maghiwalay na lang ng landas? Masasaktan pa kaya ito ngayon? Tulad noon na kahit paano nararamdaman pa niyang mahal din siya nito. Paano kung napatunayan na nitong si kuya Joseph talaga ang minamahal nito at hindi naman talaga siya?

Kailangan na ba niyang sundin ang payo ni Russel ang muling makipag-date sa iba.

Bakit nga ba hindi? Kung nagagawa nitong balewalain siya dahil sa kanyang kapatid. Bakit hindi 'yun din ang gawin niya? Besides, kahit kailan naman hindi naging sila...

'Walang sila!' Daglian niyang nalimutan ang lahat, kahit pa kanina lang panay ang pangako niya sa sarili. 

"Sorry, Mister hindi ko sinasadya pasensiya na!" Paghingi ng paumanhin ng babae na siyang nagpabalik sa kanyang wisyo.

"It's okay kasalanan ko hindi rin kita napansin agad. Pasensiya na okay ka lang ba?" Hingi rin niya ng paumanhin dito at binitiwan na rin niya ito ng masigurong matatag na itong nakatayo.

"Okay lang ako, ikaw okay ka lang ba? I guess you're one of the guest here.. Like me right?" Tanong nito.

"Ah, no! My family owned this place."

"Oh' really, kung ganu'n pamilyar ka pala sa lugar na ito? Can I ask a favor, If you don't mind?" Saad nito na nilangkapan ng matamis na ngiti at sa malambing na tono.

Pakiramdam niya parang kilala na niya ito ngunit wala siyang natatandaan na nakilala na nga niya ang babae. Kaya naman agad rin niyang binura ito sa kanyang isip.

"Is there anything wrong, Mister? Kung ayaw mo it's okay, then I'm looking someone to be with..!" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin pa nito.

"No, Miss It's okay! Tell me, what is it? I mean, you said you want to ask a favor, right?" Nakangiti na rin niyang saad.

"Yes, gusto ko lang sanang libutin ang kabuuan ng Resort kaya lang hindi ako gaanong pamilyar sa lugar. Meron bang p'wedeng mag-tour sa akin dito." Tanong nito.

"So, why you searching another? P'wede namang ako na lang, I'd love to go with you around here. But it's up to you lady, if you want I insist?" Kibit balikat niyang tanong.

"Oh! Really? There is someone's going to help me most.. Bakit ko naman tatanggihan 'yun? But may I know your name first?" Nakangiti ulit nitong tanong.

"Oh! I'm sorry, I forgot. Anyway I'm Joaquin, Joaquin Alquiza. And you are, may I know the name of a beautiful lady in front of me?" Saad niya sa malambing na tono.

"Amanda, I'm Amanda Ramones. But if you want, you can call me Mandy. Just saying, okay!" Kibit balikat nitong saad.

Habang sa isip niya, hindi na masamang pag-ukulan niya ng pansin ang ganito kagandang babae.

Besides wala naman siyang alam na pananagutan sa iba. Ano naman kung makita man siya ni Angela? Hindi ba at ayaw naman nito sa kanya at ito naman ang unang tumanggi sa kanya. 'May pagrerebeldeng bulong pa niya sa sarili.'

"Hmmm.. Nice name, okay Mandy I think we need to eat first." Sabi niya na itinuro pa ang suot na relo.

"Hmmm, good idea! Medyo gutom na nga rin ako."

Kaya magkaagapay na nilang tinungo ang dining hall ng Hotel habang nagkakatawanan.

Pagkatapos nilang maglunch saka sila nagsimulang mamasyal sa paligid ng Resort.

Kahit paano nag-enjoy siya na kasama ang babae. Masaya at masarap din naman itong kausap. Hindi niya maikakaila na naipagkukumpara niya ito kay Angela.

Napansin rin niyang may similarity ito sa huli, habang kausap niya ito. Ngunit may isang bagay rin siyang napansin, ang pagiging reserved nito. Pero ang hindi niya maintindihan isang tao ang naalala niya sa ugaling iyon.

'Si Maru', mukhang nasarapan na yata ang taong 'yun sa bakasyon ah? Pero okay lang walang aali-aligid na espiya. Para kasi itong espiya ng kuya niya kung umasta. Bulong pa niya sa isip.

Dahil sa nag-enjoy talaga siya sa company ng babae, hindi na niya namalayan ang pag-usad ng oras. Hapon na pala at kay bilis ng oras.

Kasalukuyan silang naglalakad sa tabing dagat ng makarinig siya ng pamilyar na boses na tila ba nasa malapit lang ito. At hindi siya maaaring magkamali, boses 'yun ng kanyang anak.

Nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa masumpungan ito ng kanyang mga mata at hindi ito nag-iisa.

Dahil kasama nito si Angela, saglit siyang nakaramdam ng pagkalito. Ngunit hindi na rin niya ito maiiwasan kaya bakit pa siya iiwas? Tanong niya sa sarili.

Kapag ba niyayakap siya ni kuya Joseph umiiwas ba siya, hindi naman di ba? Bulong ng pusong nagrerebelde at nasasaktan.

"Papa!" Narinig niyang sigaw ng anak. Dere-deretso itong lumapit sa kanila.

Kasunod nito si Angela na tila napipilitan lang sa paglapit sa kanila. Subalit wala itong nagawa sa mabilis na pagtakbo ni VJ.

"Papa! Anong ginagawa mo dito at sino siya?" Turo nito sa katabi niyang si Mandy. Nakapagtataka tila marahas ang pagtatanong nito at hindi ito nailang sa kanya ngayon. Anong nangyayari?

"Anak siya si Mandy, say hello to Tita Mandy." Kumbinsi niya sa anak. Saglit pa siyang tumingin kay Angela ngunit agad rin niya itong binawi. Bakit ba hindi niya magawang tumingin ng deretso sa babae, nagiguilty ba siya?

"Hello po?" Sumunod naman si VJ subalit sinundan pa rin nito ng tanong. "Anong ginagawa niya dito Papa?" Tanong nito na hindi inaalisan ng tingin si Mandy.

"Hello, ang cute mo naman baby, Anak mo? Hindi nga maikakaila kamukha mo siya e." Tanong at sagot nito. "What's your name, cutie?"

"I'm Vincent Jared Alquiza at siya

naman po ang Mama Angela ko." Matatas at matatag nitong sagot.

"Mama?' Alanganing tanong ni Mandy.

"Yes! Siya po ang Mama ko... Kaya p'wede po ba? h'wag na po kayong magpapaligaw sa Daddy ko kasi may Mama na po ako."

"VJ!" Nagkasabay pa sila sa pagbanggit sa pangalan nito.

Kung kailangan lang naman ito nagcelebrate ng fifth birthday pero bakit parang doble yata ang itinanda ng idad nito kung magsalita? Nag-aalala ba ang kanyang anak? 

"Oh, I'm sorry?" 'Bwisit na bata ito sisirain pa yata ang diskarte ko?' Bulong naman sa sarili ni Mandy. Hindi niya hahayaang masira lang ang lahat ng dahil lang sa bata.

Nakapasok na siya kaya hinding hindi na siya lalabas.

Kung sakali mang mangyari iyon? Sisiguraduhin niyang hindi siya mag-iisa. Dahil isasama niya ang babaing sinungaling na ito sa harap niya. Pangako ni Mandy sa sarili.

Angela pala ha?

Akala mo kung sinong Anghel, sinungaling naman. Paano ba nito nagagawang titigan siya na parang hindi siya nito kilala? Napaka-sinungaling niya talaga!

"Hey, okay lang ba kayong dalawa? Hindi naman kayo galit sa isa't-isa, tama?"

"Hindi!"

Nagkasabay pang sagot ng dalawang babae.

Hmmm, mukha bang mag-eenjoy pa ako sa dalawang ito ah? Hindi na napigilang ibulong ni Joaquin sa sarili. Habang nangingiti sa kalokohang naiisip...

*****

By: LadyGem25

Hi!❤️

Hayss! pasensya na ulit at now lang nakapa-updated. Super bc lang po talaga!

Maraming salamat sa matiyagang naghintay pa rin nito. Dahil nariyan pa rin kayo?

Sana na-enjoyed nin'yo ang pagbabasa at maraming salamat sa suporta.

Don't hesitate to votes, comments and rates this story. THANK YOU PO!!

SANA ALL? HAHAHAHa

SALAMUCH ❤️

LadyGem25creators' thoughts
Chapitre suivant